jump to navigation

Jalan Jalan with Eric October 29, 2008

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback
Naku, napagod ako today kakaedit ng blog ko. Akala ko madali lang, marami din palang kailangang gawin. Magtingin palang ng template ay mauubos na oras mo. Siguro I spent half day para lang maghanap ng template na bagay sa kin at sa blog ko. Buti nalang nde ako masyadong busy sa work ngaun although marami pa ring paperworks gaya ng dati.
Nalate tuloy ang post ko tungkol sa libot namin ni Eric, hehehe. Anyway, nasabi ko sa previous post ko na nagclubbing muna kami with my pinoy friends tapos nag inuman pa til 5.30am and on the same day nagkita kami ni Eric. Hehehe.
Nakiusap ako sa kaibigan kong chinese na baka pwedeng ilibot kami ni eric. Ginamit namin ung sasakyan nya at sya na din ang naging driver, hehehe.. Mahigit isang taon na si eric dito pero ngaun lang kami ulet magkikita kaya dapat mag enjoy kami sa gala namin.
Nagkita kami sa  toll gate papuntang Klang at nagderecho kami sa favorite bah ku teh restaurant namin, pagkatapos, nagpunta kami sa Twin Petronas, nagkuhanan ng picture (pinoy kasi, hehehe) tsaka nagpunta kami ng Batu Caves, picture picture. At dahil wala pa akong tulog at may tama pa ng alak, pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap, parang high on ecstasy hehehe.. Nde nga ako makausap ng matino. Sobrang init pa dun, ang taas ng sikat ng araw, at umakyat pa kami ng hagdan na may 272 steps!
Pagktapos nun, akyat kami ng genting, stop over muna sa Gothong para uminom, medyo nadehydrate kasi kami sa sobrang pinawis namin sa Batu Caves. Tas sumakay kami ng cable car paakyat. Pagdating sa Genting, picture picture ulet, kain sa Old Town tas larga ulet para makapaglibot. Hilong talelong na ko nun, nde na rin ako makapag english, nde ko na makausap ng matino ung chinese friend ko, hehehe.. Pero larga parin, sayang ang pag kakataon.
Ginabi din kami sa paglalakad, kaya naisipan naming umuwi na pero ng makita namin ang sunset sa labas, napakaganda! Maaliwalas ang panahon, walang masyadong ulap. Kitang kita ang araw papalubog, binigay ko sa kaibigan ko ang camera para kunan nya kami ni eric ng picture, hehehe.. Kaso, nde ganun kaganda ang kuha kasi gabi na, kung lalagyan nmn ng flash, masyadong bright. Anyway, nag enjoy nalang kami sa KL view at ng sunset sa gilid ng highway.
Nde ko pala nasabi may plano din naming mag food trip, ipatikim kay eric ang lahat ng masasarap na Malaysian food na nde pa nya natitikman. Nung umaga, kumain kami sa Klang ng Bakuteh, tas ng papunta na kami ng Batu Caves, huminto kami sa daan at kumain ng Cendol, nung nasa Genting na kami, kumain naman kami ng Asam Laksa sa Old Town. Pagbaba namin sa Gothong, kumain kami sa KK Restaurant ng Sup tulang at Nasi Goreng Biasa. Pagbaba ng KL, derecho kami sa isang restaurant sa Cheras na nakalimutan ko na ang pangalan, dun naman kumain kami ng Thai Tom Yum na sobrang sarap.
Nung mga oras na yun, nabibingi na ko sa sobrang pagod at puyat, samahan mo pa ng sobrang busog sa kakakain, hehehe, nakakahilo kasi nakakaantok, sobra! 
Kulang talga ang isang araw sa paglilibot, kung wala akong pasok kinabukasan, marami pa sana kaming mapupuntahan. Humingi nga ako ng pacencia kay eric kasi nde dapat ako nagclubbing at uminom bago maglibot, buti nlang nakaya ko, haha.
Now I’ve learned my lesson..
Eto nga pala mga pictures namin, bagsak na talga mga mata ko dyan, pero pilit paring nagpapacute, hehehe:
    
  
Advertisements

Comments»

1. ec - October 31, 2008

Hi Jorge, hehehe! ngayon lang ako nakapag comment medyo nag bu-busyhan 😉 Thanks nga pla sa pag blog ng lakad natin natuwa naman ako at na ishare mo ung pag jalan jalan natin at ngyon ko lang nalaman ang meaning nun. Kahit na sobrang puyat at may hang over ka pa eh nakayanan mo pa akong ipasyal. Sobrang na appreciate ko ung pag asikaso nyo sa akin ni Nick. a big big big thanks to both of you. Hehehe sana nga maulit ulit feeling ko naiwan ko yung kalahati ng katawan ko sa KL nakakamiss ;).

2. Jorge - November 1, 2008

Hello! You’re welcome! Next time pagplanuhan talga natin at nde muna ako iinom at gigimik the night before para full force ang gala natin, hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: