jump to navigation

Chapter 1: Let’s Start with a Goodbye

Chapter 1 : Let’s Start with a Goodbye.

“Hello, Goodmorning!” sagot ko sa telepono, bagong number ang lumabas kaya medyo kinabahan ako. “Goodmorning! Can I speak with Mr. Santiago please?” tugon sa kabilang linya. “Speaking, how can I help you?” sagot ko naman, napaglunok na ko, parang tama ang hinala ko. “Hi, this is Evelyn from HR Department of Shell Malaysia, I just want you to know that your papers and your work permit are ready. We will ask you to sign your contract and to have early orientation on Saturday, will you be free that day Mr. Jorge?”. Natulala ako ng ilang segundo, nde ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Tuloy na tuloy na, eto na.. ‘This is it!’ eka nga nila. “Sure, I’ll be free on that day.” Nabubulol na ko dahil sa kaba, nde ko na din alam ang sinasabi ko. “That’s great, see on at 9, bye!”

“Eto na talaga” nasabi ko sa sarili ko habang umiinom ng tubig, pakiramdam ko natuyan ako ng laway sa maikling pag uusap na yun. Nagmadali akong nagligpit ng gamit ko sa table dahil lunch break na. Dali dali ko ding pinindot ang close button ng YM at Outlook ko para safe, walang makakabasa ng emails at chat ko. Alam kasi ng lahat ang password ng computer ko dahil sila minsan ang nagccheck ng POs online.

“Ready ka na ba, Jorge?” Tanong ni Kuya William habang naglalakad pauwi ng bahay, sya ang pinoy supervisor ko. “Readyng ready na! Hehehe! Konting ligpit nalang ng gamit ko, tas aakyat mamaya ung isang Chinese friend ko para magpick ng mga natitira kong gamit.” tugon ko naman, halatang parehas kaming excited pero malungkot at the same time. “Kelan ka daw babalik dito sa Malaysia?” follow up question nya. “Pinagrereport ako sa sabado, magpipirmahan na daw kami ng contract at may early orientation na din daw, sabi nila ready na daw mga papers ko pati work permit, passport nalang ang kailangan pagbalik ko dito. Dun na din siguro nila sasabihin kung kelan balik ko dito.” sagot ko nmn sa kanya, may kasamang lungkot at yuko ng ulo. “Ayos yan, Jorge, goodluck nalang sayo, wag kang makakalimot” pang huling salita ni Kuya William sabay pasok sa bahay. Walking distance lang nmn ito sa opisina, at dito kami nagluluto tuwing lunch time.

“Jorge, do you have a minute?” tinawag ako ng big boss ko, si Mr. Julian. Kakatapos ko lang ng lunch break, nde pa ako nakakaupo sa upuan ko ng tawagin nya ako. “Yes sir?” tugon ko sabay pasok sa office nya. “I already received your check out memo from the immigration. Your flight will be on Sunday, 9.00 in the morning and here’s your ticket. I will give you your passport later this afternoon but you still need to work tomorrow, ok?” wala na akong nasagot kundi “Yes, sir”. Magkahalong kaba, lungkot at excitement ang nararamdaman ko nung mga oras na un.  Kaba at lungkot dahil aalis na ako sa kumpanya na pinagsilbihan ko ng apat na taon. Marami na rin kaming pinagdaanan lalo ng boss ko, isa syang mabait at considerate na boss. Ayoko sanang umalis kaso kailangan kong magmove on at maggrow. Alam naman nya yun at alam kong naiintindihan nya ako.

“I just want to express my deepest gratitude for the chance you gave to my career. It was wonderful and memorable. I learned a lot of things, not only mentally but also emotionally. You’ve been a great boss and it hurts the fact that I will leave you and this company.” Medyo maluha luha na din ako nun, umarya na naman ang pagiging dramatic actor ko. “I will surely not forget you, Jorge. You are one of the employees who didn’t give me any problem and if you change your mind. I’m just a phone call away.” Sa pagkarinig ko nito, tuloy ng umagos ang luha ko, nde ko na napigilan sobrang touched ako sa sinabi nya. Alam ko, nagpipigil din ang boss ko, nahihiya sigurong makita ko na umiiyak din sya. “Well then, just give me your last hug!” request pa ng nya. Eto na nga ba ang pinakaayoko, ang magpaalam. Dito ako mahina, dito ako madalas bumibigay.

“Goodmorning! I have an appointment with Ms. Evelyn?” derechong tanong ko sa front desk officer. “Can I have your name please?” tugon naman nya. “It’s Jorge, Jorge Santiago” nanginginig na sagot ko. “Alright Mr. Jorge, please take a seat first and I will call you in a moment.” sabi ng front desk officer sabay ngiti habang pinapaupo ako. Napatulala ako sa napakagandang view galing sa 25th floor ng building B ng Twin Petronas, kitang kita ang roof top ng Maxis building na nuon ay tinitingala ko lang tuwing nakakapunta at napapadaan ako sa KLCC upang maglibot.

“Mr. Jorge?” tawag ng isang pamilyar na boses ng babae. “Yes Ma’am?” nahuli nya akong namamangha sa ganda ng view sa labas. “My name is Evelyn, and I’m the one who called you last Thursday.” Nakangiting sabi nya sabay shake hands. “Goodmorning Ms. Evelyn, please to meet you.” nanginginig kong sagot. “Welcome to Shell Malaysia. This is our office, the whole 25th up to 28th floor are owned by our company. Our main office is located in Damansara and our IT office is located in Cyberjaya.” Tuloy-tuloy na salita nya habang ako naman ay namamangha sa ganda ng opisina nila, mula sa information counter papuntang hallway, parang sa pelikula. Hindi ko kayang ipaliwanag sa ganda ang mga nakikita ko.

“Are you still with me?” tanong nya sa kin. Bigla akong namula dahil sa pahiya, “Yes, of course, I’m just amazed how good your office is.” “Just wait and see the other floors, you should prepare your tissue” pabiro nyang sagot sa akin. At nagpatuloy sya sa pag oorient sa akin habang inililibot nya ako sa sa buong 25th floor.

Pumasok kami sa isang malawak na opisina, at dahil Sabado, walang ganoong taong nagttrabaho. Umupo kami sa table nya at binigay ang isang folder na naglalaman ng documents. “This is your contract. Please read and review it, if you have any queries I’ll be around.” Nakangiting sabi nya sabay alis para siguro magkaroon ako ng privacy.

“Nosebleed naman to! Ang hirap intindihin!” bulong ko sa sarili. Hinanap ko na lang ang tungkol sa sweldo, annual leave, at benefits. Naintindihan ko naman at sang-ayon naman ang nakasaad sa napag-usapan naming nung interview.

“Do you have any questions?” sabi nya habang naglalakad palapit sa akin. “None” sagot ko. “Good. So, are we ready for contract signing?”, “Let’s get it done.” Mabilis na sagot ko na may ngiti. “So, what’s your plan after this?” tanong nya habang pumipirma ako ng kontrata. “Well, I need to finish packing my ‘oleh-oleh’ (pasalubong) for my family and friends then I will go to church for thanksgiving.” sagot ko habang pinapasa ang napirmahang kontrata sa kanya. “So, you’re a Christian?” tanong ulet nya na parang nagkukumpirma lamang, “Yes, I am” tugon ko naman. “Believe it or not, most of us here are Christians.”

“Come and I will show you your future office. You will handle four staffs and in your department, you will have four team leaders under the Chief Accountant.” niyaya nya akong tumayo at naglakad kami papunta sa isang maluwang na opisina.

Muntik ng tumulo ang laway ko sa paghanga sa opisina na pinasok namin. Napakaluwang, malinis at maaliwalas. Naglakad pa kami ng kaunti at dumating kami sa apat na malalaking cubicle. Sunod sunod ang pagkakaayos at ang pinakahuli ay isang closed door office. Sa isang cubicle ay may limang table, dalawa sa harapan, dalawa sa gitna at ung isa ay nasa likod. Ang taas ng dingding na naghahati sa mga cubicle ay katamtaman lang gaya ng normal na opisina. May mahabang table sa gilid ng dingding, nakapatong duon ang mga pagkain, coffee maker, electric thermos at iba pang pang handa ng meryenda. Sa kabilang dako naman ng dingding ay mga filing cabinet kung saan nakalagay ang mga files nila.

Dumating kami sa ika-apat na cubicle at, “Here we are Mr. Jorge, this will be your place and this will be your table.” sabay turo sa pang huling table na nag iisa. Malinis ang table na yon at ang tanging nakalagay lang ay isang bagong computer. Masasabi kong bago dahil may mga plastic cover pa ung mga cords, makintab at wala pang masyadong alikabok.

“As I’ve said earlier, you will have four staffs and they will orient you about the nature of our job and some policies. Anyway, when you come back here, I will endorse you to them. Do you have any questions?” sunod-sunod nyang salita. Ano pa nga ba masasabi kundi “Okay, thank you.”

Derecho ako sa St. John Cathedral pagkatapos ng appointment na yun. Tamang tama at bukas na ito. Naalala ko na Sabado nga pala at baka sakaling may misa at makapag offer ng pasasalamat. Nagtanong ako sa in-charge dun at sinabing 6.30pm pa daw ang misa. At dahil sobrang aga pa at matatagalan akong mag intay, pumasok nalang ako sa loob at planong magdasal nalang para magpasalamat.

May mga mangilan ngilan ding tao sa loob. May mga nagrorosaryo, mga nakaluhod at mataimtim na nagdadasal, may mga nagkukwentuhan lang, may mga palakad lakad at may mga nakaupo lang na tila ba nagpapahinga dahil sa kapaguran.

Lumuhod ako at nagsimulang magdasal. Nagpasalamat ako ng lubos sa blessings na binigay sa kin ng Panginoon. Eto siguro ang regalo sakin para sa aking kaarawan, ang isang bagong career. Nakuha ko pang magbiro at humiling pa ng isa para sa lubos lubusin na ang birthday wish. “Lord, matagal na po akong single, wala po akong nahanap sa Genting na kapalit ni Joy, baka nmn po pwedeng isama nyo na po sa birthday gift nyo un sakin bilang bonus?” Napangiti ako habang nagdadasal. Masyado naman yata akong nagiging demanding at baka sumagot si Lord, “Anak, isa- isa lang”. Nagsign of the cross na ako at ng tatayo na ako ay biglang may kumalabog sa may dulong bahagi ng inuupaan ko, isang babaeng nahilo. Nagulat ako kasi nde ko naramdaman na may umupo pala sa kinauupuan ko. Nagpanic ung kasama nya na medyo may edad na pero masyado namang bata kung sasabihin nating nanay nya. Pinaupo nya ung babae at nagmadaling tumakbo palabas para tawagin ang isa pang kasama.

Nahimasmasan na ung babae ng lapitan ko pero putlang putla parin ang kutis ng balat. “Are you ok?” kabadong tanong ko, “No.” sagot nya sabay pikit ng mga mata. Nde ko namalayan na nakahawak na pala ang kanang kamay ko sa mga kamay nya at nakaalalay na ang kaliwa kong kamay sa batok nya ng dumating ung mas matandang babae at may kasamang isang lalaki, nagsimula na ding magdatingan ang  mga taong nakikiusyoso.

“Thank you sir.” nag aalalang pasasalamat ng babae sa akin. “Is she okay?” tanong ko. Hindi na sumagot ang babae, halatang sobrang nag aalala. Nag-uusap sila sa Chinese language nung lalaki at binuhat ng lalaki ang nakababatang babae at tuluyan ng umalis. Hindi ko na sila sinundan. Napaupo nalang ako at napaisip. Ang bilis ng pangyayari, magkahalong awa at takot ang naramdaman ko, awa dahil sa kalagayan nya at takot dahil baka sa mga kamay ko sya bawian ng buhay.

Ganun pa man, hindi mawala sa isip ko ang mukha nya, makinis ang kutis, maamo ang mukha na parang anghel at mahaba at malambot na buhok. Matagal tagal din pala akong nakaupo ng…

“Hey, Jorge!”

Advertisements

Comments»

1. jhayr - September 8, 2009

wow astig! nkaka inlove nman yong story mo hehehe nagkita ba ulit keo nong girl na yon

2. rhiashiela - March 11, 2010

pabisita po.

punong-puno ng emotion yung kwento. parang dalang dala ako. ang galing mo. excited ako basahin yung mga susunod na chapters pero prang ayoko rin basahin at tapusin agad.

question po: fiction? true story? or fiction with a little bit of truth?

3. Josh Fernandez - March 23, 2011

hindi kaya siya yung kapalit ni Joy? ^_^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: