jump to navigation

Ni Hao Macau! (Day 3) February 26, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

Cencia parin po sa lahat, nde parin ako makapagreply sa mga comments nyo. Sobrang busy talaga. Month end season pa kaya ngarag til next week.

Anyway, excited na kong ishare ang laboy namin this time. This is the third day and nothing can stop us in our jalan-jalan (laboy). Our destination is Macau!

Kumain muna kami ng breakfast sa isa sa mga lobby ng kung kaninong hotel. Walang foodie pic kasi paisa isa ang serving nila, nde na namin maiintay pa na pagsabay sabayin ang mga dimsum dahil gutom na kami. Anyway, nag order lang naman kami ng sari saring dimsum, siopao, fried rice at ciempre hot chinese tea.

Pagkatapos kumain, derecho na kami sa port ng mga ferries. Walking distance lang nmn galing sa restaurant na kinainan namin.

New World First Ferry

New World First Ferry

Sa ferry lang kami sumakay. Madami ding pasahero, medyo may kamahalan ang ticket at maraming pinoy na nagpipicturan para sa friendster at facebook daw.

Sa loob ng ferry

Sa loob ng ferry

One hour ang byahe papuntang Macau. Dahil kulang pa sa tulog, nagpahinga nalang ako sa byahe kahit may magandang panoorin sa loob.

Pagdaong ng barko, larga na kami, medyo natagalan lang sa immigration kasi ang daming tao.

Kuha agad ng mapa at nagpasyang pumunta sa Macau Tower. Sumakay kami ng taxi at lumarga na.

Nde ako nagtagumpay kumuha ng picture ng mga buildings nila kasi gumagalaw ang kamay ko at maraming posteng nakaharang kaya nde magandang ipost.

Nakarating kami sa Macau Tower ng wala pang 5minutes. Aba, ang bilis! Ang tingin ko sa map eh sobrang layo nun mula sa port. Naalala ko na wala nga pala kami sa KL, sobrang liit ng Macau parang Cabanatuan City lang.

Sa loob

Sa loob

Naghanap agad kami ng mapagpipicturan at eto ang aming naspotan.

Okay, info 101 about Macau Tower:

Kakalula!

Kakalula!

Ang Tower na ito ay may taas na 233 meters. Bukod sa napakagandang view na makikita nyo sa itaas, ito ay commercialized din. Nag ooffer sila ng mga heart pumping, breath taking Bungy Jumping, Sky Jump, Skywalk X, Mast Climb.

Ayon sa Guinness World records, ang Macau Tower ang highest commercial bungy jump in the world. Ano ang kaibahan ng Bungy Jumping sa SkyJump? Ang BJ ay may sinusunod na style ng paglundag,nakataas ang dalawang kamay at sarado ang mga paa na kung saan duon nakatali ang sinulid lubid na sumusuporta sa tao. Ang SkyJump naman ay free fall na tinatawag. Ang lubid ay nakatali sa bewang o waist at walang style na dapat sundin, pwede kang lumundag ng nakadarna na pose or kahit nakasplit galore ka, okay sa alright!

Kung nagbasa kayo ng 10things about me, magtataka siguro kayo kung pano ko nakayanang umupo sa salaming sahig na yan. Aba, naaaaaapakatagal na pilitan ang ginawa namin, sobrang nakakatakot talga kasi parang wala kang tatapakan, kitang kita mo ang highway sa baba, at naku naman, napakataas kaya. Lahat na yata ng santo natawag ko, naihi na ko, nakipagpilitan, nakipagkagalit na (buti nlng wala pang masyadong tao nung mga oras na yan). Sa wakas at nakaupo na din ako, sobrang nanginginig pa ako nyan, ciempre ng umilaw na ang camera, posing ng kunwaring yabang for picture’s sake. Inangkupo! Nde ako makatayo, kamote, naalala ko tuloy nung sinundo pa ako ng ate ko sa bubong…

Yabang!

Yabang!

Eh bakit ba kasi pinahihirapan ko sarili ko sana nde nalang ako pumasok dyan. Aba, malay ko bang may parte palang salamin ang sahig dun?! Sa KL tower wala nun. Buti nalang at nde lahat ng sahig ay salamin. Ayan, balik pagmamayabang na naman ako sa pic, kunwari nde takot sa heights.. nakuha ko pang magsuot ng shades.. kung nde ko pa alam, nde ako makatayo at makalakad sa sobrang nginig ng tuhod ko kanina.. toinks!

ang taas!

ang taas!

Sa pwesto kong ito, nde na masyadong nakakalula, nag eenjoy na ako sa view, sabi nga nila, spectacular daw, totoo naman. Makikita mo ang buong Macau sa isang side, sa kabilang side naman ay China na, sa kabilang side naman ay tindahan ni aling cora, nakita ko pa nga si Tina na nagtitinda ng ice candy..

info 101:

Ang Skywalk X ay ang napapanood nyo sa Extreme Macau sa AXN channel. Dun ay maglalakad sa labas ng main outer rim ng tower na walang handrails, as in wala talagang handrails!! Tina, naririnig mo ba ako? Walang handrails!! Wag na kayong magtanong kung bakit wala ni isa sa mga ito ang sinubukan ko.. baka bumakat ang ihi sa pantalon ko kung magkaganun, wag kayong magulo.

pang model na pose muna

pang model na pose muna

Ang Mast Climb naman ay ang pag akyat sa pinakaposte ng tower na ito. Nag iisa lang ang Macau Tower sa buong mundo na pwede mong akyatin ang pinakatuktok at is in ung tuktok talaga. Ciempre may harness naman kaya super safe. Goodluck nalang sa mga aakyat. 

Wala ni isa sa aming apat ang malakas ang loob para itry kahit isa sa mga ito, eh kung duwag ako, mas duwag naman sila, toinks! hehehe..

Eto pa ang maraming pictures, magsawa kayo, sa ayaw o sa ayaw nyo…

Harnessing Area

Harnessing Area

 

Kolokoys

Kolokoys

 

Entrance for Skywalk X

Entrance for Skywalk X

Pagkatapos naming umisyoso, bumaba na din kami, dumarami na ang mga tao para tumingin, turista galing sa Japan, Korea at Thailand.

Eto ang itsura nya sa labas:

Macau Tower

Macau Tower

Umeskapo na kami pagkatapos magpicturan sa labas. Sumakay kami ng taxi at sa Chinese Temple ang next destination namin. At dahil lunch time, mga gutom na gutom na kami. Kumain kami sa A lorcha, isang kilalang famous Portuguese Restaurant sa Macau. 

alorcha

a lorcha

Puro pinoys ang mga waiters and waitresses dyan, akala daw nila intsik ako, sabi ko naman ung mga kasamahan ko lang. Iba talaga ang mga pinoy, super kwento na si kuya at ate, nagsuggest na ng masasarap na food, mga specialty ek ek daw nila. Impeyrness, soobrang sarap nga naman. Masarap din ang presyo.. toinks!

bahayan

bahayan

Nasabi ko na ba na colony ng Portugal ang Macau dati? Kaya kung mapapansin nyo astigin ang mga bahay at commercial buildings dito, western na western pati daan. 

And speaking of Portuguese.. may joke ako galing kay Joey:

Kwento nya na may lahi daw syang Portuguese dahil nung bata sya, lagi daw sinasabi ng nanay nya na:

Portuguese kang bata ka, lagi ka nalang naglalaro sa labas, nde ka mahagilap dito sa bahay, umuwi ka na nga!

Kaya ayun, ang pagkakaalam nya, may lahi syang portuguese.

TOINKS!! Peace pare!

take two

take two

two dollar ice cream

two dollar ice cream

Ang mahal ng dirty ice cream na to ha, kokonti pa laman.. naman!

Wala akong matinong picture sa Chinese Temple na yan kaya nde ko na ipopost. Next destination namin ang Ruins of St. Paul. Nde ko naitake note ang details tungkol sa nangyari sa church na ito. Ang pagkakaalam ko, nasira sya nung panahon ng giyera. 

Ruins of St. Paul

Ruins of St. Paul

google search mode:

info 101:

Ang Ruins of St. Paul daw ay ang original na Cathedral of St. Paul nuong 17th century. Itinayo ng mga Jesuits at ito ang pinakamalaking Catholic Church sa asya ng mga panahon na iyon. Ito ang pinakafamous na landmark ng Macau sa kasalukuyan at noong 2005, official na sinama ang Ruins of St. Paul sa mga listahan ng UNESCO World Heritage Site Historic Center of Macau.

sa loob

sa loob

Ito ang loob (actually labas na) ng dating simbahan. Ang mga salamin na makikita nyo sa gilid ay ang original na hukay ng mga Portuguese, ‘untouched’ eka nga nila.

tomb

tomb

Ito ang tomb ng mga Japanese Martyrs ng mga panahon na nasira ang Cathedral of St. Paul dahil sa giyera.

papogi muna

papogi muna

Ito naman ang mga itsura ng transition ng Cathedral of St. Paul, simula ng 17th century hanggang sa nasira na ito.

loob

ayun kami oh!

Ito ang original na loob ng simbahan, un nga lang, wala ng dingding. Kitang kita ang mga tall buildings sa likod.

kami

kami

sa tapat

sa tapat

katapat na park

katapat na park

Naglakad lakad kami at nagpunta sa katabing park. Parte parin ito ng Ruins of St. Paul kaso nakalimutan ko ang name.

dingding

dingding

papogi ulet

papogi ulet

sa tabi ng swimming pool

sa tabi ng swimming pool

flag raising ceremony

flag raising ceremony

pahinga muna

pahinga muna

Nakakapagod ang napakalayong lakaran kaya meryenda muna. Uminom lang ako ng ice lemon tea dyan. Ang ganda ng sari sari store ni aling cora, ang liit pero Portuguese na portuguese talaga.

Last na picture ng Ruins of St. Paul bago kami umalis…

pahabol

pahabol

Naglakad lakad kami at napuntahan namin ang isa pang simbahan na nakalimutan ko ang name..

yellow church

yellow church

Sorry talga, nde ko pala nasulat sa jolina notebook ko ung name ng church na to. Anyway, sa tabi nito ay mga tindahan ng mga damit at kung ano ano pang anik aniks.

yellow and pink

yellow and pink

O di ba ang ganda ng buildings nila, pati ang kulay, parang mga puddings lang.

Naglakad lakad parin kami at nakarating kami sa highway..

post office?

post office?

Ang pagkakatanda ko, ito ang post office nila, kung nde man, isa sya sa mga government offices ng Macau.

At dahil gumagabi na, sumakay kami ng taxi papuntang casino. Sa Venetian Hotel..

Venetian Hotel

Venetian Hotel

Halos lahat ng mga hotels sa Macau ay may mga casino sa loob. Naglaro lang ang mga kaibigan ko ng small time baccarat. Nang manalo sila ng few hundred dollars, umeskapo na kami. Nagpicture picturan muna..

pahabol

pahabol

hanapin nyo ko

hanapin nyo ko

Shopping mall ang taas nyan. Ciempre nde kami dyan bumili dahil mga branded ang mga shops dyan at siguro ang presyo ng isang item na relo ay isang taon ko ng sweldo.

kurbadang escalator

kurbadang escalator

First time ko ding makakita ng kurbadang escalator kaya nainosentihan na naman ako kaya todo picture na naman ako.. toinks!

 

fake sky

fake sky

Bilibitornot, peke ang kisame na yan. Astig lang kasi para talgang tunay at gumagalaw ang mga ulap na dyan. Nde kaya nagdidiliryo lang ako ng mga oras na yan sa gutom? hihihi..

Osya, tama na ang picturan sa Venetian. Sumakay kami ng free shuttle papuntang Wynn Hotel, isa parin sa mga bigating casino sa buong Macau.

 

Wynn Hotel

Wynn Hotel

Fountain ang tapat ng Wynn Hotel at every 15minutes ay may fountain show sila. Eto ang nadatnan namin:

Pagpasok namin, isang magarbong presentation ulet ang pinakita nila sa mga bwisita.

 

golden kisame

golden kisame

Itong golden kisame na ito ay magppresent? Panong mangyayari un? 

Ganito, may lalabas na ilawan dyan..

 

golden tree plus ilawan

golden tree plus ilawan

Medyo imposible yatang mangyari yan ah, eto at panoorin nyo nalang:

Enjoy!

Last trip ng ferry ang sinakyan namin pabalik ng Kowloon City. Nakauwi kami ng almost 12mn, kumain muna ulet kami bago magpahinga. Dapat may sapat na lakas para kinabukasan, next destination ay Hongkong Mainland!

Advertisements

Comments»

1. coolwaterworks - February 26, 2009

Dunno kung first base ako rito… 🙂

Naaliw ako dun sa golden kisame, at ang ganda ng ruins ng St. Paul…. 🙂

Coolwaterworks

JRG: Uy, first base ka kapatid! hehehe..

Maganda ung kisame na yan, as in, pangit lang ung video ng phone ko. Ung sa Ruins of St. Paul, astigin ang mga nandun, as in mga original walls parin ung nakatayo dun.

2. yhen - February 26, 2009

hay nku wla ngang risn para mpglan kpa. Grbe kuya ayaw mu namang gumala at magpapicture ano? Hehe.. Ako dpa naipopost lht ng pektyurs kc nkbyahe n naman ako d2 s agusan ngaun. Ü

JRG: Post mo na ung pictures nyo dito sa KL, para naman may laboy entry ka din, hehehe

3. p0kw4ng - February 26, 2009

di ko pa binabasa..nikita ko lang ang mga petyurs..at ang gaganda..di pa ako nakakarating ng macau at ngayon para gusto ko na syang puntahan….

JRG: Basa na! Naku, sobrang ganda, ang liit lang ng Macau pero madaming pwedeng libutan.

4. revsiopao - February 26, 2009

base muna…

buti na lang, i already saw these pics sa FS.

magbabalik…

JRG: Nauna na sa friendster ung pictures, hahaha

5. DesertFishing - February 27, 2009

“Sobrang busy talaga” – hahahaha. Sobrang busy sa kakaisip kung ano ang o-orderin, hahaha.

JRG: Ang hirap umorder dun kasi nde ako marunong magcantonese, buti nlng mga intsik ang mga kasama ko, sila na nag oorder para sakin, hehehe..

6. Geisha - February 27, 2009

wow!

sana sinama mo ko! hahahahha

wheeewww…. uwi ka naman ng pinas! heheheh

JRG: Hehehe, isama kita nek tym!

7. bonistation - February 28, 2009

astig ng mga pics! nandito ako sa pinas! magbabalik!!!

ciao!

JRG: Awww!! Enjoy your vacation parekoi!

8. joycee - February 28, 2009

waaah nakakalula naman ang macau tower! at syempre panalo ang makukulay na buildings! i super love pink! haha.

pero alam mo kuya, i wanna thank you kase sa pagseshare mo ng mga pics mo, parang nakapunta na din kame jan, wahhahah.

pahinga pahinga para di magkasakit okey?!

*mwahugss
~joycee

JRG: Soobrang nakakalula ung tower na yan, sino kaya nakaisip na gawing salamin ung sahig at kakatusan ko lang! Nawala ang kinain ko sa sobrang takot, hehehe..

You’re welcome pate, I really want to share lalo na kapag nag eenjoy ako, gusto ko mag eenjoy din ang mga taong nakapaligid sa akin..

Godbless!

9. mangbadoy - March 1, 2009

d2 ako sobrang nainggit… gusto ko rin pumunta macau……… whaaaaaaaaaa

JRG: Astig dun kapatid, planuhin mo ang pagpunta dun, isama mo bebot mo, hehehe

10. MC - March 2, 2009

Wow Macau. Tumingin lang ako sa mga pictures.

JRG: Hehehe, enjoy enjoy lang..

11. livingstain - March 2, 2009

INGET NA TALAGA AKO… ENJOY

JRG: Wag kang mainggit kapatid, konting ipon lang katapat nyan =)

12. lyzius - March 3, 2009

hi pare, kapitbahay lang pala tayo, malaysia ka at SG naman ako…galing ako sa blog ni powkie…nirecommend nya blog mo sa trip mo sa HK-Macau…punta kasi kami jan this coming may…naunahan mo ako pagpunta sa venetian…ahahahaha..jan kami mag stay ng 2 nights sa venetian…ahihihi…pero presyong kapatid kami jan kasi sister company namin… anyway, andami ko sanang tanong regarding HK experience…like accomodation, transpo at food…mag extend kasi ako ng HK para ilaboy naman ang anak ko…
ooopppsss nobela na ang comment ko..tenchu pre!

JRG: Ayun, kabayan! Hehehe.. Cge po, magsend ako ng email nyo para sa details. Astigin ang venetian, parang isang buwang sweldo ko ang isang gabi dun, sobrang ganda!

Salamat po sa pagdalaw, balik balik lang. Godbless!

13. Heleyna - March 4, 2009

itatanong ko pa lang sana sayo pano mo nakayang umupo dun sa may glass na salamin kaso nasagot mo na hehe..

~andami ko pa sanang sasabihin kaso itong lycheeng keyboard ko tinotopak…on-screen-keyboard pa itong gamit ko. Parusa!

JRG: Wow, social ka naman prinsesa, ung notebook ko kaya kelan magkakaroon ng on screen keyboard? toinks!! hehehe

14. azul - March 5, 2009

wow sosyal puro travels…

JRG: Hehehe, nag eenjoy lang habang nasa labas pa..

15. glesy the great - March 5, 2009

alam mo bang dream kung mag bungee jumping… parang ang sarap kasi magpasa ere…

ang ganda nung venetian hotel… sushal…

pasalubungan mo naman ako nung golden kisame… gagawin kung pader ng bahay namin.. cheers;p-glesy the great

JRG: Ako din gusto kong magbungee jumping kaso takot ako sa heights, toinks!! Nde nga ako makaupo dun sa salamin na sahig eh bungee pa kaya? hihihi…

Ganda talaga sa venetian, parang palasyo, superb! Kung pwede nga lang ibulsa ung golden kisame na un eh nandito na sya sa bahay, toinks!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: