jump to navigation

Speaking of birthdays July 1, 2009

Posted by Jorge in Food.
trackback

Konting paglilinaw lang po dun sa huling entry ko. Medyo matagal pa po ang birthday ko actually. Sa August pa po. Si Tina po kasi eh kilala sa pagiging certified late kaya inaasahan ko na pong late ang birthday card nya. Nagulumihanan at nagulantang ang mundo ko ng dumating ang pinakasweet na birthday card na matatanggap ko (future tense) at may nakaipit pang piratang DVD nila Piolo at Angel, eh sino ba nmn ang nde matutuwa dun di ba? ahehehe.. Un nga lang, hang corny pala ng movie na un, hihihi.. no offense sa mga fans pero may gusto ko sila dun sa LOBO, dun ako talga naadik eh.. hehehe..

Osya, speaking of birthdays. First week of June ko pa talaga sana ito ipopost kaso tinamaan ako ng sakit na ‘katam’ kaya ngaun ko lang maipopost. Birthday ng chinese friend ko na si Adrian, ung medical doctor from Penang. Dahil sa nde sila marunong magluto, ciempre kain sa labas kami ulet. Pero this time, sa social na resto naman kasi nga birthday celebration. 

 

Ako at ang aking pagkain

Ako at ang aking pagkain

Di ba sa atin, kapag ikaw ang celebrant, responsibilidad mong ilibre ang mga kaibigan mo? Di ba minsan wish mo na konti lang ang dumalo para konti lang ang babayaran mo? hehehe.. Dito, iba ang kultura. Ang birthday celebrant ang nililibre! Ang mga dumadalo ang nagsshare share para sa bill. Mas maganda ung idea na un di ba para maging masaya ka sa birthday mo. Kasi kung ikaw ang maglilibre, iisipin mong sana wag ka nalang mag birthday di ba? Bukod sa tatanda ka na, magbabayad ka pa.

 

lobster

lobster

Ang inorder ko ang baked lobster ek ek, ang haba kasi ng name pero baked lobster nga sya na may kung ano ano pang nakadagdag. Sa unang tingin parang kokonti pero muntik ko ng nde maubos, ang dami din pala at ang bigat sa tyan. Nde kasi ako sanay kumain sa mamahaling restaurants eh, toinks!!

Watch this video:

Cute ba? Sige kukunan ko sya ng pictures at magkukwento ako tungkol sa kanya next week.

Ciao!

Advertisements

Comments»

1. p0kw4ng - July 2, 2009

ahahaha ang layo pa pala…talagang advance nga!

narinig ko na din yan sa HK dati..aattend ng birthday party yung amo ko..di daw sya masaya kasi magbabayad din sya..ahahaha!

huwaw at isa pang huwaw…lobster! rapsa nga yan!

2. jason - July 2, 2009

Penge lobster jorge di pa ko nakakatikim nyan e

di mo pa pala birthday hahahahhaha

3. azul - July 2, 2009

ay akala ko naman sa july na..ahahaha

ang kuyuut..aso mo ba yan..

4. coolwaterworks - July 2, 2009

Nagutom ako bigla dun sa pagkain kapatid… 😀
Haha!

Aba, oo nga naman, matutuwa ang celebrant kung sya ang ililibre… Kaya ako di nagsi-celebrate ng birthday eh… 🙂

Cute ng aso ah… Alaga mo? So pano yan kung uwi ka na ng Pinas?
Eniwei, abangan sa susunod na post…

5. .poOt! - July 2, 2009

oo nga. kaya ayokong nagbu-burtdei eh. naghihirap ako. hehe.

every year tinatalo ko pa ang mga babaeng nagde-debut. nyahehe.

pero at least maraming gifts.

6. blurosebluguy - July 2, 2009

aysus…nataranta pa naman akong i -greet ka…hahahaha..binabawi ko na …next lang ulit!

7. charlie - July 3, 2009

brad, advance happy birthday.. whahaha!

8. yhen - July 3, 2009

lapit na po yun kht aug pa… hehe… happy bday po… 😉

9. joycee - July 4, 2009

Haaaay kung ganyan ang kultura dito saten, sobrang laki ng natipid ko nung betdei ko hehe.

Happy betdei sa friend mo, so sa betdei mo sila naman magttreat sayo????

10. bernardumali - July 5, 2009

wow sarap ng fud… uy nagbirthday din ako nung 27, treat nyo ko wahahahaha. ganyang culture yun, infact sa office namin ganun din. pinapakain ang may birthday

11. livingstain - July 5, 2009

babalikan ko to bukas, sa ngayon, happy birthday muna. Dito kasi ako N.E now e…

12. dFish - July 5, 2009

Tama lang pala na hindi ako nag-comment sa advance hapi bertdey post mo kasi mas lalong maaga pa hahaha…Ayokong maki-bertdey dyan. Gusto ko ako celebrant hahaha…Chow baked lobster…

13. Allen - July 7, 2009

Sana ganyan yung mga friends ko nung birthday ko. Asar e. Maggreet tapos sabay tanong kung san ko sila ililibre. Asar diba?

cute nung tuta.

14. darbs - July 7, 2009

parekoi, makikain na lang muna dito.

eat all you can ba?

15. livingstain - July 7, 2009

hiyang hiya yung aso, tawang tawa ako, ganyan din kasi ako pag nahihiya e. nyahahahaha…..

16. livingstain - July 11, 2009

hi sa dog mo.

17. flamindevil - July 12, 2009

malapit na o mag berdey..

so san mo ko treat?hehe

18. Miel - July 13, 2009

oiii malapit na rin di lang namamalayan berdey mo na rin tlaga… nagugutom na aq puro food na lang ang nakikita mula sa FB at blogs shesh

19. jason - July 13, 2009

happy birthday!
happy birthday!!!

20. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - July 14, 2009

advance hapi birthday na kapatid! nagutom ako bigla…

21. Ax - July 25, 2009

babati pa rin ako. advanced happy birthday po kuya!

22. junjeesj - July 27, 2009

august na next week.. happy birthday na… pero yung traditional na panlilibre ng birthday celebrant okie lang kahit late… okie lang kahit pagbalik mo dito sa pinas… hehehe…

miss the food in malaysia… haaay… tama na… tumutulo na laway ko… hehehe…

bakit lahat ng tuta cute? siguro parang tao lang din yan… pag baby pa cute… pagmatanda na… no comment… hehehe…

23. xenon - July 31, 2009

hay..i hope na maging masaya ka sa birthday mo..kasi ako ayaw ko ng celebration ng birthday…heheheh tumataks ako… pumupunta ako sa lugar na hindi nila alam kung kailan ang birthday ko…
its better na ganun…

……its GOOD..dapat lang talaga ang friend ang nag ttreat sa may kaarawan..kaya ittreat mo ako..hahaha..kasi di mo pa naman ako friend..enjoy everything GOD bless…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: