jump to navigation

At Last, Hongkong! (Last Part) March 2, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

Sa wakas! After 10 years nasulat ko din ang part 4 ng engrandeng laboy namin last week.

Ang dami kong excuses, nde ko na iisa isahin, baka lalong humaba ang last part.. toinks!

Nde ako makabangon ng umagang iyon dahil sa sobrang pagod at puyat. May konting lagnat na ako ng gumising at sinabayan pa ng konting ubo.

Kumain muna kami sa Delifrance sa isang gilid ng kalsada sa Kowloon. May promo kasi sila na buy 1 set free sausage or garlic bread.

 

Delifrance

Delifrance

Ilang minuto lang kaming kumain at lumarga na.

Nagpunta muna kami sa mga factory outlet ng mga damit at namili. Ang daming factory outlet ng mga damit, halos lahat yata ng kanto ay may shop. Peborit naming shirt ang esprit kaya ung ang hinanap namin. Isang biglang liko lang ay nakakita na kami agad ng esprit factory outlet shop. Sige, larga, bili!

Ang mura ng esprit shirts dun, halos kalahati ng presyo dito sa KL at ang gaganda pa ng mga styles. Isusuot ko un sa paglaboy namin sa Bangkok next week.

Naubos ang buong umaga namin kakalakad, sa pagpunta sa mga factory outlets, bili, kain, lakad, walang upuan. Ang titindi ng mga paa ng mga kasama ko, sa totoo lang, umaga palang suko na ako. 

Sumakay kami ng MTR papuntang Hongkong island. Astig ang railway nila, nasa ilalim ng tubig. Pati ung highway na nagdudugtong sa Kowloon at Hongkong ay nasa ilalim din ng tubig.

 

Crossing

Crossing

Madaming tao sa Kowloon pero mas madaming tao sa Hongkong! Kamote talaga, literal na nde ako makahinga! Yung tipo bang may parada lagi sa daan. Lahat ay nagmamadali, walang masyadong nagkkwentuhan, may mga sariling mundo. 

 

Times Square

Times Square

Eto ang kanilang times square, ang daming tao sa likod at sa harap ko, kakaturn palang ng green light kaya nagsisimula palang silang maglakad. Nde na namin inintay na makalapit ang mga tao sa akin kasi kapag nakapose ka eh bubungguin ka nila dahil sila daw ay nagmamadali.

 

Inside Times Square

Inside Times Square

Ito ang loob ng times square, ang laki at puno ng tao. Nde na namin nilibot ang loob nito dahil kulang sa oras, nagpicture lang tas lumarga na.

 

Double Decker Bus

Double Decker Bus

Kapag daw nagpunta ka ng Hongkong, dapat may picture ka ng famous double decker buses nila. Ito daw ang isa sa mga trademark ng Hongkong. Nainosentehan na naman ako dahil first time kong makakita ng double decker bus na may riles sa gitna ng daan.

Katanghaliang tapat ng maglakad kami. Buksan ang mapa, ayun ang Hongkong Convention and Exhibition Center. 

Ang akala ko malapit lang, naku naman, ang layo pala!

 

Busy highway

Busy highway

Dito palang sa overpass na to ay sumusuko na ako sa sobrang pagod. Osya, binigyan ako ng break, picturan daw muna.. naman! Kelan ba ako tumanggi sa camera?

 

HKCEC

HKCEC

At last, narating din namin ang HKCEC after 5years. Nde na namin binalak pumasok sa loob (nde naman yata kami papapasukin eh, toinks!), nagpicture picture lang.

Katabi nito ang famous Golden Bauhinia Square na kung saan matatagpuan ang golden kuhol flower. 

 

Golden Kuhol

Golden Kuhol

Lumarga na din kami pagkatapos magpicturan. Ang dami kasing tao, buti nalang dala ko ang tripod, lagi kaming kumpleto sa pictures ngaun. Pero bago kami umalis, isang solo pic muna..

 

Solo

Solo

Ayan..

Katapat nitong HKCEC at Golden Bauhinia Square ay ang waterfront ng Wai Chai na kung saan makikita ang Kowloon City.

 

Kowloon ung nasa likod

Kowloon ung nasa likod

Maganda sanang intayin ang sunset dito kaso may iba pa kaming plano, mas astig ang view dun. Ang next destination ay ang The Peak!

Nilakad lang din namin ang bus station papuntang The Peak. Ilang kilometro din ang layo nun, thank God nakayanan kong lakarin. Wala pa rin akong makitang kapaguran sa mga kasama ko, ako naman ay halos hilahin ko na ang mga paa ko para lang makalakad sa sobrang pagod.

Nde na namin nadatnan ang sunset sa The Peak, gabi na kasi kaming nakarating dun. Isang oras din ang byahe from the station paakyat ng The Peak.

Picturan agad ciempre..

 

The Peak

The Peak

The Peak features many attractions. Madaming best views ng city skyline at harbour. May building na pwede mong akyatin para makita mo ang buong Hongkong, as in buong Hongkong. May mga restaurants din na gilid ng cliff at ciempre nde mawawala ang mga shops.

 

Hongkong at night

Hongkong at night

Hanapin nyo ko sa picture! hehehe.. Ang dami kasing tao, at talaga namang siksikan, walang time para magposing dahil may sisingit at sisingit sa picture mo. Anyway, naglakad lakad kami at nakakita ng magandang pwesto..

 

Hongkong at night 2

Hongkong at night 2

Itinayo ko ang tripod ko sa gilid ng pader, nilagay ko sa night mode ang camera ko at eto ang resulta..

 

Solo

Solo

Maayos ayos naman sa palagay ko, hehehe.. Talagang spectacular ang view ng Hongkong sa gabi, may mga ilaw ang mga matataas na buildings samahan pa ng malamig na panahon. Nakakawala ng pagod.

Nde na kami masyadong nagtagal duon dahil hinahabol pa namin ung bus. Akala ko last destination na yon, nde pa pala, muntik na kong malaglag sa upuan ko ng malaman kong maglalakad ulet kami papunta sa isang lugar na sikat na sikat, ang Central Mid Level Escalator.

 

Central Mid Level Escalator

Central Mid Level Escalator

Ito ay may habang 800 meters and this is the world’s longest covered escalator. Magandang sakyan ito para makita ang mga views from different restaurants to shops and to buildings. Ang buong travelling time ay 20 minutes, kaya just imagine how long it is. Ang escalator na to ay one way lang, pababa mula 6am to 10am at pataas naman from 10.20am hanggang midnight.

Kumain kami sa isa sa mga karendirya sa ilalim ng escalator na yan. Naglakad muli papuntang MTR station at umuwi na. Laking pasasalamat ko at uwian na. Aba, at pagdating sa hotel ay may balak pang magkape sa Starbucks ang mga kolokoys, nde na ako sumama at baka bigla nalang akong bumagsak sa sahig eh maging pasanin pa ako. Natulog na ako agad at maaga pa ang flight namin kinabukasan.

Nakakatuwang isipin na tapos na pala ang aming apat na araw na laboy. Sobrang nakakapagod pero worth it naman. I thank God at wala namang naging problema.

Advertisements

Comments»

1. flamindevil - March 2, 2009

una ba ko?yehey.

1st
1st
1st

yahooooooo

(pag hindi pahiya ako..nyahaha)

JRG: Hahaha, nakabase ka din parekoi!

2. p0kw4ng - March 2, 2009

kung bakit naman kasi hinabol nyo ang bus..bakit hindi kayo sumakay at ng hindi kayo napagod,hihihi

ayos talaga ang lakwatsa mo at napuntahan mo halos lahat ng magagandang view sa HK…pero sana nag night out kayo..super ang mga bar sa HK para ka lang nasa pinas..hehehe..mula sa bar tender hanggang musician eh hindi nawawala na may pinoy!

JRG: Uu nga no, genius ka talga ate powkie! Bakit nga ba nde kami sumakay? Toinks! hehehe..

Naku, nde mahilig sa night out itong mga kasama ko, eh kulang nalang pumasok sa seminaryo itong mga to, nde naninigarilyo, nde umiinom, haysz! Ako nga ang bad influence sa knila eh, hahaha! At sa pagod ko din, baka tulugan ko lang ang mga bars dun, toinks!

3. joycee - March 2, 2009

Napakapalad na bata! Itarak mo sa bato makakarating din ako dyan!

Wee, thank God everything went fine sa inyong laboy. 🙂

JRG: Hahaha, konting ipon lang ang katapat nyan, makakarating ka din dun! And yeah, thank God for that wonderful trip.

4. mangbadoy - March 3, 2009

ang napansin ko magkakasin height pala kayo… heheheh!

JRG: Hahaha, ako ang pinakamaliit sa amin at pinakamalikot, toinks!

5. livingstain - March 3, 2009

pagod ka na yata, iba na ung mata mo e… time to buy pasalubong… lolz

JRG: Soooobrang pagod, as in! Nakabili na ng pasalubong nyan, hehehe

6. Geisha - March 3, 2009

asan pasalubong ko? 😀

JRG: Andito sa bulsa ko, hehehe

7. payatot - March 4, 2009

buti ka pa bro at nagagawa mo pa yang ganyan na makapasyal sa magagandng lugar at sa hongkong pa ano? iilan lang kayo na nakakagawa nyan dahil kase sa krisis ngayon

JRG: Matagal n tong plano kapatid, last year pa kasi may promo ang Malaysia Airlines. Tas ipon ipon lang para may baon, hehehe..

8. Winkie - March 4, 2009

ayan, namiss ko na nman HK! sarap magpasyal sa HK noh? super linis na, overly convenient pa ang transpo system nila. were you guys able to watch the Symphony of Lights? i guess it has a nice view from kowloon, sa avenue of the stars.

sana makabalik uli ako HK this year.

JRG: Yep, malinis sila pero mas malinis ang Singapore, kasi madaming tao sa Hongkong eh. Convenient nga ang transpo dun, ang MTR nila at dugtong dugtong at iisa lang ang ticketing system. Yep, napanood ko ung Symphony of Lights nandun sa Kowloon entry ko, may youtube clip pa akong siningit, hehehe..

9. joycee - March 4, 2009

Jorgie boy *yan na tawag ko sayo*, sorry topakin ang layout ko, Try lang ng try hanggang makacomment wehehehe.

JRG: Hahaha, naman! Boy ka dyan eh matanda na ako, toinks! Dun sa isa nakapagcomment ako, pero dun sa nitag mo ako, nde talga ako makapagcomment, nde lumalabas ung comment section, huhuhu..

Try ko ulet later alligator..

10. Heleyna - March 4, 2009

napagod ako…literal..pakiramdam ko ako yung tumatakbo takbo at lumalarga sa sobrang detailed ng kwento. Astig ng double decker bus..sana makasakay ako dyan! Saan mas mura ang fare sa taas o sa baba? hihi

Hintayin ko yung bangkok post!

JRG: Hahaha, kita mo na, eh ano nalang kaya ung talagang tumatakbo at naglalakad? Nde kami nakasakay sa double decker bus kasi wala ng oras at wala nmn kaming pupuntahan, hehehe..

Bangkok trip is on 11-14, awwww!!

11. diaryofmiel - March 4, 2009

naku bro, pumayat ka nga… sana di ka na ulet magkasakit… nakakagulat pagpayat mo noh hambilis… pano ka ba nagkasakit ng pumayat rin hehehe…

JRG: Don’t worry, nagpapataba na ako ngaun, hihihi.. Ang hirap magkasakit lalo na kapag nasa malayo. Nde ako makakain at makatulog kaya mabilis akong pumayat, hehehe..

12. azul - March 5, 2009

ahehe parang dumaan lang kayo sa mga pinuntahan nio para magkodak kodakan(READ:picture taking)

JRG: Hehehe, nde naman, nagliwaliw muna kami ng konti bago umalis, un nga lang, laging naghahabol ng oras dahil kulang. toinks!

Salamat sa pagdalaw! Godbless!

13. DFish - March 5, 2009

Jorge, Jorge, binasa ko tong post mo mga 5PM dito, pauwi na, syempre kalam na sikmura tapos first piktyur pa lang, Delifrance kaagad. Parang hilo kaagad, gusto kong humarurot with my bike dun sa binibilhan kong maruya. What a life! God of abundance, always bless this young gourmand and his desire to reach places as far as Heaven, hihi.

JRG: Kainan na! Ako din gutom na, hihihi.. God is so good. Thank u po for the prayer. Godbless u too pads!

14. glesy the great - March 5, 2009

gusto ko yung pic na solo parang ang gandang puntahan… joke nyahaha..

pero ang ganda ng hongkong pag gabi parang makati lang joke ulet.. ahehe

buti na lang tinapay lang ang pagkain sa unang pic… magtigil ka dyeta ako ngayon.. cheers;p-glesy the great

JRG: Hongkong Convention Center nila un, aktwali wala namang maganda, photogenic lang, hihihi

Tinapay lang ang breakfast, wala kasing kanin sa Delifrance eh..

15. charlie - March 5, 2009

brad.. ang sarap!!! kainggit naman…..

JRG: Hehehe, nag eenjoy lang habang nasa labas pa.. Salamat sa pagbisita! Godbless!

16. buyoy - March 5, 2009

hataw… napagod ako sa picture ganda ng mga places :p
ganda pla ng HK hehehe sabi mo nga recommended mo to’ ma palan pag nagka badyet :p

Wait ko naman bangkok mo…. dbest ka tlaga Idol!

JRG: Naks!! Iplano nyo ding pumunta dun ni wifey mo, ganda!! Next week na ung Bangkok drift! toinks!

17. Winkie - March 5, 2009

ako uli… hehehe!

di ko pa ata nabasa ung kowloon escapade mo. sige, ill read a little later.

yep, SG is a clean country as well. pero ewan ko, i find HK a bit cleaner. nakatsinelas lang ako pag namamasyal. mas malinis kasi ang talampakan ko nung sa HK. sa SG may konting alikabok, so for me mas malinis ang HK, hehehe!

JRG: Welcome back ulet! hehehe..

Malamig kasi sa HK kaya walang masyadong alikabok, pansin ko din un eh. Sa SG kasi kapag nakatsinelas ka, pwede ka ng mgtanim ng kamote pag uwi mo, bwahahaha!!

18. walongbote - March 7, 2009

wow bongga ang trip nyo ah, parang ang dami ata naggagala ngayon despite of the economic crisis we had.. si yhen din nagpunta ng kl, kasama ka ba dun?

wow the popular time square.. bongga ka may pictorial shoot ka pa 🙂

JRG: Naku, last year pa kami nakabook, nde nmn namin akalaing magkakaron ng crisis, nakakakonsensya din minsan ang gumastos ng gumastos during this time.

Ciempre, wala akong pinalalagpas na spot, dapat may picture sa lahat, hihihi..

19. coolwaterworks - March 7, 2009

As usual kulelat na naman… Hehehe…

Parang naki-adventure din ako sa HK ah… detailed at makwela ang pagkukwento… 🙂

Nice night shots there… Ganda rin sana ng mga structures kaya lang may taong lagi nalang nakapagitna sa larawan… Ay, ikaw pala yun! Hehe…

Hihintayin ko ang Bangkok pills este post mo… 🙂

Coolwaterworks

JRG: Uy kapatid, nde ka naman kulelat, muntik na, hihihi…

Thank u sa papuri, thank u sa friend ko, may talent un sa photography, nde lang maexercise kasi wala syang DSLR…

Hahaha, may asungot na nakasingit lagi sa pic, sa ayaw nyo at sa gusto, ako un, bwahahaha!!

20. TeenToinks - March 7, 2009

What’s new? Eh madalas ka nmn talaga may lagnat… at helllooo… laboy ka parin… what’s new??

AHA! Half price pala ang esprit shirt ko ha! HULI! Nyahaha… make it two na, bilis balik na… balik! Kamote talaga… parang may parade?? Ahmm… parade ng mga kiti-kiting gubat at ikaw ang leader! Nyahahha

Uy, binuksan ang mapa… pwes isarado mo na! Speaking of Golden Flower… Bawal ba pitasin yan? Nyehehe ilang karat? At san ka naman namundok ng Golden Kuhol? Hay naku!

Aba.. pati closet ko hinalungkat mo kaya eto na.. ilalabas ko na ang HOSTAGE ko w/o ransom! ahihiihi

JRG: Ayan! Buti naman at pinakawalan mo na ang hostage mo at walang ransom!! Astig!! Closet lang pala katapat mo ha! bwahahaha!!

Ang golden flower na yan ay pinsan ng white flower na lagi mong dinadala sa byahe kapag nahihilo ka. Kapitbahay nmn ng golden kuhol na lagi mong pinaglalaruan nung bata ka sa gilid ng bukid, woi, umamin ka, nagluluglog ka din sa putikan nun?!

Woi, half price man ang esprit shirt, kapag kinonvert mo sa peso eh mahal parin no!

21. yhen - March 9, 2009

wow kuya maganda din pala ang HK… pero ang pangarap kong puntahan ngayon macau… sama ka?

JRG: Super ganda dun yhen, pati sa macau, malinis pa. Sige sama ako ulet! hahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: