jump to navigation

Magkakasakit yata ako.. December 18, 2008

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

I-update ko lang kayo sa nangyayari sakin sa work ko.. {Reklamo mode part 2}

Dahil sa nahihirapan kaming maghanap ng kapalit ng officemate ko na nasipa, nagttyaga parin akong gawin ang pang tatluhang trabaho na naiwan nila. Yung sinasabi kong tamad na malaysian na umabsent ng isang linggo eh ayun, ang galing galing talga, nde na nagpakita! Kamoteng kahoy talaga, ang galing ng timing ng bruha, dalawa na silang wala ngaun at ako ang nagdudusa. Wag na wag syang magkakamaling magpakita sakin kahit anino lang nya at ibibitin ko syang patiwarik, babalatan ng buhay tsaka ko kakaskasan ng asin at paminta! {Ayan, lumalabas ang pagiging bayolente ko, toinks!}

Eh kasi naman eh, alam naman nyang nasipa na ung isa kong kasamahan, tas makikisabay pa! Sino nmn ang nde kukulo ang dugo dun? Kung nakakamatay lang ang mura eh nakaburol na sya, toinks! 

Osya, eto ang ‘lighter side’ of it… Nakaka 30 hours of overtime na ko, kahit ngarag at pagod na pagod ako eh gumagaan ang pakiramdam ko lalo na kapag tax free ang overtime, aawwts!! Baka mabili ko na ang minimisyo minimithi kong %@#$^! sa sweldo, hehehe..

Kakapagod talaga, lalo na ng malaman kong kailangan kong pumasok sa rest day ko! $%@$#!$%#$^%@!#! kamote! Magkakasakit yata ako, nde dahil sa pagod, iyon ay dahil sa nde ako makakagala this week!!! Grabe na to! todo na to the maximum level! Nde ko yata to kaya, masakit sa dibdib… Dear ate charo…

Kailangan kong uminom ng anti depressant, para akong mawawala sa sarili… San ako pupulutin sa weekend? Sa kwarto ko? Eh isang linggo ko na tong nakikita eh! San ako kakain? Sa kusina? Wahhh!! Nde ko kaya to, tulungan nyo ko!! Wag po koya wag po ati!!

Kainis talaga.. Buti nalang at napapadalas ang kain namin sa labas this week at puro sup tulang araw araw ang inoorder ko para may lakas ako kinabukasan. Wala na kasi akong time para magluto eh kaya kain nalang sa labas.. Hehehe, at least busog ako lagi, always in the good mood. toinks!

Nga pala, dahil sa maraming nagrequest ng pictures ng mga chinese friends ko, eto ang picture naming apat:

p1020942

O di ba ang cute namin?! Mga good boys kami sila. Ako lang ang pinakapasaway dyan. Nde sila umiinom, nde naninigarilyo. Ipapakilala ko sila. From left, si Tom, isang IT. Si Adrian, isa syang MD at si Nick isang geodetic engineer, sya ung kasama namin ni Eric nung lumaboy kami sa KL.

Picture namin yan last year sa Singapore. Wala na kaming matinong picture na apat after nun, tsaka kasi si adrian eh nasa southern part ng malaysia ngaun, dun sya nakaassign.

Osya, matutulog na ko. May pasok pa bukas at sa weekend. Magkakasakit yata ako…

Advertisements

Comments»

1. King - December 18, 2008

Kucute ninyo ha!(isama mo din ako sa resto,ahihi!). ala mo magkakamukha kayo.

Everytime na napapagod ka Jorge ang isipin mo (seryosong mode kuno) nalang maswerte ka pa rin kasi may trabaho ka. Madami sa ating mga kababayan nagpapakamatay sa paghahanap ng work o mag-apply abroad para lang makapagtrabaho. Tayo maswerte pa rin kasi dollars ang pera(Toinks!). Isapuso ang payo ni kuya ha para di mapalo, lol!

Seryoso mode na ako; masarap ang feeling na tuwing pagod ka sa work, inom ka ng tsa-ahhh, wahhhhhhhhhh!

Hehehe, oo nga eh, mahilig kaming kumain kaya medyo lumolobo na lately. toinks!

Naku, un na nga ang iniisip ko, i’m truly blessed in so many ways. Nde lang maiwasang magreklamo minsan, tao lang. hehehe..

2. utakmunggo - December 18, 2008

parang nakita ko na kayong apat sa meteor garden. kayo ba yun? hehe

Wahahaha… *apir*

3. revsiopao - December 18, 2008

naku kapatid…
nagkasabayan pa tayo.
ranting mode din ngayon ang cute na deacon at wala pa ang visa ko for england e sa saturday na ang flight ko.
.
.
.
haayyyss….
.
.
isa pa
.
.
haayyysss…
.
.
‘di ko tuloy ma-absorb ang emote mo
.
.
babalik ako bukas pwamis
.
.
isa pa: haayyysss…..
.
.
all shall be well. amen!

Ok lang yan rev, meron ka pang two days. Let’s pray for that!

4. rache - December 19, 2008

naku kayang kaya mo yan nakatapos ka na nga ng ilang buong linggo na wala yung dalawang katrabaho mo eh… saka may insentive naman diba marami na overtime wala pang tax! maraming naiipong panggala! 😉 kapag nagkatime ka na gumala eh dirediretso na… hehehe 🙂 saka masusundan narin yung chapters ng iyong love story na inaabangan ng lahat 🙂

Naku eh ung overtime pay nalang ang nagpapalakas sakin, toinks!!

Sana nga maharap ko na ung chapter 5 ng love story ko, dumadami ang fans eh, hihihi

5. TeenToinks - December 19, 2008

Hays…
Hays…
Kamote…
Patola…
Papaya..
Teka.. ano na naman ba yan! RANTS… Inpernes parkoi, rants mo ngyn may halongjoke.. so meaning kaya mo pa yan! Kung sakaling hindi mo na kaya…. ano gusto mo? LUBID? ASIDO? BARIL? ano? sabihin mo lang ha! Heheheh

Halika nga dito.. uwi ka na.. reklamo mode ever.. iwanan mo na si puti… magsama sama sila nung malaysian na absenero… ok!…

ay teka… parekoi, tsk tsk.. need mo pala si OVERTIME… may HongKyong ka pala… may MACAU pa.. at may PINAS pa next year… at syempre yung pending pa na all expense paid trip to malaysia mo na gift mo for me this Christmas… waaahhh HOW SWEET! weh…??? AYAW mo??? Ayaw mo ba?? KURIPOT! amp!

Ciempre kaya ko pa naman, pinoy tayo eh!

Nde na kasi bumalik ung kasama ko dito, AWOL na sya, kainis!

Oo nga eh, kailangang kumayod para sa hongkong at macau trip. hehehe… Pending all expense paid trip to malaysia? Ano daw? Nabibingi ako.. wala akong marinig…

6. brotherutoy - December 19, 2008

wawa naman ang Jorge, pagod na pagod.
pero swerte rin dahil ang yaman-yaman na nya.
hamo, pagbalik ni absenera,
magsuot ka ng bago at mamahalin.
pag napansin, sabihin mo, katas ng OT.
tapos, bigla kang magfile ng sick leave.
tatlong araw. I-file mo wednesday ng umaga.
then devote those three days to prayer and blogging.
nakapagbloghop ka na, nakapahinga,
nakausap mo pa ni Lord.

ngapala, kayong barkada mong intsik
para lang kayong highschool musical.
ambabata ninyong tingnan.
eh diba parepareho lang tayong 26years old?
(bluep, rev, walang pakealamanan)

God bless!

Ngak, 30hours pa nga lang overtime ko eh, meron pang 13days para mag ipon ng oras. Anyway, nde na bumalik ung kasamahan ko dito, as in AWOL na sya, nde na din sya pwedeng bumalik dito kasi lagot sya sa big boss namin. hehehe..

Ayune, high school musical ba? Namumula na ko nyan, toinks!! Ako pinakabata sa amin, mukha lang akong kuya nila, hehehe

7. Dfish - December 20, 2008

Hi jorge, hindi gaanong busy ang pasko mo ah at hindi nakakabagot. pwede ka naman siguro mag-buffet dun sa ofis mo ano? i-buhos mo na lang yung inis mo sa malaysian food. may sobra ka pa sa OT mo.

Hello dfish! Mabuti narin na may work ako para malibang sa pasko, kakalungkot kasi ung malayo sa pamilya ngaung christmas. Baka nga magkayayaan na naman sa eat all you can sa bisperas, aawwts!! foodie trippin ulet!

8. bonistation - December 20, 2008

hays nahuli ako matagal naba to? kase naman nakatulog din ako ng matagal haha! masarap magpahinga ng mahaba matapos ang mahaba at sunod sunod na duty (beh! ingget! ahaha) joke!

woi! ayos alng yan! pinoy tayu! tama ka dyan! yan ang pambato naten sa ibang lahi!~ wala silang binatbat pag ang pinoy ang dumiskarte ng trabaho kahit petiks per pag trabaho talagang trabaho!

sigurado naman na alam ng bigboss ang mga nangyayare sa opisina at ang mga sakripisyo mo sa kumpanya! kaya cool kalang! MASARAP magwork!! masarap kumita ng dollars hehe!

tama si king kadaming gustong mag abroad at madaming mas hirap ang work kaysa sa yo, kaysa sa atin.. sobrang swerte padin diba at tignan mo nga naman ang mga chineese friends may mga sinasabi! IT,MD,Engr! naks! kumpleto ah! parang meteor garden nga kau ba un??? ung nasa spoof version? ahihihi joke!

sya! merry christmas! natatawa ako sau ngaun kase magkakasaket ka dahil hindi ka nakalaboy ng weekend wahahaa!! coolness ka parekoi!

cheers!!!

Ay naku, huli ka na sa balita, wala ka ng siopao, toinks!!

Ciempre, kaya nga proud to be pinoy eh, kasi all around-multi tasking nilalang tayo. Bilib nga si puti eh, hehehe.. Inpeyrnes, mabait talga si bosing, lagi kaming kinukumusta and he always say sorry bout the situation namin blah blah blah… Okay na din, at least walang pressure sa management, pressured lang sa dami ng workload. Tska pogi points din to sa pagdating ng bonus! aawts!!

Cool naman ako eh, reklamo mode lang lately pero ok n ko, pinapamper ko sarili ko sa food, hehehe.. Srap kumain!! And yes, we are sooo blessed, ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat, as in. Thanks God. toinks!

Naku, eh kung spoof version lang, eh gagawa nalang kami ng sarili naming show kaso mahiyain yang mga yan eh, ako lang ang pinakakengkoy at pinakapasaway. Minsan nga subok kakong mag inuman kami, ako tanggero aba eh isang shot palang eh nahilo na, muntik pang maospital, hahaha.. nde na naulet, natakot ako eh. toinks!

Oi, para maiwasang magkasakit, kahit 5pm na akong lumabas kahapon, nakalaboy parin ako!! Aawwts!!

9. brotherutoy - December 20, 2008

gusto ko lang magmura…

may bumangga ng kotse ko sa parking lot!
+”*+ç*”%+*”ç&%%(ç&°””*°*”!
kainis…

Cge lang brother, ilabas mo yan, sabayan kita.. @#$!@%$%#$!$#!!

Sino bumangga ng BMW ni bro. utoy?? Labas!!! Mata nyo lang ang walang latay!! #@$@#%!#@!#!

Sinabi ng wag nyong gagalawin ang mga filipino saints, ako makakalaban nyo!!!

{Inhale, Exhale} Lumalabas ang pagiging bayolente ko, toinks!

10. livingstain - December 20, 2008

oooppppsss…. wag ka na magalit, papanget ka nyan, isa pa christmas naman hayaan mo na muna. isang araw pag di mo na kaya,ratratin mo na ng mura pagkatapos tsaka ka na lang magsorry… hehehe

Ahoi, salamat sa pagdalaw livingstain! Don’t worry, kahit galit ako nakasmile parin {Ngak, pano un?! toinks!}

Merry Christmas kapatid!

11. revsiopao - December 20, 2008

ayan nakabalik din…
(after my “visa madness” experience)
.
.
bisita ka na lang sa tindahan ko para sa kabuuan ng kuwento.
.
.
at take note: sikat ka na naman sa aking bagong post (o ha!)

Reeeevvvv!!! Wag kang mag alala, may two days ka pang iintayin, asa pa tayo ng konti…

At talgang sumisikat ang palaboy, todo na to!! Thank u padre. Terimah Kasih!

12. teentoinks - December 21, 2008

Parekoi…

Its Christmas time.. magpapakabait ako!

Lakas mo uminom, gusto mo ba liver aide? Ano mas gusto mo, liver aide or papaya? Toinks… Bwahahhaa! Bwahahaha.. ang bait ko!

@BroUtoy: Tsk tsk.. binangga ang BMW! __________________! _______________! Yes mura din yan… baka kasi ma wrong spelling pa ko eh!

@REV: we still have time.. dnt worry makukuha mo yang Visa mo, sa airplane ka nga lang mag no-noche buena! Toinks… at isa pang Toinks!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: