jump to navigation

Welcome to Kowloon City! (Day 1) February 23, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

Eto na ang pinakaaabangan ng lahat… Ayune, para talgang may nag aabang.. toinks!!

Ipagpaumanhin ang delay ng post ng HK trip ng inyong certified palaboy. Paglapag ng eroplano eh back to work na agad ako, wala pang pahinga at wala pang sapat na tulog eh nagttrabaho na ulet. Biruin nyo eto ang nadatnan ko sa table ko:

Mesa

Mesa

Impeyrness, tinupi at inayos nmn yan ng akong supervisor para nmn daw nde ako mashock pagdating ko. Ah eh, uhmm.. Osya, thank u ha.. Ang bait talaga ng mga kasamahan ko, hihihi.. touched nmn ako.. Ilang araw ko kaya itong bubunuin?

Anyway, highway, milkyway, kahi may ubo at sipon pa ako dahil sa pagod kakalaboy, eto at sisimulan ko na ang aking day 1 offer. Nde ko na pahahabain pa. Unahin natin sa KLIA (Kuala Lumpur International Airport)

KLIA

KLIA

Magyayabang muna ako ng konti {konti lang}, para sa mga nakakaalam, kapag sa KLIA ang terminal ibig sabihin mga bigating planes ang andun kasama na ang Malaysia Airlines (MAS), kapag sa LCCT (Low Cost Carrier Terminal) dun ang mga mumurahing planes tulad ng Airasia, Cebu Pacific at kung ano pang anik anik. Meaning, dalawa po ang International Airport Terminal dito pero magkalapit lang din naman. Nagpaligoy ligoy lang ako, nanghihilo lang ba..

KLIA

KLIA

9.05am ang flight namin at nagtaxi nalang kami papuntang airport, kasi kung gagamitin namin ang KLIA Express na train eh mapapamahal kami. At least sa taxi eh share share kami ng bayad. 6am palang lumarga na kami kasi atat baka malate kami, 2hours before flight eh dapat nakacheck in na. In short maaga kaming nakarating sa airport, 7am palang nakacheck in na kami. Sobrang aga naman yata. Anyway, may time pa para magbreakfast at magpicturan ciempre. May dala akong isang spare na battery, 2gig na memory card, charger at tripod. Parang boy scout, laging handa! Ngaun ko lang napansin, ang ganda pala ng airport ng Malaysia, lagi kasi ako sa LCCT kaya nakalimutan ko na itsura nito. Malawak, maaliwalas, malinis, may sistema at maraming shops. Isa lang ang napansin ko, masyado silang maluwag (pati ang LCCT), wala man lang x-ray machine para sa mga luggage, walang mga police na nakabantay sa entrance, walang nagkakapkap, derecho na agad sa check in counter. Hmmm, magdala kaya ako ng bomba? hihihi..

HKIA

HKIA

More than 3 hours ang byahe, parang KL to Clark/ Manila lang. Social ang service ng MAS. Nainosentihan nmn ako sa mga gadgets nila sa plane (eh kasi naman nasanay ako sa airasia na pati tubig at food eh binibili na parang naglalako ang mga stewards). Hulaan nyo pinanood kong movie.. Sirit? Toy Story 2! O di ba, action na action ang dating! Eh sa nde ko pa napapanood un eh, wag kayong magulo..

Osya, nakarating kami ng Hong Kong ng 12.30pm. Sumasakit ang tyan ko nde dating nagtatae ako, iyon eh dahil sa sobrang excitement. As in, ihi dito ihi duon ang ginawa ko sa plane, OA talaga ako kapag may engrandeng laboy, sobrang excited!

Paglapag palang ng plane ay napansin ko na agad na may kahawig ang HKIA sa KLIA. Ung architecture nya ay parehong pareho. Pati nga ung sa immigration counter eh kopyang kopya. Napagalaman ko galing sa aking mapagkakatiwalaang source na ang designer daw ng HKIA at KLIA ay iisa. Ahh, kaya naman pala..

Madali lang kaming nakalusot sa immigration kahit may dinamita kaming dala. Punta agad sa bus station’s ticketing booth para bumili ng ticket papuntang Tsim Sha Tsui sa Kowloon City kung saan kami magsstay ng limang araw.

1

1


2

2

Sumakay kami sa double decker na bus at sa taas kami umupo para bonggang bongga ang view at habang naghihikab ang mga kasama ko eh nagkukuha ako ng mga pictures ng Lantau Island na kung saan nandun ang HKIA. Kung ikukumpara ko ang highway ng malaysia sa hongkong, mas maganda at mas malawak ang sa malaysia. Siguro dahil na rin sa limitado ang space ng Hongkong kaya medyo makitid ang daan nila.

3

3

Ang isa ko pang napansin ay ang kanilang mga high rise buildings na kung saan nakatira ang mga tao. Sobrang tataas nito, walang panama ang mga condo units sa malaysia. Cencia na ha, nde ko maikumpara sa manila kasi nde ako nakapagwork at nakatira dun eh. 

Papasok palang kami ng Kowloon City ay napansin ko na agad ang volume ng tao. Nasabihan na ako nila Joey dati na crowded daw ang Hongkong at totoo nga, para silang mga langgam o mga kiti kiting gubat. Sooobrang daming taong naglalakad sa kalsada. Narating namin ang Tsim Sha Tsui at nagcheck in sa hotel. Nagbihis lang at lumarga na. Ang first destination? Harbour City! 

Ngek, bakit naman dun ? Eh un kasi ang pinakamalapit eh. Ang Harbour City ay social na mall sa Kowloon. Pagpasok palang namin puro mga gintong label brands ang makikita. Ciempre nilagpasan lang namin un dahil ang mga presyo ng isang item ay isang taon ko ng pagpupuyatan sa gabi.. toinks! Derecho kami sa food court dahil gutom na gutom na kami. 

beef noodles

beef noodles

Nde ko dala ang jolina notebook ko na may spring kaya lumipad na naman sa hangin ang memorya ko. Cencia naman po, nakalimutan ko ang tawag dito sa beef noodles na to. Basta ang laman nya eh mga kasukasuan, kaloob looban ng baka. 

Eto ang masaklap, wala silang sili! Tinanong ko ung tindero kung may chili padi sila, ang binigay naman sakin eh ung tuyong sili na nasa mantika.. haysz, at least umanghang ang sabaw, pwede na rin!

Matapos ang kainan, lumabas na kami ng Harbour City kasi nde naman kami makakabili ng sobrang mamahaling mga gamit kaya pumunta nalang kami sa libreng park. Sa Clock Tower.

Clock Tower

Clock Tower

Ang Clock Tower ay landmark from Age of Steam, parte sya ng original Kowloon Canton Railway Terminus. Dineclare syang monument nung 1990. Wow, complete details! Ciempre kinopya ko lang yan sa brochure na pinapamigay sa gilid gilid. Toinks!

Katabi ng Clock Tower ay ang Hong Kong Cultural Center na may kakaibang anyo. Wala pala akong picture nun, sayang! At sa di kalayuan, ay ang Hong Kong Space Museum at Hong Kong Museum of Art.

Ang mga landmarks na ito ay matatagpuan sa Victoria Harbour. Ang mga ito ay mga ‘must see’ places na talaga namang nde kayo magsisisi sa ganda.

Hongkong

Hongkong

Sa tabi ng mga nabanggit kong mga landmarks ay ang parang plaza na may mga upuan para sa mga nagddate at mga umuusyoso, hehehe..

Ang picture na nasa kaliwa ay ang Hongkong during the day. Ibig sabihin, ang Kowloon ay nakaseparate sa Hongkong City. Ang daan papuntang Hongkong ay nasa ilalim ng dagat na ito. May highway para sa mga sasakyan at may MTR para sa train.

Avenue of Stars

Avenue of Stars

Katabi ng Victoria Harbour ay ang Avenue of Stars na kung saan ginaya nila ang Hollywood na may mga stars sa floor na may name at signature ng mga kilalang Hongkie stars. Dito din madalas may nagsshooting na mga artista, local man o mga poreyngers, at nung nagdaan kami, meron ngang saktong nagsshooting na Thai stars, ciempre nde nmn namin kilala ung mga iyon kaya dedma nalang, hehehe.

Naglakad lakad kami hanggang gumabi na. Talagang inintay namin ang 8pm para abangan ang Symphony of Lights.

Hongkong at night

Hongkong at night

Ang Symphony of Lights ay world’s largest permanent light and sounds sabi ng Guinness World of Records. Mahigit 40 building ang kasali sa gabi gabing presentation na ito. May mga ilaw ang bawat buildings na nakasabay naman sa tunog na maririnig ng mga taong nanonood sa harbour. Kinuha ko ang aking phone para irecord ang presentation na ito at pinost ko sa youtube. Magtyaga lang kayo sa quality ha, kasi 3gp lang ung format.

 

 

 

 

Pagkatapos ng show, naglakad kami papuntang MTR station (MTR ang tawag nila nde MRT, wag ng mangialam). Bumaba kami sa Mong Kok Station para magpunta sa night market.

 

MTR

MTR

Nasabi ko na na sobrang crowded ang mga tao dun. Mga sobrang busy sila. May mga tumatakbo para habulin ang train, may mga nagtetext at mga nasa telepono. Parang nde ako makahinga sa nakikita ko, sa totoo lang.. haysz.. buti nalang at may pagkakataon na kokonti ang tao sa likod ko para makakuha ng magandang picture.

 

Night Market

Night Market

Pagdating namin sa Mong Kok Station, posing agad para sa madaliang picture dahil alam kong punong punong punong punong puno ng tao ang kanilang night market at nde nga ako nagkamali, nde ka pwedeng mahulugan ng coins at kapag pinulot mo yon eh mabubunggo ka, baka pulutin ka sa kangkungan.

Dun ako nakabili ng mga keychains na pampasalubong (ang jologs!) may angal? Kung ayaw mo, e di wag, hihihi..

Umuwi kami ng 1am, naligo at natulog. Naghahanda na para sa disneyland!

Advertisements

Comments»

1. joycee - February 23, 2009

base! pers ako! *sana..

JRG: Hello pate, Uu, pers ka! Congrats! hehehe

2. revsiopao - February 23, 2009

2nd BASE!

etong si joycee nang-uuna!

JRG: anong plawer base ba yan rev?

3. revsiopao - February 23, 2009

waaahhhhhhhh!!! 22 mins lang ang pagitan namin ni joycee!
kasi naman… bakit ba kasi nagbasa pa ako muna?….

hmp!

JRG: Hehehe.. Comment muna bago basa, un ang uso ngaun..

4. p0kw4ng - February 23, 2009

shet namiss ko ang Hongkie,huhuhu..ang night life..foods..mga night market at ang mga intsik na maiingay…

dyan sa parang plaza na parang deytan lang na yan sa TST ang paborito kong tambayan sa gabi kasi nga dahil sa mga ilaw na yan…

aabangan ko pa ha..sana nakita mo din kung gaano kadami ang mga pinay sa daan tuwing sat at sun….

ang ganda..ang sarap

JRG: Naku ang sabihin mo, nde naman mahilig sa night life itong mga mongheng kasama ko, at sa sobrang pagod ko eh gugustuhin ko nalang matulog kesa magclubbing, hehehe

5. p0kw4ng - February 23, 2009

ahahaha bakit sabay na sabay pa oras namin ni rev…yuhooo rev labas dyan!!

JRG: Sabay sabay daw talaga ang paglabas ng mga aawwooo!!! toinks!

6. joycee - February 23, 2009

napakatyaga naman talaga ng photographer mo noh?? ambaet baet. wahaha.

hinde naman ako naiingget eh, hinde talaga pramis, pero kasama ba kame jan sa binilhan mo ng keychain??

pagdating ng panahon, makakarating din ako jan!!

JRG: Matyaga talaga un, ayaw sa camera eh, eh di nasunod ang layaw ko, hihihi.. Don’t worry, makakarating ka din dun, pag ipunan mo..

7. revsiopao - February 23, 2009

* hala ka… tambak ang trabaho. yahooo!!!

* bata batuta, napagod ako sa detalye… ano na nga ba ang sasabihin ko?

* ang ganda nga & ang linis ng KLIA.

* siguro naman sa mga kuha niyo sa disneyland, may mga kasama ka na sa pics? {sawa na ako sa mga solo mo e… toinks!}

* i like toy story (1 or 2 man). “to infinity & beyond!”

* tanong: ang clock tower ba ay anak ni big ben sa UK?

* sige, wait muna namin ang part 2… mukhang mas magaganda ang pic dun e. dali part 2 na. now na! {demanding!}

* kahit key chain lang na mumurahin OK lang sa akin {nagpaparinig}

Welcome Back ulit Mr. Palaboy!

JRG: * Ang haba talaga nyan, aktwali, edited na yan, summarized eka nga, hihihi

* Solo parin ako kasi dalawa lang kaming nagpunta dun eh, hehehe

8. livingstain - February 24, 2009

ang sarap sarap naman ng buhay, patour tour na lang.

natakot ako sa lamesa (picture 1), parang may king cobra…. hehehe,,

pasalubong manong jorge!

JRG: Nde naman, nag eenjoy lang, pampalubag loob sa work ko, hehehe.. Inperyness, maganda ang pagkakatiklop ng mga paperworks ko kaya maayos pang tingnan sa picture, hehehe

9. bonistation - February 24, 2009

dito pala na mali ako ng post, pasiyam ang comment ko! base!!!! magbabalik sakay muna ako eroplano..

JRG: Hahaha.. Cencia na parekoi, ngaun lang ako nakabalik, as in, ngaun lang… hayz!

10. TeenToinks - February 24, 2009

Gusto ko bumalik.. kaya lang baka sa pagbalik ko.. ubos na load ko! nyahahha

Ang table… parang file cabinet lang! At ang LCCT parang Bodega nga parekoi, nyahaha Napansin ko nga rin super luwag nila, kasi di man lang nila ni-check ung luggage ko nun, kala ko nadala ko lang sa kindat si manong durian.. tsk! hindi pala! Nyahaha

Toy Story 1 at 2 pasok sa banga sama mo pa si Monster Inc at Shrek pati na rin yung Initial D – la lang nabanggit ko lang, HK naman eh.. bat ba kasi!? At san mo naman gagamitin ang dinamita mo? Para sa mga kiti-kiting gubat? ganun? Ay nakooo…

Uy.. di ka man lang nagsama sa picture.. kahit ung mga Hongkie Pongkie Stars na nakita nyo… baka andun pa si Edison Chen! Nyahaha May tripod ka naman sana.. di mo man lang sinama sila Joey.. o kaya naman kahit ikaw na lang ang photographer. Bwahaha

Parekoi… keychain factorial ganun? Kilala mo naman ako kahit wala ubong OK lang diba??? Diba?? Diba?? Diba?? Diba?? Diba?? Bat ba yaw mo maniwala?? Diba?? Diba?? Nyahaha… Muak* Tenchu mucho parekoi…

PS. Pasensya talagang usi lang ako… parekoi, san ko makikita yung mga kiti-kiting gubat? Sa HK lang ba? Kasi meron din ako dito… kiti-kiting namamahay naman! Nyahaha

JRG: Naalala ko nga ung NE Super Bodega kapag nakikita ko ang LCCT eh, di ba? bwahahaha!

Initial D na naman?! Di ba may dvd akong binili nun? Gasgas na ba? Ang dinamita ko eh para sa mga haliparot na katulad mo, bwahaha!

Wala kaming nakitang HongKie pongkie stars, mga porn stars lang, toinks!

Ang mga kiti kiting gubat eh matatagpuan kahit saan, basta bagong ulan, nagkalat sila, bwahahaha!

11. ate honey - February 24, 2009

huwaw certified palaboy ka na nga hehehe!

JRG: Hehehe.. slight lang. Toinks!

12. flamindevil - February 25, 2009

ganda ng HK..sana makarating ako dyan someday.

at sumakay kayo ng double decker bus?ayus.sarap

..at syempre hindi ito blog ni jorge kung walang pics ng mga pagkain..hehe

JRG: Maganda talga dun kapatid. Don’t worry makakarating ka din dun, ipon lang ng konti, hehehe..

Nde ako sumakay ng double decker bus kasi wala ng oras, hehehe..

Masarap ang foods dun pero mas masrap ang pagkain dito sa Malaysia.

13. mangbadoy - February 25, 2009

nako mukang next year pako makakapunta dyan daming bills this year e… sarap maging single ano… nakaka travel all over asia… haizz… wish ko lang hahaha!

JRG: Hinay hinay lang, wag magmadali makakapunta ka din dun.. Sama mo bebot mo para mas enjoy ang laboy, hehehe

14. chicksykat - February 25, 2009

hi kuya!

base kunyari…ay ndi dami na palang nauna…hihihi

maya na ko basa ha^^

JRG: Ang uso ngaun eh BASE sa huli.. toinks!

15. brotherutoy - March 8, 2009

di ako makacomment ng maayos at ala-una na ng umaga. pramis, bukas, tatapusin ko ang fourpart na ito. whew! kakapagod.ü

uy, gusto ko ang toy story 2. si prospector at sa yung cowgirl at yung kabayong makulet.ü

GOd bless at medyo bangag na si Utoy sa antok.ü

JRG: Hahaha, sige lang, take your time. I just wanna share my (photos) experiences sa HK, kakatuwa lang kasi.. toinks!

Ngaun nga ako nag sisi eh, bakit nde ko pinanood sa wide screen itong toy story na to.. Anyway, thanks for sharing your blessings. Godbless din!

16. brotherutoy - March 9, 2009

mabalik tayo sa toy story two, gustong gusto ko yung version ni wheezy ng “you’ve got a friend in me.” hehe…

eto na ang comment.

kapag ganyang table ang maaabutan ko, parang mamimilipit yata ang bituka ko sa stress!

yung airport parang mall lang! mala-terminal ni Tom Hanks.ü at SMY, talagang tatlong maleta ang dala-dala mo?

whah! beef noodles! miss ko na yan. miss ko na ang kahit na anong may sabaw.

yung clock tower, parang yung nasa cityhall sa may Plaza Lawton. hawig, diba?ü

ang galing naman nung mga building na kumukurap. yung nakatira kaya dun, pinapatay-sindi nila ng sabay-sabay ang mga ilaw nila sa kwarto? hehe… seriously, humanga ako. sa pilipinas naman, kumukurap din. mamamatay ang mga ilaw sabay sabay, tapos babalik after 2hours tapos mamamatay ulit tapos babalik after 2hours tapos mamamatay ulit tapos… you get the idea.

pag nahulog ang coins, pupulutin ka sa kangkungan? ngayon alam ko na ang fastest way to go to a kangkungan!

ok sa gala ah. until 1 am!ü

JRG: Nung nandun ako sa Disneyland, andun silang lahat, kumpleto ung cast ng toy story, hihihi.. naging isip bata ulet, toinks!

Kakastress talaga, mga apat na araw ko yatang binubuno un, kasi nadadagdagan pa araw araw kaya sobrang dami pero i survived naman, hehehe..

Mukha ngang mall ung airport nila kasi puro shop sa gilid, hahaha.. Ung maleta na yan eh para sa apat na tao, wala naman akong ilalaman kung sakali kundi t shirts at undies lang, hihihi..

Ung clock tower sabi ni rev eh pinsan daw ng big ben ng UK, ewan ko lang kung totoo, toinks!! Ung mga buildings na un eh mga commercial buildings yata. Sa nueva ecija naman, ang patay ng ilaw eh after 6hours tas mabubuhay nalang sa madaling araw, o di ba ang haba ng interval, toinks!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: