jump to navigation

Belated Happy Birthday Bosing!! November 26, 2008

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

Naku, kailangan ng gumawa bagong entry dahil ang baba ng counts ko today. Di tulad kahapon na kung saan nakakuha ako ng pinakamataas na counts in history dahil sa chapter 4 ng love story ko, un nga lang, pagkatapos pagsawaan ay ipagsasantabi nalang, toinks!! Ang drama! hehehe…

Anyway, kapag nabasa to ng sister ko siguradong babatukan ako nun. At speaking of siblings, uso sa mga entries ngaun ang tungkol sa mga kapatid ah. Mga bayolenteng mga kapatid! bwahahaha.. Oi, ibahin nyo ko, mga mababait ang mga ate ko, ako ang pinakababy sa amin, wala akong kapatid na naglalagay ng upuan+libro sa higaan ko, wala akong ka-BATOrero na kapatid kaso nga lang dahil sa ako ang pinakabata, ako ang utusan. Tabi tabi po sa mga mambabasa pero natatandaan ko pa nung bata pa ako, dahil sa matanda sila sa akin, kahit anong iutos nila dapat sundin ko pati pagbili ng kanilang napkin, nung una ok lang kasi wala nmng malisya aba eh binata na ko’t lahat ako parin ang inuutusan, ciempre, dahil bunso sunod parin, huhuhu.. un lang! at least walang sakitan ng katawan kaso puro kahihiyan ang inaabot ko, toinks!! 

Balik tayo sa title ko, eto na nga at babatukan ako ng ate ko kapag nabasa nya to kasi ang birthday ng pamangkin ko eh nun pang nov. 18. Ang tagal na nga eh, tas ngaun ko lang nagawan ng entry, eh kasi naman busy ako sa pag iisip ng chapter 3 and 4, hmpf! ang pressure kasi all over the world! Suya! toinks!!! Pero i really appreciate it, as in! Thanks ulet!

Ung mga tropa ko sa pinas, malamang nakita nyo na si Migz, at may ginawa akong entry dati na namimiss ko si bosing, di ba? Naku, magugulat kayo sa itsura nya ngaun kasi ang laki na. Kapag nakakausap ko sa telepono, napipipi ako kasi nde ko maintindihan, british accent ang kolokoy! Kapag nakawebcam kami, napapakamot nalang ako ng ulo tas panay punas ng ilong dahil umaagos ang dugo ko lalo na kapag nagbabasa sya ng book. Tambling talaga with split and cart wheel!!

Eto mga pictures nung birthday nya. Wala ding hilig sa camera itong bubwit na to eh, kitang kita naman di ba? Sabi ng nakakarami, magkamukha daw kami, walang kokontra! toinks!!

Ang nakakalungkot lang, wala pa akong gift sa knya. Ung helicopter na binili ko dati nung bumisita sila bon at tina dito, un sana ang ireregalo ko (nagkuripot!) hehehe.. Kaso ang mahal nmn ng courier! triplehin ang presyo ng helicopter na un, sabi ko perahin ko nalang sa swelduhan tas pang christmas ko na din ung ibibigay ko (nagkuripot na naman!) toinks!

Kasi naman, itong pamangkin ko mana sakin eh, laging naghahanap ng gifts kapag birthday at christmas, at nde just just ang regalo, dapat may brand at dapat individual ang pagbigay ng gift! Sa lahat ng mamanahin, un pa minana sa kin! Haay appoo!!

Isang tambling nga dyan!

Advertisements

Comments»

1. eric - November 26, 2008

Hi Master Ooqay, parang una ako dito ah…. hehehe! naalala ko ung kinukwento mong pamangkin sa akin nung naipasyal mo ako sa KL, hahaha palagay ko eto un. Bibong Bibo!
Go Tito bili na ng mga regalo sige ka baka ma disappoint yan Toinks!

Sa gabi muna ako aktibo hahaha, pakabait muna, huli kasi YM at Friendster ko. Buti nalang di napansin ang Blogger.com kundi lungkot ako hahaha!

Hahaha! Congrats! Una ka na naman!

Sya nga ung kinukwento ko nung naglibot tayo, sobrang pilyo at sobrang bibo, taob ako sa batang un, hehehe..

Naku, kalungkot naman, magpakabait ka muna tsaka ka nalang magsurf sa friendster. hehehe.

2. rache - November 26, 2008

naku kamukha mo pa sya ha at marmai nga yatang namana syo lalo na yung pagka walang hilig sa camera… hehehe… pagipunan na ang regalo saka nalang ang food tripping pag nakabili na ng courier ng bosing mo 😉

Oo nga eh, ang daming namana, lalo na ung mga kaartehan, toinks! Perahin ko nalang siguro (kung meron, bwahahha!)

3. Rev. Siopao - November 26, 2008

Cute naman ni baby Migz (mana sa Tito???!!)….
Belated Happy Birthday to him.

Paano ka niya kausapin with matching British accent?
“Gud mownin Titow. What a luv-li weather, isn’t it?…
Marve-laz Tues-daay!”
(nosebleed).

How I miss “my babies” too. Lalo ni si bunsong nephew Clarenz na super kulit. We call him Mokmik. Cute din katulad ni Tito Deacon (bawal kumontra!).

Tito Jorge buy mo din ako helicopter… tsaka PSP.
TOINKS!

Ciempre mana sa tito yan (ang kumotra panget!) Salamat sa pagbati!

Dumudugo ilong ko dyan kasi kapag bumati eh “wha cha dun?” ang sinasabi pala eh ‘what are you doing?’ ang layo di ba? Kaya kapag kausap ko un, lagi akong may tissue sa tabi. toinks!!

Aba, magcreate na kasi ng blog para maipost mo din ung ‘babies’ mo, hehehe…

Nde ko na nagagamit ung helicopter kasi panay ulan dito eh, ung psp nmn puro movies nalang, nde ko na rin nalalaro, toinks!!

4. bonistation - November 27, 2008

kagwapong bata eh panong magiging kamukha ni jorge. ahaha peace! biro lang. ganyan ka nga siguro nung bata ka pa. naalala ko kalang ang kwento tungkol dyan sa pamangkin mo minsan sagot nya diba habang kausap dade mo “lolo its non-sense”
toinks! split at tumbling si mang jorge sr. dun wahahah!!

Cheh! San pa ba naman magmamana yan kundi sa tito hano! beh! hehehe..

Nde nman, mahiyain ako nung bata eh, tsaka wala pang camera nung mga panahon na un, hahaha..

Oo nga, naalala ko din ung ‘lolo, non sense’ na yan, tsaka ung ‘lolo careful!!’ kapag nagddrive si tatay ng sasakyan. hehehe

5. anakngpiso - November 27, 2008

happy happy happy birthday sa’yo ang inuman (ay mali, bata pa pala to)… hehe…

bunso rin ako pero dalawang lalaki ang mas panganay skin at kambal pa sila (tamo parang me against the world..)

consider yourself lucky kasi ako nun pagkatapos manood ng kuya ko ng wrestling ako naman ang wrewrestlingin nila… at least ngayon ako na lang ang mataray.. ahehehe.. nakikikulit lang.. cheers;p

Naku wrestler ka pala, toinks! hehehe…

Oo nga, maswerte pa nga pala ako talga, at least walang bugbugang nagagnap, hahaha!

Salamat sa pagdalaw, kulitan na!!

6. beero - November 27, 2008

belated hapi bday sa pamangkin mo! ang kyut ah, naalala ko din yung pamangkin kong lalake. pag kinakausap ko sa cp eh hinihingan agad ako ng pamasko nya. tsk! saka pag umuuwi ako sa min kelangan lagi akong may pasalubong kasi pag wala aawayin ako. lols.

Hahaha, Thank you pare. Bakit nga kaya ganun ang mga bata ngaun, nakikita kasi sa tv eh, toinks!!

7. TeenToinks - November 28, 2008

Wahhh.. parekoi kala ko tulog ka pa! Toinks! nahuli naman ako dito!

Newei… Cheers to baby jrg!

“Baby, do u stil rember how to catch the fly by your bare hands? Then eat it.. go baby eat it!” Yeah I knoi baby its sooo yucky!!”

Ahaha… I rember that “lolo, non sense”! Si lolo careful at si mame… umiiyak talaga pag naalala… di pa nmn bagay kay LOLO CAREFUL yung pag iyak… Hay apoo.. Oh sya sya.. mana na nga sayo yang bata na yan.. kaya kailangan habang bata pa.. mapalo na sa pwet…. DAPA!

TOINKS!

Ayy!! Wag po koya, matakit!!

8. brotherutoy - November 28, 2008

aba oo nga, hawig nga kayo!

ehem, baka naman jorge eh anak mo talaga ito nung nasa pilipinas pa lang? hehehe…

bunso rin ako. ang hirap ha. buong pamilya, ikaw ang inuutusan. child labor ito!!! toinks…

Bwahahaha, ciempre nasa dugo namin ang mga puge! toinks!! Naku eh kaswerte ko naman kung anak ko talga to, hehehe..

Oo nga eh, ngaun lang naisip, child labor na ito, pero sa parents ko spoiled ako, hehehe…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: