jump to navigation

Love Story in Tioman Island.. May 12, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
Tags: , , , ,
trackback

 

Tioman Island

Tioman Island

Ito ang Tioman Island. Samahan nyo akong muli sa isa na namang adventure ng inyong certified palaboy!

Bago ang lahat, batiin ko muna ng Happy Mother’s Day ang aking pinakamamahal na mommy, ang pinaka the best super over to the maximum level sa kabaitan. Wala ng hihigit pa sa Mom ko. Walang kokontra, manahimik nalang kayo at magbasa. Toinks! Love you po!

May 1, 4 days pagbalik ko ng Malaysia at Labor Day sa buong mundo at sa kauna unahang pagkakataon wala kaming pasok ng holiday na natapat sa month end! Ano kaya nakain ng boss ko at pinayagan kaming magholiday lalo na ako, hihihi.. Anyway, biglaan itong laboy namin, walang flight at hotel bookings, larga lang, bahala na. Ganyan kami kung lumaboy, laboy to the last minute, hehehe (pero wag nyo kaming gagayahin ha)

 

trademark papogi style

trademark papogi style

Kung nabasa nyo na ang ‘Love Story‘ section ko, familiar na sa inyo ang lugar na ‘Tioman Island’. Para sa mga nde pa nakakabasa, dun huling nagdate sila Jorge at Annie at duon dumugo ang ilong ni Annie at nde na nadugtungan ang kwento (naging busy na kasi, cencia nmn)..

 

Ferry

Ferry

Malayo ang byahe kaya 3am palang ng friday ay lumarga na kami. Ito ang unang pagkakataon kong makapunta sa Tioman Island at malalaman ko kung san ko pinunta sina Annie at Jorge, hihihi.. 

 

Ferry 2

Ferry 2

Para sa kaalaman ng lahat, ang Tioman Island ay matatagpuan sa Southeast part ng Malaysia so we have to travel from KL to Johor tas travel parin papuntang eastern part ng state from then we have to ride a ferry. Mura lang kasi RM35 per pax lang ang bayad for 3hours travel, yep, you read it right, 3 hours sa ferry!

 

Change custome

Change costume

So, total hours of traveling is 6 hours for one way, 3 hours from KL to Mersing, Johor and another 3 hours from Mersing port to Tioman Island, not to mention ang pag iintay namin para sa ferry at mga kung ano ano pang hassles. Actually, muntik na kaming nde matuloy dahil ung unang port na pinuntahan namin ay fully booked na ang susunod na ticket ay 2pm na. Aba eh ilang oras din kaming mag iintay dahil 7am palang nandun na kami.

 

Ferry 3

Ferry 3

Alam ng kaibigan ko ung isa pang port sa gawing north ng Mersing, we checked our luck at ayun, may ferry nga na nag iiintay sa amin. Swerte talga!

 

Ferry 4

Ferry 4

 

 

3 hours ang byahe from Mersing port to Tioman Island. Pagdating namin sa mismong isla, nasira ang Ferry, kaya binaba na kami sa pangatlong daungan, supposedly sa pang apat kami. Anyway, dun nalang kami nglunch at nag intay ng panibagong ferry para sumakay at lumipat sa pang apat na port.

 

Picture agad pagkatapos lumapag

Picture agad pagkatapos lumapag

 

View from our room

View from our room

Sa Bamboo Hill kami nagstay ng isang gabi. Ito ay matatagpuan sa taas na bahagi ng island. Ung picture sa itaas ang view from our room. Ang room namin ay may terrace kaya superb ang view lalo na kapag high tide.

 

Tioman Jump!

Tioman Jump!

Ung nasa gitna ang unit na pinagstayan namin. Ang kagandahan sa Tioman ay nde pa ito masyadong commercialized. Nde pa pwedeng pumasok ang mga sasakyan sa mga daan nila, obligadong maglakad ka from the port papunta sa mga chalets. Swerte kami talga ng mga araw na iyon dahil fully booked dapat ang Bamboo Hill pero ang mga nagbooked ay nastranded sa Mersing dahil nde nila alam ung pangalawang port na pinanggalingan namin. 

 

Ligo time!

Ligo time!

Natulog muna kami ng isang oras bago bumaba. Puyat kasi kami dahil maaga kaming umalis ng KL. Medyo nakatulog nmn ako ng sa sasakyan at konti sa ferry. Pagkagising, suot na agad ng trunks at larga na sa baba para maligo. Oh yeah! para akong kiti kiting gubat na sabik na sabik sa tubig pero kung tutuusin kakaligo ko palang sa Poracay nung nsa pinas pa ako. Para sa akin kasi, iba parin ang beach kesa sa swimming pool. 

 

Sunset

Sunset

Ito ang sunset sa Tioman, sa western part kasi kami nagstay. I can say, the view is awesome! Ang ganda ng sunset at sobrang tahimik ng lugar. Walang motor na nagdadaan sa kalsada at kokonti lang ang mga tao. Agos lang ng dagat ang maririnig at konting tugtugin sa maliit na ‘bar’ sa gilid ng dagat.

 

sunset with me

sunset with me

Ciempre kapag may magandang tanawin, dapat nandun din ako, hehehe.. Maganda na sana ang sunset kaso naging panira ako, toinks! Ang bilis kong maging nognog, ilang oras lang akong nagbabad sa tubig, nangitim na agad ako, waahh!

 

Happy Hour

Happy Hour

Tulad ng ibang mga isla, may mga happy hours din sila, nagstart ito ng 5pm-7pm, sobrang aga nga lang pero mdami din ang mga puting umiinom sa maliit na bar. Gano kaliit ang bar? Ganito:

 

tagpi tagping bar

tagpi tagping bar

Ang liit lang, may mga upuan sa labas na nakaharap sa dagat. Sobran simple lang ng mga bars dito, konting radio lang ang tumutugtog at iisa lang ang bartender. RM10 for 3 beers lang kaya order kami agad. Alam nating lahat na nde umiinom ang mga kaibigan kong intsik kaya ako ang umubos ng tatlong can ng beer na inorder namin, hayz! Nde pa kami nagddinner kaya medyo tinamaan nmn ako, konti lang, as in gapatak lang.. wag kayong magulo. toinks!

 

simot sarap

simot sarap

Pagkatpos naming uminom (ako lang pala), naglakad lakad kami at naghanap ng restaurants. Nakita namin itong native resto na nag iihaw ng kung ano ano, merong tuna, sugpo, pusit, iba’t ibang klaseng isda at meron din silang western food. Nakalimutan ko ng picturan ang mga pagkain kaya eto nalang ang natira.

 

duyan

duyan

Pagkatapos naming magpakabusog, naglakad lakad kami para bumaba ang kinain. Nakita namin itong mga duyan na to at ciempre nde namin pinalagpas, picturan at nagpahinga. Maganda ang view dahil nasa ilalim ito ng puno at kita ang maaliwalas na langit. Ang ganda talga, sobrang simple, sobrang tahimik, nakakarelax.

 

City

City

Kinabukasan, plano naming sundan ang trek patungo sa kabilang isla (eastern part), naglakad kami from Bamboo Hill patungo sa kanilang ‘City’ mga 2.5km ang nilakad namin at pagdating namin sa starting point ng trek, aabutin daw ito ng 3 hours walk! Eh goodluck nalang kung makayanan namin un, eh un ngang 2.5km na nilakad namin eh inabot na kami ng isang oras at sobrang nakakapagod, dadagdagan pa ng 3 hours?! Walk out nalang kami, naglakad lakad nalang kami at nagpunta sa Duty Free!!

 

Highway

Highway

Eto ang pinaka ‘highway’ ng ‘City’ nila. Pwede kang magpapicture anytime sa gitna ng daan dahil walang masyadong nagdadaang sasakyan. Nagpunta kami sa Duty Free at bumili ng… hulaan nyo kung ano? Ciempre ALAK! hihihi.. Bumili ako ng dalawang boteng red wine at beer in can, ang mura eh!

 

Kiti kiting gubat

Kiti kiting gubat

Pagbalik namin, kumain muna kami ng lunch at napadaan kami dito sa lugar na to. Malayo palang kitang kita na ang mga ponkan na nakalutang. Paglapit namin mga kiti kiting gubat pala na nagtatampisaw sa tubig! toinks! Marami kasing isda at corals sa parte na ito kaya magandang itry. Nde na namin sinubukan dahil magccheck out na kami that time.

 

kalsada

kalsada

May isang oras pa bago kami magcheck out kaya bumalik na kami sa Bamboo Hill at naligo, sayang ang pagkakataon!

BABALA: Kailangan ang patnubay ng mga nakakatanda.. toinks!

 

hubodero 1

hubodero 1

Ganda talga ng beach nila, pero sa palagay ko mas maganda parin ang mga beaches sa pinas.

 

hubodero 2

hubodero 2

Kapit lang sa mga upuan nyo…

 

hubodero 3

hubodero 3

90% ang mga turista dito ay mga western. Walang pakialaman dito kung ano man ang suot nyo sa pagswim, kaya ok sa alright ang pagsuot ng red trunks. Ciempre pakapalan lang ng mukha yan.. 

 

hubodero 5

hubodero 4

Kapit pa.. 

 

Fink

Fink 1

Kulang isang oras lang kaming nagtampisaw dahil magccheck out na kami at 2pm ang dating ng ferry, kapag namiss namin yon, mag iintay kami hanggang 4pm. Picture picture muna habang nag iintay ng ferry…

 

Fink 2

Fink 2

I suggest, kung pupunta kayo sa Tioman, dapat magstay kayo dun ng mga ilang araw dahil mabibitin kayo. Madaming dapat gawin tulad ng trekking, scuba diving, ciempre swimming, inuman at marami pang iba. Medyo bitin ang laboy namin dito dahil isang araw lang kami pero ayos naman, ok sa alright ang laboy na to!

 

Fink 3

Fink 3

Pang huling tip, magpabook muna bago pumunta sa Tioman dahil naging swerte lang talga kami sa laboy na ito. Kung may mga tanong kayo tungkol sa paglaboy, email lang kayo.

Godbless!

Advertisements

Comments»

1. p0kw4ng - May 12, 2009

sandali saan ba ako kakapit??? don ba sa nakabukol sa harap???

hay ang sarap ng buhay mo jorge…naeenjoy mo talaga! sarap lumayas…keep it up…wala na nyan sa kabilang buhay!

next time paki lakihan ng hubad na petyur ha at ng hindi na ako naghahagilap ng magnifying glass! hmp ka!

Jorge - May 13, 2009

Awww! Kaya labs na labs kita ate powkie eh! hehehe

Nag eenjoy lang hanggang october na lang to, waaahh!!

Naku, nde pwedeng ipalaki ung picture baka makabog ako ng todo todo ng mga kinauukulan, toinks!!

coolwaterworks - May 13, 2009

Eto ang style pag late magcomment, nakikisingit… Hahaha!

Laboy King is back with a vengeance! Gustong makasungkit ng isa pang titulo… King of Exhibitionists ba yun? Hehehe… Joke lang kapatid… 🙂

Unique din yung Tioman Jump mo ah! Nice use of flash dun sa sunset pic na kasama ka… 🙂 And I agree based lang sa mga pics na nakita ko at sa napuntahan ko jan, iba pa rin talaga ang beaches dito sa Pinas…

Jorge - May 15, 2009

Hahaha, thanks for visiting kapatid! Exhibitionist ba? Hmm.. slight lang, hihihi..

Sabi ko nga, tuwing lalaboy ako dapat may jump picture para masaya, toinks!

Uhmm.. tsamba lang ung sunset pic ko, nakanormal setting parin ung camera dun, hehehe..

Yep, I agree, iba parin ang beaches sa pinas, as in!

2. TeenToinks - May 12, 2009

Parekoi… dala mo white flower mo? Naku kahit hindi nag load ang ibang pic napi-feel ko na kailangan mo ang white flower…

Bilis… malamang nirarayuma ka na ngayon!

Nakikita ko pa lang ang Ferry malamang ang ending naka RED trunks ka….
.
.
.
OK di pa rin nag load ang pic pero nabasa ko na naka RED trunks ka nga…. Bat ba kasi na uso ang trunks? On da sekend tot.. BUTI NA LANG naimbento… baka masabunutan pa kita sa…. kilay! hehe

** ano na nga ba nangyari kay Annie at Jorge? Kala ko naman nakunan na! Hay naku! Tagal ha!

Jorge - May 13, 2009

Aba, bilibitornot, pangalawa ka sa nagcomment!! dahil dyan meron kang kiss galing sakin, isang torrid kiss!! SHARKS!!

Oo, nakared trunks ako at may dala akong white flower dahil alam kong sisipunin ako sa paghuhubo ko at alam kong kakabugin mo ko sa pic n yan, buti nlng nde nagload ung mga pics, bwahahaha! BEH!

Si annie at jorge? Eh natuyan na ng dugo si annie kaya nakatulog sila, bwahahaha!

TeenToinks - May 17, 2009

Hayysss.. nyemas parekoi dahan dahan naman sa pag kiss… first ko yun! BWARKS! SHARKS…Nyehehe

Neweis, la ako hws ngayon kaya nag load ang mga pics ha… AWWWW… EEEWWWW.. IIIWWWWW… OOOOWWW…. UUUUWWWW… BWARKS… un lang!

3. junjeesj - May 12, 2009

annie at jorge?!!! hmmm…

creative pare… isa kang genyo sa laboy!
miss ko na tuloy ang malaysia. kelan kaya ako makakabalik dyan?!

thanks for letting your readers travel with you.
keep sharing your adventures.
pero ingat lang lagi.

Jorge - May 13, 2009

Ahehehe, punta na po sa Love Story page at basahin nyo po ung story nila annie at jorge, hahaha…

genyo? yikes!! dinadaan ko na nga lang po sa picture kasi nde ako marunong magsulat, hehehe…

thank u po for visiting, Godbless!

4. junjeesj - May 12, 2009

ps: patay ka kay olin… hahaha…

Jorge - May 13, 2009

Isang malaking TOINKS!!

Manakot ba, waaahhh!!!

5. azul - May 13, 2009

ay anu ba yan bakit may ganyan?hehe etchos..

red kung red huh..at kuya isa lang napansin ko..nope ndi yung red trunks kundi ang dami mo pa lang pera nuh..kakatapos lang ng bonggang laboy m,o sa pinas laboy ka agad jan..

sabi ni daddy share your blessings..ahehe

Jorge - May 13, 2009

Hahaha, may BABALA naman ako ah, toinks!!

Sale lang kasi yang red trunks na yan sa Padini kaya binili ko, hehehe..

Naku, nde nmn ako mayaman, alam lang namin kung saan makakakuha ng murang trips at kung pano makakatipid sa bawat laboy, madiskarte eka nga, hehehe..

6. livingstain - May 13, 2009

whahahaha… mag jorge tama tayo sa sabi ko kung sino unang magcocomment e.
next time try mo ung violet na trunk… lolz

Jorge - May 13, 2009

Hahaha, galing mong manghula ah! toinks!

Woi, violet ka dyan! Ang sagwa kaya nun, toinks!

7. livingstain - May 13, 2009

The place is Palau Tioman right or left?, is it true that Palau means Island? how bout Palau Ketam, and the US teretory Palau at the south-eastern side of the our country PHILIPPINES-home of Manny ‘Pacman” Pacquiao!!!

8. Jorge - May 13, 2009

Yep, Pulau means Island and Ketam is Crabs, kaya dun sa dati kong entry, Crab Island un sa english kasi literal na maraming crabs dun..

9. bipolarsisa - May 13, 2009

ang ganda ng lugar. 🙂 ang daming pictures. haha.

Jorge - May 15, 2009

Hihihi.. maganda ung lugar kasi nde pa masyadong commercialized..

Mahiyain kasi ako sa pic kaya madami, toinks!

10. eli - May 13, 2009

wow..ganda naman ng adventure mo.

Jorge - May 15, 2009

Hehehe, thanks pareng eli!

11. Winkie - May 13, 2009

weeee, natawa naman daw ako dun sa pic na nakatrunks! fulltime hubadero ka talaga! hahaha!

nice place ah! pupunta din ako jan! hehehe!

Jorge - May 15, 2009

Correction ms. winkie, its hubodero not hubadero, bwahahaha!!

12. joycee - May 13, 2009

Ang haba ng byahe sus! Nakakabitin nga yan!

Susmaryosep! Mukhang tumotodo ka na bago mag-October ah nayahhaha…

Nektaym fink trunks naman lol

Jorge - May 15, 2009

Mas matagal pa ung nilakbay namin kesa sa niligo ko, hehehe..

SMY talga, sasagarin ko na to, malayo pa nmn ang october eh, toinks!!

Wala akong makitang fink eh, uhmm.. suggestion ni mantsa violet nmn daw, bwahahaha!

13. flamindevil - May 14, 2009

aba.

parang ka chat lang kita ngayon sa ym.haha.

nognog!nognog! nyahahaha

pareng jorge..ang hubodering palaboy!

Jorge - May 15, 2009

Hahaha, oo nga, hang kulet mo nga sa chat eh! Toinks!

Nognog ka dyan, nakawhitening cream ako dyan, bwahahaha!

14. anakngpating - May 14, 2009

wow ha kuya naka trucks at red color astig macho ka pala kuya hehe..:)
ang ganda nung place astig..
sarap naman jan..
naiingit naman ako..

Jorge - May 15, 2009

Hahaha, secret natin to ha, sale kasi yang red trunks na yan sa padini kaya binili ko, hihihi… shhh…

Laboy ka din!! hehehe

15. brotherutoy - May 14, 2009

nabalitaan ko na sa FB mo ang lahat ng ito pero may napansin ako:
tatlong beses kang nagpalit ng Tshirt sa unang araw, nung pangalawang araw ay di ka nagpalit ng t-shirt hanggang kinabukasan
tapos inulit mo ang isa mong tshirt na mukhang pinalabhan mo kasi may isang araw na lagi kang walang kamiseta o salawal man lang.
tama ba?

maghahagilap din ako ng red na trunks. akala mo, ikaw lang!
hehe…
God bless!

Jorge - May 15, 2009

Aba aba aba, ang galing ng observation mo kuya, actually, tama un, three times akong nagpalit ng damit nung unang araw tas ung damit ko nung hapon sinuot ko din the next day, hahaha!! Galing galing!

Sige pag nagkita tayo sa pinas, dapat may red trunks ka na ha, hihihi..

Thank u sa pagdalaw! Godbless din!

16. joycee - May 15, 2009

O sya osya sali ka nalang sa pakontest ko:
http://joyceish.com/?p=1380

Jorge - May 19, 2009

Sige i’ll try to join your pakulo, hehehe

17. anakngpating - May 15, 2009

kuya walang pera at time na lumaboy eh hehe hanggang mall lang kaya ko pero sa ganyang place sa panaginip na lang siguro hehe..:)
salamat kuya sa pag daan sa kuta ko..

Jorge - May 19, 2009

Hahaha, ciempre dapat mag ipon ka para may pang laboy, hehehe.. pero nde nmn kailangang madami kang pera, basta alam mo lang kung san ka makakatipid at mga promos, ayos na!

18. naglalambingnacute - May 15, 2009

ahmmm wow aman ang gaganda ng view… parang nakarating na rin ako sa pamamagitan ng pictures mo..

ammm ngayon lang po ako napadpad dito at ngayon lang ako nakakita ng naka red swimming trunks nalibang ako kasi fav color ko ang red hihi 😆

namamasyal lang poh..

lambing here maglalambing na rin 😉

Jorge - May 19, 2009

uy! ang lambing mo nmn, hehehe..

Back read ka pa, marami ka pang mapupuntahan thru my pics, hehehe..

fav color mo ba red? ahehehe.. talga naman!

19. blurosebluguy - May 15, 2009

hmmmm…ganda nga ng tioman island…makpunta nga! kahit sa panaginip

Jorge - May 19, 2009

tara!

20. DFish - May 16, 2009

Wala nang tatalo sa laboy mo Jorge. Hands down ako. Isa lang concern ko sa post na to: where’s the serving on the table, ha?

Jorge - May 19, 2009

hihihi.. thank u po!

simot na po, wala ng serving sa table, hahaha!

21. felmar fiel, svd - May 16, 2009

aba, nagpapasexy na ang ating palaboy ngayon ah, at red trunks pa!

Jorge - May 19, 2009

Hehehe, wala lang pong makitang matinong trunks, toinks!

22. kathy - May 16, 2009

sows wala akong masabe sa nakatrunks na pekshure…hehehe^^

sarap talaga gumala ng biglaan noh..kaya lang sana neks tym wag ganun kalayo parang talo ka sa byahe eh..pro sabagay kahit pano sulit na rin kase ganda nman ng Tioman Island eh..

ingatz kuya and god bless^^

Jorge - May 19, 2009

hehehe.. biglaan talga, pati nga budget eh nabigla din, toinks! pero nde nmn ganun kagastos, kaya ok lang

23. yhen - May 18, 2009

astig ng sunset jan kuya ah… hehe… at ang laki naman ng duyan… pang maramihan ba yan? hehe..

nwei, sosyal ka talaga… patrip trip nalang… 😉

Jorge - May 19, 2009

Ganda ng sunset no? astig sa lugar na un, pero iba parin sa pinas!

24. Snow - May 19, 2009

Lovely pictures. Mukha ngang lagalag ka…heheh… 😉

Jorge - May 19, 2009

Hey, thanks snow! Uu, palaboy ako talga, hehehe.. Salamat sa pagdalaw! Godbless!

25. azul - May 19, 2009

huhu nakakatamfu di ka na dumadan sa akin

Jorge - May 19, 2009

Uy azul! Lagi akong dumadalaw sa bahay mo nde lang ako nakakapag iwan ng bakas, cencia nmn.. Tsaka busy lang, hehehe

26. jason - June 9, 2009

nice scenes… sana makapagbakasyon din ako sa beach
para maiwan ko ang stress d2 sa opisina hahha

masmaganda ata sunset dyan kesa sa manila bay??
magkakaiba ba ang mga sunset?

Jorge - June 10, 2009

uu, ganda talga dun, nakakawala ng stress.. ang tahimik at nde masyadong commercialize.

sunset? uhmm parehas lang yata, nde ko pa kasi nakikita ang sunset sa manila bay eh, hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: