jump to navigation

In One Week October 8, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

In one week, I will be in Philippines again..

It’s been four years when I first stepped in this foreign land. Mukha pa akong tanga nun, batang bata, walang muwang at takot dahil na din siguro ito ang unang pagkakataon na nagtrabaho ako sa ibang bansa.

Naalala ko pa nun na ilang gabi din akong umiiyak ng palihim dahil ayokong makita ito ng roommate ko. Pero nahahalata din kinaumagahan pagpasok ko sa office dahil mugto ang mga mata ko..

Naalala ko pa nun na bigla akong tatakbo sa cr para umiyak sa oras ng trabaho. Nde ko mapigilan ang sarili ko, mixed emotions na din siguro, nahohomesick, naaawa sa sarili, pressure sa work, malamig at sobrang tahimik at naiihi.

Naalala ko pa nun na wala akong kaibigan, may mga ugali ang mga officemates ko nun kaya bihira lang akong makihalubilo sa kanila.. Mag isa lang ako.

Marami akong natutunan sa mahigit na apat na taon kong pagttrabaho dito. Marami na din ang nagbago sa akin. Nde na ako masyadong iyakin, kelan nga ba ang huli kong pag iyak? Nde ko na matandaan.

Marami na din akong natulungan, financially stable na pamilya ko, wala nmn akong pinag-aaral kaya napupunta sa parents ko ang pinapadala ko. Minsan humihingi ng tulong ang mga ate ko sa ibang bansa at sa awa ng Diyos, natutulungan ko naman, kesa naman sa uutang sila sa bangko na may interest, sa akin nalang sila manghiram ng pera at saka nalang nila bayaran kung kelan nila gusto o kung nde ko na maalala, sa kanila nalang un. Pera lang yan.

Naibigay ko din ang luho ng mga magulang ko. Nakapaglibot na din sila dito at sa Thailand. Masaya ako dahil nasabi nila na super enjoy sila dito at sa beach sa phuket. Nde din malagot lagot ang kwentuhan nila sa knilang mga kaibigan pag uwi nila ng pinas. Kung ano man ang hingin ng magulang ko ay binibili ko, kahit na bawal ang alak sa tatay ko, cge, bili parin ng cognac at chivas regal. Gustong gusto ni mommy ang mga bags, burloloy at mga t-shirts na may tatak ‘malaysia’ kaya naman umaapaw ang cabinet nya ngaun sa dami.

Sa apat na taon ko dito sa ibang bansa, nakahanap ako ng mabubuting kaibigan. Kapwa pinoy at mga local malaysians. Kung tatanungin nyo ako, magkaiba kung makisama ang dalawang grupong ito. Puro inom, party, inom, clubbing, sports at inom ang sa mga pinoy at laboy at kain sa labas naman ang sa mga chinese malaysians.

Ilang beses din akong tinaasan ng sweldo ng boss ko. Sobrang flattered and thankful ako kasi naaappreciate nila ang trabaho ko. Naging all-around IT din ako. Bukod sa mga computer problems, naging expert din ako sa accounting jobs, stock control, sales processing, konting logistics at sa production. Kaya siguro kahit ngaung paalis na ako ay inooperan pa ako ng mas malaking sweldo, wag lang akong umalis.

Nagpapasalamat ako sa Diyos at nde ako napariwara sa pagttrabaho ko dito sa ibang bansa. Naging matured ako sa mga problemang nakaharap ko, sa mga tagumpay at sa mga pakikisama. Ganun pala un? Nde ko inaasahang makakayanan ko to, nde ko inaasahang lalawak ang aking pang unawa sa mga bagay bagay.

Nagpapasalamat ako sa Diyos at kahit nakalimutan ko sya saglit, tinawag parin Nya ako para sa Kanyang misyon.

Ngaun, eksaktong isang linggo nlng ang natitira para sa akin, marami akong alaalang iiwan. Nakakalungkot pero ganun talga ang buhay. Minsan kailangan nating masaktan upang lalong lumago. Babalik yata ang pagiging iyakin ko.. Mamimiss ko ang Malaysia, ang aking mga kaibigan, ang aking boss at trabaho, ang mga pagkain, ang mga laboy at lahat lahat na..

In one week..

Advertisements

Comments»

1. bonistation - October 8, 2009

base! ang ganda ng header ah!! nakaka excite malapit na malapit na ang pagpasok mo sa bahay ni BRO! ^^

teka basa muna ako!

JRG: Ay, salamat naman sa pagtulong sa pagupload ng header, inubos nyan ang oras ko kaninang umaga, grr!! hehehe..

2. bonistation - October 8, 2009

naalala ko pa nun isang araw bago ka umalis papunta dyan sa malaysia, nasa inyo kami at pinapakita mo ang mga papers mo! hahays ang bilis ng panahon! at ngayon ayan uuwi kana ng pilipinas for good.

sarap isipin na sa apat na tao ang daming natutunan, mas nag pa mature at mas nagpatatag kung sino man ikaw ngayon, paghahanda lang pala yun sa mas malaking responsibilidad na haharapin mo..

another chapter is yet to come… goodluck padin. we all know na yan ang gusto mo, at gusto NYA. kaya suportahan kalang namin and were so much proud of you about it! were just here parekoi! whatever, wherever..

cheers!!

JRG: Thanks talga parekoi.. uu nga, nde ko ineexpect na marami akong matutunan, at makakayanan ko.. Nakakatuwa ngang alalahanin ung araw na paalis ako, kayo nila tina at jubs. Ang bilis talga ng panahon!! Nde ako makapaniwalang nagtagal ako dito!! hahaha..

3. livingstain - October 8, 2009

Second Base… basa mode muna.

4. livingstain - October 8, 2009

ohhhh… nakakalungkot naman… heksayted na akong maramdaman ang mga naramdaman mo nung unang taon mo jan. tamanaman ang gagawin mo, kailangan mong iwan ang mga nakasanayan mo na para naman sumubok ng iba pang bagong kaalaman…

God bless you mang jorge… jan ka muna ha, hindi pa tapos ang streamers ko para sa pagdating mo…

JRG: Ganun talga buhay mantsa, nkkalungkot pero exciting din at the same time, hehehe.. Salamat sa lahat!

5. Fr. Felmar Castrodes - October 8, 2009

second base! at ang ganda ng header!

aabangan ko ang new chapter na yan!!!

kailan ba magbubukas ang new chapter na yan?

Fr. Felmar Castrodes - October 8, 2009

3rd base na pala ako! bigla na lang lumitaw itong si alvin!

hello alvin! may kuryente na?

JRG: 3rd base pads! hehehe.. malapit na pong magsimula ang bagong chapter, waahhh!!

6. Jose Lee Flores - October 8, 2009

“Minsan kailangan nating masaktan upang lalong lumago.”

minsan nga, kailangan nating masaktan, para lumago, at mas makita pa lalo kung hanggang saan ang kaya nating gawin.

nakakatuwang malaman na napakali pala nang ipinagbago mo. pagbabagong hindi lamang sa iyong pansaring kapakanan, kundi para na rin sa mga taong mahal mo.

ngayon at uuwi ka na. papasukin mo na ang buhay na hinahanap-hanap ng puso mo (noon pa man.) oo, marami kang iiwan, tatalikuran, isasantabi sa buhay mo…

PERO…

…sa papasukin mong ito, nandiyan ang tunay na saya, ang tunay na kaganapan, ang tunay mong kalayaan. Kung saan mo lubusang mailalabas ang kahusayan mo. kung saan mo matatagpuan ang tunay na kukumpleto sa pagkatao mo. nandiyan SIYA, ang ipapalit mo sa lahat ng iiwan mo. SIYANG higit pa lahat!

God bless you sir jorge (soon to be…)

JRG: Pads, salamat naman dito! ang ganda, wala akong masabi.. totoong totoo to! Kita kits sa arvisu this october!

7. Fr. Felmar Castrodes - October 8, 2009

(naka-cheering costume)

go, jorge, go!

JRG: Ahahahaha!! Give me J – O – R – G – E!! toinks!!

lhen - October 9, 2009

(naka-cheering costume)?… πŸ™‚ may kasamang pom pom si padz tapos naka wig na hair na angelina nyahahaha

go padz go!!!
sagot ni bro.jorge

Give me an Y-A-Y-A Nyahahaha πŸ™‚

Fr. Felmar Castrodes - October 9, 2009

then kanta ng…

I will follow Him,
Follow Him wherever He may go,
There isn’t an ocean too deep,
A mountain so high it can keep,
Keep me away, away from His love…

lol.

8. bonistation - October 8, 2009

tuma tambling na naka cheering costume den! GO JORGE go!
AHAHA. natawa lang ako sa comment ni padz number 7. jawo!!

JRG: Hahaha, hang kulet!!

9. p0kw4ng - October 8, 2009

aww isang linggo na lang pala! dapat yung isang linggong nalalabi eh magpapetyurs ka na ng maraming maraming nakahubo kasi pag pumasok ka na sa dapat mong pasukan eh medyo kakahiya ng magpapetyurs ng ganon..ahahaha

bye KL hello Pinas na pala ang drama mo…goodluck sa panibagong buhay na iyong papasukin!!!

JRG: Aaww!! Wish ko lang makapagpapicture ako ng hubo kaso wala ng chance! baka mahuli ako ng pulis dito! toinks!! Uu nga nmn, ang laswa yata kung nasa loob na ko tsaka ako magpipicture ng hubo, ahahaha!!

10. teentoinks - October 8, 2009

Eto na naman parekoi, panibagong chapter… 4years ka na pala jan… ibig sabihin apat na ang keychain ko ng Malaysia. hehe

Seriously, nun bago ka umalis ang nasa isip ko talaga nun, maiiwan na sila Lolo careful at Mame… ikaw pa naman yung maka Mame. Sobrang napi feel ko nun yung lungkot nila kasi isang gabi na lang si Bunso, kinabukasan pupunta na ng Malaysia. Bothered at excited ako nun para sayo… di ko lam kung ano mangyayari sayo dun, kung pano gagawin mo na hindi ka agad pwede madalaw nila Mame… hayss… sa ngayon na pauwi ka at may panibago na naman Chapter, di ko pa rin maiwasan isipin yung mga tanong na yun. It feels good to know that…. “you know what you want and no one can ever stop you by getting what you deserve.”

Ciao parekoi… love you! Muak*

JRG: SHARKS!! Ang bilis ng panahon!! This time ibang klaseng pag iwan ulet, ganun naman talaga ang buhay, para lang ding pag aasawa di ba? Ganun talga ang buhay.. Salamat parekoi sa suporta! Bwarks!!

11. Miel - October 8, 2009

wow dami ko nalaman tungkol sayu dahil sa post n2. God bless you always Jorge… (Speechless promise sa nabasa ko…)

JRG: Salamat kapatid.. Godbless!

12. blurosebluguy - October 9, 2009

galing para lang akong nanonod ng telenovela…pero jorge parekoy…gudluck sa bago mong tatahaking daan…iilan lang talaga ang ibig dumaan dyan….iilan lang talaga ang tinawag na tahakin yan…
…bakit ko alam? basta!

JRG: Salamat po! Uhmm.. bakit nyo po alam? uhmm.. chismas yan! hahaha.. toinks!

13. lhen - October 9, 2009

nyek yan ba ung sinasabi mo na nagawa mo na?..pero may nakalimutan kang itanggal yung kamay sa balikat mo…hindi na edit….

JRG: Uu nga! actually nakita ko na yan, nde ko lang alam kung pano alisin eh nakapost na! hehehe..

lhen8 - October 9, 2009

CLONE mo lang sa mismong damit mo jan…

14. lhen - October 9, 2009

pero ang ganda nga… πŸ™‚

JRG: thanks kapatid!

15. lhen - October 9, 2009

ikaw na ba ang gumawa nyan..?
medyo madilim nga yung nagawa kong lay out sayo sabi ng kada ko
kulang ang pagkaka adjust ng light…(nakita nya kase eh pinakita ko..)

si MARS na orphic pixel magaling din mag lay out yun friend ni fr.fiel….
πŸ™‚

JRG: Huwaw, astig ang barkadahan nyo ah, mga photoshop genius!!

lhen8 - October 9, 2009

naku mga graphic artist yung mga yun sa studio i aapload ko mga lay out nila sa fb ko…share ko sa inyo……, ULEAD PHOTOEXPRESS gamit ko bihira ako mag lay out sa photoshop daming lay out…sa tarpaulin ko lang ginagamit ang photoshop pero mga lay out sa mga album ko sa fs at fb ULEAD lang para mabilis matapos….

mas malinis gumawa mga un eh….tska sila lang din nag aalalay sa akin… πŸ™‚

16. lhen8 - October 9, 2009

preho kayo ng uncle koh na nsa saudi ngayon at pauwi na siya sa linggo
mauuna siya sayo…tulad mo pareho kayo ng job…si uncle 39yrs old na at binata pa rin….minsan nyang binalak mag pari…kya lang ayaw ng lola ko………sinunod nya lang nanay nya………..pero ngyon may gf na siya…….

com engineering ang natapos din nun…. naging director sa isang computer school sa AMA learning center….

17. meliza catedral - October 10, 2009

naks! ang ganda ng header ng blog mo.. uy malapit na cyang umuwi sa pinas.. pasalubong ha.. toinks.
ggod bless po sa bagong career mo na pinili..ingatz

18. yhen - October 13, 2009

wow, nagcocountdown ka na po sa pag uwi…

cge paramdam po kayo pag nakauwi na po kayo…

GodBless!

19. livingstain - October 13, 2009

mang jorge malapit na…. sabi mo “sa isang lingo na” ngayon naman “sa isang bukas na”

20. boypulubi - October 13, 2009

Totoo talaga ang sabi nila bons.
Siguro mabenta ang tissue sa iyo. hehe. ayos lang iyan.

Uy. Pwede ding magpabili?

Andami mo din palang natutunan diyan. Share mo na din lang sa bago mong vocation. Baka maging IT expert ang lahat doon. hehe.

Ingat sa biyahe bro.

21. Miel - October 14, 2009

isang tulog na lang kapatid!!! ingat sa byahe God bless you always…

22. joycee - October 15, 2009

“New chapter is yet to come”

I love it!

Sana ay bagu mu simulan ang new chapter na yan eh makipagkita ka muna samen, hehe. Godbless!

23. oddblood - October 20, 2009

sabi nga sa Philipians 1:6,
“he who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus.”

kaya naman after all those years of toil, of struggles and doubt, kahit minsan parang ‘di natin worth to be called by God, gagawa’t gagawa siya ng paraan para bumalik tayo sa kanya. At kung ano man ang mga mabuting magagawa natin, it’s not because we are good, but it’s the goodness of God working within and through us.

God Bless.. ^_^

24. jun-g - October 21, 2009

ilang araw nalang at magkikita na tayo… hehehe…

excited na akong marinig mga kwento mo.

see you soon!

25. dFish - October 27, 2009

Nasa Pinas ka na by this time i’m sure. Enjoy the new chapter, one day at a time. Some sections of the road may not be pleasant but they don’t it’s not worth your trying and staying. Been keeping you especially you and your aunt in my silence…

26. darbs - October 30, 2009

Jorge, nabalitaan ko pala doon sa parish ni Jun-g-the S.J . Ito ung sinabi niya…

Doon daw sa Arviso haws…

Jorge (aka Certified Palaboy) was there too. He was one of the retreat participants. After the retreat it was announced that he was accepted to the prenovitiate program of the Jesuits.

Goodluck parekoi!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: