jump to navigation

Reklamo (Nosebleed ulet sa haba!) December 10, 2008

Posted by Jorge in Food, Random Thoughts.
trackback

{Reklamo mode}

Simula ng masipa ung kasamahan ko dito sa opisina nawalan na ako ng oras para sa sarili ko. Pasilip silip nalang ako sa blog, nde na nakaka online sa YM at konting check nalang ng email.

Ang normal workload ko lang kasi bukod sa IT matters, ay sa accounts receivables, stock control, taga supervise ng sales processors, ecommerce at konting logistics. Medyo madami kung papakinggan pero yakang yaka nmn kasi di ba ang mga pinoy ay multi tasking palagi? Mani mani eka nga.

Subalit, ngunit, datapwat, simula nung isang linggo ay nadagdagan ang ng isang tonelada ang trabaho ko, bukod sa trabahong nabanggit ko ay idagdag nyo ang isang malaking responsibilidad ng sales processing. Simple lang naman, magpprocess lang nmn ako ng 10-15 supermarkets in a day. Nakakatambling sabay split na nakadekwatro sa dami, $%^%$^#@#!!! At eto pa, ung isang tamad na malaysian na kasama ko sa opisina ay nakikisabay pa. Holiday kasi nung monday tsaka bukas (pero kailangan kong pumasok sa dami ng trabaho ko) etong malaysian na ito ay in charge sa mga hotels and resturants sa buong malaysia. At dahil holiday nung monday, ako ang nagtake over sa trabaho nya, meaning pang tatluhang tao na ang ginagawa ko, tas nde sya pumasok ng tuesday dahil may sakit kunwari ek ek sya, at nde pumasok ngaun! ##@$!$@#$%$#%$#^!!! Kamote talga, muntik na kong mapaiyak sa dami ng trabaho kanina, nakakapagod. At dahil holiday ulet bukas, wala na naman sya. Ano kaya ang kahihinatnan ko bukas dahil sabay sabay ang orders ng hotels and restaurants plus ung 13 supermarkets ko, buti nlang kinuha na sakin ng supervisor ko ung export/ singapore orders, aba buti nmn, mamamatay na ko kapag nde pa kinuha sakin un! @#@%@$%$!#^@!!!

Ang saklap, pumapasok ako ng 12-13 hours a day 6days a week. Ung isang araw ko na pahinga ay iginagala ko pa sa KL at kasama na din ang foodie trip (para may ipost sa blog, toinks!). Sa halip na ipahinga ko na eh gumagala galore pa ako, ciempre kailangan ko nmng mag unwind baka masiraan na ko ng bait kapag nagstay ako dito sa bahay.

Osya, tama na ang reklamo. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kelan mapapalitan ung kasamahan ko dito. Hindi ko alam kung kelan papasok ung hinayupak na malaysian officemate ko, #$!%! (wag na syang bumalik baka masipa, matadyakan, mabalatan ko lang sya ng buhay! toinks!).

Sabi ng tama na ang reklamo eh, hay appooo!! Okay, eto nmn ang bright side nun. Sinabi ng boss ko na unlimited daw ang overtime ko, kahit ilang oras pwede akong magstay at babayaran nmn daw (pero nakakapagod parin naman eh!). Tahimik na ung office ngaun dahil wala na ung nasipang officemate ko, yehey!! Wala ng mang-aaway sa amin, isa pang yahoo!! Sarap ng feeling ng walang kagalit at walang nang-aaway, hehehe (eh kaso lahat ng trabaho nya napunta sa kin!)

dsc017112Pray. pray. pray. Ayan, nagdasal ako, totoo po un. Desperate na talaga ako, sobrang nakakapagod. Ewan ko ba bakit lately parang malakas ako kay Lord (di ba rev? toinks!). Alam ni Lord kung kelan ako ipapamper, at alam nya kung pano. Birthday kasi ng isang kasamahan kong pinoy nung isang araw at nagyaya syang kumain sa labas dun sa eat all you can restaurant. 

Pagpasok ko palang ng restaurant derecho na agad ako sa japanese food section. Nakita ko palang ang mga sushi(s) eh nagbago na mood ko, nawala ang aking pagod at inis. Parang isang click lang eh nagswitch off na ang gloomy face ko. Itong picture na to eh nakadaan na ang isang pamilya kaya kalahati na ang laman ng plates, pero nung nagrefill sila nde ko na nakuhang picturan dahil sa sobrang gutom na ko, pati laway ko nde ko alam kung san san umagos (tissue please!!). Habang kumakain ako bigla kong naalala ung reklamo ko ilang oras lang ang nakalipas. Naalala ko din ung prayer ko na matulungan Nya ako. Nangiti nalang ako, hehehe.. Ang sarap kumain!

dsc017131Sa totoo lang, nde ko alam ang ipagdadasal ko. Kasi alam ko namang nde ganun kadaling maghire ng replacement ng officemate ko at kung meron mang mahire agad, eh ako din nmn ang magttrain sa kanya kaya ganun parin, mahihirapan parin talaga ako sa mga susunod na araw. Kaya ang prayer ko nalang ay tulungan nya ako in any way. Kaya natutuwa naman ako at nde ko ineexpect na ito pala ang sagot nya. Alam na alam ni Lord ang weakness ko, hehehe.. medyo lumalaki na nga ang tyan ko kakain lately eh, kasi kaninang umaga, nag offer nmn ng breakfast ung isa kong officemate na galing sa bakasyon (holiday nga di ba?) aba, eh di solved ulet ang umaga, sabi siguro ni Lord, ‘O eto pagkain sa umaga, para wag ka ng magreklamo sa buong maghapon, toinks!’ hehehe..

 

dsc01716Eto pang isa. Kanina niyaya nmn ako ng pinoy supervisor ko na kumain ulet sa labas para kumain ng sup tulang. Pagkatapos nun niyaya nya ako sa Awana Genting para kumain ng Baskin & Robin na ice cream for free! Awwts! Todo na to, ang tsalap tsalap, nawala ang pagod ko, umurong ang dila ko kakamura sa officemate kong walang responsibilidad, hehehe..

Ang daming blessings this past few weeks, dagsa ang mga pagkain at happenings. Siguro tigilan ko na talaga ang pagrereklamo dahil I am truly blessed in many ways. Pero ciempre tao lang nmn ako at nahihirapan, paminsan minsan nagrereklamo din pero at least alam nyo na kung pano ako patatahimikin, toinks!

Ay sya nga pala, nde pa pala ako nakakagawa ng welcome entry kay Rev para sa bagong blogsite nya, siguro naman nakita nyo na ung kahiya hiyang video ko, toinks!! Sa totoo lang ayokong panoorin un eh, dahil hiyang hiya ako sa ginawa ko, hahaha… First time kong magvideo ng sarili ko at ngaun lang ako sumayaw ng walang tugtog sa harap ng maraming tao! Laking kahihiyan talga pero para kay rev un kaya ok lang, nag enjoy nmn ako eh kahit nabunggo ung cameraman ko ng motor, eh sa gilid ba nmn kasi ng kalsada sumayaw eh, toinks!! hehehe…

FYI, sa kuala lumpur at genting highlands lang po un, nde po sa buong malaysia. Sayang nga eh, sana naisip ko na un before para meron akong mga kuha from east to west and north to south coast ng malaysia, aawwts!

Para kay bluep, sa wakas nakita ka na din namin! Artistahin ka pala eh! Ex-capuccin ka? Wow! (Email nalang kita kung bakit ako napa’wow’) hehehe… Sana nmn maextend ng kahit isa pang week ung video mo sa blog ni rev, in demand ka pa eh!

Para kay Ms. philippines, astig ang dress code! pambihira, tinaob mo kami sa englishan ah! Pang Ms. Universe ang dating!!

Para kay bon, woi! pano nyo ginawa ung background effect ek ek nyo? astig!!!

Para kay bro. utoy, penge ng kinakain mo, tsaka tama ka, may araw din si rev! bwahahaha!

At para kay rev, welcome ulet sa blogosphere! Godbless! May araw ka rin, toinks!

Advertisements

Comments»

1. mangbadoy - December 10, 2008

kaya mo yan pinoy ka e!!! magagaling ang pinoy… time management lang yan… mga malaysian tamad talaga!!!

Kaya nmn kaso bulky lang talga, ciempre pinoy eh, kaya nga bilib boss ko sakin eh, hehehe…
Naku, sinabi mo pa, mga tamad at iresponsable talaga! @#$#!%#!!

Ang agang dalaw nito ah, kakapost ko palang, toinks!

2. TeenToinks - December 10, 2008

Yahoo… So musta naman ang pagrereklamo? Pakainin ka lang pala tatahimik ka na.. hay apoo!

Cge parekoi, pagbutihin mo ang pagwork jan ha.. lapit na pasko… u knw my address….. tas kung cash naman send it sa acct. ko. OK? hehehe Halika nga dito,…. kurutin kita jan eh! San ka nmn nakakita ng slit na nakadekwatro.. aba hinay hinay lang mahirap yata gawin un, sumakit ulo ko kakaisip dun ah!

Bout naman sa SCANDAL mo dun sa Blog ni REV… sabi ni Rev pakabait daw ako eh…

Alam mo ba PO kakahiya PO ung VIDEO mo PO dun, wala PO nagbago dun PO sa dance STEP nyo PO. Nag iba lang PO yung location PO pero yung dance step PO… HINDEEE! Tsaka feeling ko PO sadya yung babanggain nung naka motor PO yung nagbiVIDEO sayo PO… kasi nakita ko PO nakatingin PO sya sayo PO habang nakabusangot PO… (bait ko daba? Say YES Rev!)

Parekio.. oist paramdam ka… miss the BUZZ! okidoki ciao!

Ayan babaguhin ko na reply ko, eh kasi nmn gabi na kagabi, hilong talelong na ko kaya CHEH lang ang reply ko, churi namn! toinks!

Hoi, nde scandal un no, sabunutan at kurutin kaya kita dyan bruha ka! may PO at OPO ka pang nalalaman, DAPA!! at isa pang Hoi! nde sadya ung pagkakabunggo ng motor ng cameraman ko no, totoo po un, hmpf!

Asa ka pang pasasalubungan kita sa pasko eh lagi mo akong niaaway, hmpf! pakurot nga! arot ka talga! bwahahaha este hihihi pala. toinks!

3. ate honey - December 10, 2008

daan-daan… grabeh nosebleed aq sa haba ng entry hehehe… bilib rin aq sa sipag mo aq man din 10-12 hours a day ang work 6 days a week pero nasa bahay lang naman kasi aq eh… thanks sa email bro, may bago ka na suki sa magbabasa ng mga mala telenobela mong entries!

Hello ate honey, thanks for dropping by. Ang mga pinoy daw masisipag talga lalo na kapag ang iniisip eh pamilya sa pinas. Un nga lang nakakapagod at nde maiiwasang magreklamo, hehehe…

You’re welcome. Sana makatulong ako kahit konti. Kung gusto mong mag unwind, libot ka lang dito sa bahay ko para makakita ka ng masasarap na food and places.

Godbless!

4. revsiopao - December 10, 2008

wawa naman bata batuta! toinks!
magbabalik, pramis!
misa na dine in 5mins… ciao!

Bilis!!

5. bonistation - December 10, 2008

alam ko kung ano ang kahihinatnan ng lahat. magiging bagong supervisor ka na!! ahaha at hindi kana aalis ng genting! at mabibigo sayo ang mga rev at iba pang seminarista!!! pare koi may nararamdaman ako!! saken ka makinig! mag usap nga tayo minsan! kilala kita eh!! basta mag usap tayo hindi puro sila rev ang kausap mo!! ok!!? at alam ko din kung bakit ka napa wow kay ex capuccin bluep..

pagkain ang alam ni lord na weakness mo. napakabilis mag switch ng mode! bakit dika kumain ng mga fresh vegetables sa office habang nag wowork ka haha para pag na inis ka sa mga sales processing nyo, isang nguya ng lettuce, etc etc…

sabi nga ni mangbadoy magaling talaga pinoy! may halo pang petiks yan ha! eh pano kung full time work gagawin mo! aba eh palitan muna si puti!

hahaha. palitan mo na boss mo! tanggalin nyo na lahat ng employee at mamalakad ka sa kumpanya ng magisa!

GB.

Ahahahay!! Naku, ang problema, nde uso ang promotion dito, ung workload lang ang nadadagdagan pero nde nmn impossible, malay natin.. mag dilang anghel ka, toinks!!

Ano nmn yang nararamandaman mo? May dugo ka ba ni madam auring? toinks!! Woi, busy ako, nde mo ko mahahagilap ngaun, ngaun pang hinahunting mo ko, toinks!!

Naku, nde nmn sa pagmamayabang, nakakasawa din ung mga gulay, kasi un ang dinner ko lagi, hehehe.. Social!!

Sa totoo lang, super dali lang ng work, kahit high school student kayang kaya, bulky lang talaga, as in nagrequest pa ako ng sidetable ko para lang maaccomodate ung mga paperworks, huhuhu…

Ay ang haba. toinks!

6. bonistation - December 10, 2008

PS. congrats dimo namalayan ang habang ng entry mo now. punong puno ng feelings! natural na natural! CONGRATS ule! bloggerjorge!

Thank u nmn parekoi! Practice eka nga. Thanks sa pagappreciate. Libot ako sa bahay nyo kapag may free time. Silip lang to eh, ang hirap kumawala ngaun sa work ko.

7. King - December 10, 2008

Ang sarap ng mga pagkain! Merry Christmas!

Yep, tsalap tsalap talga! Merry Christmas din!

8. revsiopao - December 10, 2008

whaatttttttttttttttttttttt!!!!! ano’ng nangyari sa mahaba kong comment? bakit hindi pumasok. hay apo!
Naku, sleepy na ako… ayaw ko na ulitin. Huhuhu!

Ngak!! ulet ulet!!

9. Dfish - December 11, 2008

Wa ako masabi, bless ka pa rin ni Papa Jesus lalo na sa eat all you can na yan. Sa hirap sa Pinas, tagal na rin akong nde nakatikim ng Japanese food ah. It’s good that you try connect around…

Hehehe, oo nga eh. Kahit puro reklamo ako I know I’m still blessed kaya minimize ko na talga pagrereklamo kaso nde maiwasan eh, huhuhu.

10. glesy the great - December 11, 2008

nakakainis naman tong blog mo ang daming pictures ng pagkain!!!! tsk naiinggit naman ako kasi walang laman ang ref namin.. gusto ko na lang gawing aparador yung ref namin kasi wala namang silbi…

grabe naglalaway talaga ako.. hayup ka, mang-inggit talaga? cheers..

binasa ko kahit parang sampung kabanata ang katumbas… cheers ulit-glesy the great

*sana ako rin dumagsa ang happenings at pagkain*

Hahaha! Oo nga eh, daming blessings lately. Kain tayo! toinks!

Pagpagin mo ung ref nyo baka inaamag na, toinks!!

11. revsiopao - December 11, 2008

{haayyy… nawala na ang thoughts ko kahapon… bakit ba kasi nabura???}

tama sila super spoiled ka pa din kay papa jesus sa kabila ng pagka-hilong-talelong mo sa work. tsaka ang pagod naman ay naipapahinga… pero ‘yung maging ungrateful {at hindi ka ganun… naks!} ay kailangan ng over-haul sa kalooban.

you’ve expressed your rants in this post pero mas nangibabaw ang thankful, prayerful, resilient, masipag, at child-like na jorge na madaling pangitiin basta tapatan lang ng food {he he}…. SUPER NAAKKKKKSSS!!!

o ayan ha bayad na ako sa video exposure mo. super na sa mga adjectives ‘yan. sa susunod, back to okray mode na! {bwa ha ha ha}

{Lord, gusto ko din pong magpa-spoiled!} Gusto ko ng Japanese! Na-miss ko na ‘yan lalo na ang sushi, maki, kani salad, etc. Tsalap! {last September pa sa Pinas ang huling kain ko e}

@TINA — dapa! o.a. ka na naman ha!…. pag hindi ka PO tumigil PO sa kakulitan mo PO, kukurutin ko PO ikaw PO! toinks!

P.S. tama si bons, kita mo na napuno tuloy na puso ang post mo dahil kay work overload at bigla ka pang nagka-long-entry. o ha!

Naks naman! Tambling sabay split naman ako, hehehe… Osya, kwits na tayo, napuri mo na ko eh, ihahanda ko na sarili ko para sa okrayan! Toinks!

Thank u thank u.. Sabihin nyo na sakin ang mga prayer intentions nyo habang malakas pa ko kay Lord, hehehe..

Cge nga kurutin mo nga si tina banana rama, makiri masyado, bwahahaha!! beh!

12. utakmunggo - December 11, 2008

gumagana pa ba ang weighing scale mo? hehe

selos ako. ang labo kasi ng jap food dito, walang kalasa lasa. ay may lasa pala – *duwal*..

padalhan moko sushi. hehe

padadalhan kita weighing scale. papadala ko tong akin dahil lagi akong inaaway.

Hahaha, ahoi, meron akong ipapakita sayo, visit ka sa “Jorge’s Stuff” page ko, sa tingin mo kailangan ko ng weighing scale? hihihi…

Pagdating ng sushi dyan baka sardinas na lantang isda na, toinks!

13. rache - December 11, 2008

keep up the good job lahat naman yan mapapalitan in due time… tignan mo nga sunod sunod ang nagiging food tripping mo at puro pa invitation ng mga kasama mo sa trabaho… sarap kumain lalo na pag eat all you can… hihihi… buti nalang malakas metabolism mo at hindi ka tumataba noh 😉 you’re indeed trully blessed…

yehey may snow narin dito… paskong pasko na…

Oo nga eh, sarap kumain, buti nlng nde ako tumataba medyo lumalaki lang ang tyan, toinks!!

Yeah, I’m truly blessed. Thanks God.

Ang lamig na dito sa bahay ko, may snow na eh, toinks!!

14. brotherutoy - December 11, 2008

nag-iimprove na yung mga pictures mo ah. parang kaibig-ibig yung fish roe maki. at galing nung kuha ng icecream. kunsabagay, baskin & robin’s kaya photogenic.

kapatid, may dandruff ang blog mo. Gamit ka ng Selsen Blue, with Selenium Sulfide. Epektib.

Nasa lighting ek ek siguro kaya photogenic, tas medyo photoshop touch ups, hehehe..

Ngak, snowflakes yan, akala mo dyan lang sa pranses may snow ha, toinks!

15. brotherutoy - December 11, 2008

nga pala,
may wrong spelling ka.
Dalawa ang @ sa ##@$!$@#$%$#%$#^!!!

Awwts!! Sorry naman… toinks!!

16. Dfish - December 12, 2008

Teka lang, ano tong mga balakubak na naglilipana sa blog mo? Tuwing disyembre lang ba to?

17. boni station - December 12, 2008

PUBLIC ANNOUNCEMENT: DECEMBER 13, 2008. dahil sa ilang araw ng stagnant ang tindahan ng revsiopao, MAGSASARA napo. hahaha! wala nadaw pong pondo. ayaw i bail out ng roma!

http://revsiopao.wordpress.com

18. ericpascual - December 12, 2008

Woah! busy ka pa nya.. 🙂 ganun tlga dito sa atin… dito sa workplace ko madalas pinapasa ang trabaho at pag nai-assign sayo ng boss mo feeling naman nila inaagawan mo ng work.
Pero based sa kwento mo mukhang malulunod ako sa work mo.
Kaya Super bilib naman ako sayo na nakayanan mo ang mga load. Boss! sana nga mag dilang anghel si boni para bless sayo kapalit ng pagod mo ngayon “ang palitan ang may ari” bwahahaha!
Again nice entry ulet… ng food at ako kung ano ung entry ko ng food ulit ulitin mo lang ang routine na kinakain ko ebryday! sarap no! 😀
Baskin&Robin’s biktima ako ng kaibigan ko dyan, libre daw nya ako sa lunch at libre ko daw sya sa Baskin’ … aba eh doble pla nung presyo… anyway… enjoy naman! sarap!

19. Atty. Shawarma - December 12, 2008

Dear Mr. BONISTATION:

What is this smear campaign that you are perpetuating in the blogosphere against my client revsiopao? If you do not put an end to this senseless engagement, we will be compelled to file a case against you at the soonest possible time!… Oh by the way, my revered client asked me to relay a very important message to you: “TOINKS!”.

20. payatot - January 25, 2009

ok ang mga shots mo ha..di ka rin potomanyak nyan ano? hehehehe joke lang po..nakidaan at nakibasa


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: