jump to navigation

Nakitag kahit walang nagtag! February 11, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

Makikitag muna ako kahit walang nagtag sa akin. Nag enjoy kasi ako sa mga 10 things na nabasa ko sa mga fwendly bloggers. Sabi ko mag iipon din ako nyan at ipopost ko nek time kahit walang nagtag sa akin, hehehe…

Wag kang mag alala Ate Powkie, ung tag mo sa akin, gagawin ko din after nito.. Malakas ka sa akin eh, ikumusta mo nlng ako sa drayber at butler nyo dyan, toinks!

Eto ang rule:

Magsabi ng sampung bagay bagay tungkol sa sarili mo. Syam na totoo at isang kwentong barbero o kathang isip.

Pergi!

1. Nung bata pa ako, mahilig akong manood sa black and white tv. Ang akala ko eh black and white talga ang kulay ng mga tao nung araw at nagkakulay nalang nung panahon ko, kaya lagi kong iniisip, ano kaya ang magiging kulay ng mga tao paglaki ko? hmm…

2. Nangyari na ito dito sa KL. Birthday ni Joey at Iris nun ng malasing ako ng bonggang bongga. Nalasing ako sa fruit salad na ginawa ni Nay Gigi, sa sobrang sarap kasi ang dami kong nakain at ginawa ko pang pulutan kaya ayun, suka ako ng suka. Nagpasundo ako kay Nick at habang nasa daan, nagsusuka ako, nde sa loob ng sasakyan ha. Binuksan ko nman ung bintana at dun ako nagsuka. 30minutes akong nagsusuka sa labas ng sasakyan habang umaandar. Pagdating namin sa condo unit, dumercho kami sa linisan ng sasakyan, tinutukan ako ni Nick ng hose ng tubig sa bibig at sa suka kong nakakalat sa pintuan ng sasakyan nya. At kinabukasan, may work ako ng 8am, hehehe..Ā 

Moral lesson: wag gawing pulutan ang fruit salad, ok?

3. {Yabang Mode}. Nung college kami peborit teacher namin aside Atty. Libay eh si Sir Tito. Terror kasi sya, as in may gulok na hawak sa kamay kapag nag eexams kami. Magaling magturo kahit mahirap ang subjects. Mahina kasi ako sa self study pero kapag magaling ang nagtuturo sa akin eh may utak utak naman ako kahit papaano. Magaling magpressure si Sir Tito kaya nakapag aral ang inyong lingkod ng todo todo at nag exceed sa limit at nagjump over to the maximum level ang review at pag-aaral ko kaya puro flat 1.0 ako sa lahat ng mga subjects nya at take note mga major subjects un. {*end of Yabang Mode*}

4. Takot ako sa heights. Bata pa ako nun ng paakyatin ako sa bubong ng mom ko para linisin ang alulod namin. Uulan na kasi nun at kapag nde ko nalinis ung bara, papasok sa loob ng bahay namin ang tubig. Ayun, 30mins, 1hour na ang nakalipas, nasa bubong parin ako, ang problema kasi nde ako makababa! Takot na takot ako eh ang bubong namin ay wala pa yatang 8ft! Umulan na’t lahat, nasa bubong parin ako hanggang sa sunduin pa ako ng ate ko sa bubong para alalayang bumaba. Magkahalong luha at sipon ang humulas sa mukha ko. Simula nun nde na ako umaakyat kahit sa mga puno.

5. Nde ako marunong kumanta. Kapag nagkakainuman at nagbibidyooke sila, ako taga pakinig at taga tawa lang ng mga wala sa tono pero never pa nila akong narinig na kumanta, eh kasi nmn kahit happy birthday song eh palyado pa!

6. Ayoko ng sugal, ayoko ding tumataya sa kung ano ano. Pero dahil ang uncle ko ang pinuno ng jueteng sa baryo namin, napilitan akong tumaya nung unang bakasyon ko. Tumaya lang ako ng 10pesos at mantakin nyong nanalo! Nagsisi pa tuloy ako kung bakit sampung piso lang ang tinaya ko.

Moral Lesson: Dapat magset ng minimum taya ang jueteng na 20pesos.

7. May nag email sa akin nagtatanong kung interesado daw ba akong maging subject nya sa isang photoshoot. Gagawin daw nya akong model sa kanyang ginagawang brochure para sa wedding edition ng kanilang shop. Nde ko sya personally kakilala pero friend daw sya ng friend ko. Nakita daw ung pics ko sa friendster. Nagdalawang isip ako kasi baka nde totoong photographer un, mahirap na. Pero nung nagmeet na kami, pinakita nya sa akin ung mga gamit nya at binigyan nya ako ng calling card at sample brochure na sya mismo ang kumuha ng mga pictures. Pagkatapos nun, nde na ako nagpakita sa kanya. Wag nyo ng itanong kung bakit. hehehe..

8. Madali akong mairita lalo na kapag gutom. Kung lagi nyo akong kasama dapat alam nyo na yan. Kaya ang mga kaibigan ko eh lagi akong dinadala sa mga kainan {nde nmn obvious}. Kumukulo ang dugo ko sa mga munting bagay kapag walang laman ang tyan ko pero parang switch on/off naman kapag nakakain na ako, para akong angel sa sobrang bait. *wink*

9. Computer teacher ako sa Canossa School Sta Rosa dati. Loves ko mga bata pero nde ako pedopelia no, good boi yata ito. *ahem* Nagturo ako sa 16 sections from grade 3 to grade 6. Dun talga ako nag enjoy sa work ko. Kahit mga makukulet at maiingay ang mga bata, ok sa alright parin para sakin. Kahit sobrang nakakastress ang maghapong trabaho ay sisiw parin dahil nawawala naman ang mga yon sa lambing ng mga estudyante ko. Kaya kung mapapansin nyo ang friendster account ko, ‘Sir Jorge” ang name ko dun kasi majority ng mga nasa friend’s list ko eh mga dati kong estudyante.

10. Lagi akong nagkakatonsillitis. Hanggang ngaun nga may sakit parin ako. Sabi ng mga doktor ipatanggal ko na daw. Pinag iisipan ko nga kung gagawin ko ang removal dito sa Malaysia o sa pinas. Covered naman daw ng insurance namin dito, kaso nga lang, wala nmng magttake over ng workload ko. hayz!

Ā 

Oh ayan, sabihin nyo kung ano ang kwentong barbero dyan. Nde ko alam kung gaano ako kagaling magsinungaling eh.Ā 

Wala akong itatag kasi nde nmn ako naitag ninoman. Enjoy enjoy lang.. hehehe..

Advertisements

Comments»

1. payatot - February 11, 2009

nakakalasing pala talaga ang salad ano, pag sobra ang nakain mo?

ok ang tag mo ah, kahit walang nag tag sayo..napaka transparent mo naman kung ganyan..ehehehehe

Sinabi mo pa, nde ako natutumba sa alak pero sa fruit salad pala ako susuko, hehehe…

Naku, ang siste, may nagtag pala sa akin nde ko alam, nakupo, sorry naman..

2. p0kw4ng - February 11, 2009

jorge balik ako ha..natatae lang ako eh! pwamis di na ako huhugas para madali akong makabalik,hihihi

Ay naku, ang tagal, naghugas na….

3. joycee - February 11, 2009

sows hinde ako naniniwlaang hinde ka marunung kumanta, lahat tayu marunung okay??

naintriga ako dun sa photographer, wahahaah baket kaya di na nagpakita ulet? kahet sinabi mong wag na magtanong, magtatanong pa din ako. Baket nga ba?

wahahaha I love kids den, now I know baket Sir Jorge and pangalan mo sa Fster.

Pagaling ka Kuya. *mwahugsss

God bless yah! šŸ˜€

Naku, totoo un, itanong mo pa sa mga kainumans ko, as in nde nila ako mapilit. Kapag kantahan na ng happy birthday nakikisunod lang ako sa agos.. hehehe

Nagpapagaling na, sana tuloy tuloy na, dapat magaling na ako sa hongkong trip namin… thank u. Godbless!

4. Heleyna - February 11, 2009

Kuya ako ang nagtag sayo!

http://romancinghelena.com/2009/02/whatever-10-ten.html#comments

nakalimutan mo?!

AYAWAN NA!!!

huwaatt??!! Nakupo, i just check it again, ngaun ko lang nakita ung mga tags mo. Honestly, nde nagload ung last part ng entry mo kaya nde ko nabasa, sorry prinsesa. I swear i didn’t saw it, kung nabasa ko ciempre i-acknowledge kita, ikaw pa eh ang lakas mo sakin!

Sorry na ha.. Godbless!

5. coolwaterworks - February 11, 2009

Nakakaaliw itong sampung kwento na may halong kasinungalingan… Masama ang manghula… Maghihintay na lang ako ng “the great reveal”… Hehehe…

Ako din naaliw sa sinulat ko, toinkz! Naku, maghula na, nde nmn masamang magtry di ba?

6. coolwaterworks - February 11, 2009

Oops, at bago na pala title ng blog natin… šŸ™‚

Title lang ang nabago, wala pang time magcreate ng bagong header eh, hehehe

7. TeenToinks - February 11, 2009

MADAM AURING mode meaning… MAY ASIM PA!

UNA: black & white din TV namin nun natatandaan ko pa sira yung pihitan kaya pag ayaw ko ipalipat sa ibang channel tatago ko yung pihitan nyeehhe… pero helllooo… black & white na tao??? wahhh parang ako at ikaw lang… nyehehehe

DALAWA: TRUE! Patunay na isa kang lababo, itutok ba ang hose sa bibig!

3: Flat one ka pala nun!?? Hayyysss… Sir Tito bat ako perfect circle?? ZERO! Yeehaaa…

4: KORAK takot ka sa heights pero hindi na ngayon kasi naman ikaw pa nag aaya na sumakay sa SuPERMAN ek ek na ride dun sa Genting eh!

5: KORAK di ka marunong kumanta kasi friend kita! APIR! yehey! Parehas kaliwa ung boses natin! nyehehehe Nasa lower DO!

6: Hmmm… BALATO naman! Magkano napanalunan mo? Hehehe Feeling ko di ito totoo… BASTA.. May AISIM pa MODE

7: Ahh sinungaling ka! eh basta photoshoot pupuntahan mo eh! nyehehe

8: Ahhh… di ko rin to lam. Kasi lagi tayo BUSOG pag magkasama eh, mas madali ako mairita pag gutom kaya bago ka pa mairita mauuna na ko mag marakulyo… (ano daw?)

9: TRUE Sir Jorge…

10: TRUE.. tonsilitis.. singaw.. pangangati ng paa. yan ang mga sakit mo, patangal mo ung tonsil sunod ung gilagid tas sunod mo ung paa! nyehhehee

BLOG ko ba toh?? HINDEEE>…. eh bakit ba kasi! REKLAMO?

Panalo naman ang comment!! Ipost mo kaya ito sa entry mo? bwahahaha!! Madam auring, anong klaseng asim ba yan? Asim pang nilaga, paksiw o pangsawsawan lang?! bwahaha este hihihi pla..

Ang haba talga ng comment, napipi ako, buti nlng nde ako dinugo, bwahahaha!! labsyuh ateng!!

8. chicksykat - February 11, 2009

magbabalik!!^^

Tagal nmn…

9. yhen - February 12, 2009

hahahha… kuya parang gusto ko ding mag email sa iyo at gawin kang subject ng photoshoot ko…. hahahha! adik!

Bwahahaha! Depende sa pag uusap yan… toinkz!

10. utakmunggo - February 12, 2009

sosme black and white ang mga tao noon sa mura mong isipan? ahaha

madami rin akong 1.0 na grade dati.. karamihan don P.E.

nyaiiks takot ka sa heights? omeyged wala kang kwenta kasama sa mga adventure park! sayang ang rides! ahaha

oh well.. pero in fairness parang wala naman yatang kwentong barbero dito.

sure ka P10 ang tinaya mo sa jueteng at hindi P100?

totoo nga mamu, akala ko nun nagevolve lang ung mga kulay natin, eh ano nmn ineexpect mo sa taga bukid na nagkaroon ng black and white tv di ba? hihihi

nung araw lang ako takot sa height, ngaun nde na. peborit ko na ngaun ang mga theme parks lalo na ang mga rollercoaster rides.. aawwwts!!

walang ka bang makitang kwentong barbero? ang galing kong magsinungaling! toinkz!

11. p0kw4ng - February 12, 2009

turn off din ako sa nagsusugal..siguro dahil sa naging sugarol ang tatay ko..hmmp!

ay apir tayo jorge sa tonsil…kakambal ko na yan eh,hihihi

ayan ha bumalik na ako..pwamis hindi pa ako naghuhugas..pwamis talaga!

Hehehe… eh ano hula mo sa kwentong barbero ko? Magaling ba akong magsinungaling? hihihi..

Sabi ko na nga ba nde ka pa naghuhugas eh, toinkz!

12. kathy - February 12, 2009

sowie po ngaun lang nakabalik!^^

ay pareho tayo kuya na ndi marunong kumanta..kahit anong gawing pilit sa kin na kumanta ndi pa rin ako nakanta,kahit lumuha pa sila ng dugo NO pa rin ang sagot ko..mahiyain po kase ko eh.hihihi

feeling ko po ung number 7 ang kwentong barbero..

feeling ko lang nman po.^^

Ayun! Nagbalik! hehehe..

Ako din, kahit lumuha sila ng sipon, NO parin ang sagot ko, mahiyain din kasi ako… toinkz!

Number 7? mali po, hihihi

13. mangbadoy - February 12, 2009

ako din first time nalasing sa KL, papano 12 boteng tequilla ang tinungga namin tapos mga dose lang kame so parang tag iisa kame lahat…

ikaw ba di tatamaan? hahaha!

Hahaha, gawin bang juice ang tequilla, aba, meron pa ba kayong atay ha?! Buti nlng kami halo halong alak, may tequilla, vodka, jack daniels at kung ano ano pa, at least nde purong tequilla, bwahahaha!!

14. Geisha - February 12, 2009

hi jorge! šŸ™‚

Woi! Long time no see!! Akala ko nakalimutan mo na ko eh. Magkakilala pala kayo ni honey, nagkakachat kami nun eh. Salamat sa muling pagkabuhay este muling pagdalaw, hihihi

15. revsiopao - February 13, 2009

babalik bukas… maiba naman….
toinks!

Ang tagal nmn ng bukas…

16. yhen - February 13, 2009

ay nagdedemand ng TF ang lolo mo! hahaha! cge y not! as long as you can satisfy my desires. hahaha!

Hahaha, pwedeng kain nalang sa labas ang TF ko, toinks!

17. simplefula09 - February 13, 2009

i like your blog…kipitup
exlink po???
tnx
http://simplefula09.wordpress.com

Hello simplefula, salamat sa pagdalaw, o cge, i’ll check your blog later.

Kung nagugutom ka at nababagot, libot ka lang dito sa housie ko.

Godbless!

18. flamindevil - February 13, 2009

pareho pala tayo parekoy.lagi rin akong nagkakatonsilitis.hirap.callboy pa naman ako.maysakit nga ako ngayon pero nasa office pa rin.night shift kasi.sayang.binigyan ako antibiotics at gamot para sa lagnat ng duktor.nahawa yata ako ng sakit mo before.haha

btw,ang dali nito.number 6 ang hindi totoo.imposible!taga genting ka kaya malamang lagi ka nagka casino dyan.nyahaha

Hahaha, ang galing mo nmng manghula.. pero woi, nde ako nagccasino, nde kaya ng powers ko, ang mahal ng tayaan dun!

19. flamindevil - February 13, 2009

pareho pala tayo parekoy.lagi rin akong nagkakatonsilitis.hirap.callboy pa naman ako.maysakit nga ako ngayon pero nasa office pa rin.night shift kasi.sayang.binigyan ako antibiotics at gamot para sa lagnat ng duktor.nahawa yata ako ng sakit mo before.haha

btw,ang dali nito.number 6 ang hindi totoo.imposible!taga genting ka kaya malamang lagi ka nagka casino dyan.haha

20. flamindevil - February 13, 2009

ayan.daan ulit.mangungulit lang.nabisita ko kay King.well, hindi ko alam kelan showing ng ‘Doubt’ dito sa KL parekoy. may sinehan ba sa genting?malamang outdoor yun kasi hindi na kelangan ng aircon.haha.

Kelan kaya showing nun dito? Merong sinehan dito, aircon din kahit malamig. nde pwede sa outdoor kasi maingay sa labas, hehehe

21. revsiopao - February 14, 2009

babalik ulit bukas.
ha ha ha ha!

Yan na ba ang uso ngaun? toinks!

22. Heleyna - February 14, 2009

Uy kuya hindi ako nagtatampo, oks lang yun don’t worry.

Naks! Pwede bang malaman yung mga subjects na flat iron ka este flat one? Papaturo sana hehe. Parehong pareho tayo sa number 5-ako naman tagapalakpak sa mga bidyoke nights. At bihira ako syempre pumunta sa mga ganyan dahil ang ibang prends pe-presyurin ka pa. “kung di ka kakanta sumayaw ka!” Haller! Yung takot mo ba sa heights hanggang ngayon meron pa? Meron din ako eh pero hindi naman ganyan kalala..

Pagaling ka na…Happy Valentines!

Hihihi, nakalimutan ko na ung subject descriptions nung mga un pero mga computer logic at math ung mga un, hehehe..

Ako nmn, nde nila makuhang pakantahin kahit ipressure pa nila ako, aba kung magwalk out ako, wala ng papalakpak sa kanila, hehehe

23. kathy - February 14, 2009

happy valentines^^

happy hearts day din!

24. Mon - February 14, 2009

Hi, daan po ako ah.. Nakakatawa yung fruit salad ginawang pulutan! haha!!
I’ll add you up to my bloglist ah. I’d appreciate it if u’ll return the favor. šŸ˜‰
Happy V-day!!

Hehehe, try mo din pare, masarap impeyrness ang fruit salad sa vodka kaso nga lang baka isuka mo din gaya ko, sayang lang.. toinks!

Sige, i’ll visit your housie later, super busy pa ako galing bakasyon, tambak ang work. I’ll add u din sa blog list ko..

25. revsiopao - February 15, 2009

last na: bukas babalik talaga ulit…
{uso ‘yan ngayon. huwag ka makulet}

nunininuninuninu……

ano nmn yang pauso mo rev, at ano pa itong nunininuninuninu???!! kanta ba yan?

26. revsiopao - February 17, 2009

Final na pagbabalik…
{‘yan nga ang uso hanube}

Sure na sure ako: #6 ang kuwentong japeyks.
Pramis hindi ko ‘yan sinilip sa new post mo.
Ha ha ha ha !
{psst! may premyo pa rin ako ha}

1. Naalala ko tuloy ‘yung b&w tv na de-tubo pa. panalo!
2. Buo pa rin ‘yung sangkap ng fruit salad nung sinuka mo? Eewww….
3. Yabang… Uno kung uno! Sambaaa!!!
4. Akyat tayo sa puno. Now na!
5. Hayaan mo, kukunin kitang taga-palakpak ‘pag nag-videoke tayo sa EB natin. He he.
6. Manong, dos-kinse po. Todo niyo na ang bente! He he.
7. Bakit hindi ka na bumalik?
8. Osto mo siopao?
9. Sir Jorge! Sir Jorge! {wala lang}
10. Bigay mo na lang sa ‘kin ‘pag pinatanggal mo ha. Malay mo maging saint ka, meron na akong 1st class relic. O ha!

Kapagod…. babay!

Ayan, eto na ang matinong comment, hihihi.. ang galing namang manghula, kaso wala akong papremyo eh, toinks!!!

27. xette - February 17, 2009

hi jorge nice blog.. d k b talgang marunong kumanta?? but i still do remember nagconcert k p nga s booth ng masscom department… ang hirap n ng tumatanda hehehe at maraming workload prone s Alzheimer’s disease.. gudluck..t.c.

Aba aba aba, mukhang kilala kita ah.. thank u sa pagdalaw!! Nde ko ineexpect ang pagdalaw mo, honest.. hehehe…

Nakupo, at ibuko daw ba ang concert sa booth, nagpapakitang gilas lang ako sayo nun..

Dalaw ka ulet ha! May blog ka din ba?

28. enjoy - February 17, 2009

ahehehe! at naki-uso ka na rin pala sa tag-tagan ha. tinag mo ang sarili mo pero may nag-tag naman pala sayo [nabasa ko sa heart’s day post mo] hihihi! pero ang sarap ng feeling kapag naibubulgar mo ang sarili mo noh. binulgar ko rin ang sarili ko at halos maloka ako dahil wala na yatang natira sa sikreto ko.

pareho tyo dun sa #8. ayoko din ng ginugutom ako dahil sobrang iritable talga… naghahalo ang balat sa tinalupan!

acrophobic din ako. maski sa escalator tinatamaan ako ng takot. kaya nga madalang akong umalis dito sa sg. ang tataas ng mga escalator dito noh. ampucha!

yun lang šŸ™‚

Oo nga eh, para ngang super close na tayong lahat kapag naipost mo na ung mga sikreto mo sa blog, hehehehe..

takot ako sa heights pero gustong gusto kong sumasakay sa roller coaster, hehehe…

29. brotherutoy - February 17, 2009

bakit sabi ni Snapshot eh wala ka pang update? Punyemus maximus naman oo…

anywei, heto na:
1. di nga? yun talaga ang naisip mo?
2. ito yata ang isa sa mga pinakamahalagang lesson na natutunan ko sa Internet.
4. naalala ko tuloy nung sinama ako ni Rev sa bubong ng mansyon nila sa Roma. Yiii… takot ako!
5. ikaw ang dapat kong kasamang uminom. gusto ko kasi solo ko lang ang magicseng. inuman na ito!!! boni, tina, livingstain and buyoy, kita tayo sa ordination ng isang tao dyan. inuman tayo! hehe…
8. agree ako dito. pwede akong kaladkarin kahit saan basta lagi akong iniitsahan ng pagkain every now and then. Woof, woof!

Naku, mapanlinlang si mr. snapshot eh, ganyan din ako minsan, hehehe…

Akala ko talaga black and white ang mga tao, eh kasi nmn sa bukid ako lumaki, ano alam ko sa tv? puro radyo kasi nun, hihihi…

Naku, parang gusto ko ulet uminom… libre ni rev, bwahahaha!!

Isa pang naku, mag aagawan pala tayo sa iniitsang pagkain eh, un lang iniintay ko sa mga laboy ko… toinks!

30. ate honey - February 19, 2009

talaga, madali kang mairita lalo na pag gutom? hmm di halata ha… i mean di halata mahilig ka sa fud hehehe daandaan leyt na aq paxenxa na, nagtatago hehehe

Hahaha, oo nga, totoo un, madali akong mairita kapag gutom, lahat siguro makakaaway ko.. toinks!

Musta ka na?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: