jump to navigation

Buhay sa Loob (Ulet!) January 15, 2010

Posted by Jorge in Random Thoughts.
trackback

Eto ang part two, though nde pa tapos kasi araw araw may iba’t ibang mga pangyayari..

1. May libre sine kami sa school. Linggo linggo, tuwing huwebes, nanonood kami ng sine sa Ateneo para sa subject naming Philippine Cinema. Pagkapanood namin, gagawa lang kami ng review or comparison at ayun, may grades na! Un nga lang, dapat kaming magtyaga sa mga pinoy movies na alam naman nating cheesy ang karamihan.

2. First time kong kumunta sa harap ng marming tao. Alam ng lahat na kahit happy birthday song ay palyado ako, kaya naman pati sarili ko ay nagulat ng utusan akong kantahin ang first part ng ‘Pasko na Naman’ nung family day namin last December.

3. Walang perfect community, kahit sino pwedeng mabiktima ng chismis at maging laman ng kwentuhan. Talo pikon talga at dito, hehehe

4. I gained two kilos for two months! Nakakatakot kasi baka kapag pari na ako, maging bulldozer na katawan ko sa taba!

5. Bawal kaming magsando sa loob ng bahay at magshort kapag nasa labas. Medyo conservative ang directors namin pero ciempre matigas ang mga bungo namin, nagsshort parin kami sa labas kapag nde nila nakikita, hihihi!

6. Nangaroling kami sa mga RVM sisters last Christmas at nakilala namin si Sr. Lourdes ang isa sa pinakamatanda pero pinakasweet at lovable sister na nakilala namin. Ciempre sayaw sayawan kami, hehehe.

7. Nung workshop namin sa Novitiate, sa Sapang Palay kami nagpunta at bumisita. Dun lang ako nakakita ng church na ang lagayan ng Holy Water ay maliit na planggana na nakasabit lang sa bakal, sahig na parang kalsada, upuan na tagpi tagpi na kahoy at ang mga parol ay gawa sa basura. Nakakalungkot ang kanilang kahirapan pero kung makikita nyo naman ang pananampalataya nila, over to the maximum level lalo na ang mga bata!

8. Sa workshop parin sa Novitiate, sa gabi lang ang ligo meaning bawal ang maligo sa umaga, para daw matanggal ang pagiging vain ng isang novice kaya ng magpunta kami sa Sapang Palay, nangamoy tuta talga ako, nde ko talga matake ang sarili kong amoy!

9. Ang apostolate namin ay sa Payatas, dun kami tuwing Linggo. Nagtuturo sa mga kabataan, mga bata at mga nanay. Dun mo makikita ang kasimplehan ng buhay pero at the same time, solid na solid ang samahan nila dun, at madadama mo na talgang mahal ka nila, nakakamangha!

10. Ngaun ko lang natapos basahin ang buong book ni Mark sa Bible. Kung nde pa assignment sa Theology, nde ko pa mababasa ng buong buo un. Nakakahiya..

Yan muna mga kapatid! Busy busyhan ang kapatid nyo! Godbless you always! I will include those people who will read my blog in my prayers.

Toinks!

Advertisements

Comments»

1. bonistation - January 15, 2010

wow, mukahng tuloy tuloy na ang kwento ah.. naalala ko ang buhay seminaryo, tuwing kakain kailangan naka pants at hindi pwede ang shorts tapos before kumain may reading from the holy bible..then ang pagbasa ang magiging isa sa mga kwentuhan habang kumakain.

so marunong ka ng kumanta?! baka naman pagkatapos ng ilang taon eh mag coconcert ka nadin kasama nila bro utoy hehe. sapang palay sa bulacan ba yun? simple ng buhay.. pag may mga ganung mas maaapreciate mo yung kung ano meron ka…

GOD BLESS!

base ako hehe! ^^

2. BatangMangyan - January 15, 2010

gilas naman ng bonistation, palibhasa may sariling tren, amp! bibili din ako ng tren 🙂

anyway, saya naman talaga pala sa loob ng haus..ipagpatuloy mo lang ang nasimulan mo parekoi, at sigurado akong magbubunga ng sobra-sobra na hindi mo inaasahan. konti na lang, malapit mo na ko maingganya, konti pa. hahaha. good luck na lang ulit sa mga susunod pang mga tests. keep praying. God bless PARI-koi!

3. blurosebluguy - January 15, 2010

hmmmm..unti-unti mo nang tinatahak ang buhay na napili mo…..pasasaan ba at masasanay ka rin..hahahaha….

4. Roger - January 16, 2010

hmmm. pwedeng magcomment? hahaha.
ang saya naman ng buhay niyo dyan sa bahay na yan. Arvisu ba name ng house? sana one time, makapunta ako dyan. atsaka yung mga tao dun sa mga picture sa isang post mo, MUKHANG MABABAIT. sana sa personal, mababait din sila. sana talaga 😀 hahaha.

well, seriously, sa bawat punta ko dyan every week sa higit isang taon na, it really helps. yang Arvisu ang stress absorber ko eh. i dont know kung titira ako dyan one day, but one thing’s for sure, i feel at home in Arvisu. siyempre, because of the people who live there and siyempre, dahil na rin siguro dun sa nakatira sa 3rd floor 😀

ingat! 😀

5. teentoinks - January 17, 2010

Ang daming bago sayo ha… bukod sa nadagdagan ka ng 2kilos (#4), kalbo ka rin ngayon. At wag ka… kumakanta ka na (#2)??? HUUWWAAATTT?? weh di nga? Kamusta naman yun? San banda ka humugot ng boses? hehe at sumasayaw ka pa (#6), woot woot!

#7. Nice to know – having less pero nag uumapaw ang faith! Hope is always there.

#9. Ahh.. what a meaningful life. Ang saya naman!

Enjoy parekoi… God Bless! hamisya!

6. jay cee - January 17, 2010

gud pm, dude 2loy n tlga ang pagiging pari u, tgal ntin ndi ngkta tpos mlalaman q n mapapari n pla u, cge gud luck at sna magsucsessful u sa npili mong lyf,

7. livingstain - March 1, 2010

kala ko hindi ka na nagsusulat… babasa ako ulit sa mga susunod…

8. Josh Fernandez - March 23, 2011

pero ngayon Idol magaling ka ng kumanta in fairness.. ^_^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: