jump to navigation

Happy Hearts Day! February 15, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure.
trackback

Konting announcements lang po muna:

1. Gusto kong formal na magsorry kay Prinsesa Heleyna tungkol sa last entry ko sabi ko kasi walang nagtag sa akin eh sya pala ang nagtag, nde ko kasi nabasa ung mga tags nya sa entry nya kasi nde nagload sa browser ko. Cencia na prinsesa..

2. Ang sagot sa kwentong barbero ay number 6! Nde talaga ako tumataya sa mga sugal sugal. Kung tama ang hula nyo, may premyo kayo sa akin, hihihi..

3. Laboy grande ako simula sa tuesday hanggang sabado. Pupunta ako ng hongkong kasama ang mga chinese friends ko. Kaya mananahimik muna ako ng ilang araw. Pero maghanda kayo sa sandamukal na kwento at pictures pagbalik ko, wokey?

Birthday ni Joey at Iris at may celebration kami last friday night. Dinner kaming mga tropa sa Izzi Restaurant, kung maaalala nyo pa nung nagtreat si Chels few months ago, dun din kami kumain ngaun.

Kami

Kami

Ang dami namin kaya nde ko alam kung nakamagkano si Joey at Iris sa pagtreat sa amin, hihihi.. Ciempre, mga pinoy eh kaya mga photomaniac, pang friendster at facebook! toinks!

Kaming apat

Kaming apat

Wala kaming ginawa kundi magpapicture. Habang nag iintay na maiserve ang food, habang kumakain at pagkatapos kumain. Mga walang patawad, photomaniac talaga! hehehe..

Bagay na bagay kay Chels ang kanyang bagong eyeglasses, grabe ang astigmatism nun, ang laki ng diperensya kaya laging masakit ang ulo, sana ngaung may salamin na sya maging ok na. Bonggang bongga naman sa pink shirt si Jen, nagstand out sya sa grupo, at sa buong Izzi restaurant kahit may migraine sya nung mga oras na yan, nakasmile parin sa picture, hehehe.. At ciempre nde mawawala ang birthday boi, bagong bago ang kanyang tshirt at skinny jeans. Alam kasing magpipicturan kaya pinaghandaan talaga..

Kaming lima

Kaming lima

Take two daw sabi ng photographer na si Allan kaya nagready pa ulet kami ng isa pang pose ng makijoin samin si Adele kaso medyo putol ang kanyang kuha pero ok na, maganda naman ang mga itsura namin.. hehehe.

Simple lang ang inorder ko, kasi nde pa maayos ang panlasa ko:

Lasagna Bolognese

Lasagna Bolognese

Lasagna Bolognese at bottomless ice lemon tea lang, bukod pa sa family size pizzas na nagkalat sa mesa kaya super busog ulet. Akala ko nga maliit lang itong serving nila, aba ang laki pala at muntik ko ng nde maubos, buti nlang at pwede kaming magstay ng mahabang oras para may time mag ubos ng food.

Kaming tatlo ulet

Kaming tatlo ulet

Gustong magpractice ni Allan sa paggamit ng dslr camera kaya pagkakataon na naming maging model. Inaayos palang ang camera eh mga nakapose na kami, hehehe..

Sabi nila pumayat daw ako, hang kukulet nga eh, minu-minuto sinabi sa akin. Hanube, nagkasakit nga ako at wala akong rest. Ang bilis ko kasing pumayat, pero ang hirap magpataba kahit malakas akong kumain, ewan ko ba..

Nasan ako?

Nasan ako?

Hulaan nyo kung nasan ako… Ang dami namin hano? Ang gugulo namin, ang iingay! Nde pa lasing si Mean eh bumabangka na, hehehe..

Saturday, Valentines Day!

Naman, ang corny ng paligid! Ang daming nagtitinda ng mga roses, lobong hugis puso, chocolates sa malls, hanube! Mga nang-aasar yata itong mga to.. Nagawi lang ako sa One Utama Mall para bumili ng gift para kay Joey at Iris. Kakahanap, napunta kami sa first floor, new wing at may libreng cornetto ice cream, eat all you can!! Ang sarap! Nde ko na nakuhang kuhanan ng picture kasi kain nalang ako ng kain hanggang masuya ako, tingin palang sa balat ng cornetto eh naduduwal na ko..

Nung hapon, I’m so happy to announce na nakaattend ako ng mass sa St. John Cathedral, bale confirmation mass din ito para sa mga kukumpilan. Mga teenagers na yata sila, mga nakasuot ng pure white ang mga babae at white long sleeves at black pants naman ang mga lalaki. Bawal kasing kumuha ng picture kasi may official photographer daw sila. Anyway, I’m so happy kasi nadiscover ko na may mass pala every Saturday, 6.30pm.

Kinagabihan, dumercho na ako sa KLCC para sa dinner namin ng tropa kong chinese. Nauna na sila dun dahil nga umattend pa ako ng mass. Kumain kami sa Chili’s sa 3rd floor ng KLCC. Ang daming tao, ang haba ng pila.

Β 

Ang sarap!

Ang sarap!

I really don’t remember what we ordered that night, medyo mexican blah blah yata. Nde ko kasi dala ung jolina notebook ko kaya nde ko naisulat ung mga yan.

Β 

Chips kayo dyan!

Chips kayo dyan!

Medyo nakakasuya lang kasi walang sili. Nde na kasi ako sanay kumain ng walang sili eh, hehehe.. Kung ako ang tatanungin nyo, mas gusto ko pang kumain sa tabi ng lake, dun sa Klang at kumain ng fresh seafoods kahit na mukhang squatters area ang restaurant kesa sa mamahaling restaurant gaya ng Chili’s kasi mas masarap ang food dun eh. Anyway, paminsan minsan lang nmn ang ganitong okasyon kaya larga lang!

Bago ko tapusin ito, iiwanan ko lang kayo ng picture na ikakasuya nyo. Kuha yan sa Izzi restaurant nung friday ng gabi, kinakausap ako ni Nay Gi dito, bakit daw ang payat payat ko ngaun:

Β 

Pumayat nga ba ako?

Pumayat nga ba ako?

Punyemus maximus talga, ang bilis kong pumayat.. Lahat na halos ng mga kaibigan ko eh nagtatanong kung bakit ang payat ko, ang sagot eh kasi nga nagkasakit ako!! Minsan pa, masasaktan na kayo sakin, hmpf!

Inhale, exhale…

Excite na ko sa hongkong trip namin sa tuesday, aaawww!! Iwan ko pansamantala ang Malaysia..

Happy Hearts Day! Godbless!

Advertisements

Comments»

1. TeenToinks - February 15, 2009

Konting announcementsss lang din po muna:

UNA: Pong… Base! Topo-topo!

PANGALAWA: Happy bday Joey & Iris

PATATLO: Tama ako sa sagot ko… lahat! As in lahat! So premyo ko!? ASAN?

PAAPAT: UBONG galing HongKong at galing Macau, since hindi naman ako namimili at hindi ako masyado demanding. Iba ang ubong sa HK at Macau at shempre iba rin ang premyo! Wag ka makulit basta IBA LAHAT yun!

PASIYAM: Hindi ka pumapayat… tumataba ka! Ayan ha.. hindi na HALOS LAHAT ng friends mo nagsasabi na pumapayat ka! Ang taba-taba mo nga eh!

at higit sa lahat! Buti naman nadalaw mo si Pareng John kinumusta mo ba ko? Uy, maiba ko, rem’ber yung church na pinupuntahan natin sa Hamada (Baguio)? May school na pala sa gilid.. meron na ba dati school dun?di ko yata napansin nun!

Newei… marami pa talaga ako announcements.. ahhh pwede ba list ng mga BILIN at UBONG? Pwede ba? Pwede?

Hanube, ayusin nga ang pagbilang! bwahahaha!! It’s a miracle!! Nakauna ka!!! Magpapafiesta galore ako!! hihihi

Wala akong premyo pero may ubong ako sayo, bwahahaha!! Tingnan lang natin kung kasya sayo kasi XS un.. toinks!

2. p0kw4ng - February 15, 2009

ay paghandaan mo ng bongga ang trip to HK..shopping at eating ang da best…ikain mo na lang ako ng dimsum..labit! talagang mapupuno ng pics at food pics ang blog mo,hehehe

hapi puso day jorge at enjoy ang trip to Hongkie!

Di ka pumayat…adik lang sila,hihihi

Ang sarap nga ng laboy namin, nakakamatay!!! Nakakamatay sa sobrang pagod! Pambihira.. kwento ko nalang sa new entry ko…

3. Heleyna - February 15, 2009

Naks! salamat bro..wala yun pramis. Wag mo na intindihin yun. Happy birthday na din sayong friends..ayan namiss ko ang mga pics wala yan nung nakaraang post eh.

Ayun pinaalala mo pa tuloy sa kin na hindi pa ko nakukumpilan ang tagal kasi ni rev umuwi eh hehe. Ingat sa hongkong…pasalubong!

Seriously, di ka mukhang pumayat…hindi ka nga mukhang galing sa sakit eh. Ingats.

Hihihi… Tenchu!

4. payatot - February 16, 2009

waaaaaaaaa, akala mo pala wala nag tag sayo ha!
ok na rin yun at least e nakilala ka namin dito kahit akala mo e wala silang tag sayo..di ko pa nababasa post mo na to, balik na lang ako

Hahaha, sige lang basa basa lang..

5. enjoy - February 16, 2009

waw naman… papasyal-pasyal na lang. siguro naman wlang mandurugas sa chinatown dun noh. hehehe!

happy trip and belated happy heart πŸ™‚

Hehehe, ang gastos nga lang, grabe.. Wala nmng mandurugas, mababait nmn mga tao dun..

6. joycee - February 16, 2009

Asows wal an ayun kay Helena, mabaet naman yan; wag mu lang sasagarin ang pasensya nyahaha.

Ayan mang-iingget ka na naman sa mga gala mo pagpunta mo sa HK, pasalubong ha??

Mukha ka ngang pumayat pero ewan ko kung dahil ba sa sakit o dahil bagong gupit lang? Tingen mo?

Uu nga, mabait nga, hihihi..

Intayin nyo mga posts ko tungkol sa laboy ko sa HK, mang iingit talga akow, bwahahaha!!

7. mangbadoy - February 16, 2009

sabihin mo kay chels bilan ko sya contact lense hahahha! ok ba master? hahaha!

asa gym lang ako nung saturday mga machines ang ka date ko tapos nagpunta ako lowyat bumili ng speaker…

Hahaha!! Sige, sasabihin ko may magdodonate ng contacts nya, hahaha!!

Ayun, may date ka nmn pala nung valentines day eh, hehehe… toinks!

8. yhen - February 16, 2009

hala ayaw mo talagang mag gala kuya ano…

mukang ang saya ng date mo.. hehe! πŸ˜‰

nwei, madaya ka talaga… iiwan mo km sa KL… hehehe! magpunta daw bang HK…

hmmpf.. hehe

nag iinarte lang!

Nde nmn sya date, laboy galore lang.. toinks!

Wrong timing talaga laboy nyo dito, ang daming pagkakataon eh 17-20 pa talga ang pinili nyo, hahaha

9. utakmunggo - February 16, 2009

nakakainis ka naman. bat ganyan ka?

kahit chibog ka nang chibog payatot ka pa den. ang daya ni papa God.

*iyak*

Pero ang hirap ng payat, gusto ko ding magpataba kaso ang hirap, huhuhu

10. Colegiala girl - February 16, 2009

Nasa iyo na lahat ang suwerti sa buhay, sige kapatid ipagpatuloy mo iyan. Masasarap na pagkain at naggagandahang mga babae sa iyong paligid. Tama na iyang pangangatawan mo. Huwag mo nang gawing Incredible Hulk pa.

Uu nga po, I’m so blessed and I’m so thankful kay Lord.

Incredible hulk? Ngak, kakatakot nmn un, toinks! hehehe

11. coolwaterworks - February 16, 2009

Jorge,
Pumayat ka nga! hehehe… Naku mas mabuti yung madaling pumayat at nahihirapan magpataba kaysa sa opposite nito – biktima kasi ako ng sakit na ito… Haha!

God bless sa laboy ninyo sa HK… Ingat din lagi kapatid…

Hahaha, ganun ba? Ano kaya magandang gawin para tumaba? hehehe.. Nang inggit eh, toinks!

12. Gardiniere di Cristo - February 16, 2009

Uys pads! Pumayat ka nga ngayon. Hinay lang sa work para tumaba naman tayo ng konti. Salamat nga pala sa mga comments mo,huh! Wait ko na lang ang tanong mo about ………hehehe!

13. gudang - February 16, 2009

wow Hongkong-ness! πŸ˜€ never been there! πŸ˜€ hehe..

–gudang!

14. flamindevil - February 16, 2009

aba dami nyon pinoy dyan.taga genting ba lahat kayo?

15. winkii - February 16, 2009

belated happy valentines. mukhang masaya ang balentayms mo ah. πŸ™‚

16. revsiopao - February 17, 2009

Haayyss… andaya ni Tina Banana… naunahan ako sa plawer-BASE!

Makiki Belated Hapi Bertday Joey at Iris.

Danda naman ng black London -shirt mo. Wala bang kapatid ‘yan? {Hmmm… kung wala… papabili ako kay UM sa April pagpunta ko dun. belat!}

Enjoy HK and Macau bata batuta!
Huwag mo na i-mail ang pasalubong ko ha.
Itago mo na lang. Give mo na lang sa EB natin sa Pinas.
{woi, seryoso ako}

Medyo pumayat ka nga pero ayos lang.

Abangan namin ang iyong pagbabalik with all your kuwento’s and photos.

Belated Happy Puso Day! Ciao ciao!

17. yhen - February 17, 2009

ano kuya? nakagayak ka na for HK? xcted ka ha… ako nag OB pa huhuhu!

18. brotherutoy - February 17, 2009

kakainggit ka. ako, kahit konti lang ang kainin ko, tumataba ako. kaya naman kumakain na lang ako ng marami. pareho lang kasi.

Favorite ko rin sa Chili’s lalo na yung mga fajitas at nachos nila. at wala kamong sili? meron dun, ano ka ba. kaya nga Chili’s ang pangalan ng resto eh.

at teka, may jolina notebook ka rin? ako meron, may spring pa! hehe…

at di ka payat sa picture. makinis ka sa picture. hmmm… gumagamit ka ng Maxipeel ano? hehe…

God bless!

19. bonistation - February 19, 2009

huwaaaaaaaww wala ka na talagang ginawa kundi lumaboy at kumain hayssss! pag naging pari kana at ganyan ka padin magiging isa kang utoy jr. (for the food) at rev jr (for the trip/travel) wahaha

shhh. di na nila mapapansin tong comment ko unless may magsusumbong hahah.

anyway, pasalubong ko galing HK ha. keychain! tapos sa Macau keychain den wahahahah!!

ingats!!

may the force be with you…

20. ate honey - February 19, 2009

pumayat ka nga bro… happy happy trip! (leyt na ata ang greetings ko)

21. Geisha - February 19, 2009

huwaw!
you look good!

sana baunin mo ang aking taimtim na panalangin ng mapayapa at safe na paglipad tungong japan.. ei hong kong pala! πŸ˜€

mukhang pumayat ka nga but you look great!

by the way, i’ve already met ate honey here in manila. soon, ako naman dadalaw sa kanya sa davao! hopefully, sana magkita din tayo in person!

ingat jorge! πŸ˜‰

22. livingstain - February 20, 2009

heto na ako, muling nagbabalik…. Kumusta na ka na! pasensya na kung medyo hindi nakakapasyal sa bahay mo, medyo naging busy lang.

talagang pinagkakagastusan ang bawat blog, pero bakit di ka tumataba?

ingat lage!

23. TeenToinks - February 20, 2009

@bon: susumbong kita! Sumbong kita! Beh!

Parekoi… Hanube, may keychain na ako ng HK at Macau. Ahihi kahit wala pa! *demanding mode lang

24. chicksykat - February 21, 2009

happy trip na lang po sayo^^

25. bonistation - February 24, 2009

pang 25 comment ako! base!!!! magbabalik sakay muna ako eroplano..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: