jump to navigation

Let’s Party! (Nosebleed sa haba!) December 8, 2008

Posted by Jorge in Food, Leisure.
trackback
Ang daming nangyari sa mga nakaraang araw, grabe.. Ang saya saya! Isa isahin natin:

Una, panalo si Pacquiao! Hanggang round 9 8 lang! Galing talga ni idol, eh ikaw ba naman ang magkaroon ng narra na mukha at bakal na kamao eh di tumba ka agad sa isang pitik nya with matching stars and birds flying around your head. Basta, kakaproud, sikat na naman ang mga pinoy at ang Pilipinas!

Pangalawa, ngaun ay Immaculate Conception ni Mama Mary. Let’s pray the rosary when we have time today and offer some prayers. Namimiss ko na talgang magsimba dito, medyo nakakalungkot.

Pangatlo, ang engrandeng pasinaya ng ating mabuting kaibigan na si Rev. Jhoen aka Rev. Siopao sa kanyang bagong bagong blogsite. Parang gusto kong magtago muna sa kweba habang nde pa humuhupa ang traffic sa kanyang blogsite dahil sa kahihiyang ginawa ko sa video na nakapost dun. Kung nagtatanong kayo kung pano ko nagawa un, eto sagot ko ‘Pakapalan lang yan ng mukha‘ eh ikaw ba naman ang magsayaw ng walang tugtog sa harap ng mga tao eh nde ka ba naman mahihiya, di ba? Anyway, gusto ko lang maiba ung welcome greeting ko para kay Rev, inspired kasi ako sa ginawa ni Matt Harding sa youtube na ‘Where the Hell is Matt?’, ciempre, alam nmn ng lahat na Certified Palaboy ako kaya eto ang ginawa kong video. Maraming behind the scene yan, isa lang ang nilagay ko (FWH take one clip) ung nabunggo ung kaibigan ko ng motor, eh kasi nmn, magsayaw ba sa gilid ng kalsada eh. Nde ko na nilagay ung iba kasi baka maging ‘bloopers video’ sya, toinks! At para sa kaalaman ng lahat, isang araw lang po ang shooting nyan, (except ung clip na nasa room ako) kaya hilong talelong ako pagkatapos. Again, Welcome sa blogosphere Rev!! Stay Holy yet naughty! toinks!

Pang-apat, bukod sa libreng dinner last friday night, nagfoodie trip ulet kami ng mga chinese friends ko nung saturday sa BBQ Plaza sa One Utama Mall.

BBQ Plaza, One Utama Mall

BBQ Plaza, One Utama Mall

Matagal na din kaming nde nakakain dito kaya naisipan naming kumain habang naghahanp ng ipangreregalo sa christmas party ng gabing iyon. Ciempre, eveready ang aking camera phone para magkuhanan ulet ng pictures. May phobia ang mga kaibigan ko sa camera kaya ayaw nilang sumama, kaya ayun, mga dakilang photographer nalang, toinks! Ciempre pagkakataon na un at solong solo ko ang mga pictures na un nman talaga ang gusto ko, hehehe. Ang BBQ Plaza ay galing sa Thailand, duon nagmula ang restaurant na ikaw mismo ang magluluto. Ang kaibahan nito sa steamboat ay nakaumbok ang lutuan nito at ang lagay ng soup ay nasa gilid ng pot, parang prito slash bbq style nya with anik anik na gulay sa gilid na nakasawsaw sa soup. Eto ung pictures na kinunan ko, nde kasi ako magaling magexplain.

BBQ Seafood

BBQ

 At dahil sinusunod ko ung payo ni Mang Badoy na dapat mainit ang iinumin pagkatapos kumain, umorder ako ng Hot Green Tea at epektib nga, mas maginhawa ang pagkaempatso pagkabusog ko. Eto kasing inorder namin eh family size, eh tatatlo lang kami kaya nakakabusog talaga, hehehe. Nakadalawang cup of rice nga ako, hihirit pa sana ng isa kaso suko na ang bataan eh. hehehe.. 

Yung mga natatakam dyan, punta na kasi dito, bisitahin nyo ko para makapagfoodie trip tayo. Nga pala, medyo sosi tingnan ung resto na yan pero mura lang, affordable naman.

Panglima (ang pinakahuli sa lahat), ang christmas party naming mga pinoy nung saturday ng gabi. Dapat kasi gagawan ko ng special entry ito kaso tinatamad na ako eh kaya pinaglabo labo ko nalang sila dito tutal eto nga ung topic, ung mga happenings last weekend.

Eto ang mga pictures:

Class Picture

Class Picture

Last year, ang kulay ng shirt ng mga guys ay green at ang mga girls nmn ang red, so this time its the other way around. Nagsuot ako ng santa hat para madaling mahanap sa picture. Ang ganda ng class picture namin hano? Mas masaya ang party namin this year dahil mas marami kami, maraming mga bagong fwends na bagong salta dito sa malaysia. Kapag naman nde nyo pa ako nakita sa pic na yan ewan ko nalang, sa dami ng exposure ko kukurutin ko nalang kayo, toinks!

Madaming filipino foods ang aming hinanda, nakatoka kami para sa lumpiang shanghai at menudo (may veg salad akong dala kaso naiwan sa house nila joey, toinks!) at ang iba naman ay may dalang chop suey, crispy pata, cake, fruit salad, afritada, adobo, spaghetti at marami pa. May ambulansya ngang nakaready sa labas dahil sa sobrang mamantika ng mga pagkain eh baka may bumagay na BP lalo na sa mga elderly may edad, toinks!

Santa Cutie

Santa Cutie

Please lang walang kokontra sa caption ng picture, ako lang ang may suot na santa hat para madaling marecognize, toinks! Eto ang kalahati ng table na puno ng mga handa hindi ko alam bakit kalahati ang picture na ito, hehehe. Dahil sa nacutean ako sa pic na to, nilagay ko agad sa main profile ng friendster at facebook ko, hehehe… Wala pang 24hours nakapost na. Wala kasi akong ganang magpapicture.

Eto naman ang mga pictures ng aking mga bebot friends:

 

Jen

Jen

Adele and Me

Adele

 

Chels

Chels

Iris

Iris

Nay Gigi

Nay Gigi

Nde ko pa gamay ang pagpopost ng pictures dito sa wordpress kaya pagpacenciahan nyo na ang arrangements. Anyway, milkyway, skyway, meron din kaming mga games at ciempre nde mawawala ang inuman. Bumabaha ng alak nung gabi na yan kaso nde nmn masyadong nakainom dahil nawili kami sa kakalaro (isa na ako dun) lahat halos yata ng games ay kasali ako, well, nanalo nmn ako sa harina slash holen challenge, sa katunayan, eto nga picture ko pagkatapos kong manalo eh:

 

Bulaga!

Bulaga!

Nde ko na sasabihin ang mechanics ng game kasi lalong hahaba ang entry ko baka wala ng magbasa, basta yan ang finished product ng laro na kung saan nanalo ako, at ang mga kolokoy eh tuwang tuwa sa itsura ko kaya nakisingit pa sa pagpapacute ko. Ang premyo ay dalawang cadbury chocolate, aawwts! yehey! yahoo! google! friendster!

Maaga ang christmas party namin dahil may mga uuwi na this week para sa kanilang long holiday sa pinas. Kakainggit dahil nde ako pwedeng umuwi sa pasko. Anyway, enjoy naman din kahit papano, may YM at webcam naman, pwede na din un, tyaga lang talga kapag OFW ka.

Merry Christmas sa lahat! Godbless.

Advertisements

Comments»

1. beero - December 8, 2008

ayos! ang saya ng post! may kainan, may party, may winning moment! name it, the entry has it. lols. ang aga naman ng xmas party nyo. hehe 😆

hehehe, oo nga eh, pinag isa ko na lahat ng moments at last weekend lang yan nangyari, ang dami talgang nangyari, ang saya! Uuwi na kasi ung ibang pinoy friends ko next week kaya ngaun na kami ngparty.

2. rache - December 8, 2008

pinaka maganda yung last picture… saya naman ng happenings kaya naman pala parang tagal mong nawala online e… hehehe… nga pala ganda ng video mo dun sa blog ni rev. siopao a…

hehehe.. thank u thank u. Kakahiya.

3. rache - December 8, 2008

p.s. ay sa round 8 po nanalo si pacman.. ahihihi… hindi nga ko nagenjoy panoorin kasi parang sobrang tamlay naman ni dela hoya puyat yata e

Ay, 8 nga pala! Sorry naman! hahaha… kabog ako dun ah! Nde ko na ieedit ha.

4. TeenToinks - December 8, 2008

Teka.. di ko pa nababasa pero sabihin ko na lang… KAHIHIYAN ang pinaggagawa mo dun sa balay ni REv! Bat di mo ko sinama… gusto ko pa nmn sumayaw.. “makulay ang buhay… makulay ang buhay sa sinabawang gulay” bwhahaha… ang saya nun! Sasayaw ako… sasayaw ako.. un lang!

Uy.. may Entry ka pala!

Cheh! Ang corny, hmpf!

5. Michael - December 8, 2008

Thnks for the reminder! Honestly, di ko talaga na alala na immaculate conception ngayon kasi di naman celebrate dito sa saudi (ayan ksi di ako nagbabasa.Pero bakit alam ko na nanalo si pacman?[sorry mama mary]lol!).

Just dropin by. I saw your page kay Rev Jhoen.

Thanks!

Hey michael, thanks for dropping by. You’re welcome, kaya nga gumawa ako ng entry para iannounce ung december 8 and the rest are there too.

Nga pala, nde ako seminarian, kakahiya nga ginawa ko sa video eh pero i enjoyed it naman kaya ok lang tsaka para kay rev un. I’ll visit your site soon.

Godbless!

6. rache - December 8, 2008

ay oo nga bakit wala si tina banana sa bahay ni rev. siopao wala tayong nakitang nagtumbling sabay split na nakagown… hihihi… sayang talaga… tsk tsk tsk

jorge talagang nagttrabaho ka ng husto ha… sobrang busy yata .. 🙂

Natutulog pa ang ms. laur natin eh, bwahahaha!

7. revsiopao - December 8, 2008

Hala hala!
Nang dahil sa aking pasinaya ay nahuli tuloy ako sa mga kaganapan dine.

Mr. Palaboy, cute ang pic mo nung meron ka harina sa face. He he! At ang mga food… hmmm… yummy! Bigla akong nagutom. Parang ang sarap nung colorful na food sa BBQ Plaza. Puro siopao kasi ang handa dito ngayon…. bigla kong nauyam. Toinks!

Hor-he, again (for the nth time) super THANK YOU sa kahihiyang super panalong video na ginawa mo para sa pagbubukas ng tindahan ko. Gleng gleng! I owe you a big one. Kampay!

Stay cool. God bless!

Hahaha, okray galore ito!! Para ngang geisha eh, toinks!! Aba, muntik na kong nde nakahinga dyan, grabe ang ihip at kain ko sa jolens para lang manalo at ang mga damuhong joey at iris, nakipicture pa akala siguro nila mahihiya ako sa picture dahil ganun ang itsura ko, aba, nagkakamali sila, toinks!!

You’re welcome rev! Sabi ko nga malakas ka sa kin eh, at pinangatawanan ko na ung pagiging palaboy hahaha..

8. mangbadoy - December 8, 2008

bat di malaki ang pic ni chels… ang sarap ng food parang ham yung nakita kong isang plato…. wow!

masarap nga dyan sa BBQ Plaza na try ko dyan one time kaso layo naman kasi sa one utama.

Hahaha, ang liit nga eh, nde pa ako sanay mag upload ng pic, kapag naman dindelete ko naiiba ang position ng mga kasama, hamo na, next time ulet medium size na gagamitin ko, hehehe…

Sa Jusco Bukit Tinggi din merong BBQ Plaza kaso sobrang layo sa KL, toinks!!

9. bluepanjeet - December 8, 2008

ang pinaka gusto ko ay yung pangatlo haha. naaliw talaga ako sa kembot at otso-otso mo kapatid. haha

next time pala gagawin ko yan kaya lang dadayo ako sa lugar na di ako kilala haha

Hahahaha, kabog!! Thank u thank u, kinapalan ko talga mukha ko para kay rev, besides, nde nmn ako kilala ng mga taong nanonood eh, tska naaliw din nmn sila sa akin…

At sya nga pala, sa wakas nakita ko na din ang sikat na sikat at makisig na si Bluepanjeet! Astig ka brother! Godbless!

10. Kingkong - December 8, 2008

I can’t just let the day pass without saying, “you are excellent dancer bro!”. Very natural ang moves, bwahahahahaa!..Turuan mo din akong sumayaw ng ganun na steps. You put laughter on my face today Jorge. Thanks!

Bwahahaha! naku naman, kahiya na talga ito, kaboooogg!!! Tambling sabay split na ako nyan, hahaha!!

Napakasimple lang ng steps, wala kang effort na gagamitin.. toinks!!

Godbless kapatid!

11. ericpascual - December 8, 2008

Eto ulet kainan na…

una: Panalo si Pacquiao taas nuo Pinoy!

pangalawa: diko rin alam na ngyon pla ang Immaculate Conception

Pangatlo: magkablogroll na kmi ni Rev. Siopao. Hope to know him more para ma-supplyan ng siopao pag naubusan. (salamat po)

Pang-apat: Nainggit nanaman ako sa fuddie trip mo. natikman ko na sya minsan sa Klang, nasarapan ako kaya namimiss ko ulit. (Hahanap ako work na magkakalapit tyo ng mai angkas mo ako palagi, hehehe!).

Panglima: Merry Christmas! ang saya ng party… ! Go Jorge!

Ayan since tinamad ka pag hiwalayin, pinag sama ko naman lahat ng comment ko. toinks!

Aba, saved space ito! hahaha, ganyan nga, pag sama samahin ang entries at comments, toinks!!

May BBQ Plaza ba sa Klang?

12. thelostme - December 8, 2008

padaan… 😀

ganda ng presentation nung pagkain…

nakakatakam…

nga pala, meri krismas! 😀

Hey hi thelostme, welcome sa blog ko, mga foodie trips karamihan ang mga posts ko, kaya kung nagugutom ka, come and join me sa mga food trips and travels ko.

Enjoy. Godbless! Balik ka ha!

13. thelostme - December 8, 2008

hahahahahahahaha!!!!!

nakita ku na yung video mo pare.

muntik na kong malaglag sa upuan sa kakatawa!

hahahaha!!!!

buti hindi ka hinuli ng mga malaysian cops…

dinaig mo pa si diana zubiri dun sa photo shoot nia…

hahahahahaha!!! sakit sa tyan…

Bakit naman ako huhulihin ng pulis e wala nmn akong ginagawang kahalay halay, di ba?

Pagtawanan ba, eh ikaw ba kaya mong gawin un dahil sa kaibigan?

14. Dfish - December 9, 2008

Ang galing Jorge ng tribute mo (pa-siopao mo actually) kay rev. siopao. nakakaaliw, parang Amazing Race ang scope, kung saan-saan na lang parte ng malaysia nakarating ang ocho-ocho. ano kaya sunod na trip mo – tumbling sabay split, kaya? aabangan ko.

Hehehe, thank u po, buti nmn naaliw kayo sa kahihiyang ginawa ko, toinks!! Bale sa Kuala lumpur at Genting Highlands lang yan nde sa buong malaysia, sayang, ngaun ko lang naisip yan, sana nakagawa na ako nun pa, hehehe…

Nde ako marunong magsplit, si tina banana ang expert dyan, natutulog ng nakasplit un eh, toinks!!

15. ericpascual - December 9, 2008

ah, hindi iba sya parang korean BBQ. Pero same sila ng lutuan. peborit ko dyan ung bacon :p

again thanks for sharing.

Ano name ng resto ng mapuntahan? hehehe

16. bonistation - December 10, 2008

ang haba, nakalimutan kona sasabihin ko haha diko lang makalimutan ang mga bebot! PENGENG ISA!! hihihi ^^

Pili na!

17. thelostme - December 10, 2008

sori naman…

nagalit ka ata…

peace.. 😀

hehehe, joke lang!

18. brotherutoy - December 11, 2008

Pinag-usapan ba ng mga bebot mo na green ang isusuot nila? parepareho ah.
uniform ba yun ng Jorge’s Angels?
in fairness, tol, yummy silang lahat.
except dun sa first picture mo, mukhang dragon.
.
.
.
teka, teka… dragon nga yung nasa fist picture mo.
nakagreen din kasi.

Bale, green ung suot ng mga girls at red sa mga boys, corny no? toinks!!

Yep, cutie dragon ung sa BBQ Plaza.. oo nga no, green din, nde ko napansin, kain lang kasi ako ng kain eh, toinks!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: