jump to navigation

Laboy tayo sa Pulau Ketam! January 18, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

 

Konting announcement lang muna bago magsimula:

Ipagpaumanhim muna ng madlang people ang panandaliang pananahimik ng toinks team dahil sa mga kadalihanang:

Super duper over to the maximum level busyness si boni station sa kanyang work parang ako. Si Tina banana naman ay bonggang bonggang nawasak ang laftof {kakapanood ng **rn}, navirus ek ek daw, kung ano ano kasi ang dinadownload eh, tsk tsk.. Naglalakad at tumatakbo na ang baby ni Mommy Rachelle na si Baby Polyn kaya nde na maharap magblog at naghahabulan na silang mag-ina. Si Buyoy naman po ay busyng busy sa pagpprepare para sa knilang kasal at pati pagsuot ng red shirt ay nde na makuhang gawin. Di bale chinese new year naman na eh, isuot mo na ung regalo ko sayo nung christmas ha. Si basti nde ko alam kung ano ng nangyari dun sa batang un, magparamdam ka naman koya! toinkz!!

At higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nagbigay ng comment sa last blog ko. Salamat sa mga advices at personal thoughts. Salamat din sa emails {nde kasi pwedeng ipost sa comment section} at sa chat. Alam nyo na kung sino kayo at nde na kailangang imemorize pa. hehehe.. Talamat po!

Busy ang laboy king last weekend dahil gumala na naman kami.. ang destination? Pulau Ketam!

Pulau means Island, Ketam is Crab. Kaya in english, it’s Island Crab este Crab Island pala. Ciempre ng malaman kong isla ang pupuntahan namin, nag ring ulet ang bell sa aking tenga dahil adik ako sa swimming kahit langoy aso at pusa lang ako. At ciempre para maisuot ko ulet ang swimming trunks kong puti {pahinga muna ang black trunks kasi nakita nyo na un eh}. Kaso, ngunit, datapwat, subalit sa Pulau Ketam pala kami pupunta. Kilala ang islang iyon bilang isa sa mga maliit na isla na malapit sa KL at nde malinis. Eh bakit kami pupunta dun?

Malay ko.

Dahil madali lang akong yayain at utuin, sumama na din ako kahit masama ang loob ko at nde ko masusuot ang trunks ko. Hmpf!

Osya, fresh seafoods daw ang dahilan ng laboy namin na un. Bigyan ko kayo ng konting overview:

Matatagpuan ang Pulau Ketam sa southern part ng Klang Valley. Ito ay malawak na lugar na katabi ng KL. Duon matatagpuan ang Port Klang na kung saan duon dumadaong ang mga barko at kung ano ano pang ka ekekan, ang hirap mag explain ha.

Aktwali, pwede naman kaming magdrive from KL to Port Klang pero para sa ikasasaya namin, nagtry kaming sumakay ng train from Subang Jaya to Port Klang, ang pinakadulong KTM train station na kung saan duon nga matatagpuan ang sakayan ng ferry patawid ng Pulau Ketam.

KTM

KTM

Nde kagandahan ang KTM trains kasi pang mahabaang byahe sila pero cozy naman sa loob.. {Ano daw?!} Malakas ang aircon at kokonti lang ang mga tao kaya inanggkin ko ang loob. Naging clown na naman ako at ginawa ko ding studio ang loob. Kapit lang sa upuan at magprepare ng tissue sa tabi dahil madami ang pictures na ipopost ko.. toinks!

Isa lang napansin ko.. Ang ganda pala ng polo na suot ko, parang polo na suot ni bro. utoy nung ordination ni rev. Tama ba? Ngaun ko lang napansin.. hehehe…

emote

nakalimutan kong singilin si aling cora

uulan yata, ung mga sinampay ko!

uulan yata, ung mga sinampay ko!

tawa ka naman dyan!

tawa ka naman dyan!

Ang hirap namang patawanin nito, sumasakit siguro tyan mo? hehehe.. Ay, nde nga pala nakakaintindi ng tagalog yan, ah, eh, what? you? painful? Nyemas, wag ka nalang tumawa, ang hirap mag english.. toinks!

 

upong marino

seat up straight!

Hanggang ngaun nde ko maisip kung bakit nakaupo ako ng derecho, bihira lang mangyari ito kasi kuba ako eh, hmm.. Ah, alam ko na, pinapakita ko nga pala legs ko dyan!

 

Port Off Klang KTM Station

Port Off Klang KTM Station

Sa wakas, after 10 years stations, nakarating na din kami sa dulong station ng KTM, ang Port Off Klang, kung makikita nyo sa kanang bahagi ng cute picture ko eh un po ang sakayan ng ferry papuntang Pulau Ketam. Inabot din kami ng mahigit kalahating oras sa train, wala naman akong ginawa kundi magpapicture, magtambling, magsplit, dumekwatro at magpatawa. 

 

pahawak naman

pahawak naman

Nde pa ako nakakahawak sa tubo eh pinicturan na ako, sa totoo lang, medyo natakot ako kasi makitid lang ang dadaanang ito papunta sa nakaparadang jeep ferry, nde naman maalon pero nakakatakot parin kasi medyo gumagalaw ung daanan na to, buti nalang may lifeguard ek ek sa likod ko, pero sa sobrang katabaan eh baka sya pa ang sagipin ko kung nagkataon..

 

dambuhalang ferry

dambuhalang ferry

O di ba, bonggang bongga ang ferry na sinakyan namin, ang laki!!! toinks! Nyemas, ano nga naman kasi ang ieexpect mo sa RM 7.00 {PHP 80.00} na pamasahe? Ciempre, nde nmn kasi kami social at mga elite kaya sa mga dampa lang kami lumalaboy at either mura ang pamasahe o may discount or promotion kaya lang kami nakakagala. hehehe..

 

ang cr

ang cr

45 minutes ang pagtawid namin from Port Off Klang to Pulau Ketam kaya wala kaming magawa sa loob. Buti nalang at kokonti ang tao sa loob at nakapagpicturan kami pati sa dugyuting cr na to, infairness, malinis naman, kaso nga lang mukhang babagsak any minute. Kesa naman sa magtyaga ako sa chinese singing contest na pinapanood sa tv na nde ko naman naiintindihan eh di magpicturan nalang.. hehehe.

 

Port Pulau Ketam

Port Pulau Ketam

Buti nalang pala at nde ako nag insist na magdala ng trunks dahil wala nga namang paglalanguyan, kita nyo nlng, nakalutang pala ang mga bahay dito. Pers taym kong pumunta dito sa lugar na ito kaya humalik ako sa lupa at nagwish.. Wish ko lang…

 

ganda ng polo ko!

ganda ng polo ko!

Aktuali, wala nmng maganda sa background ko kaso wala man lang akong remembrance sa unang resto na nakita namin kaya nagpapicture na din ako, hehehe.. Nakakaamaze {ng konti} ung islang ito, akala ko tourist area pero residential pala. Dinadayo lang sila ng mga taong gustong kumain ng masarap at fresh seafoods. Nakalutang ang mga bahay nila sa tubig pero infairness, concrete naman..

 

Atty Libay, akala mo ikaw lang ha!

Atty Libay, akala mo ikaw lang ha!

Ciempre, lumaki akong gaya gaya kaya ginaya ko si Atty. Libay sa pagtalon talon epek sa picture. Ang kaibahan nga lang eh para akong nakuryenteng palakang tetot dyan, hayaan nyo na, at least nakalundag ako kahit gutom na.

 

restorans

restorans

Sikat ang Pulau Ketam sa masasarap, fresh na fresh at bonggang bonggang sea foods {kanina ko pa sinasabi to} at makikita naman na ang kompetisyon ng mga restoran ay mahigpit. Kanya kanya sila ng mga pakulo. Kapag dadaan ka, may mga kung ano anong tricks ang sinasabi, kesyo chin chan zu o lyna daw ang ginagamit nila, sa totoo lang nde ko maintindihan kasi mga intsik kasi sila, hehehe.. Denedma muna namin sila kasi maglilibot muna kami sa kanilang maliit na sila, mamaya na kami kakain, mamaya na kami pipili ng restoran na gumagamit ng chin chan zu..

 

ganda talga ng polo ko, aawts!

ganda talga ng polo ko, aawts!

Imaginin nyo nalang na tubig ang ilalim nitong kongkretong daan na ito.. hmm… Sobrang init ng mga oras na ito, tanghaling tapat ba naman kaming maglakad eh. Binalak naming magrent ng bike para makaikot ng isla kaso lalong binuhos ng araw ang lakas nya kaya nde na namin tinuloy, nde carry ng garnier sun block ang tindi ng init. Kaya nag ikot ikot nalang kami ng konti.. konti lang..

 

low tide or high tide?

low tide or high tide?

Low tide nga yata nung dumating kami kasi nakababa ang mga bangka nila, tas ung mga poste ng bahay nila matataas..Pano kaya sila nakakasurvive kapag tag ulan?

 

parang squatters

parang squatters

Mukha lang squatters area sa picture pero malinis nman, magaling siguro pamamalakad ni kapitan sa isla na ito.

 

chinese temple

chinese temple

Nun ko lang nalaman na puro mga intsik pala ang mga nakatira dito kaya ang mga temple eh kung san san ko nakikita. Pinasok namin itong temple na ito, maliit lang pero gaya ng mga temple, regardless ng religion, sobrang peaceful sa loob. Siguro dahil walang mga batang naglalaro o mga turo turong nagtitinda sa gilid ng kalsada, toinks! Ayun, napabunot tuloy ako sa aking wallet para magdonate ng konting pera.

 

kainan time!

kainan time!

Nde na kami tatagal sa sobrang init at gutom kaya bumalik kami dun sa mga restoran, at ciempre ineexpect na namin na gagamitan na naman kami ng kung ano anong chin chan zu language. Pinili namin ang resto ay ung sa waitress na mukhang mabait, sexy at hospitable at tunay na gumagamit ng lyna este chin chan zu pala, toinks!

 

restoran kim hoe

restoran kim hoe

Nde po ito 5star resto, karinderya version natin ito pero mas social naman ng konti, konti lang… Ganda ng name ng karinderyang ito, restorang kim hoe, hehehe.. 

 

magutom kayo

magutom kayo

Specialty ng resto na to ang spicy crab ek ek kaya un ang isa sa mga inorder namin. Kami mismo ang pipili ng talangkang ipapaluto namin. Nakalagay sila sa isang drum at nakatali ang mga sipit, wawa naman sila, parang mga nasa death row, hehehe.. Medyo may katagalan ang pagluluto pero worth it naman kasi sobrang sarap, fresh na fresh ang lasa, tamang tama ang anghang kahit nagdagdag pa ako ng sili sa sawsawan eh ayos na ayos!

 

nangalahati na ng maalalang picturan

nangalahati na ng maalalang picturan

Sa sobrang gutom eh nakaduwit na kami kaya medyo bawas na ng maalala naming picturan. Nde maganda ang mga plato {ciempre karinderya nga eh} pero hataw naman sa sarap! As in! Sinulat ko nga ung pangalan ko baka kasi makalimutan ko eh {hmpf, corny!}

Inorder namin ung Lala {tulya} na niluto sa shredded ginger and chili, chinese style dried shrimp {ung nasa orange na plato}, ung steam fish {nakalimutan ko ung name ng fish}, tsaka ciempre ung spicy crab, ang kanilang specialty {nasa orange na plato sa gawing taas}, tsaka ciempre nde mawawala ang rice. Kasya kaya sa tatlong tao ito? Aktwali, kulang pa, hehehe.. Msarap eh!

 

mainggit kayo..

mainggit kayo..

Medyo may kamahalan lang ng konti kung ikukumpara sa presyo sa KL pero superb naman sa lasa at freshness, naks! Pang commercial ito!

 

dinaanan ng bagyo

dinaanan ng bagyo

Ayan, parang signal number 4 ang dumaan, pati mga sipit ng talangka eh simot! Iirapan pa siguro kami ng pusa kung ibibigay namin ang tinik ng isda kasi wala na silang masisipsip, hehehe…

Busog sarap ciempre. Mainit na chinese tea lang ang katapat para nde maempatso.

Kwentuhan at tawanan lang pagkatapos. Bumalik na din kami ng Port Off Klang pagtapos ng kalahating oras.

 

ano sabi sa horoscope ko?

ano sabi sa horoscope ko?

Marami ng tao sa loob ng train pagbalik namin kaya nde pwedeng gawing studio. Hikab at basa nalang ng dyaryo ang ginawa ko hanggang marating namin ang Subang Jaya Station na kung san nakapark ung sasakyan namin.

Wala kaming laboy ng mga chinese friends ko next week kasi Chinese New Year na, babalik sila sa kanilang mga lungga probinsya. Ang plano ko eh magpunta sa mga pinoy fwends ko naman para uminom, magpapainom daw ung isang pinoy na galing sa pinas. Maraming pictures ulet pag nagkataon.

Excited na ko sa hongkong trip namin next month! Aawts!!

Advertisements

Comments»

1. joycee - January 18, 2009

cool, andame namang nagalaan. ansarap talaga gumala basta may pera, pero mas masarap pag libre.

napadaan lang endorsed by kuya buyoy. add kita links ko ha. 🙂

Hi joycee! Salamat sa pagdalaw! Masrap talgang gumala, lalo na kapag may discount o mura lang ang lugar na pupuntahan at alam namin kung saan saan un, hehehe…

Balik ka ha! Godbless!

2. Bons - January 19, 2009

nice polo! ang slim mo ngayun ah!! ^^ minan masarap talaga mag byahe susubukan ang mga ordinaryo at pucblic vehicle marami kase tayu matutunan dun, kilos at galaw ng tao sa paligid at walang katumbas na self experience! nakakaiinggit, gayahin ko byaheng ganyan pag uwi ko pinas! promise! haha inggitero ako weh! hahah.

malapit ng bumalik ang dugong kuneho ko! nararamdaman ko parekoi haha. ^^

dipako nasakay ng ferry anong feeling> haha kalula yata tsaka nakakatakot may life vest? toinks!

ge byers muna ule!

*** cease fire na sa Gaza. YAHOO!

Ganda talga ng polo ko, nde ko nga akalain na pwede palang pang laboy yan kasi mumurahin lang, hehehe.. ssshhh wag kang maingay..

Yep, sarap magtravel minsan gamit ang public transport, ang daming makikita at maeexperience..

Inpeyrness, kumpleto sila ng life vest at nakasupot pa, meaning bago pa. Naghihigpit kasi sila dito sa mga public transport pati mga taxi dapat 3pax lang ang maximum passengers tas dapat nakabuckle up behind kundi may malaking penalty.. In short, safe naman pero sa totoo lang, medyo nahilo ako sa pagsakay sa ferry, parang umiikot ng konti ang mundo hanggang makauwi, toinks!

cease fire na? Thanks God!

3. King - January 19, 2009

Ayan nagutom na naman ako! Ikaw talaga parekoi lagi mo akong dinidemonyo sa pagkain, hehehe!

InFEARness ha, like ko ang polo mo. Embroidered with beads?! hehehe…..Meron na din sa atin nyan sa pinas kaso di naman island, sa gilid lang ng airport.

Uy, ingat ingat lang sa mga pagkain kain sa labas like ang public restorate na tulad nyan kasi alam mo na si tita hepa, huh! .

Ingatz!

Hehehe, sarap kumain! Humanda ka sa mga susunod pang foodie trips, madami pang nakaplano, bwahahaha!!

Nde embroidered tong polo ko, printed lang yan, galing sa thailand, hehehe..

Inpeyrnes sa mga chinese restaurants dito, malinis naman sila, bago sila maghain ng food, may kumukulong tubig na ibibigay, dun muna namin ilulublob for hygienic purposes.

Thanks for the concern parekoi! Godbless!

4. cheLLy - January 19, 2009

mas masaya sana jan kung kasama mko..hahaha (joke po)

ingatz po lage..

Ahehehe.. cge next time join ka… toinks! Salamat sa pagdalaw!

5. cheLLy - January 19, 2009

mas msarap din ang food kpag ako ang ng luto..hehe

Wow! cge nga ipagluto mo nga ako, ano kaya mong lutuin?

6. Heleyna - January 19, 2009

naks! naunahan ako ng kapatid kong si joyce oo…hindi man lang ibinalitang me bago dito tsk tsk. pasensya na prinsipe eh eto at balik ospital na naman. nakauniform pa nga ako ngayon oh hindi pa ko nagpapalit ganyan ka kalakas sa kin eh. {ayaw pa amining adik lang } awwts!

Ang konti ng pictures ha!! imperness ang takaw mo este ang cute mo sa lahat ng pics walang bola! Sana makapagtravel din ako ng parang ganyan bago man lang mamatay….pangarap kong makapunta ng Spain pero ni Pilipinas nga di ko pa nalilibot, kahit sa Mall of Asia nga di pa ko nakakapunta wahaha.

Ako lang ba? Pero parang natatawa ko sa Port of Klang Klang? Hehe ewan ba. Anyway sa dami ng kinain mo mukhang pwede mo na pakainin kalahati ng mga bata sa Somalia. Jowk lang. lolz

Woi, di naman ako kasama sa nananahimik…busy lang din po. toinks. tanong mo pa kay kuya buyoy may ipopost na raw yan tungkol sa barong. Ingat na lang ulet. Mabuti naman at nagkaron ka ng taym to enjoy and have fun. Ingat na lang parate.

Naku, oo nga, naunahan ka ni joycee, ang ccute nyo talgang magkapatid, hehehe… At ang lakas ko talga sa inyo ha.. naks naman!!

Adik sa pictures eh, walang gana aktwali, hehehe.. Naku, parehas tayo, panay ang gala ko dito sa ibang bansa pero sa pinas nde ako makagala, wala kasing chance at pera nun eh. Ano ung Mall of Asia? toinks!!

Alam mo ba kung bakit tinawag na Klang? Kasi port sya nung araw until now, tas ung mga tunog ng bapor dati eh Klang klang klang!! kaya tinawag syang Klang, bwahahaha!!

7. Heleyna - January 19, 2009

Tatlong beses kong binasa muna ang koment bago ko sinubmit…pero di ko napansin na dalawang beses kong nasabe ang “ingat na lang” Haaays, antok lang siguro ko. Pasensya na po… ^.^

Ahihihi, ihiga na yan..

8. coolwaterworks - January 19, 2009

This is I think your most detailed post to date… 🙂

Ini-imagine ko yung pagta-tumbling mo sa loob ng train… Kung totoo man yun, sirang sira na tayong mga Pinoy dyan sa KL… Hahaha!!!

On the other side, it is a good note that after a dilemma-filled post comes a refreshing one… In parallel, our journey with life and with the Lord will always have its twists and turns… But after the painfuls twists comes a refreshing turn – like this post…

God bless you kapatid!

Hey yo! Salamat sa pagdalaw ulet kapatid! Thank u sa comment mo dun sa last entry ko ha.. at thank u din sa papuri mo dito sa entry na ito. Though nde ako magaling sa english, sana sa tagalog eh madale ko naman, hehehe..

Naku, simpleng tambling sabay split na nakadekwatro lang nmn ang ginawa ko, ciempre may kahihiyan pa nmng natitira sakin at yoko namang ikahiya ako ng kapwa pinoy dito, bwahahaha!! hanube!!

Yeah, you’re right, if you will know me more, i’m a very cheeky type of person, bihira lang akong mag emo at nde nagtatagal kung topakin ako. Anyway, it’s God’s calling which i can’t resist.

Godbless din!

9. ericpascual - January 19, 2009

hahaha kaunti nalang kopyang kopya mo na si ate Libay..

ang saya naman ng trip mo lalo na sa ferry mukhgn enjoy. naalala ko nungnumuwi ako naka plano sana corregidor mula sa manila bay ata un 1 hr. lang. eh sobrang gipit sa oras kaya di kmi natuloy. Wala lang nasabi ko lang.

Hope one day makasama ulit ako sa gala nyo. 🙂 naiinggit na ako. :p

Hahaha, oo nga eh, pero at least may konting difference sa paglundag, toinks!!

Ay naku, nakakahilo sa ferry na yon, kahit nde maalon ang dagat eh nahilo parin ako kasi ang liit nya..

Cge gala tayo ulet minsan bago ako umuwi…

10. joycee - January 19, 2009

Alam ko na panu magpost ng audio, kaya lang hinde sya nagpeplay, forever buffering sya. i need rev’s help. 🙂

dalaw ka muna sa blog ng friend ko, guestblogger aku dun..

http://www.netorific.wordpress.com

selemets!

Tinuro na din ni rev kung pano magpost ng audio kaso nakalimutan ko na, hahahaha… {rev, dadapa na po!}

Naku, deadlink naman ung site pate…

11. ate honey - January 20, 2009

ang lakwatsero nga naman hehehe daan daan lang ^_^

hehehe.. salamat sa pagdaan! Godbless!

12. Dfish - January 20, 2009

Mukhang masaya ka talaga, Jorge. Halata, lalo na sa chow part! Living the best part of Malaysian life – ang gumala at tumalon parang si Ramos!

Hehehe, cheeky po talga ako. Medyo tinotopak lang minsan kaya emo mode.. hehehe… Ginaya ko po si Bb. Libay sa pagtalon… toinks!

13. mangbadoy - January 20, 2009

try mo sa port dickson maganda rin panget nga sa klang…

fyi, RM7 = PHP 91 na minsan PHP95… 😀

Hahaha, talgang nagcalculator ka pa ha, ung sakin hula lang, toinks! Thanks parekoi sa pagcorrect. Nde pa nga ako nakakapunta sa port dickson, maganda daw dun pero nde pwedeng magswimming kasi marumi ung tubig.. hehehe

14. livingstain - January 20, 2009

nice train walang mga sakay samantalang dito sa manila aba naku!

ung port klang base sa mga nakita kong pictures at base sa iyong palalarawan, mas mukang maganda yata sa Fort Magsaysay…toinkz…

at hindi pa rin nawawala ako sandamukal na pagkain, sarap talaga mabuhay… lika kain tayo, my sandwich pa ako dito tsaka tatlong pirasong saging…
yum yum!

Hmm.. nde pa ako napupunta sa fort magsaysay eh, ano ba meron dun? hehehe..

Ciempre sa bawat laboy, may pagkain. Nde enjoy ang gala kung nde masarap ang food, toinks!

15. joycee - January 20, 2009

garsh, im sorry wrong spelling ako, post ko na nga lang yung link, eto na talaga..

http://netoriffic.wordpress.com/2009/01/19/habang-wala-si-neto/

wuhu! salamats! 🙂

teka lang ha, basahin ko to later alligator..

16. TeenToinks - January 20, 2009

Nice polo parekoi, may red tag pa sabi SALE! Nyehehe!

Laboy k n nmn, hays.. Umwi k kaya d2 pinas, uy.. mis k n nila mame at lolo careful! {nangungunsensya mode}

Nasakay n ko s ferry.. FERRYs wheel, nyahaha! Super cat nsakay n ko, tsaka ung ferry boat sa sydney! Uy! Social history rizal at el fili! May pic p nga ako eh, ung parang ihuhulog lang ako sa ferrys wheel, para sweet! Hay.. Bangag n nmn!

** cease fire sa gaza.. manonood lang ng inauguration ni Obama. Hehe

LATE ka na naman as useless!! hmpf! Mustasa ang pagsabog ng laftof mo? hihihi…

Ipost mo din mga pictures mo dun sa sydney, teka, pupunta ka pa nga pala ulet dun… todo na to!!! kelan ang lipad?

17. p0kw4ng - January 20, 2009

nyeta ka jorge kahit busog pa ako eh bigla akong naglaway dyan sa mga pagkain na nakita ko….

mukhang maganda yang place na yan…gusto ko kasi yang idea na pasakay sakay ng bangka…kahit hindi ako marunong lumangoy eh malakas ang loob ko dyan,hihihi

aminin na kasi na kaya ka tuwid sa pagkakaupo eh gusto mong makita namin na braless ka,hihi

hi ate powkie!! talagang iinggitin at paglalawayin ko kayong lahat, ang sarap pa nmn ng mga foods dito, bwahahahahahaha!!

Ayan, nahalata tuloy na braless ako, ang nipis pa nmn ng polong suot ko, toinks!!

18. revsiopao - January 21, 2009

bakit ako na-late????
bakiiit???? magwawala ako dito… pigilan niyo ko…
tubig tubig…

bakit hindi ko ‘to naramdaman?
kasi naman, sa haba ng blogroll ko, today lang ako umabot sa letter M….

teka… bakit si UTOY wala pa rin?

babalik ako, iinom lang ng tubig para mahimasmasan.

Reeevv!!! Bakit ngaun ka lang? Late ka parang si tina! DAPA!! toinks!! Naku ang dami ko pa ngang utang sayo eh, nde pa ako nakakapag iwan ng yapak sa entries mo, dalawa na pala ang bago, grabe!!

Naku, si bro utoy? Eh letter T ako sa blog roll nya eh, baka nakabalik na ko from Hongkong bago makadalaw dito… toinks!

19. revsiopao - January 21, 2009

{buntong-hininga}
ok na ako…

bakit ba talaga ako na-late?… ok na talaga ako…

{hindi nila alam, nakita ko na ang mga pics na ‘to sa facebook. belat!}

walastik ka talaga bata batuta! gala galore na naman.
super detailed pa ang kuwento.

at ang talagang may eksplaneyshun kung bakit tahimik ang toinks team. parang atty. shawarma lang. toinks!

O SIGE NA! MAGANDA NA ANG POLO MO!
flower kung flower!
tama si bons, pumayat ka nga sir. ayos pala sa ‘yo ang madaming work e.

* o, nasingil mo na ba si aling cora?
* kuba ka ba talaga?
* ang laki nga ng ferry!
* ang restoran kim hoe ba ay pag-aari ng kakambal ni kim chu?
* bakit hindi pantay ang paa sa anino mo dun sa “jump” pic?
* bakit ang takaw niyo?
* bakit ang dami kong tanong?

ayoko na! titigil na po ako…

sama ako sa hongkong!

Isa lang ang sagot ko sa mga tanong mo… Nagpapacute lang po… Toinks!

Aktwali, dalawa yang polo, mas flowery ung isa, bwahahaha!! Mumurahin lang yan, mukha lang social kasi ako ang nagsusuot, toinks!!

Payat ba? Panay na nga ang kain ko eh, huhuhu… Tanggalin na ang diet, nyemas!!

Namiss kita rev, musta ang exams?

Godbless!

20. revsiopao - January 21, 2009

{Sagot ko siyempre… adik e… parang chatroom lang}

Na-miss din kita bata batuta {naks tambtaks!}

Woi, sa ‘kin na lang ‘yung isang polo. Suot ko din ‘pag namangka kami sa Tiber River. Toinks!

Naku, 1 pa lang ang exam ko na natapos. Next 2 weeks pa talaga ang madugo. Haayysss…

Kain lang ng kain. GO GO GO!

God bless!

Hahaha, adik talga!! toinks!! Naku ang tanong eh kung magkakasya sayo ung isang polo, bwahahaha!! Ang nipis kaya ng katawan ko…

Goodluck sa exams!!

21. revsiopao - January 21, 2009

last na talaga…
may bago sa blogroll ko na taga-KL.
check out “flamindevil”.
para madagdagan ang kapit-bahay niyo diyan ni mang badoy.

matutulog na talaga ko.
god bless!

Oh, check ko later alligator.. Thanks thanks! Goodnight este goodmorning na pala… toinks!

22. heart - January 21, 2009

wow…!!hong kong..!…..ang saya naman…!
gudluck sa TRIP nyo~!!!

Hehehe.. thanks!

23. cheLLy - January 21, 2009

anu po b gusto mo fud..?pwede nman ako mg search eh, mdali nman sundan ang cooking directions..hehehe

ingatz po..

Kahit ano basta maanghang.. hehehe.. Naku, weakness ko pa naman ang food, galingan mo sa pagluto ha, maraming seminarians ang matutuwa sayo.. toinks!

Godbless!

24. flamindevil - January 21, 2009

hey bro..thanks sa pagdaan.ganda ng mga pics.para na kong nakapagtour.hehe.sige pag may tanong ako at kelangan ko ng financial help,lapit ako sa inyo ni mang badoy.haha

anyway,add kita sa flamindevil’s angels ko ha.daan-daan ako ulit dito.salamat ulit. :p

Hehehe, sarap lumaboy dito sa KL, EB tayo nila mang badoy next time para may Malaysian EB version! Awwts!

Add na din kita sa blog tootsie roll ko.. hehe

25. brotherutoy - January 21, 2009

hirap ng busy, ngayon ko lang nakita ito.
salamat sa heads up, rev!
may isa muna akong napansin.
parang isinama mo lang yata ang mga chinese
para gawing photographer mo ah. hehehe…

pangalawa, bagay ang polo!
although mas mukhang mamahalin ang polo mo dahil yung sa akin eh nabili ko lang ng sale
sa monakiki (kasi dun lang mura).

at namamayat ka nga, jorge.
parang walang side effects ang lahat ng foodtrip ah.
o talagang ganun ang spicy food?

happy chinese new year sayo
at sana eh kung makatanggap ka ng ampao
eh wag mong kalimutan ang mga mahihirap.
tulad ko.
God bless!

Ako din brother sobrang busy, pinagpuyatan ko lang na ipost ito kasi sayang nmn ung laboy namin kung nde ko isshare, may utang pa nga akong comment sa mga entries mo eh..

Nadale mo! Ginawa ko lang silang photographer, eh pano ba naman, ayaw magpapicture eh sabi ko ako nalang picturan nila para masaya ang lahat, hehehe… toinks!

Naku, sa mumurahing tyangge ng thailand ko lang binili yan as in siguro wala pang 150pesos, hihihi.. shhh wag kang maingay mabibisto ako..

Pumapayat talga ako?! Waahh!! nde epektib ang mga kain ko, huhuhu.. gusto ko pa namang maggain ng timbang, hanube!!

Gong Xi Fa Cai! Sana makarami ako ng ampao, hihihi

Godbless!

26. glesy the great - January 22, 2009

sa lahat ng pics.. isa lang ang napansin ko.. bakit parang walang masyadong tao.. pasensya na masyado kasi akong mapagmasid…. ahehe…

syet na malagkit… paborito ko pa naman ang seafoods… waaaahhhh…

love this post… fineature mo ang mga paborito kong sea creatures… cheers;p-glesy the great

Magandang tanong.. yan din ang tanong ko nung araw na yon, ang sagot ng mga taga dun kasi daw tanghaling tapat kami lumaboy, sa sobrang init {at low tide pa}, sa hapon pa daw dadating ang mga tao, eh nde nmn namin maiintay pa ang hapon kasi nakakatakot maunahan sa ferry, hehehe..

Tsalap ng seafood, kain tayo!

27. yhen - January 22, 2009

ang sosyal naman pagala gala nlang…

ayaw mo naman po gumala ano?

minsan sama mo naman po ako… hehe! closeness?

cge po enjoy po! godbless!

Wala nga akong ganang gumala eh, hihihi…Tara, laboy tayo minsan..

28. mangbadoy - January 22, 2009

george, kaibigan ko si flamindevil since sa pinas pa… dito yan natutulog samin pag weekends or pag off nya!

nga pala regarding port dickson may man made swimming pool sila dun kame nag swimming tapos may hotel din to stay so okay dun…

Ah, ganun ba? Sana may grand malaysian EB din tayo nila buyoy, hehehe..

Cge nga, next destination ko port dickson..

29. yhen - January 23, 2009

oo nga halatang wala kang ganang gumala… harhar… nwei, ano apelyido mo? tanungin nga kita ke ate chona… hehe! 😉

hehehe… Santiago surname ko, classmate ko sya nung elementary til high school..

30. markey - January 23, 2009

nakasakay na ako sa train na ito…. at muntik na ako ikulong sa Malaysia kasi dapat pala bababa ako at lilipat ng ibang train but malay ko ba first time ko so 2hours ako nas train dapat ang byahe ko is 30min. lang

Hi pare, salamat sa pagdaan. San ba destination mo at naligaw ka? Bakit ka nmn nila ikukulong?

31. payatot - January 25, 2009

sarap ng upo mo sa hapag bro! pahingi naman dyan ehehehehe

Hehehe.. oo nga eh, basta kainan, sitting pretty ako… toinks!

32. joycee - January 25, 2009

Oist sama mo naman kame ni Helena sa mga gala mu minsan. Lilibre ka nya.\

Naku, join na!

33. markey - January 27, 2009

from KL papunta me dun sa pyramid mall ayun naka abot ako sa batang benar…. nakalagay sa policy kulong or multa….

Batang Benar? Nde ko pa yata naririnig un ah, sobrang layo na din siguro.. hehehe… Sa sunway pyramid ka lang ba pupunta? Ang lapit lang nun, hehehe… Pero nde nmn yata ikukulong agad, siguro may mga warnings muna tas ililista name mo, nde nmn sila ganun kastrict dito eh, besides tourist ka kaya nde ka nila gagalawin 😉

34. markey - January 28, 2009

siguro tinatakot lang ako ng guard ipanasok pa kasi ako sa loob ng office nila…

Ganun? tinakot ka lang siguro, wala nmng ganung kabigat na offense.. anyway, next time, tumingin sa train station ha? hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: