jump to navigation

Sawasdeekap Thailand! (Part 1) March 16, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
trackback

The long wait is over! Eto na ang Bangkok trip ng inyong certified palaboy.

Hindi po totoo na marami akong pera kaya nakakapunta ako sa iba’t ibang lugar. Yucktually, konting ipon lang ang katapat nyan at diskarte sa paghahanap ng murang fare at deals. Sa susunod kong entry, bibigyan ko kayo ng mga tips kung pano makakahanap ng magandang deal at kung ano ang mga kailangan sa pagbbyahe.

Kung tatanungin nyo ako kung bakit sa dinami dami ng lugar eh sa Bangkok pa, isa lang ang sagot ko dyan.. MURA!

 

Airasia.com

Airasia.com

Mura ang lahat ng bagay sa Thailand lalo na sa BKK. May promo ang airasia last year kaya nakakuha kami ng murang fare. Bale four days lang kami dun at isa’t kalahating araw lang kaming lumaboy ala turista and the rest of the days ay pagshopping na, hehehe.

The night before the flight, sobrang pagod ako kasi madami akong dapat tapusin sa office tas nagbyahe pa ako from Genting down to KL, pagdating ko sa KL, lumarga pa kami sa Mid Valley para magpapalit ng pera at kumain ng dinner. Tas 7.50am pa ang flight namin kinabukasan kaya 4am palang ay gising na kami. Walang masyadong tulog dahil nag ayos pa kami ng gamit na dadalhin namin.

 

Suvarnabhumi Airport

Suvarnabhumi Airport

Dumating kami sa Bangkok sa eksangtong oras at lumapag sa Suvarnabhumi airport. Wag kayong mabulol, sa una lang yan. Sige ulitin natin, Su-var-na-bhu-mi airport, hehehe.. Nabulol din ako nung basahin ko yan nung una pero nasanay na din ako. Una kong napuna ang naggagandahang statwa nila tulad ng nasa picture. Nagkalat sila sa buong airport at waring security guard, toinks!

 

Suvarnabhumi Airport

Suvarnabhumi Airport

Ciempre palalagpasin ko ba naman ang mga pictures na yan na wala ako? Nakasingit at nakasingit ako dyan, hehehe..

Nde ko masyadong maikumpara ang NAIA sa Bangkok Airport dahil nde ko na matandaan ang itsura ng NAIA (lagi kasi ako sa clark lumalapag eh). Kaya masasabi ko na ang KLIA, HKIA at SIA ay magkakahawig. Sa kanilang structure, architecture at pati mga salamin. Ang kaibahan lang may hi-tech kunwari ang KLIA at HKIA. Ang SIA ay may kahabaan ngunit may kakulangan sa travelator.

 

Painting

Painting

Madali naman akong nakalusot sa immigration kahit may dala akong bomba, kinindatan ko lang si aling cora eh bumigay na, wala ng tanong tanong, pasok agad! toinks! Ang layo din ng baggage area at ang tagal naming nag intay, kakaintay, nakita ko ang dingding na ito. Super sa ganda ng painting na ito at dahil lagi kong nakakalimutan ang aking jolina notebook, ayan, nde ko alam kung ano name ng painter. Ang galing ng pagkakapinta nya at covered ang buong dingding. Astig!

Pagkakuha ng aming bagahe, derecho na kami sa labas at humanap ng taxi. First time kong makapunta ng BKK, nde ko na tinaasan ang expectations ko dahil sa mga naririnig ko about bangkok. Sure enough, nde pa nakakalayo ang taxi namin, isang bumper to bumper traffic na ang bumulaga sa amin as in ‘BULAGA! Gulat ka no?’ epek! Nagpasalamat agad ako kay Lord dahil nde ako naging Thai, hihihi.. 

Dahil sa namumuhay ako sa bundok at galing ako sa malamig na HK trip, nahirapan akong mag adjust (naks!) sa weather ng BKK, as in super hot! Doblehin nyo ang init sa KL o Manila, ganun kainit! Punyemus maximus, nde umuubra ang air con ng taxi!

Okay, mukhang puro reklamo ako ah, pero sa totoo lang, nageenjoy naman kami kahit ganun ung situation namin. Dinadaan nalang namin sa tawa at utuan. 

Dumating kami sa hotel at nakapagcheck in ng alas dose. Larga agad kami sa labas para maglunch (Nga pala, one hour delay ang oras nila dun kaya 1pm na un in Malaysia time). 

 

Bags

Bags

Malapit lang ang hotel namin sa mga shopping complex at kainan (Rajtaevee). Pasok kami agad sa Platinum Fashion Mall. Kilala ang PFM sa mga murang bilihin. Mga retail, wholesale at big time buyer ang mga nandun. Ung mga bags na nasa pictures, un ang gamit nila sa pagsshopping. Just imagine how big those bags are tas nakalagay sa mga trollies nila at nagsshopping. Nakakagulat kasi ang mga presyo, parang divisoria ang mura! 

Bawal magpapicture dyan kaya madalian lang ang kuha, inirapan nga ako ng tindera ng makitang nagpapicture ako eh, hehehe.. Mano, nde ko naman sya kilala, toinks!

Tanong ko lang: Ano sa palagay nyo ang kaibahan ng mga Malaysians sa mga Thai?

Sa aking obserbasyon, ang mga malaysian ay may passion sa pagkain. Kahit sobrang mahal ng mga pagkain ay sige parin para lang mapunan ang mga sikmura kahit ipagpaliban muna ang pagbili ng mga damit o mga fashionable items. Ang mga Thai naman ay magtitipid sa pagkain (sa tabi ng daan kumakain) para lang may pambili ng mga damit at mga kolerete sa katawan. 

Dalawang oras lang kaming naglakad lakad sa loob ng PFM pero puno na ng plastic bag ang mga kamay ko. Sinaway lang ako ng mga kaibigan ko sa pamimili dahil may bukas pa naman. Besides, babalik pa namin kami sa susunod na araw, nagpunta lang kami dun para maglunch. Oo nga naman, nakalimutan ko..

 

BTS Train

BTS Train

Bumalik kami sa hotel at naligo tas lumarga na papuntang MBK Mall, isa ulet shopping complex na may mga murang bilihin. Sumakay kami ng BTS, ang kanilang railway system.

Umuwi din kami ng maaga dahil may pinaglalaanan kami ng lakas kinabukasan.

Kinabukasan…

 

Sa tapat ng tindahan ni aling cora

Sa tapat ng tindahan ni aling cora

Maaga kaming gumising at nagbreakfast sa hotel. Ciempre sinuot ko agad ang mga nabili ko kahapon.

Sya nga pala, mas mataas ang halaga ng Thai Baht sa Philippine Peso. Nde ko alam ang conversion ng PHP sa TB, bigyan ko nalang kayo ng RM conversion:

1RM = 10 Baht

1RM = 12.80 PHP

Ayan, para at least may idea kayo sa conversion ng tatlong currency na yan at para may idea kayo kung gano kamura ang bilihin.

 

Upo muna

Upo muna

Bigyan ko kayo ng price list ng mga nabili ko:

 

Bimpo sa leeg: 100 Baht

White t shirt: 100 Baht

Diadora bag (Original yan ha): 350 Baht

Shorts at shoes: Piso nalang kasi luma na yan eh. toinks!

Nung magpunta kami sa MBK Mall, nagulat ako sa presyo ng diadora bag kasi sobrang mura, 50% off daw kasi pero kahit walang sale mura parin. Tiningnan ko ung loob baka kasi fake, aba nde! at mukhang matibay.

 

Traffic!

Traffic!

Plano naming lumibot sa buong BKK kaya nagpunta kami sa travel agent. Sa daan palang eto ang nadatnan naming traffic. Naman! sa gitna ng city ay may train?! Kamote talaga, maswerte parin ang mga nasa Manila kasi sa palagay ko wala ng ganito di ba?

Wala daw tour sa paglibot sa BKK, sa labas daw ng BKK meron. Pinili namin ang Ayutthaya trip dahil 1-2hours lang ang layo nun sa BKK, at least makakarating at makakauwi kami ng maaga. Nagpabook kami kinabukasan.

 

Bus

Bus

At dahil wala na kaming ibang pupuntahan ng araw na yon, gumawa nalang kami ng sarili naming itinerary, naglakad kami papunta sa mga temple nila, as in lakad lang. Malapit lang pero sobrang init. Nabasa ang bimpo ko sa leeg sa pawis at nanginig ang tuhod ko sa pagod.

Eto ang itsura ng mga ordinary busses nila, nakaparada ito sa gilid ng highway kaya picture picture muna habang walang driver at pasahero.

 

Sightseeing bus

Sightseeing bus

Sa likod ng mga nakaparadang busses ay ang mga sightseeing busses naman. Ganito ang itsura nila. Para lang trak trakan na de pedal, hihihi..

Habang walang humpay kaming naglalakad, napadaan kami sa mga ibong tarat kalapati sa gilid ng kalsada. Nagtitinda si aling cora ng buto ng mais, 10 Baht daw para sa pagpapakain ng mga ibong mabababa ang lipad. Ciempre ako naman itong utuin at inosente, bili agad ng buto at nagpakain ng ibon.

 

mga ibong mabababa ang lipad

mga ibong mabababa ang lipad

Akala mo naman akong matapang sa picture, pero sa totoo lang, nde pala ganun kadali dahil kukuyugin ka ng mga ibon kapag naamoy nilang amoy pawis ka may pagkain kang dala. Nagmayabang pa ako na magpakain sa kamay, ayun puro kalmot ang braso ko. Nyemas ang sakit kaya lalo na kapag pinagpapawisan!

 

Temple nila

Temple nila

Lakad lang kami ng lakad ng makita namin itong temple na ito. Aba, may 400 Baht entrance! Ang mahal! Apat na t shirts na mabibili ko sa entrance fee na yan. Napagpasyahan naming wag ng pumasok at ipagpatuloy nalang ang paglalakad sa dako paroon. May ginto siguro sa loob kaya mahal ang fee.

 

Abu Sarat

Abu Sarat

Nuon ko lang din napag alaman na multi purpose din pala ang bimpo ko sa leeg. Pwede pang porma, pampahid ng pawis at pang takip sa araw, hehehe.. Toinks!

 

St. Andrew's Field Elementary School

St. Andrew's Field Elementary School

Wala akong note kung ano ang name ng building na to, basta katapat sya ng mga temple. Cencia naman..

 

MBK

MBK

Sumakay na kami ng taxi papuntang MBK mall para magpalamig. Hihimatayin na siguro ako sa sobrang init kapag nde pa kami lumilim sa malamig na mall na ito. Ang kagandahan lang sa mga shopping centers dito ay may overpass silang nagdudugtong sa mga ibang malls tulad ng Centerpoint at Zen na kung saan dun kami kumain.

 

Kainan na!

Kainan na!

Pumasok kami sa Japanese restaurant, sikat siguro ito kasi maraming kumakain eh. Nag order ako ng isang set at nde nmn ako nabigo sa expectations ko. Masarap ung beef blah blah blah may kasamang kim chui chi.

 

Men's toilet

Men's toilet

Lumarga na kami pagkatapos mabusog at napadaan dito sa kakaibang Men’s Toilet’s sign. O di ba, mahiyain pala mga tao dito kaya nakabaluktot ang kaliwang paa, hehehe.. Ung sa Ladies’ naman ay dalawang paa ang nakabaluktot, in short, piki!

 

Highway at night

Highway at night

Pagkatapos naming maglakad lakad at magpalamig sa Zen Mall, nagpasya na kaming umuwi at nagpicture muna sa ibabaw ng overpass para makita nyo nmn ng itsura ng highway nila. Pagkatapos nito ay kumain kami sa gilid ng daan, nag order kami ng sikat na sikat na Tom Yum soup with fried rice, vege, at fried egg (Tina, maiinggit ka! bwahahaha!) Masasabi ko na taob pa ng kainan sa gilid ng kalsada ang mamahaling restaurant sa KL pagdating sa Tom Yum, as in superb sa sarap. Nde ko lang kinuhanan ng pic dahil nde maganda ang itsura, hehehe..

Nakupo, ang haba na nito. For sure bihira lang sa inyo ang magbabasa ng ganito kahaba. Buti nalang at nakabalandra ang mga pictures ko, hehehe..

Bukas na ang second part ng laboy namin sa Ayutthaya.

Godbless!

Advertisements

Comments»

1. joycee - March 16, 2009

basey-base! basa muna.. =)

Jorge - March 17, 2009

Hahaha, osya, pers plawer base ka! toinks!

2. joycee - March 16, 2009

Wui oh binasa ko lahat pramis!! Hinde ko nga lang nakompyut magkanu yung pinangshopping mo boplorks ako sa Math eh. Parang Divisoria ba mga presyo? Pero sigurado hinde sa dame ng tao noh!! Iisa lang ata ang Divisoria na kelangan mo munang makipagbuno sa mga taong makakasalubong mo bago mo mabili ang gusto mo.

Mga shoppingera pala ang mga Thai. Di bale nang magutom basta fashionable. Sows!

Peborit ibons ko ang mga kalapati, pangarap kong makapagpafechur ng ganyan sa kalsada, daya!

At higit sa lahat, ang arte ng sign ng lalake sa toilet, syete! Mas maarte pa saken ah!

Okay abangan namen yung mga tips mo ha, gusto ko yaaan!

Jorge - March 17, 2009

Uy salamat naman at binasa mo, hihihi.. Kahit nde ako ganun kagaling magsulat may nagttyaga parin palang magbasa ng gawa ko, toinks!

Madaming tao pero nde nmn siksikan, di tulad sa divisoria, hehehe..

Totoo un, mahilig silang bumili ng mga anik anik sa katawan tas dun sila sa gilid ng daan kumakain, as in ung binalot lang sa dahon ng saging, hahaha..

For picture sake kaya ako nagpakain ng ibon, pero kung walang camera, nde ko gagawin un, hahaha..

Mas maarte ung sa babae kasi dalawang paa ang nakabaluktot, hahaha, kakaiba talga, ang daming nagpapapicture dun!

3. blurosebluguy - March 16, 2009

wow parekoy….antok na sana ako kaya lang di ko mapigilang magcomment…whoooah….gusto ko rin mapunta ng thailand……
tama na muna ito….whole day meeting namin kanina….8 hours…………..z z z z z z z z z z z .

Jorge - March 17, 2009

Kapunkap parekoi! Kapag may chance ka, punta ka din dun, ang daming mabibili as in!

Cge tulog na kapatid, mahirap magwork kapag kulang sa tulog..

4. p0kw4ng - March 16, 2009

binasa ko din..ninamnam ko bawat kinakain nyo salita… pwamis hindi ako naglaway sa tom yun at sa japoks resto na kinainan nyo..di ko naman gusto yun…hindi talaga..huhuhuhu!!!

papaano ka ba namang di maiinitan eh may sawa pang nakapulupot dyan sa leeg mo,hihihi

infernes mukha syang magandang puntahan kahit medyo grabe ang traffic dyan!

bukas na ang kasunod ng comment ko ha…sa part 2 na,hihihi

Jorge - March 17, 2009

Wow, thank u ate powkie sa pagbasa, hehehe..

Sobrang sarap ng tom yum sa gilid ng kalsada, as in! Daig talga ang restaurant dito sa KL. Kung pwede nga lang itake out at initin nalang dito eh, hehehe..

Uy, impeyrness maginhawa nmn ung bimpo ko sa leeg, un nga lang sobrang init lang talga sa BKK kaya humulas lahat ng dapat humulas sa akin, toinks!

5. azul - March 17, 2009

binasa ko lahat..interested ako dun sa pagshopping nio mura nga kasi..ahaha

gusto ko din magtravel ng bonggang bongga…

“Okay, mukhang puro reklamo ako ah, pero sa totoo lang, nageenjoy naman kami kahit ganun ung situation namin. Dinadaan nalang namin sa tawa at utuan”

kala ko dinaan ni sa tawa at ututan napabasa tuloi ulit ako.ahaha

Jorge - March 17, 2009

Batang azul, thank u sa pagbasa, hehehe..

Sobrang mura talga ang bilihin, kaya pagpunta mo dun, magdala ka ng maraming cash, hehehe…

Ututan ba? Binasa ko ulet baka namali ako ng type, hahaha

6. philyoh - March 17, 2009

ei jorge! nagpunta ka pala ng bkk, good nag-enjoy ka. enjoy din ako sa pagbasa ng entry mo! naalala ko rin ang stay ko sa bkk although yung ibang lugar na nabanggit mo ay wala pa noong time na nandun ako.

Jorge - March 17, 2009

Uy brother phillip!! Thank u sa pagcomment at sa pagbisita sa bahay ko, hehehe..

I’m glad you enjoyed reading it, hehehe.. Kwento ka naman tungkol sa mga experiences mo nung nagwork ka sa bangkok, hehehe..

Godbless!

7. flamindevil - March 17, 2009

balang araw makakapunta rin ako dyan pareng jorge.kapitbahay lang naman natin yan eh.

btw,medyo umiitim ka sa pics kalalaboy!hahahaha

Jorge - March 17, 2009

Wag kang mag alala, makakapunta ka din dun, konting ipon lang at diskarte sa paghahanap ng good deals, ayos na!

Eh babad ako sa araw kaya ako umitim, daig ko pa nasunburn!

8. coolwaterworks - March 17, 2009

kapatid, anong nangyari sa math? na-apektuhan ng init ng BKK? 1 Baht = 1.28 PhP…

Kakainggit ang gala mo kapatid! Hehehe… Pero okay na rin kasi sa detalye ba naman ng kwento mo (na parating naroon si Aling Cora), parang kaya ko nang pumunta ng BKK mag-isa! Hehehe…

WB kapatid!

Jorge - March 17, 2009

Hahaha, uu nga, ano ba yan, ang math ko napunta sa outer space, kahiya!

Wag kang mainggit kapatid, afford mo ding pumunta dun, konting ipon lang, hehehe.. malay mo mameet mo dun si aling cora, toinks!!

9. Winkie - March 17, 2009

anuber? nagbasa lang ako eh napagod na ako, hehehe! grabe in full detail talaga ang kwento ng certified palaboy!

i heard nga na mura talaga magshopping jan sa BKK. good luck naman sa akin. baka mag-overbaggage ako pag nagpunta ako jan, hehehe!

gusto ko ung pic mo with the prosti ibong mabababa ang lipad. parang pang-states! hehehe!

ho cya, mag-abang uli kami ng next wento 🙂

p.s. IM mo naman sa kin kung saang hotel kayo nagstay 🙂

Jorge - March 18, 2009

Napagod ka din ba? Eh imagine mo nalang ung pagod na naranasana ko sa first two days ko, wala pa dyan ung last two days, mas nakakamatay un! toinks!

Goodluck nalang sa pagshopping, ako nga muntik ng mag over baggage eh, hehehe..

Pang states ba kamo? eh sa gilid lang ng kalsada un eh, hihihi..

10. elysplanet - March 18, 2009

pasama naman minsan! hehehehe. sarap maglakbay di ba? marami kasing bagong bagay na matututunan.

Jorge - March 18, 2009

Uy, salamat sa pagdalaw ely! Uu nga, ung ang masarap dun, madami kang matutunan, marami kang malalaman tungkol sa culture ng mga bansang nililibutan mo.

Balik ka ha! Bisitahin ko bahay mo after writing my part 2. Godbless!

11. DFish - March 18, 2009

Dear Jorge:

Tsk tsk tsk.

Naglalaway sa gala,
DFish

Jorge - March 18, 2009

Dear DFish,

eto ang tissue.. toinks!!

Jorge, CP (Certified Palaboy)

12. IKAY - March 18, 2009

Su-var-na-bhu-mi at talagang binaybay ko pa ang pgbigkas habang binabasa…dahil nabulol ako nung una…hehehe! ang sarap nman ng gala mo, kya lng mukang hindi magandang pumunta jan ng summer kc sabi mo nga sobrang init…pero maganda rin daw mga beaches jan.

Jorge - March 18, 2009

Mainit talga, as in, parang nasunog nga balat ko eh. Maganda din ang mga beaches nila dito, i’ve been to phuket at krabi, ang ganda!

13. yhen - March 19, 2009

hala airport palang panay na ang posing… hehehe! grabe talaga kuya, ayaw mo talaga maglakwatsa sa lagay na yan! harhar

Jorge - March 19, 2009

Hihihi.. camera shy kasi akow… toinks!

14. livingstain - March 19, 2009

sorry nalate ako….

ito ang totoong laboy… sarap sarap naman, nakakatawa ung picture mo sa mens toilet, parang si…

MAXIMO OLIVEROS…. (Ang pagdadalaga…)

hihihihi…

Jorge - March 19, 2009

BWahahaha! Mahiyain ung mga lalaki dun!! toinks!!

Ang dami nga ding nagpapapicture eh, ngaun lang kami nakakita ng ganung men’s toilet..

15. Heleyna - March 20, 2009

Sensya na kapatid late na naman ako.

Medyo madami lang ginagawa <—nagdadahilan. Sobra bagal pa ng koneksyon ko hehe pasensya. Kainggit naman ang shopping spree na yan. Ang cute nung pic ng maraming ibon. Lalo na yung Abu Sarat hahaha.

Weyt nga pala…bakit ang kikay nung pose nung nasa Men’s Toilet? wahaha

Jorge - March 23, 2009

Naku, late din ang reply ko cencia nmn, sobrang busy din at ang koneksyo ko parang dial up lang! hehehe..

Eh kasi nde ako masyadong nakabili sa HK kasi sobrang mahal kaya sa BKK ko binuhos lahat, toinks!

16. diaryofmiel - March 21, 2009

galing naman ni aling cora may tindahan na abroad hehe tsaka bat yung men’s washroom na icon parang sobrang ihing-ihi na hehe… buti naman kapatid, di mo pina close up ang food dahil nakakagutom talaga hehehe

Jorge - March 23, 2009

Uu nga, ang daming branches nde lang pang pinas, pang overseas pa! hihihi..

17. glesy the great - March 22, 2009

para akong tanga habang sinasabi ng malakas ang Suvarnabhumi…. isa Suvarnabhumi.. nyahahaha.. mamaya makakalimutan ko na ulit yan

aba-aba-aba… MBK mall… 50% off kainggit.. adek ako sa mga ganyang mall

at ang trapik? buti na lang pala pinoy ako.. akala ko pampatuyo na ng dugo ang trapik sa pinas.. may mas malala pa pala…

huh? jolina notebook? anong meron dun?

ahaha natawa ako sa pagpapakain escapades sa palad ng mga ibong mababa ang lipad… dapat pala fresh ka para di ka pagkaguluhan… ahehe

bigla naman akong natawa sa abu sarat…

wahaha natawa ako dun sa sign ng cr.. bwahaha.. daya dapat pinakita rin yung sa womens…

tsk kahit mag quiz pa tayo.. binasa ko to… wanna bet? ahehe.. cheers;p-glesy the great

Jorge - March 23, 2009

Hahaha, ako nga din, para akong batang nag aaral ng ABAKADA nung sinasabi ko yan at sa harapan pa ng mga Thai peepz, hahaha..

Naku, nde lang 50% off, umaabot pa ng 70% kung nde ka malorka ng di oras hahaha!

Sobra talga trapik, at may riles pa ng train sa highway, hanube! Sa Jolina notebook ko kasi sinusulat ung mga infos na laboy ko ung may ‘Study hard’ at pirma nya, hihihi..

Sa totoo lang, habang sinusulat ko ung mga entries na to, tawa ako ng tawa kasi puro kabugukan eh, and thank u sa pagbasa, may quiz tayo bukas, one half crosswise.. toinks!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: