jump to navigation

Another Foodie Trip November 23, 2008

Posted by Jorge in Food.
trackback

Break time muna sa pagsulat ng Love Story ko. Para yatang nde ko matatapos ang chapter 4 ah. Para kasing pagod at tinatamad ako these past few days eh. 

So, itabi muna natin ang scratch paper at magsulat ng isang masarap na foodie blog. Simulan na!

Schedule ko every friday na bumaba ng KL para lumaboy, kumain at manood ng sine kasama ang aking mga friends. Plano talga naming pumunta ng Klang (labas ng KL) para sa especial na Bakuteh, ang peborit ni Eric. Kaso ung isang kaibigan ko medyo may sakit sakitan at nde pwedeng magbyahe ng may kalayuan kaya nagpasya kaming kumain nalang sa restaurant sa Petaling Jaya (loob ng KL). Mabuti kasi ang Bakuteh sa may sakit kasi mainit at masarap ang sabaw. 

So nde ko na kayo pag-iintayin pa, eto ang itsura ng bakuteh:

dsc01286

Hindi ko lang alam kung nde ba sya photogenic sa camera o low tech ung camera phone ko o talagang nde lang ako marunong kumuha ng magandang anggulo dahil sa tingin ko, nde kagandahan itong picture na to.

Pagpasensyahan nyo na ung mga bowls na ginamit dyan, nde naman kasi high class ung restaurant na kinainan namin eh, toinks! Anyway, ung nasa gitna ang mismong Bakuteh. Ung mga anik anik na kasama eh mga tofu un na sinawsaw sa soup ng Bakuteh. Para sa mga nagtatanong, ano ba talga itong Bakuteh? Ito ay Chinese food na dito sa Malaysia nagmula, meron syang intestine ng baboy, laman at konting buto. Hindi sya malansa dahil meron silang chinese herbs na nilalagay at ciempre nde mawawala ang sawsawang puro sili, hehehe.. It shows naman di ba? Sarap nyan di ba Eric?

The next day lumaboy at nasabak na naman ang inyong lingkod para sa isang ‘eat all you can’ dinner sa isang restaurant. Ito ay seafood tom yam buffet na talaga namang tutulo laway mo sa sarap. (Tina, ihanda ang tissue, kung wala, basahan ulet, toinks!) Eto naman ang mga pictures:

dsc01292   dsc01295

Tsalap tsalap!! As in, hehehe.. Ang Tom Yum nga pala ay nag originate from Thailand, tas ginaya nalang dito sa Malaysia at nagkaroon sila ng sariling version. Pano ko ba madedescribe ang lasa ng tom yum? Hmm.. basta soup sya na maanghang na lasang lemon grass na maasim na matamis, in short, nde ko alam! toinks!! hehehe.. Cencia na ha, nde nmn ako talga food critic eh, nagsshare lang ako ng experiences ko kaya wag na kayong magtanong kung anong lasa o kung anong ingredients nyan ha. Ipagpaumanhin po.

At ciempre papayag ba naman ako na nde ako kasama sa picture? Eto ang itsura ko ng malapit na akong maempatso:

dsc01293

Ciempre nakuha ko paring magpacute kahit tatlong plato na ang magkakapatong ang nakain ko. toinks! hehehe.. Sayang nmn kasi kung nde uubusin, di ba? 

Brothers, gluttony na ba tawag dyan? Eh nagpray naman ako bago ako kumain eh, tsaka libre naman yan ng friend ko, nagshare lang sya ng blessing nya. Okay na ba ung lusot ko? hehehe.

Advertisements

Comments»

1. TeenToinks - November 23, 2008

Oi.. pers taym ko makauna! Toinks… pigtas ka! ay!

Yoko ng TomYum na yan! Gusto ko talaga yung TomYum dun sa RESTO (wag angal) near Titiwangsa station… ay naku! (padjak) tas gusto ko yung picture na kinakain mo yung TomYum na yun habang katabi mo yung tindera sa leftside tas yung amoy shawarma sa right side… toinks!

Tsuri parekoi… nag lilihi lang (ano daw?) , hirap ba nun pinagagawa ko sayo?? Sige may libreng kurot ka.. pero teka.. ay wag jan… sabing wag jaan eh! Toinks! ahihihi

Neweis… Yum yum foodie trip!

Bwahahaha!! congrats! after 10years nauna ka ding mag comment, gawaran ka ng award! Toinks!
Yoko na ngang bumalik sa karenderia na un, baka kung ano pa magawa ko sa tindera kapag sinupladahan ako at manood lang ng tv, hehehe..

Oi, hinay hinay sa pagkurot, baka bumakat! toinks!! hahaha…

2. libay - November 23, 2008

parang ngumunguya ka na biglang na pause yung kuha mo hehehe… yun bang dapat lululunin na pero taympers picture muna … ayus 😛

Aaww! nahuli pala ako dun, hehehe.. obvious ba itsura ko? hmm.. next time, lulunukin ko muna, toinks!!

3. rache - November 23, 2008

naku since lumipat ako dito sa wordpress e hindi na ko nauuna sa pagread ng new post ah… 😉
i saw one of my fave food to eat —- yung malalaking sugpo… i can finish 2 dozens of those in one sitting 😉 hehehe

makahanap nga ng malaysian restaurants dito pra mtikman yung mga dish na pinapakita mo…

by the way i’ve another award for you…
my tag ako for you 🙂
another award…
http://daredtohope.wordpress.com/2008/11/24/another-blogger-award/

Oo nga, hanap ka ng malaysian restaurants, masasarap mga foods nila, kaso mga spicy lang talaga kaya iready mo na taste buds mo, toinks!!

Oh wow! May award ulet akow! Oh no, I’m not expecting this, I swear (tono ni Ruffa) toinks!

Thank u ng marami!

4. rache - November 23, 2008

hahaha don’t worry mahilig kami sa spicy food… my thai pala dyan… try ‘pad thai’ tapos piliin mo yung number 3 ang anghang sarap… 🙂

Aww! natry ko yata yan nung nagpunta kami sa Krabi, Thailand at umusok talga tenga ko sa anghang, at naging bestfriend ko ang cr, toinks! hehehe

5. basti0780 - November 23, 2008

hahaha..parang sa canteen sa harap ng lafo yung unang picture.. pero sarap naman ng food..

toinks naunahan mo ako sa template nato.. lumilipat na din ako wordpress..

Hahaha! Oo nga eh, kasi mumurahing kainan lang nmn yan, pero sila ang may pinakamasarap na bakuteh sa lugar nila. Biruin mo RM20.00 lang yan, kung icoconvert sa pesos eh mga nasa PHP250.00 lang! Mura di ba?

Aba, lumipat ka na din ng bahay? Ayos yan! Send us the link para maokray na! toinks!!

6. Mr. Siopao - November 23, 2008

Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko muna ng sili ha? Toinks! (You know naman dat its delikadow to my pyuriti, chastiti, and selibasi…. whaaattttttttttttt???)…. Next time na lang! (talagang may next time?!)

Behave na ako! Baka mabatukan na ako ni Lola Tina na hindi man lang nagpaalam sa akin na luluwas pala ng Maynila (mano po! toinks ulit!).

Tumbling ako dito Hor-he: “Oh no, I’m not expecting this, I swear (tono ni Ruffa)..”…… mas masaya kung tono ni Anabelle Rama. (ro-fa!…. re-charge!…… dung, naketa mo ba ang mga bebe ko?) O ha!

Sagot sa tanong:
OO, gluttony na ‘yan! (kasi hindi kami kasama)… Kahit nag-pray ka pa bago kumain. Lulusot ka pa! DAPA!

Wink! (maiba naman)

Bwahahaha! Online si Tina kagabi at take note, super bilis magcomment, sya ang unang nagcomment dito sa entry ko, nagset sya ng new record sa kanyang blogging history!! Toinks!!

Bigla ko lang naalala si Roffa nung nagkaaward, natawa nga din ako nung sinulat ko yan eh, nakakatambling di ba? toinks!!

Sabi ni bro. utoy nde pa daw gluttony yan, pero di bale, ready nmn na ung karton sa pwet ko, pwede ng pumalo anytime! toinks!!

7. brotherutoy - November 23, 2008

Tomyum soup, masarap nga yan pero inuubo ako’t dumadaan sa ilong ang soup kapag tumitikim ako nyan. parang lahat kasi ng pwedeng flavors, nandun, at naka-extreme levels lahat.

sa pagkuha ng pictures ng food, ang pakiramdam ko eh dapat bumili ka na ng medyo mahusay na camera kasi ok naman ang anggulo mo at lighting. atsaka, para maging photoblog na rin ang bahay mo tulad ng sa akin.ü

wag kang maniwala kay Siops. di pa yan gluttony. ang gluttony, kapag di ka namigay sa iba. kaya bibilangin ko ang bawat food post mo kasi iyon din ang dami ng beses na ililibre mo kami ni Siops at teentoinks.

teka, bakit may maliit na smiley sa baba ng page mo?

Ahhahay! Ganyan din ako nung unang tikim ko ng tom yum, nde ko kasi alam kung lulunukin ko o iluluwa sa sobrang weird ng lasa, sabi ko ndeng nde na ako kakain ulet nyan pero kinabukasan balik ulet sa resto na un para sa second round, toinks!!

Naku, matagal ko ng pangarap na bumili ng Naykon D60, kaso wala pa sa budget, kakabili ko lang kasi ng PsP slim eh, huhuhu. Si basti naunahan ako, ayan may Naykon D60 na, ang daya!

Tinatakot ako ni Rev Siopao eh, hehehe.. Buti nalang may kakampi ako, toinks!!

Teka, bakit nga ba may mga smiley ang page ko? Nakupo, mumo!!

8. eric - November 24, 2008

Nice! sarap naman ng mga fud, lalo na ung nasa taas wala ba silang serve na malaki? mas katakam takam kasi un pag nasa malaking bowl na parang na sizzling.

Yung Tom Yum pano nga ba lasa nun, hahaha share din ako. parang sinigang sa hipon lagyan mo ng mint leaves, kalamansi(palagay ko Lemon un), tatad ng sili at ihalo mo lahat ng herbs na pwede! hahaha un na iyon! Tulo uhog na.

At isa pa hehehe parang steam boat(boot) ung 2nd pic?
如果(kung) un nga nku isa pa yan sa masarap na nakain ko may mas malaki pa nyan, ang laman (misua, shrimp, sotong(puset), mushroom, fishball, egg, repolyo, tokwa at marami pang iba) then i boil para maluto at ang sup depende sa gusto mo kung Tom Yum or parang beef flavor. Kakagutom naman iyan. SAMA ako sa susunod :p

Naku, sabi ko nga, sa pipitsuging karenderya lang kami kumain ng bakuteh na yan, nde ko nga sana pipicturan kaso nakapagpromise na ko na gagawa ako ng entry sa aming food trip, anyway, sobrang sarap naman kaya kinunan ko na din ng litrato.

Hmm.. nde ko nga maidescribe ung lasa ng tom yum eh, sabi nga ni bro. utoy, extreme lahat as in extreme sa anghang, extreme sa asim at lahat lahat na, pero di ba natikman mo na ung tom yum nung naglibot tayo dito sa KL?

Ah, nakalimutan kong sabihin, Seafood Tom Yum Steamboat pala un! sorry naman, dapat pala iclear ko un, hehehe..

9. ♥just_me♥ - November 24, 2008

wow….sili, sili pa din un ah!

kakagutom..hehehe..

Sir Jorge,may express delivery ba ng food galing jan papunta dito? (hala..hahahhaa…)

Kung pwede nga lang ba eh, sarap i-share mga foods dito (ayan para nde gluttony, toinks!)

10. bonistation - November 24, 2008

WORD FOR THE DAY: “selibasi” OR “SILIbasi?” haha mr.siopao pasok padin yan! nandun ang salitang sili. kaya go lang ng go! ang iwasan mo yung sibuyas! wahah punta ka nueva ecija kadami dun may plantasyon ng onion! naku don panigurado timbog ka sa loob ng seminaryo haha.

mapunta tayo tomyum!? hehe. ayoko talaga nyan haha. yung bakute nalang sige kahit na mukhang sa loob ng palengke at nagluto lutoan lang kau sa gilid ng kung saan.^^ peace! naaalala ko lang din yung isang kinainan natin dyan sa KL. hehe. awwww!

Hahaha, yoko ng kumain dun! ngak!

11. mangbadoy - November 25, 2008

ang hahaba ng comments nyo… diko trip ang tom yum (thailand, indonesia or malaysia) diko kasi gusto ang sinigang na may gata at sangkatutak na sili

di nyo sinama si chels sama nyo naman ako one time… hahaha! dont worry KKB tayo lol


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: