jump to navigation

Chapter 4: I’m Yours

Chapter 4 : I’m Yours

Parang napakatagal na ng pinagsamahan namin sa maikling panahon. Komportable na kami sa isa’t isa na parang bang pinagtagpo talaga ng tadhana. Walang araw na hindi kami nagtatawanan at nagbibiruan. Makwela talaga si Annie, masaya sa lahat ng bagay. Kahit sa pagpapakain lamang ng kanilang alagang aso ay tuwang tuwa na sya. Sa madaling salita, mababaw ang kaligayahan. Naalala ko minsan ng maaga kaming umuwi galing ng trabaho, sinalubong kami ni Sammie, isang Dalmatian dog na regalo sa kanya ng daddy nya nung graduation. May dala dala na syang dalawang pares ng slippers, isa para kay Annie at isa para sa akin. Mana sya sa amo nyang sobrang sweet.

“Thank you, Sammie!” pasasalamat ni Annie sabay himas sa buong katawan at habang tinatanggap nya ang sunod sunod na halik ni Sammie.

Dumercho kami sa likuran ng kanilang bakuran at dahil sa may kalawakan ito, malaya naming  nalalaro si Sammie. Napatingin ako sa langit, maaliwalas ito at ako’y biglang napaisip.

“Hey baby, get ready and we’re going somewhere.” anyaya ko sa kanya. Napakunot sya ng noo at nagtanong “Where are we going?”, “Somewhere dark, cold and private”, sagot ko sabay tawa ng malakas. Isang kurot at isang kiliti lang ang pinangbawi nya sa tawa kong iyon. Mahilig kasi ako sa sorpresa at alam nyang isa na naman iyon sa mga pakulo ko.

Iniwan na namin si Sammie sa bahay at sumakay na kami ng sasakyan at ako ang nagmaneho. “Where are you taking me?” pang limang tanong na nya ito simula ng sumakay kami ng kotse at puro ngiti lang ang aking sinasagot. Kulang isang oras din bago naming narating ang Genting at sa ikaanim na pagkakataon nagtanong sya “Where are you taking me? I’ve already been here so many times.”, “We will go to the place you haven’t been before, I promise.” pagggarantiya ko sa kanya.

Ang Genting ay bundok gaya ng Baguio City sa atin ngunit ito ay pribado. Lugar lamang ito para sa mga hotels, casino, theme park at para sa mga gustong unwind at magpalamig.

“Close your eyes now.” Utos ko sa kanya dahil malapit na kaming dumating sa sorpresang lugar para sa kanya at sumunod naman sya na tila bang batang sabik. “It must be good or else..” diin nya habang nakapikit parin.

Narating naming ang lugar at pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng daan. “Don’t cheat!” utos ko sa kanya ng pagbuksan ko sya ng pinto ng kotse at habang inaalalayan ko sya sa paglakad. “Now open your eyes…” marahan kong sabi sabay alis ng kamay ko sa kanyang mga mata at pagdilat naman nya. “Whoa!” nde sya makapaniwala sa kanyang nakikita. “This is awesome!” kasunod pa. “I haven’t seen Kuala Lumpur like this before!”

Dahil sa maaliwalas ang panahon, kitang-kita naming ang buong Kuala Lumpur. At dahil sa nasa bundok kami, ang gandang tingan ng mga ilaw at pati Twin Petronas ay kitang kita din. Malamig, maliwanag at tahimik ang paligid. May konting hangin na dumadapo sa aming katawan na nagtutulak sa amin upang magyakapan. “Thank you, this is amazing!” nilagay nya ang kanyang mga kamay sa aking batok at hinawakan ko naman sya sa kanyang baywang.

“You’re welcome, princess.” Tugon ko sabay halik sa noo, bumaba sa pisngi at sa labi. Biglang nawala ang lamig na aming nararamdaman ng mga oras na iyon. Napalitan iyon ng init galing sa aming mga katawang magkadikit at sa mga halik na puno ng kilig at pagmamahalan.

Umupo kami sa damuhan, nakaharap pa rin sa KL. Magkahawak ang aming mga kamay habang ang ulo nya ay nakadantay sa aking kaliwang balikat. Ilang minuto din ang nakalipas na puno ng katahimikan.

“This is one of the best night, I’ve ever had.” nakatingin sya sa mga mata ko ng sambitin nya ito.

“Mine, too” tugon ko naman sabay hinga ng malalim.

“I hope this night never ends.” bulong nya.

Dumating ang pinakahihintay naming araw. Ang pagpunta sa Tioman Island! Sabik na sabik kami na parang bata ng dumating ang araw na iyon. Ilang araw pa lamang ay nakaayos na ang aming gamit at hindi na rin kami pinatulog ng ilang araw dahil sa sobrang kasabikan.

Narating namin ang port Mersing sa takdang oras. Kailangan naming sumakay ng ferry papunta sa mismong isla. Mga 45 minuto ang pagbyahe bago namin narating ang destinasyon na iyon.

“Isn’t this wonderful?” tanong ko sa kanya. Nasa taas kami ng ferry, nakayakap ako sa kanya habang sya naman ay nakatalikod sa akin at pareho kami ng tinitingnang view. Talaga namang kamangha-mangha ang aming nakikita. Parang sa pelikula.

Hindi namin alintana ang init ng araw. Halos buong byahe ay magkayakap kami. May ilang mga tao din na nasa taas, ang iba ay sumusulyap sa amin at ang iba naman ay walang pakialam.

Dinala ko ang aking tripod para sa aming camera. At dahil pareho kaming mahilig magpapicture, walang sandaling pinalalagpas.

“Let’s have a wacky shot!” sigaw nya pagkatapos iset ang automatic shot. Tumatakbo pa lamang sya palapit sa akin ng magclick ang camera. Nakaset pala ng 2 seconds ang camera kaya mabilis nagclick. Hindi matawaran ang tawa namin ng makita namin ang larawan na iyon. Mukhang syang hinahabol ng kung ano sa larawan habang ako naman ay akmang sasalo sa kanya na nakaunat ang dalawang braso at nakatawang sagad hanggang tainga.

“But hey, seriously, I love this shot!” sabi nya at sumang-ayon din naman ako. “It’s so real.” dugtong ko naman. “I wanna blow up this and put it in a frame.”

Niyakap ko sya ng mahigpit hinalikan sa noo. Hindi kasi pwedeng humalik sa labi dahil may mga batang naglalaro at baka makita kami at magsumbong sa kinauukulan, mahirap na.

Bumulong ako sa kanya, “I love you.” naramdaman ko ang kilig na may kasamang kiliti dahil ibinulong ko iyon sa bandang likuran ng kanyang tainga. Sinuklian nya ako ng haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi at sinabing “I love you too.”

Dinerecho kami ng tourist guide sa isang resort na malapit sa tabing dagat. Nasa ituktok kami ng burol at ang gilid nito ay dagat na. Pribado ang resort na iyon at halatang mamahalin.

“Whoa!” sabay kaming namangha sa napakagandang tanawin na aming nakita. Malakas ang alon ng tubig, mahangin, mainit, tahimik at mailawalas ang panahon. “This is perfect!” nasabi ko ito dahil na rin sa aking pagkamangha sa aking nakikita. Magkahawak na nuon ang aming mga kamay at nagsimulang magkuhanang muli ng picture.

Ng maayos na namin ang aming mga gamit, nagpasya kaming lumabas muna at maglakad lakad. Nakaharap ang isla sa lubugan ng araw at kitang kita namin ang paglubog ng araw.

Bumaba kami ng burol at naglakad sa gilid ng dagat. Tahimik na ang mga alon ng mga oras na iyon. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa tubig. Napakaganda ng tanawin, walang makakapantay at walang salita ang makakapaglarawan.

“This is amazing!” pabuntong hininga nyang sambit. “God is truly great! He made these things for us.” pahabol nya.

“And He created you for me.” tugon ko naman. Isang makabuluhang ngiti ang sinagot nya sa akin at mainit na yakap. “Do you know how truly blessed I am to have you?” pagpapatuloy ko, tumingin na sya sa aking mga mata, nakangiti at tipong nde alam ang sasabihin. “You are one of the greatest gift that God has given me.”

Nakita ko na naluluha na sya kaya nde na ako nagpatuloy. Niyakap nya akong muli, ngaun ay mas mahigpit, mas mainit. Ramdam ko ang kabog sa kanyang dibdib. May kaba, may takot.

“I love you, Jorge.” Tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Muli syang tumingin sa akin at niluwagan ang yakap. “I don’t want to loose you but there is something you should know.” Nde na napigilan ang kanyang pagluha. Nanginginig ang kanyang boses, marahil sa takot o kaba na nde ko mawari, nde ko maintindihan. Ngaun pati ako ay nalilito na rin. Ayoko ng iyakan, ayoko ng may kaba kaya inilagay ko ang aking daliri sa kanyang mga labi at pinigilan syang magsalita..

“Ssshhh… stop. There’s nothing to worry about. Whatever it is, I will definitely understand. I don’t want to see you crying, it breaks my heart.” Naiiyak na din ako ngunit nagpigil ako. Ayokong masira ang aming masayang bakasyon. Hinalikan ko sya sa noo at sa labi, hinagod ko ang buhok na nasa mukha nya at hinaplos ang kanyang pisngi. Paniniguro ko na lahat ay magiging maayos at habang ako ang kasama nya ay wala syang magiging problema.

“I’m so corny” biro nya sa sarili sabay tawa. “Hehehe, well at least you know now” dinagdagan ko pa. Nagtawanan nalang kami habang nagpupunas sya ng luha. Bigla ko syang binuhat at dinala sa tubig. Wala na syang nagawa kundi sumigaw at sumunod sa gusto ko.

Para kaming mga batang naglalaro sa tubig. Nakikisabay pa ang lumalakas na alon ng dagat, tila bang nakikilaro din sila sa aming kasiyahan na ilang minuto lang ang nakakaraan ay mahinahon.

Tuluyan ng lumubog ang araw at nagpasya kaming bumalik sa aming unit upang maligo. Lumabas kami para kumain sa isang seafood restaurant. Paborito naming ang dalawa ang seafood kaya nmn pinili naming ang steamboat tom yum.

“Do you want go clubbing?” tanong ko sa kanya ng kami ay napadaan sa isang bar habang kami ay naglalakad pauwi. “No, I don’t want. I only want to spend my whole night with you.” tugon nya. Sa mga oras na iyon, pumalakpak ang aking mga tainga sa tuwa. Para akong binata na kinilig at para akong first timer sa pag-ibig. Ako naman ang nde makapagsalita.

“Uhm.., Thank you.” Un lamang ang aking sagot. Marahil sapat na ang aking ikinilos upang sagutin ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha at sapat na iyon upang ako ay magblush. Kumabog ng aking dibdib.

Hinalikan ko ang kanyang kamay nya na kanina ko pa hinahawakan at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Naupo kami sa tapat ng aming unit. At dahil burol ito, kitang kita ang dagat sa baba at mga nagkakakasiyahan.

Nagdala ako ng isang boteng wine at dalawang baso. Pinuno ko ng tigkakalahati ang bawat isa at inabot sa kanya. “Let’s celebrate!” yaya ko sa kanya. “Celebrate what?” tanong nya. “Let’s celebrate our love.” tugon ko naman.

 Tama pala ang kasabihan nila na nagiging corny ang isang tao kapag ito ay in-love. Uminom kami ng isa at nagkatinginan. Nagdampi ang aming mga labi. Maalab, matamis at puno ng pagmamahalan ng biglang tumunog ang kanyang celfone. “It’s dad, I need to take this.”

Abala naman” bulong ko sa aking sarili habang nagkakamot ng batok. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na din sya. “What did he say?” tanong ko. “He’s checking us on what we’re doing, hahaha” pamimilosopo nya.

Niyaya ko syang humiga sa damuhan. Magkahawak ang aming mga kamay at nakatingin sa langit. Kitang-kita naming ang mga bituin at bulalakaw. Hinanap namin ang buwan ngunit hinde namin nakita.

Nagsimula syang magsalita..

“Have I told you about my mom? She died in leukaemia when I was 10.” pauna na. “Oh, sorry about that” tugon ko agad. “No need to say sorry.”

“My father loves her so much that until now he cannot find someone to replace her. I felt their love that is so deep. He took care of my mom when she was very ill and he never gets tired.” Nanginginig ang kanyang boses, hinayaan ko lang syang magsalita. Hinimas ko ang kanyang mga kamay.

“Before she died my mom asks him not blame God for what’s happening. For everyday is a blessing that she is still alive and they should enjoy every moment of it..

I still remember my dad giving flowers to my mom every afternoon from work. And yes, it’s costly that’s why sometimes he will just pick flowers from the hospital’s garden just to give to my mom. He’s very naughty… he will do everything just to make my mom happy even in a the simplest way.”

Kahit madilim, nakikita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Bata pa lamang sya nuon ng makita nya sa kanyang mga magulang ang tunay at wagas na pagmamahalan. Ramdam ko ang kanyang lungkot, ito’y walang pagsisisi at walang pait. Ibinuka ko ang aking kanang braso upang makahiga sya sa aking dibdib. Duon ay tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. Niyakap ko sya ng mahigpit, hinaplos ang kanyang balikat.

“It’s okay.” bulong ko sa kanya habang hinahalikan ko sya sa noo.

“And on her remaining month, my  parent’s love grows deeper and stronger. My dad resigned on his job so that he can take care of my mom 24hours a day. He’s always on her side and they always talk, laugh and pray.

Until she finally rest..”

Bumangon kami sa pagkakahiga. Niyakap ko sya ng mahigpit. Tumigil na din sya sa pagluha.

Bigla akong nakaramdam ng kabog ng kanyang dibdib at tila bang may umagos na parang tubig sa aking dibdib. Mainit at madami.

“Oh my God, you’re bleeding!” sigaw ko.

Comments»

1. bonistation - November 25, 2008

una muna ako haha ma pre screening ticket ako kay parekoi! sorry kayo haha kaya una ako. mamaya na coment babasa muna ako

Hahaha, akala ko naman nabasa mo na agad, sobrang bilis! toinks!

2. bonistation - November 25, 2008

maganda talaga sa genting.sobrang lamig at fresh ang hangin!

hala, alam kona mangyayari.. tsk. tsk… life is unfair….

Hehehe.. wag kang maingay!

3. TeenToinks - November 25, 2008

She’s bleeding??? HUUWWAAATT?? ano nakunan na agad?? hay apoo.. bat wala akong nabasang “bed scene” toinks!

Oh sya.. bitin! bilis Chapter 5 agad!

Cheh! kapag naman bleeding un na agad ang inisip mo, dinudugo ang tenga nya no, toinks!! Tinanggal ko ung bed scene dahil magmumukhang xerex! bwahahaha!

4. bonistation - November 25, 2008

kahalay mo tina! ke babaeng tao eh! PUMINO ka!

5. ♥just_me♥ - November 25, 2008

….mapapanaginipan ko pa ito mamaya! hahaha..
anu ba yan lalo namn ako na atat sa part 5!

hrrrrrrrr………nakaka,…

killlliiiiiiiiiggggggggggggggg naman!

wahahahah!

talbog ang mga pocket book na nabasa ko nung highschool pako!

may mga na cut bang eksena?? (joke lang po!) nyahahaha..

thanks for sharing your story sir jorge,.. moving sya (yan ha kahit di pa tapos may naimove na! hahaha.. seryoso!)

….next chapter please.

Aww!! Thank ng marami sa pagappreciate! Isa ka sa mga reasons why i keep on writing, hehehe.. Maraming nacut lalo na ung bed scene kasi mag aala xerex na sya, toinks!!

Thank u ulet. Kita kits sa chapter 5!

Godbless!

6. rache - November 25, 2008

yaiks ano kaya magiging ending nito… happy or sad.. sana naman maging happy… hehehehe… ganda ng story mo jorge. aba hindi ko pa nasubukan magbasa ng tagalog pocket book ha – first palang to at ang ganda… galing mo! 🙂 keep writing… dali san na ang part 5… heheheh we’re waiting…

PS. buti nalang at my mga pictures ka ng genting medyo may idea kming hindi pa nakakarating don on how it looks.. 🙂 dapat mrami pang pictures ng places ha..

@tina — oi nahahawa ka na kina bons at basti ha… kaw talaga 😉 jokejokejoke

Wow! nakakataba nman ng puso ang mga comments, hehehe.. Thank u ng marami. As in!

Kakaflatter din na first time mo palang magbasa ng tagalog pocketbook, hehehe…

Salamat salamat salamat!

7. Mr. Siopao - November 25, 2008

Sigh…………

1. Hindi makatarungan! Bakit ni-cut ang bed scene? (pinapatanong ng yaya ko)

2. Hulaan ko: May suot na kuwintas na silver si Jorge na pang-hip hop… matalim ito at korteng bungo… natusok ang dibdib ni Annie… natusok ito kaya nag-bleed (eeewww… gory)

3. Ito ang hindi ko kinaya: “Somewhere dark, cold and private….. Isang kurot at isang kiliti lang ang pinangbawi nya sa tawa kong iyon.” (na-imagine ko kasi ang author at si Tina na nagkukurutan sa dilim — i wana vomit!)

4. “Now open your eyes” (kala ko biglang kakanta si Jorge ng “Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot” — Ang corny ko! Toinks sa akin!)

5. Sabi mo walang “kilig factor”. Meron naman in fairness. Mas kinilig lang ako ng kaunti sa Chapter 3 kasi unang madamdaming tagpo iyon. Puwede mo naman i-builp-up sa Chapter 5 (nakialam daw sa plot!)

6. Tama ka Bonifacio… nababasa ko sa aking bolang kristal na hindi yata magiging happy ang ending nito. (well… malay natin magka-meron ng twist sa huli)

7. @Tina – OA naman sa reaction. Nakunan ka diyan! Wala pa ngang bed scene ea (umaasa pang magkakaron?!)

Abangan ang ikalimang kabanata!

Wanna go to Genting one of these days. Pasyal mo Moymoy Palaboy ha. Sana next year! (maybe after my ordination? Hmmmm…)

P.S.
‘Yung mga naunang mag-comment, libre kasi ang ticket sa advance screening. Sa “gala showing” ako nanood, puro sponsors lang kaming present. You know….

Hahaha, astig! Thanks rev! sa haba ng comment mo nde ko na alam ang irereply ko, hahaha.. Basta, wait nyo nlang ang susunod na kabanata.. Salamat sa pagsuporta! Salamat sa comment!

Wag sana kayong magsasawa.

Godbless!!

8. TeenToinks - November 25, 2008

@BON at Mr. SIOPAO: Niaaway nyo ko! Niaaway nyo talaga ako! amp!

9. revsiopao - December 10, 2008

Kailan kaya ang PART5?

Naku, baka matagalan pa rev, sobrang busy eh, huhuhu

10. TeenToinks - December 10, 2008

tagal nga ng PART 5!!! Ahihihi Pressureness.. teka nag rereklamo ka ba dun sa new entry mo?? sige mag rereklamo din ako sa Part 5.. bilis gawin na…

BILIS…. BILIS… Now na! Isorbo ang trabaho!

Cheh!!!

11. King - December 18, 2008

super bitin ako Jorge! Magaling ang pag kakanarate ng storya, prang xerex (Toinks!). Seriously, maganda at kinilig ako.

More,more, moreeeeeee!

Thank u thank u!!

12. mitch - December 19, 2008

hi nice story ,,,kya lng nk2bitiin ,,kyln b nxt chapter?blisan m paggwa or kylngan p ng suhol hahaha pra lng ma in the mood k s pag sulat..kilig factor nman kya lng wag nman sad maging end ng stories mo..hay kylan k kya mging in the mood s pag sulat bka atupagin u nman ei laboy mt2galn p cgrdo ang nxt nito..p gandahin u p at mrami kilig factor huh ( request b? ) …

Hahaha, ayan, pressured na ko… I will try to write this week. Salamat namn at naappreciate nyo.

13. glesy the great - December 29, 2008

ahaha.. natawa naman ako sa comment ni rev…

hmmm.. ngayon alam ko ng mahilig ka sa chinitang babae… feeling ko yung iba jan eh based on a true story…

parang oh no, ayaw ko ng basahin ang ending… one of the reasons kung bakit di ako makapagdecide kung magugustuhan ko ba o ihahate ko si nicholas sparks.. kasi naman lahat tragic ang ending…

ayaw ko talaga ng hindi happy ending parang gusto kong sumulat ng sarili kong happy ending… cheers;p-glesy the great

Hehehe… ang ending? CHIKLET!!

14. glesy the great - December 30, 2008

chiklet.. chiklet pang nalalaman… asan na yung part 5 sobrang bored na ako!!!!!!!! cheers;p-glesy the great

15. rhiashiela - March 11, 2010

ano po ung secret? Urg!

16. oxymind - March 26, 2010

2010 na bro.jorge..asan na ang chapter 5 nito???? sabi mo nung dec.19, u will try to write the week after…mmmmm…parang ilang new year’s eve pa ba ang aantayin bago magawa ang ch.5 hahaha…ngayon lang ako nkapag marathon sa pagbabasa ng tagalog classikxxx…gusto kong isipin na happy ending eto..pero mukhang magiging dramedy pa yata awwwwwwwwwww….sana naman bago matapos ang Abril eh meron ng kasunod eto hahaha…(Lalong nang-pressure ba?? nyahaha)..

may potential kang sumunod sa mga kwento ni madam charo hehe…astiggggggggggggg…parang TM!!!

17. Josh Fernandez - March 24, 2011

very romantic ka pala IDOL.. ^_^…. pero bitin pa din kailangan ng Chapter 5….


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: