jump to navigation

And the Result is.. April 27, 2009

Posted by Jorge in Leisure, Random Thoughts.
trackback

I’m back!! Sobrang bitin ang aking bakasyon, kokonting panahon lang ang naigugol ko sa paglaboy. Magpopost ako ng laboy trips ko sa pinas sa next entry ko.

Gusto kong magpasalamat ng taos puso sa mga nagparticipate sa ‘pakulo’ ko na ito. Kung alam nyo lang kung gaano ako kasaya ng malaman kong nasa 56 ang comments ko at ito ang nagpaakyat ng stats ko. Sobrang tuwa ko din na talagang may effort sa pagsagot, may mga sumunod sa tips ko na magbackread at magcheck ng pictures ko sa friendster. Natouched talga ako, ganun pala ako kaimportante, well I guess I should say, ganun pala kaimportante ang premyong nakalaan kong ipamigay, toinks!!

Osya, ang good news ay may tatlong nakaperfect ng score sa exam na ito. Mamaya na natin irereveal kung sino-sino. Eto muna ang mga kasagutan:

1. B – Ito ay ang KL Twin Petronas, obvious naman na makikita ito sa header ko. Kasama ko si tina at bon sa picture na yan kaya alam na alam nila kung san talaga yan. Sisiw di ba?

2. A – Ito ay sa Eye of Malaysia. Ciempre wala nmn akong sinulat tungkol sa Eye of Thailand o Singapore di ba?

3. A – Phuket, Thailand. Kung nagtyaga kayong magtingin ng pictures ko sa friendster, malalaman nyo ang sagot dito. Kasama ko ang parents ko sa paglaboy nun sa Phuket. 

4. C – Ito ay sa Pulau Ketam. Madali lang magbackread dito dahil fresh na fresh pa ang kwento ko tungkol dito.

5. A – Penang, Malaysia. Nasa friendster ko din ang picture na ito.

6. C – Disneyland, HK. Fresh na fresh pa ang kwento ko dito kaya alam kong natatandaan nyo pa ang damit ko dyan.

7. B – Krabi, Thailand. Alam nmn ng sansinukob na miyembro ako ng huboderos kaya nde na lingid sa kaalaman nyo na mahilig akong magtrunks kapag nasa beach, magsuka man kayo o nde. Madali lang sagutin ang picture na ito dahil may picture akong katulad ng nasa header ko.

8. B – Ito ay sa Bangkok, Thailand. Fresh na fresh din ang kwento na ito dahil kakalaboy ko palang sa Bangkok last March. Tsaka sulat na parang bulate ang mga nakaukit sa bakod kaya obvious naman na sa Thailand, di ba?

9. A – Ito ay sa Singapore. Ang Clark Quay ay isa sa mga tourist spot sa Singapore, para dun sa mga nakarating na sa Singapore, paniguradong nakadaan kayo sa Clark Quay. At ciempre, napansin nyo ba ung suot kong pink shirt? Suot ko sya sa isang picture sa header ko.

10. C – Ito ay sa Christ Church, Melaka. Obvious naman na nakasulat sa mismong simbahan ung name nya.

11. B – a1 Grand Prix ito na ginanap dito sa Malaysia. Medyo confusing ang picture na ito dahil walang clue sa background. Parehong nagsponsor ang Malaysia sa a1 at F1, un nga lang, sa a1 kami nakapanood dahil dun lang kami nakanenok ng free ticket, hehehe.

12. B – Batu Caves, KL. Tingin lang sa isang picture ko sa header.

13. B – Ito ay sa Macau. May iba pa ba kayong choice? Alangan namang pumunta ako sa Uzbekistan, ano ako, sira?

14. A – Sa Putrajaya, KL ito. Ang tulay na ito ay isa sa mga landmark ng Putrajaya na nilalabuyan ng maraming turista. Maganda nga naman ang lugar na ito. Nasa friendster ko ang iba sa mga pictures na yan.

15. A – Ito ay sa Hongkong. Give away question na nga ito kung tutuusin dahil tatlo nalang ang pagpipilian nyo, tanggalin nyo na ang Iran dahil juicemio, kahit ibitin nyo akong patiwarik, nde ako pupunta dun!

16. C – Pangkor Island, Malaysia ito. Nde pa uso ang blogging nung araw kaya nde ko pa ito naisulat. Nde ko din sure kung nailagay ko ito sa friendster ko. Dito gagana ang hula factor nyo.

17. C – Obvious naman na sa Genting Highlands ito, bulag nalang kayo kung mali pa ang sagot nyo ito. Extra na naman sila Tina at Bon, toinks!

18. D – Ito ay sa Terengganu, Malaysia. Nde pa ako certified hubodero this time kaya may damit ako dyan. Nasa header ko din ang isa sa mga pictures nyan.

 

Ayan ang mga sagot, may kasama pang konting explanations. As I’ve said before, may consolation prizes ako para sa mga nagparticipate ngunit natalo. Pakiemail nalang ang complete details nyo: Complete Name, Address at Contact number na din.

At ciempre, para sa tatlong participants na nakaperfect sa exam..

CONGRATULATIONS!! 

Ito ay sina:

1. Ang Cute na Cute na si Joycee

2. Ang mahirap labhan na si LivingStain

3. Ang pinsan ni Alexander na si Glesy d’ Great

Bukod sa details na nabanggit sa itaas, I also need your body size. Alam nyo na kung ano ang premyo nyo.

CONGRATS ulet!!

At para naman sa mga nagparticipate, maraming salamat talaga:

1. Mang Badoy

2. Yhen

3. Flamindevil

4. Coeline

5. Winkie

6. Azul

7. Blurosebluguy

8. Simplefula09

9. Boni

10. Chicksykat

Sobrang natutuwa ako sa pakulo na ito, maraming maraming salamat muli sa mga nagspend ng oras para sa exam na ito. Sana maulet ito ha!

Godbless!

Advertisements

Comments»

1. glesy the great - April 27, 2009

uy… tama ba ako? ako ang unang una dito? ahehe… uy okay lang ba kung malalate ang pagclaim ko? wala pa akong cellphone ngayon, nadale ng magnanakaw!!! ahehe….

pramis ikaw unang makakaalam ng bago kong number… haha….

na-excite ako bigla…. at para sa mga sumali, better luck next time.. joke.. nyahahaha.. cheers;p-glesy the great

2. joycee - April 27, 2009

Sows kaya naman pala nagtataka ako ano yung comment mo na congrashuleyshuns, ang slow ko naman at hinde ko na-gets agad nyahahaha.

At talagang cute na cute ako hihi.

O sya email ko nalang sayu Kuya ha.. Congrats saken, kay Alvin at kay Glesy! Wuuu!

At pers przys pala ko yey!

Salamat pow!

*mwahugggs*

3. coolwaterworks - April 27, 2009

Welcome back kapatid… Nagparticipate din ako kaya lang sinikreto ko na ang sagot… Give others the chance… Naks! Medyo galing pa ako sa luksa nun eh…

Anyways, congrats sa winners and again, welcome back… 🙂

4. flamindevil - April 27, 2009

daya.hindi ako nanalo.waaahhhh

sabi ko iedit mo yung sagot ko eh.haha

gin na naging bato pa. nyahaha

congrats sa mga nanalo.

aba joycee kumikitang kabuhayan ka sa mga pacontest ha….ikaw na naman!!waaaahhh

joycee - April 27, 2009

Tsamna lang yan bro, sali ka din sa contest ko, o kung gusto mo magsponsor okay din hehe.. 🙂

5. joycee - April 27, 2009

Oops may body size pa pala, nakalimutan ko i-email. Syempre small nyahahaha. Joke lang medium kuya kase mataba ako ngayon. 🙂

Thank you ulet!

Kaw naman sumali sa contest ko ha?! Kung gusto mo magsponsor okay lang din hehe.. 🙂

6. potsquared - April 28, 2009

uyy congrats sa winners!!! sayang di ako nakasali.. siguradong di ko din masasagot.. hehehehehe pa burger naman kayo!

7. livingstain - April 28, 2009

NABASA KO UNG PANGALAN KO DUN AH, talagang sa lahat ng hirap may kapalit na sarap… aaawwww..

YM na lang kita… TY… saya saya naman…

8. azul - April 28, 2009

ee san ko makikita email mo?hehe churi aman mukhang tao lang..

sayang di ko naperpek

welcum bak

9. yhen - April 28, 2009

wow yun pala yun… congrats sa mga nanalo.. hehehe…

10. TeenToinks - April 28, 2009

Bakettt… mali ba ko?? San ako nagkamali??? Saaaaaannnn??

Hehehe Parekoi andaya naman kasi eh, hindi naman kasi nag load yung mga kapicturan mo…. Amp! Sumbong kita kay KARATE KID… yahhhhhhh!

Neweis… congrats po sa lahat ng nanalo!

Uy, di mo naman ako matitiis diba? diba? diba? Alam mo naman yung details ko like address and istaf layk dat… hmmm… dya need may acct. #? nyahahaha

11. topexpress - April 28, 2009

ay sayang nahuli ako sa pacontest! ahahaha wala na ba susunod?aheheheh nice to see your pics nainggit ako. hmmmmm mahanap nga din mga pics ko when i travel. aheheheeh!!!

(ingeterro ako pasensya ka bhwahahahahahahahaaahaha)

salamat sa pagdaaan sa aking expressway ser jorge.
‘gang sa muli!

12. bonistation - April 28, 2009

yihaaa extra na kami sa nagparticipate!! yesss! WOY NEED MO DIN BA BODY SIZE NAMEN.? hahaha

Just incase SMALL only.^^ hikhik!

Winkie - May 5, 2009

whehehe… kelangan nga din ba ang body size namin? small din ako… ladies size ah! tsaka fave colors ko yellow and green… as boni said, just in case lang. hehehe!

13. simplefula09 - April 29, 2009

paburger na yung mga nanalo ..jeje

yey..lcumbak po 😛

14. chicksykat - April 29, 2009

kainggit nman si joycee sya na nman dapat pala nangopya na lang ako sa kanya eh…nyahahah

yung sampung nabanggit yan ba ang mabibigyan ng consolation prize?

*sana nman kase nahabol pa ko sa pangsampu..nyehehehe*

ingatz kuya and god bless^^

15. diaryofmiel - April 30, 2009

weeeee bat di aq bumalik para sumagot kahit lahat mali wehehehehe… musta bakaxon?

16. blurosebluguy - April 30, 2009

salamat di at hindi ako nanalo hehehehehe….welkam bak jorge!

17. anakngpating - May 2, 2009

welcome back kuya jorge..
woot congrats naman sa mga nanalo hehe..
may kutob na ko na mananalo si at joycee eh hehe..
wow mukang tee ung prizes mo kuya ah kasi may sizes na kaylangan hehe..:)

18. Winkie - May 3, 2009

yey, may consolation prize ako!!! katuwa naman ito!!! sige jorgie, i-YM ko syo ang contact details ko.

and to the winners, CONGRATS! (oist joycee, parang lagi kang nanalo sa mga pacontest ah!)

joycee - May 5, 2009

hihi tsamba lang po!

19. simplefula09 - May 6, 2009

padaan ulit dito 😛

mukang bc bchan ka po kuya jorge.. 😛

tc palagi 😛

20. jun - May 7, 2009

Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..

^ ^

Jorge - May 7, 2009

Hi Jun! Thanks for dropping by. Dalaw ka ulet ha. I will visit your blog later. Toxic pa sa work eh, hehehe.. Godbless!

21. ej miranda - May 11, 2009

sayang.. d ako nakasali…haha..:)

22. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - June 23, 2009

disneyland hongkong — the best ride ang Space Mountain!!! Grabe!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: