jump to navigation

Hello Disneyland! (Day 2) February 24, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

 

Isang malaking pacencia ulet ang hihingin ko sa aking bloggy friends dahil ang dami ko ng utang sa inyo, nabisita ko na mga housie nyo kaso nde pa ako nakakapag iwan ng yapak. Pagkatapos ng apat na series nitong HK at Macau trip ko, babawi ako sa inyo. Pramis.

Sobrang nakakapagod nung first day kaya naman todo hilik pa ako nung natulog. Buti nlng at mag isa lang ako sa kama, hehehe..

Para sa second day, ang plano ay magpunta sa Big Buddha at sa pinakakaabangang Disneyland!

Malamig ang panahon ngaun sa HK kaya kailangang may jacket at balabal. Derecho na kami sa MTR station para bumili ng Octopus Card na gamit nila. Ang destination ay sa Tung Chung, ang pinakadulong station ng Tung Chung Line (ano pa nga ba?)

MTR

MTR

Mapapansin mo talagang may sistema ang maunlad na bansa. Maraming MTR lines pero dugtong dugtong sya at iisa lang ang sistema ng pagbabayad. At pansin ko din ang haba ng trains nila. Para sa mga taga KL, doblehin nyo ang haba ng Star LRT at triplehin nyo ang haba ng Putra LRT, ganun kahaba. Nasa gitna ako ng MTR nila sa picture na ito, just imagine how long kapag dinoble nyo ang haba. At isa ko pang napansin, kapag tumatakbo na ang MTR, ang lakas ng hangin galing sa labas, kaya paglabas namin ng train, masasabi mo sa kasama mo na ‘mahangin ba sa loob?’ toinks!

Narating namin ang Tung Chung station. Akala ko dun na makikita ang Big Buddha, kailangan pa pala naming sumakay ng bus na may karatulang ‘Po Lin Monastery’. Ayun, kulang isang oras din ang byahe. Ang layo! Pero ok lang kasi nakatulog ako sa gitna ng travel kasi kulang ako sa tulog.

Big Buddha

Big Buddha

At last! After 10years narating din namin ang Po Lin Monastery na kung saan matatagpuan ang Big Buddha. Konting info lang about Big Buddha: 

Ito ang world’s tallest outdoor seated bronze Buddha. Nasa tuktok sya ng Ngong Ping plateau katabi ang mga kabundukan.

Parang Lourdes Grotto

Parang Lourdes Grotto

Para syang Lourdes Grotto sa Baguio City un nga lang, Buddha ang nasa tuktok. 

kami

kami

Aba, medyo mataas din ito ha, pero mas mataas parin ang steps ng Batu Caves sa KL. Anyway, lumawit ang dila ko sa maagang exercise na ito, pero ciempre, ngiting aso parin sa pictures:

Rurok

Rurok

Akala ko nde ko maaarok ang rurok ng bundok na ito. Grabe, wala sa kundisyon ang katawan ko kaya siguro madali akong mapagod.

Mga anghel nila

Mga anghel nila

Eto naman ang kanilang ‘angels’ na nag offer ng kung ano ano sa Buddha. Nakapalibot sila. Sa likod naman at kitang kita ang naggagandahang bundok na nakapaligid. Sa kabilang banda naman ay ang dagat. 

Pagbaba, sa di kalayuan ay matatagpuan ang Po Lin Monastery.

sa malayo

sa malayo

Eto ang itsura ng Big Buddha sa malayo. This pic was taken in the entrance of Po Lin Monastery. Ang daming mga chinese monks dun, pero ibang iba sila sa mga Catholic Monks na nde nagpapakita at nde nakikipag usap sa mga tao. 

tindahan ni aling cora

tindahan ni aling cora

Sa tapat ng entrance ay may branch ang bonggang bonggang sari sari store ni aling cora. 

Po Lin Temple

Po Lin Temple

Disney Train

Disney Train

Tapos na ang kalahating araw at ang next destination naman ay ang Disneyland!! Aww!! Magkatabi lang ang train station ng Tung Chung at Sunny Bay. Ang Sunny Bay station ay ang dugtungan ng station papuntang Disneyland. Itong train na ito sa likod ko ay ang nagsusundo sa mga pasaherong galing Sunny Bay station papuntang Disneyland.

Welcome to Disneyland!

Welcome to Disneyland!

Ang gara ng disney train, kasi bukod sa bintana na hugis mickey mouse, pati upuan at handles. May mga cute na cute na rebulto ng mga disney characters.

Welcome to disneyland na! Nde na sumama ung dalawa kong kaibigan kasi napunta na sila dito, at ayaw na nilang bumalik (mamaya ko nalang ipapaliwanag kung bakit). Kaya dalawa lang kami ni Tom ang nagpunta. 

Entrance

Entrance

Nde namin alam na peak season pala kaya ang entrance ay HKD 350. Nde na kami nagreklamo kasi kasama naman ito sa budget eh. Ito ang entrance after ng booth na kung saan ibibigay mo ang ticket.

Simulan na ang sandamakmak na pictures!

Main Street, USA

Main Street, USA

 

Kastilyong Buhangin

Kastilyong Buhangin

Ito ang castle na kung saan mapapanood nyo mamaya ang fireworks display.

Cinderella Carousel

Cinderella Carousel

Picture agad sa unang ride pagpasok sa castle. Naku naman, pangbata! Liko sa kanan, baka may thrill rides dun.. Sige, punta tayo!

Goofy

Goofy

Thrill rides nga.. hihihi.. ayan, nakasalubong ko sa daan at ciempre may picturan. Ang mga disney characters tulad nila micky at minnie mouse ay nasa kani kanilang bahay, nakapila ang mga tao para magpapicture, ewan ko kung bakit nasa labas ito, nakawala siguro sa hawla.

Micky and Me

Micky and Me

Ayun, nakita naming, medyo kakaunti ang taong nakapila sa bahay ni Micky kaya dun kami pumila (sobrang hahaba kasi ng mga pila sa ibang characters eh). Para akong naging bata muli dahil naexcite akong magpapicture at hawakan sya. Nde naman obvious na hinaharass ko sya di ba? hehehe..

Alice and me

Alice and me

Aba, aba, kita mo nga naman ang pagkakataon, nakawala din sa hawla si Alice in wonderland, kaya ayun, picture picture ulet. Nde po sya manika, totoong tao po sya mukhang manika lang, hihihi..

Autopia

Autopia

Una kong hinanap ang roller coaster, wala daw sabi ni Tom. Pinilit ko parin kasi nde nawawala sa theme park ang roller coaster. Takot ako sa heights pero peborit ko ang sumakay sa mga thrilling rides tulad ng roller coaster at space attack. Kaso, wala nga, kaya nagtyaga nalang kami sa mga pambatang rides tulad nitong autopia at buzz lightyear astro blaster.

Astro Blaster

Astro Blaster

Impeyrness, nag enjoy naman ako kahit papano sa mga rides na to. Un nga lang, mga bata ang mga katabi kong nakapila, hehehe..

Pagkatapos namin sa autopia, nakarinig kami ng ingay sa labas, nagkakagulo ang mga tao!! Nakupo, may stampede kaya??!!

Ang OA naman, parada lang pala ng mga disney characters.. PARADE??! Kamote, nahuli na kami.. takbo bilis!!

Parade

Parade

Humihingal pa kami ng marating namin ang daan. Medyo nasa kalahati na ang parada. Tumutulo pa ang laway eh nagpapicture na. Eto nalang ang nadatnan namin…

Sleepy Cinderella

Sleepy Cinderella

Alice in Wonderland

Alice in Wonderland

 

Little Mermaid

Little Mermaid

Toy Story

Toy Story

 

Sila Mickey

Sila Mickey

Pagkatapos ng parada, sumakay pa kami ng ilang rides tulad ng Jungle River Cruise at Fantasyland Train na kung saan ililibot kami sa buong disneyland.

 

Disney Train

Disney Train

Nakapanood din kami ng mga theater presenation tulad ng ‘Festival of the Lion King’ at ‘The Golden Mickeys’. Bawal kasing kumuha ng pictures kaya off muna ang camera sa mga theaters na un.

Paglabas namin ng theater ay nag announce na si Kuya Germs na magsstart na daw ang fireworks any minute. Kaya pumwesto na kami malapit sa castle. 

 

Disney Castle at night

Disney Castle at night

Nde nagtagal, nagsimula na ang fireworks. Kinuha ko ang phone ko at un ang ginamit ko para kunan ng video.

Nakakaenjoy, sulit din ang entrance fee kahit may kamahalan at kahit walang roller coaster. Ang masasabi ko lang, ang disneyland ay para talga sa mga bata.

Isa pang picture sa Disney Train bago umuwi.

 

Sakay na!

Sakay na!

 

 

Nakabalik kasi sa Tsim Sha Tsui Station kung saan iniintay na kami nila Nick at Adrian para magdinner.

 

Kainan na!

Kainan na!

Cha Xu Fan at porridge with hot lemon tea ang dinner ko, sila naman ay iba ang inorder na nde ko maipronounce ang tawag pure cantonese kasi eh. Nakauwi kami ng mga 12mn na, naligo tas natulog. Naghahanda na para sa Macau kinabukasan!

Mas maraming pictures ang nakaupload sa friendster ko.

Advertisements

Comments»

1. TeenToinks - February 24, 2009

Magbabalik… Kala mo ha!

1am n d2, bangag pa aq!

JRG: Well at least plawer base ka! hihihi..

Bangag ka? San ka na naman lumaboy aber?

2. ate honey - February 24, 2009

di konekted sa entry mo naisip ko lang habang nagbabasa at tinitingnan ang mga pix mo… ilang kaban kaya ng printed pictures meron ka na? hehehe

JRG: Ang sabihin mo, dati sandamukal ang printed pics ko, kapag pinapadala ko sa pinas eh nde dumadating, napupunta yata sa pansitan. May kamahalan ang pagprint kaya sa friendster nalang tumingin ang family ko, hehehe…

3. p0kw4ng - February 24, 2009

ang ganda para na din akong nakapunta sa disney…hmm sabihin ko sa anak ko punta na lang dito sa blg mo para hindi na kami pumunta don,hehehe

pansin ko lang..habang paakyat ka sa buda eh pabawas na ng pabawas ang damit mo..mukhang pagtabi mo sa kanya eh hubad ka na ah..wala bang petyurs non..sige na yung hubad na katabi ni buda,hihihi

JRG: Hahaha, magtipid ba! Kapag naglibot sa blog ko un, lalo kang kukulitin na pumunta dun, lagot!!! toinks!

Ako din napansin ko un, umiinit kasi pag akyat eh, buti nalang at wala ng hagdan, kundi hubo na ko kapag nagkataon, hubodero pa naman ako, hihihi..

4. bonistation - February 24, 2009

paramdam lang muna, nagdaan ako. mamaya na ang basa. magbabalik…

JRG: Nakikiuso ka din ha, hehehe.. Musta ang pinas?? Kaingget! Hmpf!

5. kathy - February 25, 2009

wow sarap nman ng gala na yan…

gusto ko rin makarating jan nung bata ako eh..

eh kuya pansin ko ndi ka masyadong magana sa pagkain ngaun kase parang pang may sakit ung inorder mo…hehehe

mejo pumayat ka nga po^^

JRG: Uu nga, sobrang sarap na gala, sobrang kakapagod lang..

Hahaha, pang may sakit ba ung order ko? Un lang ang mura eh, toinks!!

6. felmar fiel, svd - February 25, 2009

kaya pala nawala ka ng mahabang panahon! akala ko nag-sleeping beauty ka na… hehe

JRG: Hehehe, tas sobrang busy pa lately, hayz!

7. livingstain - February 25, 2009

malapit na din akong makarating jan, ilang buwan na lang….. ang ganda ng mga picture mo….

paalala, panahon ngayon ng KWARESMA, magnilay ka, bawal kang kumain ng kumain (rev siopao ako ba ito) lolz

JRG: Wow! Siguradong mag eenjoy ka din dun kapatid! Damihan mo pictures ha tas post mo din dito.

Nagtitika din ako kapatid, wala munang foodie trip sa Holy Week.

8. DFish - February 25, 2009

Naman oh! May pose pa with Mickey Mouse. Ako, hanggang stuff toy pa lang at Enchanted. May araw ka din Jorge, madidinig mo ako voice over sa isang Disney Film…toinks

JRG: At least libre ang papicture kay Mickey Mouse, ang stuff toy kasi ang mahal, hehehe..

Aba, aabangan ko ang voice over mo sa Disney Film, timbrehan mo ko ha.. toinks!

9. utakmunggo - February 25, 2009

yey! disney! pupunta rin kami diyan nek week pero sa pransya naman. nalungkot ako kasi baka wala ring roller coaster sa eurodisney. 😦

grabe pala ang pagpalaboy laboy mo.. sana pwede ko ring gawin yan someday.. at pagtapos eh kakain rin ng tulad ng kinain mo diyan sa pic.. at pagtapos eh di rin tumaba tulad mo.

sos. galit na si papa God sa akin. ang dami kong request. ahaha

JRG: Wow! Social ka mamu! Don’t worry kung wala mang roller coaster dun, may mga thrilling rides din nmn siguro..

Sa sobrang pagod ko, kulang pa ang isang talyaseng kanin, hahaha..

Iwas lang, baka tamaan ng kidlat.. toinks!

10. coolwaterworks - February 25, 2009

Wow, gala as in gala talaga!
Medyo naghintay din ako ng di katagalan para magload lahat ng pics… Pero ok lang kasi parang nakapunta na rin ako dun dahil sa detalye ng write up at pics… 🙂

Dami namang mga nakawala sa hawla – parang katulad mo kapatid… Hehehe… Joke!

Ganda ng night shot mo sa Disneyland!

Welcome back uli Jorge.

JRG: Uu nga, un ang disadvantage nun, medyo may katagalan magload ang pictures. Anyway, i tried my best to write all the infos that readers need. Nde nga lang kumpleto kasi wala ung jolina notebook ko eh.

Salamat sa papuri sa mga pics, un lang ang nakayanan ng camera ko eh, nde kasi DSLR, hihihi

11. TeenToinks - February 25, 2009

Parekoi.. malamig pala jan sa HK, naku! Dala mo ba yung white flower mo tsaka di ka na naman naligo noh?? Tsk tsk… rarayumahin ka na naman! Bwahahaha

Uy, World’s tallest SEATED bronze Buddha, eh ano naman ang size nya pag tumayo sya? Eh pag naka split? Kung naka-tumbling?üü

Ay sorry naman dun sa mga angels pala nila, kala ko kasi mga dancers na nagsasayaw lang ng pandango sa ilaw. Bad Tina! Nyehehe ü

Ang gara talaga ng Disney train na yan.. kalian mo may REBULTO.. parang world’s smallest REBULTO ever lang… nyahaha… Hay nakuuu pooo… ayan na ang pictures… parekoi sandali nalulunod na ko! Weyyttt… istaff it… istaff it! ü

Yep parekoi, ang Disney Land para sa mga bata lang na tulad ko?? I’m sure mas ma-eenjoy mo ang Movie World… kaya lang shempre yung mga rides talagang hahalukayin ang balunbalunan at nuno sa puson mo.. (oo meron nyan!) shempre hindi lang Disney Characters, andun din si HarryPotpot na fave mo. Nyahaha.. ü

PS. Bat walang kiti-kiting gubat? hinahanap kasi ni kiti-kiting bukid na pinsan ni paru-parong bukid na bayaw ni Lapu-lapung Dagat na pamangkin ni Hipong Lipad (wala lang)! Hay naku… tuwang tuwa ka naman.. huy.. bawalin mo na ko! Ayaw na naman tumigil ng daliri ko! Nyahaha

Nice trip parekoi… Send my msg to mame and lolo careful: “miss ko na rin sila” ahhh.. ü

JRG: CHEH! White flower ka dyan! Efficascent Oil po para social! (Teka tama ba spelling ko? hihihi) At anong nde naligo? Woi, bago pa nga ako matulog naliligo ako kahit malamig, kaya nagkasakit ako, hihihi..

Bad ka talaga no, buti nlng walang buddist dito kundi nakabog galore ka na! bwahahaha!

San ung Movie World?? Gusto ko yan!! Wala pang nakakahalukay ng bituka ko eh, ok un para malinis naman, puro sili ang laman eh, hihihi..

Si Ms. Kiti kiting gubat naman, kahilig ba! Nakahitit ka na naman ng katol na may insenso hano?

12. maureen joy - February 25, 2009

wow!!! sana one day magawa ko magtour… yaman… jejeje!!! nice pics….

JRG: Hello! Salamat sa pagdalaw! Magagawa mo ding magtour next time, ipon ipon lang..

13. payatot - February 25, 2009

mabuti ka pa at nakakapunta ka pa sa mga ganyang lugar kahit krisis na sa mundo sige ka pa rin…mahirap nga lang kung laging solo lakad..mahilig ka rin kumuha ng mga litrato ano..ang dami mo shots.

JRG:Ui payatot, salamat sa pagdalaw ulet, hehehe.. Konting ipon ang ginawa ko para makapunta ako sa gusto kong puntahan, nag eenjoy lang habang nasa labas pa, hihihi..

14. joycee - February 25, 2009

Sabi ko na nga ba dumadalaw ka (ayon sa feedjit) nagtataka nga ko baket hinde ka nagcocomment eh pero i understand naman alam ko namang you’re super busy at sabi mu sa feysbuk nung isang beses na nagkachat tayu dun eh maysakit ka na naman. Nakupo! Sakiting bata, este matanda, este binata!

Hangkyuuut nung Disney Train! Super cute!

JRG: Pacencia na pate, sobrang busy lang talaga, hanggang basa lang muna, pero promise mag iiwan na ako ng yapak nek time!

15. flamindevil - February 26, 2009

ayus mga pics.poging-pogi.haha.syempre may kainan sa huli.dapat mineet mo si K…taga HK sya. :p

JRG: Sinong K? Ikaw ha madali akong maniwala kapag sinasabihan akong puge! toinks!

16. mangbadoy - February 26, 2009

jorge,,, pasalubong ko a… kahit disney land lang or tiket… hahaha!

JRG: Keychain ayaw mo? hehehe

17. eric - February 26, 2009

Woi… eto na pla ung pinka-aabangan ko.. nalate ako.
Ganda naman… parang nailibot mo narin ako sa mga pics mo :p lalo na ung video mo, nagpatay pa ako ng ilaw kunwari ako ung nag vivideo… hehehe!

JRG: Naku Sir Buyoy, super busy ka? Ako din. hehehe

18. diaryofmiel - March 2, 2009

my new blog… pls update! thanks!- http://diaryofmiel.wordpress.com but honeyreyes.com will still exist though! thnks!- ate honey

JRG: Uy, bagong diary ulet! Cge i’ll check it later. Thanks!

19. Winkie - March 2, 2009

nakikidaan lang po…

kaiinggit naman ang HK trip. i miss Disneyland! yung Po Lin Monastery seems really a nice place to see rin ah! sayang di ko pa yan napuntahan ever eh 2 stations away lang from Disney 😦 di bale, sa next HK trip na lang, hehehe!

nice pics! babalik balik ako to read more ah! 🙂

JRG: Salamat sa pagdaan ate winkie! Isa sa mga tourist attraction ang Po Lim Monastery, sayang nde ka nakapunta, maganda ung lugar kung gusto mo ng tahimik at malamig na lugar. May susunod pa naman eh, hehehe

20. Heleyna - March 4, 2009

Grabeee!! Ganda nung mga buddha..Astig! Kaka-overwhelm siguro makakita ng mga ganyan sa personal!

~ayoko na lang mag-react sa Disneyland…bata pa ko pangarap ko na makapunta dyan pero tatanda ata ako eh hindi pa rin matutupad. Haays.

JRG: Sinabi mo pa, as in nasa tuktok talga sya ng bundok, kita mo ang buong island. Malamig na mainit ang hangin tas sa loob nyan may chinese temple. Nde na ako pumasok, pinaubaya ko nalang sa mga chinese friends ang pagdadasal, hehehe..

Ang pait naman ng second paragraph, toinks!! hahaha.. Konting ipon lang katapat nyan makakapunta ka din dun.. hehehe

21. enjoy - March 5, 2009

certified palaboy talaga ha. hehee… sana makapunta rin ako ng Disneyland para makapagpa-piktyur din kay Mickey Mouse. yun oh! ahehe 😆

JRG: Hehehe, konting ipon lang, yakang yaka mo ding pumunta ng HK at Disneyland, don’t worry.

22. brotherutoy - March 9, 2009

natawa ako sa comment ni Powkie. hehe… buti na lang pala’t walang hagdan papunta kay Buda kung hindi eh tiyak may hubo picture ka din dun at makikita ng lahat sa blogosphere ang hidden Mickey mo. nyahaha!

JRG: Bwahaha!! Oo nga eh, nakakatambling ung comment nya, nung una nde ko nagets.. lam mo na, 486 lang ang processor ko, toinks!

Uu nga, magpasalamat tayo at wala ng hagdan, kundi maghuhubo talga ako, miyembro pa naman ako ng huboderos, bwahahaha!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: