jump to navigation

Something New June 24, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

Cencia naman, alam kong inaamag na ang blog ko. Ang tagal ko na ding nde nakapagsulat.

Madami akong excuses at palusot kung bakit nde ako nakakapagsulat…

1. Tinamaan ako ng sakit na ‘Katam’ in short for Katamaran, ahehehe… Sa lahat ng bagay tinamad ako. Pati sa paglilinis, paglalaba, pag aayos ng mga damit, ng mga files sa notebook at kahit sa personal hygiene tinamad din ako (pero naghuhugas parin naman ako, hehehe). Isama nyo na dyan ciempre ang pagsusulat sa kahit anong forms, sa journal, sa blog, sa facebook, sa dingding..

2. Sobrang bagal ng internet lately dito sa amin. As in pati email ko nde ko mabuksan. Kaya puro nood nalang ako ng movies at tv series. Kaya din bihira akong magblog hop (kinatamaran ko na din, hehehe). Sa office nalang ako nagffacebook at nagddownload ng podcast ni Bluep.

3. Lagi jam packed ang aking weekends. Marami akong foodie trips at laboy na walang pictures. It’s either nakalimutan ko ang camera ko (at masyadong malabo naman ang kuha kapag camera phone ang gagamitin ko) o masyadong mabibilis ang pangyayari, ubos na ang food kapag naaalala kong may foodie blog nga pala ako, hehehe…

4. Kasama na din dun ang mga seminar na inattendan ko last weekend na magpapabago sa buhay ko.. Dear ate charo..

5. Nagkasakit ako ng tunay (nde katamaran) at ilang araw din akong nde nakapasok sa work. Akala ko nga h1n1 na eh, salamat sa Diyos at tonsillitis lang at gumaling din agad. Un nga lang, ang hirap magkasakit lalo na kapag nag iisa at nasa ibang bansa. Just imagine, tumitirik ang mata mo sa taas ng lagnat pero kailangan mo paring magluto ng soup para sa sarili mo. Kailangan mong palitan ang bimpo sa noo mo kasi tuyo na sa sobrang taas ng lagnat mo. Kailangan mong hilahin ang sarili mo sa banyo para sa hot bath. Kailangan mong pilitin ang sarili mong kumain kahit wala kang gana at nasusuka ka na. Mga ganung bagay lang naman, hehehe..

6. Nabababad ako sa facebook (dito sa office), sa umaga, pag upo sa table, nde email ang unang binubuksan kundi ang facebook. Tinitingnan kung ilan ang pwedeng iharvest sa Barn Buddy at kung pwede na ding nakawin ang mga tanim ng mga kaibigan mo. Kasabay ng pagttrabaho sa umaga ang pagttrabaho ng mga tauhan mo sa Restaurant City, kailangan nilang kumayod para dumami ang ipon mo. Kaso kailangang alagaan para nde sila mapagod at magrally. Sa sobrang dami ng applications at laro sa facebook, nde ko namamalayan ang oras, lunch break at uwian na pala!

7. Isa ko pa ding pinagkakaabalahan ngaun ang twitter. Nde ko na ieexplain kung anong klaseng social networking ang twitter kasi matatanda na kayo. toinks! Kung may account kayo dun at isa kayo sa mga nahuhumaling dun, i-follow ko kayo at follow nyo din ako para masaya ang buhay.. hehehe.. Search nyo nalang ang full name ko (Jorge Santiago Jr.) tas add nyo nalang ako. Ok?

Uhmm.. ano ano pa bang excuses? 

Intayin nyo nalang ang next laboy trip ko. Me and my friends are planning to Port Dickson this weekend. I’ll write something about it and post pictures as soon as possible.

Ciao!

Advertisements

Comments»

1. flamindevil - June 24, 2009

mukhang base ako ah.

pucha, 4th time ko na nababasa ang twitter na yan sa mga blogs.hanu bang kabaliwan yan?haha

number 5 is really sad pareng jorge.i could not agree more.

anyway,no pressure.basta post lang ng entry kung trip mo.no rules.no deadlines.

ingat lagi.

uwi ako ng pinas,may ipapabili ka?hehe

Jorge - June 24, 2009

uu base ka parekoi! hehehe…

oo nga eh, kaso kokonti palang ung followers ko kaya nde pa ganun kaexciting ang twitter pero alam kong aastig din un! kaya follow ka na ha! toinks!

hays, kakalungkot talga, ang hirap, tinatatagan ko nalang loob ko kapag may sakit ako, ganun talga buhay eh, hehehe..

uy, uuwi ka na next week! kainggit! hmpf! hehehe

ingats, Godbless!

2. coolwaterworks - June 24, 2009

Kapatid… So eto pala ang mga dahilan…
Siya, siya…. Hehehe…

Alam kong tinamaan ka ni katam kasi ang latest comments mo dun sa bahay ko, di akma… meaning di tinapos ang pagbabasa! ahaha!
At kung di mo pa alam, may pakontes ako dun… Hehehe…

Biro lang kapatid… Seldom lang ako nakakapagbukas ng facebook at twitter… Maka-wordpress pa rin ako… hehe…

Good to know you are back in shape after tonsilitis…
Will look forward to your future posts…
Enjoy your forthcoming trip and God bless!

Jorge - June 24, 2009

Ahahaha, sorry naman kapatid, wala pa talga sa katunuan ang pag iisip ko nung maglibot ako sa bahay mo pero alam ko namang may pacontest ka, hehehe…

thanks parekoi. Godbless!

3. Allen - June 24, 2009

wow. another twitterer. Ma-follow nga.

naligaw lang ako dito. hehe. good day

Jorge - June 24, 2009

Uy, thank u sa pagdalaw allen! twitterer ka din ba? follow mo ko ha, tas ifollow kita..

4. bernardumali - June 24, 2009

naweirduhan ako sa twitter, di ba parang status message lang siya. anyway, nakisangkot na rin ako hahahaha

Jorge - June 24, 2009

salamat sa pagdalaw bernard! sa una lang weird ang twitter and you’re right, status messaging lang ang twit pero its good to know what’s going on with your friends in real time. Parang send-to-all-status na text lang, hehehe..

Godbless!

5. bons - June 24, 2009

celebrate life! ahaha! wala ako masabi! enjoy mo na lang habang nasa labas hahah ano daw!!?

GBU

Jorge - June 25, 2009

BWahahaha! Ano daw?!

6. p0kw4ng - June 25, 2009

sa dami ng nabasa ko di ko alam kung totoo lahat yun kaya ang masasabi ko lang eh……welkam bak jorge!

Jorge - June 25, 2009

ahihihi.. thank u ate powkie..

woi, nag eerror ung comment ko sa blog mo, nde ko alam kung napost un o nde.. kung ano anong code ang lumalabas kapag sinesend ko ung comment ko eh..

7. topexpress - June 25, 2009

huwelkambak ka jorge! sad to know #5. Inom lang ng vitamins lagi at foddie trips lng foddie trips pero wag nmn to the point na GLUTTONY NA! ahahaha

weh! masaya ba tlga sa twitter? naku meron kasi ako “twit-twit” ^_^

pektyur lang ng pektyur ka jorge! ako nga mamaya may photo shoot nanaman. hayst! ginawa na nila ako alipin ng kodak dito! huhuh!

ciao kalabaw!

Jorge - June 25, 2009

bwahahaha, natawa nmn ako sa twit twit, un kasi ung nakalagay dito sa sidebar ko, toinks!

8. darbs - June 25, 2009

Re-charge parikoi
Our body needs that
Our mind needs quite time
Normal lang yan
Sulong uli!
Napadaan lang.

Jorge - June 25, 2009

thanks darbs! oo nga, pahinga muna sa lahat ng bagay para bumalik ang dating sigla sa pagsusulat, hehehe..

9. jason - June 25, 2009

ang dami mong palusot.
hhahahaha

naka-numbering pa…

hehehe adik ka rin pala sa facebook.

Nagseseminar ka rin??

heheh

Jorge - June 25, 2009

wahahaha, eh lumusot naman ba? katanggap tanggap naman ba ang mga lusot? hehehe..

adik na adik lang nmn ako sa facebook, hehehe.. ciempre nagseseminar ako para ikauunlad ng buhay, toinks!

jason - June 25, 2009

ako pets society lang kinaadikan ko sa facebook

at pangangarir na rin. LOL
wala nga lang akong mapasagot.
toinks!

10. rache - June 25, 2009

hahaha contagious yang mga dahilan mo hanggang dito umaabot :p dagdag lang sakin meron akong 2 baby na pinagkakaabalahan isang baby laki at isang baby liit… hehehe meron pala ko twitter kaso hindi ko na ginagamit last year pa yata… hahaha ingat ka nice to hear from you again 🙂

Jorge - June 25, 2009

hahaha, uu nga pala may dalawa kang babies, hehehe..

ayun, nakita na kita sa twitter, hehehe..

i will try to be updated now..

11. yhen - June 25, 2009

aba aba aba nabuhay ka uli kuya.. akala ko wala ka nang balak bumangon mula sa iyong pagkakatulog…

nwei, nakakatamad nga naman lately ang panahon.. parang masarap lang humiga, manuod, kumain, matulog… hehehehe

at pansin ko nga pati twitter pinatulan mo… hahahha… di ko kc alam kaya di ko pinatulan yung invitation…

nwei, looking forward sa mga susunod na entry mo sa mga laboy mo…

😉

Jorge - June 28, 2009

hahaha, dami lang lusot este dahilan ng pagkakaantala ng pagsusulat ko, hahahaha!!

12. jason - June 26, 2009

oi yhen !!

nayahahaha

pa tambay d2

Jorge - June 28, 2009

wahahaha, cge lang tambay lang.. magsusulat na ko later ng bago..

13. .poOt! - June 26, 2009

WOW. Welcome back!!! matagal tagal ka ding di nakapag-blog.

na-miss ka tuloy ng mga tupa. sino yun? si rye, pareng jason at isama mo na rin ako. hehe. joke lang yun. baka kalampagin ang blog ko ng dalawang parekoy kong yun. PEACE! hehe.

buti nga di ka nagka-h1n1. kasi kung ganun eh mag-iissue ako ng ‘bloghopping advisory’ na hindi muna pwedeng bisitahin ‘tong blog mo kasi baka magkahawa-hawa tayo at magkaron ng flu pandemic dito sa blogosphere. hehe. pero dahil tonsilitis lang pala yan kaya di ko gagawin yun.

wait! wag mong kalimutan na i-post dito yung mga pics mo sa next laboy mo. OK? baka kasi atakihin ka na naman ng KATAM. wahekhek.

Jorge - June 28, 2009

uu nga, tinamaan talga ako ng ‘katam’.. sobra! toinks!

waahh, wag nmng h1n1, kakatakot un.. baka wala ng dumalaw sa blog ko nyan!

.poOt! - June 29, 2009

don’t worry! dahil hindi namin kaya na di bumisita sa blog mo eh magsusuot na lang kami ng mask. ayos ba?

14. blurosebluguy - June 27, 2009

hehehehehe..parati na lang welcome back!
..asus…at nagpalusot pa ang palaboy king!
o sya abswelto na ang kaso mo…..

parekoy welcome back ulit! kulit!

Jorge - June 28, 2009

wahahaha, uu nga, puro welcome back! ngaun ko lang napansin, hahaha! napatawa mo ako dun ah!

15. dFish - June 27, 2009

heto na, heto na, heto na, bwaaaaaaah, dobidobidobido, bidowaaah…Miss ko lang mga poses mo at food photos bwaaaah…

Jorge - June 28, 2009

oh yeah oh yeah!! makiki dubidu bidubidoooo na din ako!! hahaha..

hang kulet! toinks!

16. cruxrifter - June 29, 2009

hello! 🙂 dami excuses. hehe pero welcome back!

Jorge - June 29, 2009

hehehe.. uu nga eh.. toinks! thanks!

17. livingstain - June 29, 2009

salita ba sad Malaysia ung Katam? aba ok ah, sa Pinas Katamaran, sa Malay Katam… toooooiiiiiinnnnnkkkk….

ang totoo nyan e pinagpalit mo na kame sa twit twit…

wait ko yung next laboy mo… maghuhubo ka ba ulit don? nyahahaha….

Jorge - June 29, 2009

wahahaha! nde nmn, paminsan minsan ko lang din nagagamit ang twit twit.. dito parin ako sa blogging.. hehehe..

naku, nde natuloy ang laboy at walang hubo hubo kasi bawal! toinks!

18. joycee - July 1, 2009

excuses! nyahahaha, may prize pa ko sayo noh! wahahaha.

ako kinasawaan ko na ang mga apps sa facebook wehehehe. yung twitter may account din ako dun pero hinde ko alam baket hinde ako mahumaling dun tulad ng pagkahumaling ko sa plurk.

anyway, welcome back! *at late ako.. 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: