jump to navigation

Last Laboy.. Penang! September 23, 2009

Posted by Jorge in Food, Leisure, Travel.
Tags:
trackback

Maraming nagtatanong kung mayaman ba ako dahil lagi akong lumalaboy, ang sagot ko ay isang malaking ‘HINDE’, totoo na lagi akong nasa galaan at gumagastos pero nde naman ako ung tipong bonggang bongga sa lahat ng bagay. Di ba nga may mga tips ako na sinulat dati para makatipid sa mga gala? Besides, nde nmn ako maarte sa mga bagay bagay, kahit sa gilid ng kalsada pwede mo akong pakainin, kahit sa pipityuging hotel o hostel pwede akong makatulog basta safe lang.

Ang latest and last destination ko ay ang Penang. Kung makikita nyo ang mga pictures ko sa facebook, nakarating na ako dito. Superb ang pagkain at sobrang mura, ito siguro ang namiss ko kaya bumalik kami dito.

Pagkatapos ng mahabang byahe (9 hours ba naman! Kamoteng traffic yan!) larga kami agad sa pinakasikat na karinderya sa buong Penang, kumain muna kami bago nagcheck in sa hotel.

Cendol

Cendol

Don’t mind the presentation o kung san man nakalagay ung food, ang mahalaga mura ito at masarap.

Khar Keow Tiao

Khar Koay Teow

Ito ang famous Khar Koay Teow (mali yata ung spelling, toinks!), lahat ng mga nagpupunta sa Penang ay dapat makakain nito dahil makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap. Ibang iba ito sa lasa sa mga restaurant sa KL.

Penang Laksa

Penang Laksa

Ito ang isa sa mga sikat na pagkain nila, ang Penang Laksa. Sweet and spicy ang lasa nito, samahan pa ng shrimp paste at sibuyas, uhmm.. ang tsalap!

Nde ako makapaniwala sa presyo ng mga pagkain na to, wala pang RM10! Pero kung ikukumpara sa KL, RM10 each ang presyo nyan! hehehe..

Seafood karinderya

Seafood karinderya

Pagkacheck in, ligo at konting pahinga lang at lumarga na ulet kami sa next foodie destination… seafood karinderya! Ang Penang ay isla kaya mayaman sila sa seafoods. Medyo may kamahalan pero as usual, superb sa sarap!

steamed fish

steamed fish

Gabi na ng mga oras na yon at nde kagandahan ang ilaw nila kaya medyo may kapangitan ang picture quality.. Ito ang steamed fish penang style, sabi ng mga kaibigan ko, dito lang daw sa penang ito makikita, nde daw ito magaya gaya ng ibang restaurant.. Nung una nde ko makita ung isda, natatabunan pala ng mga dahon.. toinks!

gulay and chicken chop

gulay and chicken chop

Simple lang kung titingnan ang mga pagkain na ito pero may kakaiba syang sarap. May konting alak daw ung hinahalo sa gulay kaya kakaiba at ang chicken chop naman ay may special sauce na ayaw ireveal ng may ari kung ano ito.

shrimp noodle

shrimp noodle

Asan ang noodle? Nasa ilalim, hehehe..

Ako at ang mantis shrimp

Ako at ang mantis shrimp

Muntik ng maubos ang mantis shrimp bago picturan pero at least may nakunan parin kahit paubos na, hehehe..

cr

cr

Isa sa pinakainteresting part ng restaurant nila ay ang cr, kita nyo naman, iihian nyo ung mga isda! toinks!! hahaha.. nung una nagulat ako pero may salamin nmn pala, aquarium ang ilalim.. hehehe.. hang cute no?

Bukit Bendera

Bukit Bendera

Kinabukasan, plano naming sumakay ng train paakyat ng bundok, pero pagdating namin, sobrang dami ng tao! Holiday nga pala kaya maraming turista.

Penang Hill

Penang Hill

Tingnan nyong mabuti ang train na paakyat sa likuran ko. Ang very interesting fact about this ay ang isang riles na ginagamit nila for two trains, isang paakyat, isang pababa. Magkakasalubong lang sila sa gitna kaya dapat correct timing ang pagakyat at pagbaba nila at dapat magtagpo sila sa gitna para magexchange ng path. Coolness!

closer look

closer look

Sayang nga lang at nde kami nakasakay dito, sobrang dami ng tao baka makasakay kami after 10years!

balik pulau

balik pulau

Ito ang bayan ng Balik Pulau. Ito daw ang pinakamatandang bayan ng Penang. Nasa west side ito at nasa kapatagan. Tinawid muna namin ang bundok bago namin marating ang Balik Pulau para kumain ng Penang Laksa – balik pulau style!

penang laksa

penang laksa

RM2.00 lang ang isang bowl ng penang laksa dito sa balik pulau, mas mura kesa sa mismong bayan ng penang, hehehe..

tofu

tofu

Tofu ang tawag nila sa ‘taho’ natin, ung nilalako tuwing umaga ni Mang Tasyo. Sa kanila nmn nasa tabi lang ng kalsada. Magkaparehong magkapareho sila ng lasa ng taho ni mang tasyo.

balik pulau overview

balik pulau overview

Ito ang view ng bayan ng Balik Pulau from Penang Hill.

ambuala juice

ambarella juice

Pagbalik namin sa penang town, inom muna ng amoeba ambarella juice. Dito ko sa Malaysia unang natikman ang ambarella juice. Tas order kami ng char siew at roasted pork rice. Wala lang akong pic, nakalimutan kong kunan eh, hehehe..

Khar Keow Taio

Khar Koay Teow

Pagkatapos, larga ulet kami sa ibang karinderya, khar koay teow ulet! As usual, masarap na naman! Yum yum! ang lalaki ng mga hipon..

Pasembar and Nyonya Kuih

Pasembar and Nyonya Kuih

Kasama ng order namin ang pasembar at nyonya kuih. Kakaiba sa panlasa ko ang pasembar kasi halo halo syang cucumber, turnips, potatoes, beancurd, bean sprouts, prawn, spicy crab etc.. at may spicy nutty sauce.. ang dami! Dagdagan pa ng Nyonya kuih for dessert!

Hard Rock Hotel

Hard Rock Hotel

Pagkatapos kumain, larga kami sa Hardrock Hotel nde para gumimik (nde marunong gumimik itong mga kasama ko), para tingnan ang kakabukas palang na hotel. Two days ago ang official opening nito at fully booked na agad. Ang daming tao!

beattles

beattles

Ciempre nakiusyoso din kami sa loob at picture picture.. ang ganda ng loob at astig ng dingding na ito..

HRC

HRC

Eto pang isa..

sea side

sea side

At kakalibot nmin, napunta kami sa pinakasulok ng isla..

penang head office

penang head office

port

port

Ito ang kunwaring port papunta sa mga maliit na isla sa paligid ng penang. Nde na kami nagpunta dun dahil hapon na.

penang jump!

penang jump!

Bago umalis, isa munang lundag!

At para sa dinner, larga kami sa seafood restaurant ulet..

fried squid, suso, mantis shrimp

fried squid, suso, mantis shrimp, lala

pried pis

pried pis

Do I need to say more?

Advertisements

Comments»

1. pinkdiaries - September 23, 2009

base ba ako?!?

JRG: Uu, base ka nga! Kaso walang premyo, hahaha!

2. pinkdiaries - September 23, 2009

aha, at ako nga base! hehehe πŸ™‚

never mind the presentation talaga,as long as masarap pagkain at syemperd mura ok na! parang ang sarap nung cendol, minatamis bayun?kasi parang merun ditu nyan, kulay green yung gulaman bayun, na parang noodles?hehehe.. and yung Khar Koay Teow, parang food din ditu, Pad Thai naman yung tawag namin..

ayus yung mga food, tingin palang sarap na, at syemperd din yung place,simple pero rock! hahaha..

o sya! penang jump nako! haha πŸ™‚

JRG: Uu minatamis nga ung cendol, green nag gulaman na parang noodles, nadali mo! hahaha.. Malapit ang Penang sa Thailand kaya siguro magkaparehas sila ng luto.. tsalap nyan!!

3. jun-g - September 23, 2009

waa… miss malaysia! miss cendol… kuay teow… laksa… lahat lahat na… kelan kaya ako makakabalik dyan?…

this is worth spending… minsanan lang to kapatid… hindi man masyado marami ang iyong pera… dumadami naman ang iyong mga karanasang nagpapayaman hindi ng iyong bulsa kundi cultura.

panalo!

JRG: Eto na si idol!! tsalap tsalap ng foodie!! hehehe.. may binili na po akong instant mee para sa inyo, ung supa hot! toinks!

4. livingstain - September 23, 2009

“Don’t mind the presentation o kung san man nakalagay ung food, ang mahalaga mura ito at masarap”

para saken ba yan???? nyahahaha

food trip galore pala ito, kala ko talaga may isda sa ihian, buti hindi namamtay, aquarium naman pala… ang sarap sarap…

mang jorge, “mayaman ka ba?” hehehehe… pengeng pera…

nice hair mang jorge, laboy to the max ka na naman at sabi mo last na yan ha, last na sa malasiya, dito ka na sa pinas lalaboy soon. ingatz

JRG: NDe nga ako mayaman, uy! Sobrang igsi nga ng buhok ko, ang pangit, huhuhu..

5. lhen8 - September 23, 2009

hindi ka pa man pari …, magala ka na…. πŸ™‚

ang saya naman at food trip ka rin talaga… πŸ™‚

padaan uli dito ha

JRG: Ahahaha, pinanganak akong magala, toinks!!

6. dFish - September 23, 2009

Thank you Malaysia sa pagkandong kay Jorge, at sa lahat ng kagandahang ipinakita mo sa kanya. Hahaha – emo ba Jorge?

JRG: Huwaw! emo na emo! hihihi..

7. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - September 23, 2009

nubiiiittttttaaaaaa!!!!

ang daming pagkain! nagutom tuloy ako!

may malaysian noodles dito sa isla. quick chow. paborito ng mga muslims.

JRG: Wahahaha, nubita talga! toinks!! Quick chow? uhmm.. wala po yata dito nyan, hehehe..

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - September 29, 2009

hehe baka sa sabah lang…usually ang mga muslims dito ay from sabah eh.

8. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - September 23, 2009

base!!!

(ayan, nakalimutan ko tuloy maunang mag-base dahil nagutom ako…)

JRG: Cge pads, base ka! Kaso walang premyo, hahaha!

9. Jose Lee Flores - September 23, 2009

akala ko ang magiging titulo nito ay Pe Pe Pe Penang. heheheh

bro, mukha kang malaysian, hehehehe.

kakakiba ang cr nila. hindi yan puwede dito sa pinas. mamatay ang mga isda!

JRG: Sa totoo lang pads, Pe Pe penang dapat ang title nyan, part 2 ng Langkawi kaso parang ang sagwang pakinggan, hahaha!! Mukha nga daw akong malaysian, kaya sa 4years ko dito, never akong natanong ng pulis for my passport kasi mukha nga daw akong local, hehehe..

10. coolwaterworks - September 23, 2009

Nostalgic in two ways kasi:

– this is your last peripatetic trip in Penang
– I am seeing familiar sights (along with the reminiscences of the friends I have made in Penang, the “nightly walks na 7PM na eh maliwanag pa rin, the soothing and relaxing singing of the Muslim imam, na talagang nagpapatigil sa aking paglalakad para makinig sa tabi ng daan, the smell of food and the innate love of Malaysians towards fruit juices, etc…

Akala ko ba di kayo natuloy sa Penang Hill, pero bakit may overlooking pic ka dun kapatid?

JRG: Uu nga kapatid, tama ka dyan! Last trip na talaga to sa Malaysia.. nakapunta ka na nga pala sa Penang! Ganda no? Sa labas lang kami ng Penang Hill, nde kami nakapasok kasi ang daming tao..

11. teentoinks - September 23, 2009

“Don’t mind the presentation o kung san man nakalagay ung food, ang mahalaga mura ito at masarap.”

Ok, ngayon pwede ba mag react dito? Kasi naman naalala ko nun nag punta kami jan Malaysia kumain tayo ng TomYum near Titiwangsa station, di ko talaga inintindi yung presentation dahil gutom na ko, at infairness mura nga… pero yun na nga eh… lasang pinaghugasan ng mejas yung TomYam, tas yung tindera pa eh ilang oras tayo pinag antay dahil nanood pa sya ng TV at tabihan ka pa naman ng umaamoy na “DURIAN” waaahhh. The best yun! Hays… Favor naman bago ka umuwi, say “Hi” naman dun sa turo turong pinagkainan natin. Wahaha.. Infairness nag enjoy ako dun, kasi natatawa talaga ako, nanood pa si Aling Cora ng TV haysss…

Osya, serious comment:

UNA: Mukang masasarap talaga mga pagkain jan, kakainget kasi sa isang place.. yan talaga ang una ko pinagtitripan.. PAGKAIN.

PANGALAWA: Na check mo ba kung walang butas yung CR? Waaahhh.. Ang susyal ng mga isda… tingin mo nasilipan ka? waaaahhh!

LAST: Di mo man lang sinama sa pictures sila “type your facebook status here”. hehe

Oks… ingat sa pag uwi parekoi. Muak muak* Labsyu!

JRG: Ayyy, ang haba!! Gawa ka na kasi ng entry mo, hihihi.. Lam mo bang may nadiscover kaming karinderya na nagseserve ng Original Thai TomYam!! Ang sarap parekoi! parang nasa thailand ako! as in!! Matakam ka!! bwahahahaha!!

bonistation - September 24, 2009

gumawa ka ng blog mo! hahays ke habang comment haha

JRG: Uu nga kasi, gawa na ng bagong entry!!

teentoinks - September 24, 2009

Wenungayon!??? Amp! Hmft! Blog mo ba toh? Aber aber? Wala pa nga ako sa mood nyan at tinatamad ako. BEH!

JRG: Nde lang masunget, tuyot pa! bwahahaha!! labsyuh!

bonistation - September 24, 2009

ay ang sunget! menopause!?! hahaah

teentoinks - September 24, 2009

Masmatanda ka sakin! BEH! At talagang pinanindigan ang pagsagot dito… oiiii hindi mo po blog toh!

bonistation - September 24, 2009

ay hindi ko pala to blog!! kala ko saken! inangkin din kasi ni jorge blog ko ahahaha!!!

Jorge - September 25, 2009

Wahahahaha!! Di bale bons, inangkin ko din nmn ung blog mo eh.. kwits na! toinks!

12. joycee - September 23, 2009

Last laboy sa Malaysia?? Pero paguwe mo dito diba lalaboy tayo? Teks mo ako paguwe mo at nang ma-set na yang EB na yan hokey. πŸ™‚

Peborit ku ang shrimp Kuya kaso mo allergic naman aku jan hehe. Perp kumakaen pa din masarap ang bawal eh. πŸ™‚

JRG: Yeis! Laboy tayo dyan sa pinas!! Teka, corny nmn ng allergy mo, bakit sa seafoods pa eh ang sarap nun!!

13. bonistation - September 24, 2009

ngayun lang ako nag comment, lumaboy din ako kaso maghapon lang haha! pero umitim ako. anyway gusto ko talaga ang penang jump! hindi ko pa kasi napapanood ang kungfu panda! (dun nanggalin un diba?!)

nagutom ako s amga food hahays sarap pag seafood! ung street food na tofu panalo sa background! nakakamiss!! hindi pako sanay ag chopstick di ako pede dyan waaaaaaaaaa

JRG: Nakita ko nga pictures mo sa facebook eh, takot na takot umitim!! Hanube, ano nlng kaya ang kutis namin? toinks!! Matututo ka din magchopstick lalo na kapag gutom ka na!! hahahaha!

pinkdiaries - September 24, 2009

haha, naku bon ditu gamit din nila puro chopstick, magsanay kana! hahaha, toinks!

JRG: E di expert ka na din magchop stick?!

bonistation - September 24, 2009

waaah magbabaon ako ng kutsara at tinidor! hehe!

JRG: Matuto ka din lalo na kapag gutom ka na! hahaha

pinkdiaries - September 25, 2009

haha, trying hard padin! hehehe πŸ™‚

14. p0kw4ng - September 24, 2009

flower base!!!

una sa lahat ayheytyu! di lang ako ginutom kundi naglaway pa..para lang nakakita ng burat sa dami ng masasarap na pagkain na ipinakita mo!

padalawa ayheytyu ulit kasi walang hubo na pekpektyur!!

ahahaha….

sige lang gala ng gala..hindi mananakaw ang mga ganyang karanasan

JRG: Ayy! ang ganda ng flower base!! toinks!! hahahaha… panalo talga ang mga comment mo ate powkie! haylabit!! walang hubong pics kasi nahihiya na ako sa sangkatauhan! toinks!!

bonistation - September 24, 2009

ahahah hayss! comment palang ulam na pag kay p0kw4ng nanggaling hahaha!

JRG: Ahahaha, panalo!!

15. Nashyboy - September 24, 2009

first time here πŸ™‚

gezzz i love the food blog never been to Penang but sure thing their food looks tempting πŸ™‚

JRG: uy, nashyboy! Salamat sa pagbisita! Penang is one of the best places here in Malaysia, you should come.. you’ll love it!

16. .poOt! - September 24, 2009

kaya ayokong bumisita dito sa blog mo kuya jorge, nagugutom ako. wahehe!

JRG: Ahahaha! ako din ginugutom na ulet! toinks!

17. precious - September 25, 2009

hmmm…ayos nmn ang presentation ng fud ah..mkha nmng edible lahat…

hehe…

feeling close ako eh no…haha..^,^

18. yhen - September 25, 2009

baka naman yung cendol eh kundol lang yun kuya… hehe…

dami namang food yan… certified palaboy ka nga kuya…

at karir na karir ang pagpapapicture sa bawat landmarks… galing… hehe…

19. blu.sparks - September 26, 2009

pers tym kong napadpad dito.
ayos ang trips ah.
hehehe

20. Miel - September 26, 2009

ay sabi q safb penge nung kinakain mo tofu pala un, wag na lang ayey! hinintay ko ang iyong magic landing ala super hero lang at aun di nga nawala hehe next: laboy sa pinas na naman di ba!

21. blurosebluguy - September 26, 2009

hehehehe….last laboy…..hhehehe marami pa yan jorge…pag-uwi sa pinas……salamat ganda nga ng malaysia…nakarating ako dyan sa plentong…maganda nga….

22. meliza - September 27, 2009

sinagad mo talaga ang pagpasyal mo dyan sa malaysia kasi uwi ka na.. pero infairness ang ganda mga lugar na pinunthan mo at massarap ang mgapagkain..at sak obvious nman sa pic.. toinks
u desrve nman mgunwind paminsanminsan kasi stress ka lagi sa work mo..pampanggal ng stress sa pmmasyal..
well anywwayss psyal ka din dito sa mga mggandang lugar. satin.. lalo na sa bohol..

23. Ax - September 28, 2009

Haha, akala ko iniihian talaga yung mga goldfish sa CR tapos yun din yung gagamitin sa rekado! Yay. Scary. Hindi nga ako maka move on. Siguro kung hindi mo sinabi yun hanggang ngayon struck pa rin ako.

Balak namin pumunta diyan. Kota Kinabalu, pero mukhang malayo ata yun. Tapos punta kami Brunei. Pero matagal pa. Hehe. Pwede ko pala kayo pagtanungan kun saka sakali ng mga magagandang resto at tips. Hehe. Yay. Malayo pa ang sched ng pagpunta namin diyan pero may ticket na ako! Wahaha. Pero bago yun, kailangan ko pala muna kumuha ng passport.

Yung Cendol, mukhang dessert ata. Hehe. Pero mukhang masarap talaga lahat. Gusto ko rin itry. Pati yung train!

24. batangmangyan - September 30, 2009

penang laksa – panalo yun. napadaan din kasi ako sa penang noon at yun ang pinakanagustuhan ko. pero mas panalo ang penang jump, astig naman πŸ™‚ sige lang, laboy lang ng laboy, pagdating mo dito laboy tayo haha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: