jump to navigation

Ready, Set.. Jet! August 23, 2009

Posted by Jorge in Leisure, Random Thoughts.
Tags:
22 comments

Yan ang catchy introduction from their website:

http://jet.samsungmobile.com/

This will be my own personal review for this phone since I have this a month ago (walang mangingialam, toinks!)

sunflower

sunflower

Nde ako gagamit ng mga technical terms para madali lang intindihin besides, nde ko din naman maiintindihan un kung saka-sakali, toinks!! (more…)

Kikoy Kit ni Mantsa August 13, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
31 comments

Akala siguro ni Mantsa na sosyalan ako pagdating sa bag kaya nitag nya ako. Sorry nalang sir at nde talga ako maalaga sa sarili, hehehe..

Nasabi ko nga sa comment nya na nde talga ako nagbbag pagpasok sa work. Sarili ko lang ang dala dala ko, minsan nakakalimutan ko pa, toinks!!

Alam ni Bon at Tina kung bakit. Walking distance lang naman kasi ang workplace ko sa bahay, as in 2-minute walk or 1-minute jog lang. Kaya kung ano man ang kailangan ko, pwede akong umuwi anytime, besides, nde naman mahigpit dito sa company namin, may sarili kaming oras at sarili namin ang mga boss namin, hehehe..

Para sa kaalaman ng lahat, nde ko talaga kailangan ng bag kasi nde nmn ako nagpopolbo at naglolotion, bihira lang akong magpabango (kung may party lang at special occasion), wala akong cologne, toothbrush at toothpaste, alcohol o sanitizer, eye drops at lalong wala akong LUBES kasi nde ko naman pwedeng gamitin yan sa opisina, hihihi.. susko mantsa, nadudumihan ang pag iisip ko sa mga bagay na yan.. kung magtatanong ka kung may condom akong dala, ang sagot ko MERON… nasa wallet, hahaha! toinks! (more…)

Paris in Kuala Lumpur August 12, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure.
10 comments

Matagal tagal din akong nde nakapagpost ng foodie trip. Actually, every weekend, may foodie trip kami, nde ko lang nakukunan ng pictures.

Sa ngaun, ineenjoy na namin ang mga nalalabi kong sandali dito. Halos linggo linggo, super over to the maximum level ang kainan namin. At dahil bago ang phone ko, ataters akong gamitin ang camera nito.

yummy!

yummy!

Yung kulay brown ay ang Fried Soft Shell Crab (Oh di ba, pang tongue twister, hehehe). Yung gulay naman ay ang stir fried vegetables at ang pangatlo ay ang Champange Chicken na may kasamang pakwan, ginamit nila ang pang scoop ng ice cream para maging bola-shape ang mga ito.. how creative?! At ciempre, nde mawawala ang kanin, as in unlimited rice! San ka pa?!

Isa sa mga paniguradong mamimiss ko dito sa Malaysia ay ang mga pagkain. Ang Fried Soft Shell Crab ay ang pinakaspecialty dito, sobrang sarap nito lalo na kapag sinawsaw sa special sawsawan na sila mismo ang nagtimpla.

Kung nagtataka kayo kung bakit Paris in Kuala Lumpur ang title ng entry ko, ito ay dahil sa Paris Restaurant ang name ng karenderya na ito.. hehehe.. isang malaking TOINKS!!

Kulay Yellow na Birthday August 4, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
25 comments

12midnight palang ay nakakatanggap na ako ng mga text messages at tawag galing sa mga kaibigan ko around the world. Siguro nakaalarm sa phone nila ang date na august 1. Ciempre sobrang touched ako sa effort nila at talaga namang nagpapasalamat ako sa kanila.

One month ago, nasabi ko dito na may natanggap na akong regalo galing kay Tina Banana, sobrang gulat ko ng makatanggap ako ng mail galing sa LAur, kasi inaasahan ko talga na one month delayed ang padala nya, hihihi.. Katuwa talaga. Labsyuh parekoi.. At nde patatalo si Boni, 1am palang tumatawag na, akala nya siguro nasa inuman ako, hehehe.. at isa pang overseas call ng 5am para lang sabihin na namayapa na ang dating presidente natin na si Tita Cory.

May mga tumawag ng July 31, akala nila un ang birthday ko, hehehe.. very much appreciated po. Ang daming greetings din sa plurk at facebook. Medyo nahirapan din akong magreply sa mga greetings lalo na kapag phone ang gamit, ciempre ataters parin ako sa paggamit ng phone kasi nga bago kahit may computer sa tabi ko, hehehe…

And speaking of phone, eto ang regalo ko sa sarili ko ngaung birthday ko..

Samsung Jet

Samsung Jet

Pers tym kong bumili ng smart phone. One month palang sya sa market kaya medyo mahal pa. Siguro magpopost nalang ako ng panibagong entry tungkol sa specs nito at sa mga personal comments ko na din. Ang masasabi ko lang sa ngaun, it’s worth the money. Happy birthday sa sarili ko! toinks!! hehehe…

birthday

birthday

Actually, itong pic na to was taken few days before my celebration. Wala kasi akong pictures during my birthday mismo. Sunod sunod kasi ang sked from morning til midnight. Puro kainan kasi. Isa pa, walang foodie pic kasi ang hirap picturan, paisa isa ang serving at gutom na gutom na kami kaya kain agad, wala ng paligoy ligoy pa.

take two

take two

Breakfast sa Old Town Kopitiam, lunch sa Nando’s sa Sunway Pyramid, simba ciempre sa St. Francis Xavier sa jalan gasing, tas seafood dinner sa Klang. Siguro narinig nyo na ung mga foodie trips ko sa mga nabanggit na lugar, pinag isa nalang namin sa isang araw para sa special day ko, hehehe..

It was really one of the best birthdays ever. Spoiled talaga ako sa mga kaibigan ko, kasi alam nilang last birthday ko na ito dito sa Malaysia. Nakakalungkot man, pero ganun talga at naiintindihan naman nila.

Ciempre nde mawawala ang greetings from my beloved family. Sunod sunod ang text messages at tawag galing sa pinas, UK at Saudi.

Hays, ang sarap mabuhay! Thank you Lord for the gift of life. Salamat po sa isa na namang malusog, masaya, mapayapa at mapagmahal na taon na binigay mo sa akin. Nde po maglalaon, makakabawi na din po ako sa inyo. I’ll offer my life to you, very very soon.

Hubodero in Port Dickson! July 29, 2009

Posted by Jorge in Travel.
Tags: ,
37 comments

Matagal ko na dapat itong isulat kaso marami lang inasikaso at mas inuna ko muna ang Health Tag kaya medyo late na ito at isama pa ang pagkakahumaling ko sa Farm Town sa Facebook, as of now nasa level 22 na ako at buhay na buhay ang farm ko, hehehe..

Osya, ang last destination ko ay ang Port Dickson..

P1070168

(more…)

Good Health Tag July 15, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
30 comments

Ipopost ko sana ang laboy ko last weekend nung nagpunta kami sa Port Dickson kaso unahin ko muna ito. Kanina ko lang nadalaw ulit ang bahay ni DFish, isa sa mga idol ko. Sobrang natouched ako sa last part ng entry nya about asking the readers kung sino ang gusto nilang ipagdasal para gumaling, at lalo akong natouched ng isama nya ang sister ko sa top 3 list nya. Salamat po talaga idol. Godbless you.

Bigla akong napaisip. Bakit nde natin gawing tag ito, di ba? Kung ang mga kalokohan at kung minsan mga walang wentang tag eh pinapatulan natin, bakit nde natin ito gawin? Bakit nde natin isulat ang ating top 3 list of people who we wish good health?

Dagdagan na natin, make it top 5.

I will start this tag. I-revise at dagdagan pa natin ng konting rule. Simple lang.

1. List 5 person who we wish to have good health. Pwedeng miyembro ng pamilya na may sakit, kamag-anak o malapit na kaibigan. Pwede ding mga taong nde nyo masyadong ka-close pero humihingi ng prayers sa inyo.

2. Mag offer ng prayer para sa kanila. Pwedeng personal prayer, rosary o pag aalay ng misa.

3. Mag tag ng kahit ilang tao. Mas marami mas maganda, mas maraming magdadasal. Simple lang di ba?

Ito ang top 5 list ko:

1. Ciempre ang sister ko. I really pray she will get well soon.

2. Ang pamangkin ni Bon na si Baby Eman.

3. Ang Baby boy ni Julius na si Baby Justin.

4. Kaibigan ko sa blog, si Honey Reyes.

5. Ang lahat ng mga nasa hospital ngaun na nasa bingid ng kamatayan.

 

Ang mga itatag ko ay sina:

Bon

Tina

Bro. Utoy (nakalimutan ng may blog sya, hehehe)

Rev. Siopao (inaamag na ang blog, hehehe)

Honey

Ang lahat ay pwedeng gumawa nito kahit nde kayo kasali sa tag. Let’s pass the kindness, let’s pray for those who needs it.

Godbless!

Speaking of birthdays July 1, 2009

Posted by Jorge in Food.
23 comments

Konting paglilinaw lang po dun sa huling entry ko. Medyo matagal pa po ang birthday ko actually. Sa August pa po. Si Tina po kasi eh kilala sa pagiging certified late kaya inaasahan ko na pong late ang birthday card nya. Nagulumihanan at nagulantang ang mundo ko ng dumating ang pinakasweet na birthday card na matatanggap ko (future tense) at may nakaipit pang piratang DVD nila Piolo at Angel, eh sino ba nmn ang nde matutuwa dun di ba? ahehehe.. Un nga lang, hang corny pala ng movie na un, hihihi.. no offense sa mga fans pero may gusto ko sila dun sa LOBO, dun ako talga naadik eh.. hehehe..

Osya, speaking of birthdays. First week of June ko pa talaga sana ito ipopost kaso tinamaan ako ng sakit na ‘katam’ kaya ngaun ko lang maipopost. Birthday ng chinese friend ko na si Adrian, ung medical doctor from Penang. Dahil sa nde sila marunong magluto, ciempre kain sa labas kami ulet. Pero this time, sa social na resto naman kasi nga birthday celebration. 

 

Ako at ang aking pagkain

Ako at ang aking pagkain

Di ba sa atin, kapag ikaw ang celebrant, responsibilidad mong ilibre ang mga kaibigan mo? Di ba minsan wish mo na konti lang ang dumalo para konti lang ang babayaran mo? hehehe.. Dito, iba ang kultura. Ang birthday celebrant ang nililibre! Ang mga dumadalo ang nagsshare share para sa bill. Mas maganda ung idea na un di ba para maging masaya ka sa birthday mo. Kasi kung ikaw ang maglilibre, iisipin mong sana wag ka nalang mag birthday di ba? Bukod sa tatanda ka na, magbabayad ka pa.

 

lobster

lobster

Ang inorder ko ang baked lobster ek ek, ang haba kasi ng name pero baked lobster nga sya na may kung ano ano pang nakadagdag. Sa unang tingin parang kokonti pero muntik ko ng nde maubos, ang dami din pala at ang bigat sa tyan. Nde kasi ako sanay kumain sa mamahaling restaurants eh, toinks!!

Watch this video:

Cute ba? Sige kukunan ko sya ng pictures at magkukwento ako tungkol sa kanya next week.

Ciao!

Advance Happy Birthday to me! June 29, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
25 comments

Ang saya ko today kasi nakatanggap ako ng sulat from Teentoinks! Isang birthday card at may nakaipit na DVD ng Love me Again nila Piolo at Angel. Wahahaha! Nagulat talga ako kasi nde ko ineexpect na tutuparin ni parekoi ang aking wish. Naks!! Thanks parekoi, labsyuh!

Nde lang un, ang ganda pa ng message ng card. Sabi nya sakto daw itong message na to para sa akin. Medyo mahaba pero worth reading..

If you ever need some extra encouragement. If you would like to be reminded once in a while that you’re so special. I want you to remember this and I hope it brings you a smile. Never forget what a treasure you are. Try to realize how important you are in the eyes of my world. No matter where you go, my hopes and my heart travel beside you every step of the way. And I know even though difficulties come to everyone, it isn’t fair when they hang around longer than they should. If I could wish the clouds away, the welcoming breeze of a brand new day would warm your life right this very minute. But until a new day comes along..

I know that you’ll always be strong enough to see things through. I have so much faith in you. I know how much strength and courage you have inside. I know you can find all the patience it takes. You can turn to the times in the past when challenges were met, when you survived, when you were rewarded with success and when you learned to believe in so much within you. You have so much going for you and I know that you’re going to see your way through anything that comes along. I know that brighter days are going to find a way to shine in your windows and chase away any blues. And of all the things I am most certain of.. I know that no one deserves more smiles, success, friendship or love.. than the special person I see every time I look at you.

Hang in there, everything’s going to be okay.

Astig di ba? Thank u ulet parekoi! Bwarks!

Something New June 24, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
37 comments

Cencia naman, alam kong inaamag na ang blog ko. Ang tagal ko na ding nde nakapagsulat.

Madami akong excuses at palusot kung bakit nde ako nakakapagsulat…

1. Tinamaan ako ng sakit na ‘Katam’ in short for Katamaran, ahehehe… Sa lahat ng bagay tinamad ako. Pati sa paglilinis, paglalaba, pag aayos ng mga damit, ng mga files sa notebook at kahit sa personal hygiene tinamad din ako (pero naghuhugas parin naman ako, hehehe). Isama nyo na dyan ciempre ang pagsusulat sa kahit anong forms, sa journal, sa blog, sa facebook, sa dingding..

2. Sobrang bagal ng internet lately dito sa amin. As in pati email ko nde ko mabuksan. Kaya puro nood nalang ako ng movies at tv series. Kaya din bihira akong magblog hop (kinatamaran ko na din, hehehe). Sa office nalang ako nagffacebook at nagddownload ng podcast ni Bluep.

3. Lagi jam packed ang aking weekends. Marami akong foodie trips at laboy na walang pictures. It’s either nakalimutan ko ang camera ko (at masyadong malabo naman ang kuha kapag camera phone ang gagamitin ko) o masyadong mabibilis ang pangyayari, ubos na ang food kapag naaalala kong may foodie blog nga pala ako, hehehe…

4. Kasama na din dun ang mga seminar na inattendan ko last weekend na magpapabago sa buhay ko.. Dear ate charo..

5. Nagkasakit ako ng tunay (nde katamaran) at ilang araw din akong nde nakapasok sa work. Akala ko nga h1n1 na eh, salamat sa Diyos at tonsillitis lang at gumaling din agad. Un nga lang, ang hirap magkasakit lalo na kapag nag iisa at nasa ibang bansa. Just imagine, tumitirik ang mata mo sa taas ng lagnat pero kailangan mo paring magluto ng soup para sa sarili mo. Kailangan mong palitan ang bimpo sa noo mo kasi tuyo na sa sobrang taas ng lagnat mo. Kailangan mong hilahin ang sarili mo sa banyo para sa hot bath. Kailangan mong pilitin ang sarili mong kumain kahit wala kang gana at nasusuka ka na. Mga ganung bagay lang naman, hehehe..

6. Nabababad ako sa facebook (dito sa office), sa umaga, pag upo sa table, nde email ang unang binubuksan kundi ang facebook. Tinitingnan kung ilan ang pwedeng iharvest sa Barn Buddy at kung pwede na ding nakawin ang mga tanim ng mga kaibigan mo. Kasabay ng pagttrabaho sa umaga ang pagttrabaho ng mga tauhan mo sa Restaurant City, kailangan nilang kumayod para dumami ang ipon mo. Kaso kailangang alagaan para nde sila mapagod at magrally. Sa sobrang dami ng applications at laro sa facebook, nde ko namamalayan ang oras, lunch break at uwian na pala!

7. Isa ko pa ding pinagkakaabalahan ngaun ang twitter. Nde ko na ieexplain kung anong klaseng social networking ang twitter kasi matatanda na kayo. toinks! Kung may account kayo dun at isa kayo sa mga nahuhumaling dun, i-follow ko kayo at follow nyo din ako para masaya ang buhay.. hehehe.. Search nyo nalang ang full name ko (Jorge Santiago Jr.) tas add nyo nalang ako. Ok?

Uhmm.. ano ano pa bang excuses? 

Intayin nyo nalang ang next laboy trip ko. Me and my friends are planning to Port Dickson this weekend. I’ll write something about it and post pictures as soon as possible.

Ciao!

888 May 20, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
47 comments

Konting info lang.. Lam nyo ba na ang 888 ang pinakaswerteng number para sa mga tsekwa? Un lang.. toinks!

Natag ako ng marami ng beses tungkol dito sa 888 na ito at ang latest ay si Bro. Utoy, madami na akong utang na tag na nde ko na talaga mabayaran, in short, lubog na ko sa utang, toinks!

Osya kalabasa, eto na ang 8 things ek ek na kailangan nyong malaman:

8 Things I Look Forward to:

1. I’m supa hexcited for the seminar on June, kakatanggap ko lang ng invitation thru email, hehehe..

2. Pagkain namin sa labas ngaun, kasi gutom na ako. Bonding daw ulet ng mga officemates ko, as if kakakain lang namin last week. Toinks!

3. Matapos kong basahin ang mga aklat na binabasa ko, meron pa kasing 4 books nakapila.. Hang sakit sa ulo pero super sulit naman.

4. Photoshoot this coming weekend. May pinopromote kasi akong t-shirt, hehehe.

5. To watch the much anticipated movie, TRANSFORMER! Bwahahaha!

6. Pag-uwi ko ng pinas sa October! Yahoo! Google! Friendster! Facebook!

7. Dumating na kapalit ko dito sa work para masimulan na ang training.

8. Makapunta sa Langkawi, maybe next month ang sked namin ng laboy.

8 Things I did Yesterday

1. Pagpasok sa work, open email at facebook, laro kay notiboi at visit sa mga pet soc.

2. Kumain ng lunch.

3. Nagluto ng nasi goreng (fried rice) para sa dinner ko.

4. Nagsulat sa kabilang bahay ko, sa wakas naipost ko na din ung entry ko dun after 10years.

5. Nagbasa ng books at nagchat ng konti.

6. Konting buhat ng weights with push ups.

7. Linis ng room.

8. Pray muna bago natulog.

8 Things I wish I can do

1. I wish I can sing. I need this badly lalo na pag uwi ko ng pinas, panigurado kakanta ako dun. Baka nmn pwede nyo akong turuang kumanta, puleaase!!

2. I wish I can be a good writer. Messy kasi akong magsulat, walang patutunguhan. At sana maraming mainspire sa sulat ko nde dahil sa mga nakapost na pictures na hubo.

3. I wish I can update my knowledge about the latest technologies. Dahil sa work ko ngaun, nahuli na ako sa mga bagong gadgets and stuffs.

4. I wish I can swim. Kahit langoy aso kasi nde ako marunong. Kahit beach lover ako, hanggang paghuhubo lang kaya kong gawin, kapag nalunod ka sa tubig, cencia na nde kita masasagip.

5. I wish I have super powers. Ung tipong pang x-men, wolverine na cyclops! Astig!

6. I wish I can help the needy. 

7. I wish I can be a photoshop prodigy. Kakatiting lang kasi alam ko sa photoshop, gusto kong maging ala Deke McClelland sa paggamit ng Photoshop at Illustrator.

8. I wish I can visit my family in just a simple click. Ang layo kasi namin sa isa’t isa.

8 Favorite TV Shows

1. How they do that

2. How’s its made

3. ER and The Nanny (may replay kasi dito nun)

4. CSI

5. Lobo. Sa youtube ko lang napanood. Ang kauna unahan at kaisa isahang teleserye na nagustuhan ko. Wag kayong magulo.

6. Sergeant Keroro

7. American Idol

8. Boston Legal

 

Ayun, natapos din, hahaha.. Coolness din pala itong tag na to.. Wala akong itatag para matigil na tong chain letter na to, bwahahaha!!

Godbless everyone!