jump to navigation

Tips, Tips and Tips.. (Part 1) March 23, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts, Travel.
trackback

Konting patalastas muna bago ang lahat:

1. Gusto kong batiin si Bro. Utoy para sa one year anniversary ng kanyang blog. Isa sya sa mga coolest seminarian na nakilala ko at ciempre isa sa mga idol ko. Kaya sa mga readers, libot na sa bahay ni Bro. Utoy!

2. Ngaun ko lang nabisita ang bagong bihis na bahay ni Prof. Bluep. Tumulo ang laway ko sa sobrang ganda ng site nya ngaun at ang speed, hanep! Parang the flash kahit pang dial up lang ang connection ko.

3. Lastly, kinilabutan ako sa picture na nakapost kay Padre Felmar about the feast of St. Joseph. You have to check it out guys!

Nde ko alam kung may karapatan na ba akong magbigay ng mga tips dahil ang pagkakaalam ko eh isa parin akong gusgusin sa larangan ng pagsusulat. Ang tanging rason ko lang naman ay magshare ng aking mga natutunan sa mga paglaboy ko at para maiwasan nyo ang mga kapalpakang naranasan ko during my laboy days.

Ito ang mga tips bago ang paglaboy:

1. Book early. Napakakomportable ng lumaboy ngaun dahil sa usong usong online booking. Andyan ang airasia.com, cebu pacific, tiger airways at marami pang ibang online ticketing airlines na nagpprovide ng murang fares. Nde sila nawawalan ng promotions kaya magbook ng maaga para maavail nyo ang sulit fares nila. Magsubscribe din sa mailing list nila para everytime na may promotions ay kayo ang unang makakaalam.

2. Be patient sa pagbook. Sa mga promotion period, iexpect nyo ng magkakaroon ng clogging ang website nila. Ciempre nde lang nmn kayo ang nakasubscribe sa mailing list nila. Ang tips dyan ay mabilis na internet connection at pagpupuyat. Ang ginagawa kasi namin, dun kami nagpupunta sa kaibigan kong may 2Mbps speed na internet at iniintay naming mag 12mn para kami ang unang makabook at para makuha namin ang desired dates and destination.

3. Save money. Dahil nakabook kayo ng maaga, ibig sabihin ilang buwan pa ang iintayin nyo bago ang engrandeng laboy. Ngaun palang mag ipon na kayo, wag naman ung piso sa isang araw, walang patutunguhan un mga kapatid. Gawin nyo namang few thousand pesos per month para pagdating ng laboy date nyo ay may sapat na kayong pera pang shopping at foodie trippin. 

4. Mag-intay ng Matta Fair. Dito sa Malaysia may tinatawag silang Matta Fair, para syang PC Fair, instead na computer ang mga nasa booth, mga fare and accomodation promotions ang nasa hapag nila. Pwede kang mamili ng mga bansang pupuntahan mo, may mga package deals ding available. Para din silang mga tindahan ni aling cora na pwede kang makipagtawaran at humingi ng discounts, bahala ka na sa diskarte mo. May apat na beses sa isang taon ang Matta Fair dito sa Malaysia kaya kung namiss mo o nde ka nakakuha ng magandang deal, intayin mo nalang ang next fair nila.

5. Mag ipon ng leave. Kung katulad ng company nyo ang company ko na convertible ang annual leave, swerte nyo dahil pwedeng madagdagan ang leave nyo. Pinapapasok lagi kasi ako ng boss ko tuwing holiday kaya kinoconvert ko sya as annual leave kaya kung mapapansin nyo madaming beses akong lumalaboy kasi marami akong converted leaves. Kung nde nmn convertible ang leave nyo, ah eh.. itaon nyo nalang ng Sabado at Linggo ang inyong laboy.

6. Ihanda ang sarili.

      6.a Kapag nalalapit na ang engrandeng laboy, ingatan at ihanda ang sarili. Wag magpupuyat. Bawas bawasan muna ang pagbblog hop, chat, panonood sa youtube at kung ano ano pang anik anik na makakapagpapuyat sa inyo. Base sa experience ko, napakahirap lumaboy ng kulang sa tulog. Nde kasi ako makatulog sa eroplano kasi takot ako eh, baka paggising ko eh si san pedro na nasa harap ko, toinks!

      6.b Wag magpapagod. Alam kong busy kayo sa mga trabaho nyo pero wag nyong abusuhin ang katawan nyo kapag malapit na ang laboy nyo. Take time to relax sa office, drink lots of water, eat right and have enough sleep (kakasabi ko lang na wag magpupuyat)

     6.c Ihanda ang mga dapat dadalhin. Depende sa pupuntahan nyo ang dapat nyong dalhin. Baka naman magdala kayo ng super thick jacket sa beach, naman! Kailangan pa bang imemorize yan? Kapag nagdala kayo ng sapatos na may takong sa Phuket eh ako ang unang pupukpok sa inyo. 

            Kung halimbawa, mountain hiking/ climbing ang trip nyo, wag kakalimutang magdala o magsuot ng lumang rubber shoes, extra shirt, tubig, flash light at back pack na pwede nyong ilagay ang mga ito. Kung beach naman, ciempre nde mawawala sa check list ang trunks/ swim suits (3 piece daw, toinks!), sun tan lotion, camera (pang picture sa mga magagandang bebot tanawin) at shades. Basta, matanda na kayo, alam nyo na dapat ang kailangang dalhin.

      6.d Magdala din ng gamot. Nde maiiwasang magkasakit kapag lumalaboy lalo na kung nde kabisado ng bituka nyo ang pagkain ng ibang lugar. Kung katulad nyo akong matibay ang sikmura, swerte nyo dahil kaya kong kainin lahat, pero kung maselan ang sikmura nyo, dapat mag ingat, magdala lagi ng gamot kahit sa bulsa lang o pitaka pwede namang isingit ang diatabs o kremil-s. 

        *Paalala lang, bawal ang liquids sa airport. Kaya kung ano man ang dadalhin nyong liquid, ay ilagay nyo nalang sa bagahe nyo, make sure na nde ito tatapon by putting tape sa bibig ng bote o ilagay sa bulsa ng luggage.*

7. Do some research. Kung mag ooverseas laboy kayo, magresearch kayo tungkol sa bansang iyon. Kung saan saan magandang pumunta, ano ang famous food, anong language (marunong ba silang mag english o ilokano), ano ang culture (baka kasi maraming bawal, ciempre dapat sumunod ka sa kultura nila, wag kang maging pasaway!) at alamin mo din kung san matatagpuan ang Philippine Embassy sa bansang iyon (kunin mo din pati telephone number) mabuti na ang may alam.

8. Get the best currency rate. Mag ikot ikot sa mga malls para makahanap ng magandang exchange rate. Importante ang makakuha ng magandang rate kung magpapapalit ka ng limpak limpak na salapi, malaki ang matitipid mo. Dapat din, direct exchange ang gawin mo para nde ka talo. Nde ako makapaniwala na may mga taong nagpapapalit pa ng Peso to USD tas ipapalit ng local currency ng bansang pupuntahan nila, naku, sobrang talo kayo dun! 

9. Magtanong. Paglapag ng eroplano, wag mahiyang pumunta sa tourist information center at magtanong. Lahat ng airport ay may information center and mostly they can speak english fluently. Hingi din ng iba’t ibang klaseng mapa dahil may mga lugar na nde mo makikita sa ibang mapa. Kung package deal naman ang laboy nyo at may susundo sa inyo, icheck nyo muna ung ID nya at ung company, baka kung sino lang ang susundo sa inyo at kung saan kayo dalhin, mahirap na.

10. Mag-ingat! Nde lahat ng laboy ay masaya. Nde na uso ang tatanga tanga ngaun. Kailangang may self confidence ka na laging dala dahil naaamoy ng mga manggagantso ang mga engot. Maging mapagmatyag. Kung may nararamdaman kang kakaiba, aba magreact ka! Kung may napapansin kang kakaiba tulad halimbawa sa taxi, kung ang address mo ay sa city at napapansin mong sa liblib na ang destinasyon nyo, aba magreact ka na! Wag basta basta makikipag usap sa strangers. May mga taong lalapit at lalapit sa inyo at mag ooffer ng katawan kung ano ano, mas mabuting wag nyo nalang pansinin baka kung ano ang dala ng mga yan at baka maibigay nyo ang katawan nyo ng di oras. May mga sindikato din kahit sa mayayamang bansa, basta wag kaagad agad magtitiwala.

Eto ang maibibigay kong tips bago lumaboy. Sa susunod na entry ko ang mga tips habang lumalaboy.

At aba, nakapagpost ako ng walang picture! May magbasa kaya? Toinks!

Sana nakatulong ako sa mga nagbabalak lumaboy lalo na ngaung summer. Enjoy your holiday and enjoy your life! Ingat palagi and don’t forget to pray. Godbless!

Advertisements

Comments»

1. Heleyna - March 23, 2009

Naks! Parang Travel Guru lang…hehe..mukhang importante sa kin ang number 3 at number 10 wahaha. Bukod sa anak pawis ako eh tatanga tanga ko. Eto at ika-copy paste sakaling kaawaan ako ng Diyos pagdating ng araw at magamit ko mga tips na to.

Salamat kapatid. Ingat palage.

Jorge - March 25, 2009

Hahaha, feeling lang, sabi ko nga nde ko alam kung may karapatan na akong magsulat ng ganito pero try parin, hihihi..

Yucktually, importante lahat, pero ciempre dapat talgang magipon para maenjoy ang laboy kasi kung wala kang pera wala kang mabibili, wawa naman.. toinks!

2. joycee - March 23, 2009

Uy wala ngang pics hanu?? Kagaleng eh pero napabasa pa din ako =)

balak ko talagang maglaboy nang maglaboy this summer eh kaso naman magugulo kausap yung mga kasama ko, what’s your take sa paglalaboy nang mag-isa?? Okay ba yun? Kaya lang pag ganun walang magfefechur saken hihi..

Thanks sa mga tips, sana makakakita ako ng kompanyang convertible ang leave hihi.

Jorge - March 25, 2009

Masama ang loob ko kasi wala akong picture na naipost, toinks!!

Kung magugulo ang mga kasama mo why not try to travel alone? Pwede din nmn un, dun ka nalang magmeet ng mga new friends mo pero kung sa palagay mo nde mo kakayanin ang mag isa, then kabugin mo nalang mga friends mo para tumino, hihihi..

Kung picturan lang ang problem mo, magdala ka ng tripod, hihihi

3. p0kw4ng - March 23, 2009

binasa ko…nagtaka nga ako sa sarili ko kung bakit natapos ko eh,hihihi siguro dahil tungkol sa paglalayas ito!

okay po tekser..sosonden pu namen ang lahat ng nitoro nyu!!! salamat pu!

Jorge - March 25, 2009

Hahaha, salamat sa pagbasa, nek time sisingitan ko talga ng pictures yan parang stainedglass ni brother utoy, hihihi..

4. fr. felmar fiel, svd - March 24, 2009

yah, true. lalaboy din ako…punta ako ng phuket last week ng april…then pupunta pa ako ng cebu, ormoc, kalinga province, vigan…

Jorge - March 25, 2009

Wow! Sama po ako!! Gusto kong bumalik sa Phuket! hehehe…

Tsaka sa cebu, ormoc, kalinga, vigan… sama po ako, please?! hehehe

5. yhen - March 24, 2009

wow napaka precise… astig.. mgnda tong mga tips na to kuya lalo na sa mga katulad kong liwaliw… hahhaa…

Jorge - March 25, 2009

Para sa mga katulad natin yan, hihihi.. Sana nakatulong.

6. mangbadoy - March 24, 2009

sa baba ng condo ko ang matta fair sa PWTC at matao twing matta fair sa KTM… sa april 4 na lang tayo eye ball nila flamindevil. pwede ka ba?

message moko sa ym ko or contact me sa number ko..

flamindevil - March 24, 2009

april 4 mo mukha mo.drawing ka.

eto frame,ilalagay na namin ang drawing mo para ma preserve.di ba pareng jorge?hehehe

Jorge - March 25, 2009

Hahaha, gandahan mo frame baka nde mailagay sa dingding yan, toinks!

Jorge - March 25, 2009

Naku, nde daw pwede si rye sa april 4… hmmm

Kakatapos lang ng Matta Fair few weeks ago ah, nakapunta ka ba?

7. fr. felmar fiel, svd - March 24, 2009

sa May 20 siguro mas malapit na tayo. sa malaysia ka, sa ulotangga island naman ako, dulo ng zamboanga iyan. mission area ko yan. tawag siyang ulotangga island dahil pag pupunta ka doon, pagbalik mo ulo-tanggal na! hehe. LOL.

Jorge - March 25, 2009

Wahahaah, katakot naman sa lugar na un.. yoko ng sumama pala, hihihi..

Eh sa mainland nmn po ako, nde nmn po sa saba o sarawak.

8. TeenToinks - March 24, 2009

Hang on… Hang on! Wahh.. Lubog na q s utang na comment sayo! Naku poo.. Naiipon na nman kalokohan ko. Haha! Tsk tsk!

Jorge - March 25, 2009

Hang on hang on ka dyan! Hmpf!

TeenToinks - March 27, 2009

Uy.. Hang on lang! Babalik dn ang comment na mahaba. Busy busyhan pa eh, ung blog q nga nilalangaw na! Hays.. Bsta magbabalik ang pangungulit!

Uy.. Walang pix? Tsk sayang naman… Sana nxt time uli! Bwahaha… Muak*

9. bluepanjeet - March 24, 2009

uy salamat sa mention at sa patalastas haha. nagulat ako may altar pala dito. syempre naman kayo una nasa isip ko nung niredesign ko yung dot com kasi nga matagal daw magload. ayan siguro naman hindi na ako magpapahirap sa inyo haha.

yung OTWOMD naman ang susunod. Mabilis din sya. chineck ko haha maninibago kayo sa bilis ng loading hehe. wala na margrereklamo.

nagpunta ako dun kay felmar na blog kinilabutan ako. kaya lang maliit yung pic.

grabe ha, 3 weeks lang ako nagpahinga travel guru ka na haha. Gogogo!

anyway may surprise ako seyo sa otwomd pag bukas na. ikaw nasa isip ko nung ginawa ko yung “specific” section na yun sa otwomd hehe. actually dalawa pala kayo ni fr. martin.

sige dumaan lang. back to hiatus mode at nasa 40% pa lang ako ng aking dot net renovation.

Pax et bonum and regards to the rest

Jorge - March 25, 2009

Wow!! Dinalaw ako ni idol!!

Nagulat nga ako sa bilis ng pagload at ang design, assstig!!! Daig pa ang american idol website! naks!!

Travel guru? Ngek! Kunwari lang un, nde ko nga alam kung may karapatan ba akong magsulat ng ganun, pero at least nagtry hehhe

Uy, ano kaya ung surprise na un? Kakaexcite naman!! Iintayin ko yan!! yahoo!! Thank u ng marami, thanks in advance!

Godbless!

10. coolwaterworks - March 24, 2009

Kapatid… I have seen the pic sa site ni Fr. Felmar… With all due respect kay Fr. Felmar, parang nabuo siya dahil sa position ng mga dahon at sanga… If the pic was in high resolution, I could have examined closer… Naging skeptic ako sa mga ganitong phenomenon in pics kasi nasa digital age na tayo, at kahit na film pwedeng gawin ang ghost effect – double exposure lang yan sa slr cam…

Naunahan mo pala akong magpost ng travel tips… 🙂

At nakita ko na rin video mo sa launching ng blog ni rev… 🙂 At nalaman ko na you pronounce your name in the american way (George) instead of the spanish way (hor-he)… Kasi may kaklase ako dati na kapangalan mo – pinagalitan ng prof namin sa English kasi hindi raw siya marunong magpronounce ng sariling pangalan… Hor-he daw dapat, hor-he… Haha! Different strokes for different folks… 🙂

Jorge - March 25, 2009

Kapatid, tiningnan ko ulet ung pics, nde ko makita ung sinasabi mong position ng dahon at sanga, kasi nga ang liit, sana mazoom natin para maexamine. Pero siguro wala namang enough knowledge si padre sa mga kung ano anong effects na pwedeng gawin sa camera, siguro kung nde totoo un, aksidente lang siguro ang pagkakakuha.

Aba, kung may travel tips ka din, ipost mo na, baka may nakalimutan ako at baka may matutunan ako sa mga tips mo, hihihi.. Ikaw kasi puro photography, ako nmn purong laboy lang! toinks!

Bwahaha, at last nakita mo din ung video ko kay rev, at teka may explanation ako sa pronunciation ng name ko… Kasi JR ako meaning magkaparehas kami ng tatay ko ng name, sya talaga ang original Horhe, kung parehas kaming horhe at may tumawag sa amin, dalawa kaming lilingon, kaya para maiba, ginawang George ang pronunciation ng name ko, hehehe..

11. enjoy - March 24, 2009

informative ha… sana noon mo pa naisipan gawin tong entry mo para naman naipabasa ko sa mga fwends kong nagbook ng trip namin sa malaysia [hahaha! di pa rin ako maka-get over dun ha]…. di yata kasi ako credible na event organizer kaya di ako pinakinggan ng mga damontres na yun…

uy, wala ngang picture? himala… 😀

Jorge - March 25, 2009

Oo nga, pero kasi testing ko lang to kung ok sa masa (toinks!)

Teka, ung isang blogger friend natin galing dito sa Malaysia, nag enjoy naman sila ng bonggang bongga, hmm.. siguro nataon lang na minalas kayo, hehehe..

Sumakit ulo ko sa post na to kasi walang picture, hmpf!

toinks!

enjoy - March 25, 2009

oo nga… nabasa ko nga yung entry nia. natiempuhan nga lang yata kami. siguro bukod sa balat eh may mga baon ding poop ang mga yun kya ganun inabot namin. aheks! i-exclude ba ang sarili… ahihi!

ibalik mo ulit mga pics. baka mamiss namin ng sobra mukha mo. hahaha!

12. gudang - March 24, 2009

ang cool naman. naaamoy ko na talaga ang summer. at may guide pa talaga.. haaaayyy!

Jorge - March 25, 2009

Uy gudang, salamat ulet sa pagdalaw, pahingi nmn ng link mo para madalaw ko ang bahay mo..

13. flamindevil - March 24, 2009

ayus ang mga tips..palaboy na palaboy ang dating.hahaha

antayin ko nga yang Matta Fair na yan.hmmm

at yung gimik natin sa sat ha..gusto kong malasing!!!wahhhhhhhh

Jorge - March 25, 2009

Hahaha, based on my experience lang yan, wala akong ibang pinagkopyahan, hehehe..

Matta Fair? Kakatapos lang pare few weeks ago, sayang, nainform sana kita..

Wag kang maingay, nde ako marunong uminom.. toinks!

14. blurosebluguy - March 24, 2009

hmmmm ayus ang mga tips…..kuya jorge…pahingi ng pamasahe…para`makabook ng maaga hehehehe

Jorge - March 25, 2009

Hahaha, ubos na pera ko kakalaboy, sa pinas pa nmn ako next month, bwahahaha!

15. emilayskie - March 24, 2009

Di ako maka-relate. Pang around the world kasi to. Di pa ako sa ganung level. LOL. ^_^

Pero yung number 7 nag-aapply kahit local travel.

Jorge - March 25, 2009

Hello miley! Pang around the world ba eh asia pa nga lang ang napupuntahan ko, hihihi…

Take note mo nlang para just in case makalaboy ka overseas, may alam ka ng tips..

16. bonistation - March 25, 2009

huli na ng basa ko to! patapos na ang aking paglaboy haha di bale! magagamit ko yan sa october heheh I AM THE NEW LABOY KING by that time nyahaha.

GBU parekoi!

17. livingstain - March 25, 2009

huwoooo… nagawa ko na ung no 1. heksayted na nga ako e.

ung no 2, sobra, biglang nag error, natakot tuloy akong ulitin ang pagbobook kasi baka madoble ang bawas sa credit card ko… hai

well sa pangatlo at sa mga kasunod na lang ang dapat kong pag isipan…

salamat malaking tulong ito…

18. Winkie - March 25, 2009

ang husay ng tips! 10 out of 10 ako, yipee!!!

pareho tayo ang ginagawa except for the accommodation portion. i have a travel agent friend at nabibigyan nya ako ang ever murang accom.

OC ako when it comes to travel. i do lots and lots of research at may print-outs pa ako. bitbit ko din yun pag actual travel na. they really helped my big time. i can explore the place with so much ease and confidence.

thanks for the tips.. hintayin ko ung part 2 🙂

19. Geisha - March 25, 2009

yes! may magagamit na rin akong tips for my future travels! next years pa cgro yun! wala pang petsa! hehehhe

kaya lang hanggang domestic lang muna ako ngayon wala pang budget! if not for a friend working in cebupac hindi rin ako makaka travel. hehehehhe nabubuhay lang kasi ako sa mga free tickets back and forth! heheheh 😀

20. azul - March 27, 2009

nakakapagtaka ang alam ko may comment ako dito dati pa pero di ko cia makita neon ng balikan ko..hmmmm….

21. flamindevil - March 28, 2009

napost ko na pics natin..surprise..hehe

22. payatot - March 28, 2009

wala yata ako masabi kundi salamat po sa paalala at susundin po namin yan lahat na yan..

23. charlie - March 28, 2009

uy, nagbibigya ka na ng tips ha?? in fairness…. haha!

24. charlie - March 28, 2009

brad!! ginisang charlie a?? loko to a… hahahaha!!! peace!!

25. TeenToinks - April 1, 2009

WOW! May TIPS (naks… parang ngayon lang ako nagpunta dito eh may bakas na pala ako ahihihi…) Cge patulan ko ang tips mo, check ko kung nasunod ko yan nung mga panahon na naglamyerda ako!

1. Book Early: Hmm.. yup nag book kami nang maaga kasi pag gabi na ehhhh… baka tulog na ako. Ahihihi At OO maaga talaga kami nag book nun, kaya nga nangutang pa ko nun eh, kaso ayaw mo magpautang… kaya ngayon… may utang ka sakin ha!

2. Be patient sa pagbook: Ahhh… OO naman super pasensya ang ginawa ko, kasi hindi ako ang nagbook ahihihi.. at salamat kay Super Eric kasi sya ang nagbook samin ni Bon at shempre pati credit card nya pinagsamantalahan namin… kaya super pagpapasensya talaga ang ginawa ko! Haysss..

Speaking of internet connection… hmmm ung pag accept nga lang ng gift sa FB eh nawawala pa at pati pag sagot sa mga Quiz naglalaho… oh.. imagine pa kung magbook ako. Haysss… DSLow!

6. Ihanda ang sarili: Ay.. teka… wala pa akong…. Ahhh ehhh..
6.c. Wow.. ihanda ang dadalhin: cge pag nag beach tayo dadala ako two piece – dalawang mejas.. nyahahaa
6.d. Magdala ng gamot: hmm… si aling cora na bahala jan!

10. Mag-ingat: ahaha… ingat? OO ingat ako.. ako nga ung tatanga-tanga! Hay apooo…

At abah…. Walang picture! Oo nga noh! At isa pang abah.. Dapat may picture ka rin, like dun sa Book Early… dapat may picture kang bagong gising, oh kaya naman dun sa Be patient… sana may picture ka sa hospital… abah uli, lumalaos ka na ikaw naman na ang mag-isip sa iba!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: