jump to navigation

Nakitag kahit walang nagtag! February 11, 2009

Posted by Jorge in Random Thoughts.
30 comments

Makikitag muna ako kahit walang nagtag sa akin. Nag enjoy kasi ako sa mga 10 things na nabasa ko sa mga fwendly bloggers. Sabi ko mag iipon din ako nyan at ipopost ko nek time kahit walang nagtag sa akin, hehehe…

Wag kang mag alala Ate Powkie, ung tag mo sa akin, gagawin ko din after nito.. Malakas ka sa akin eh, ikumusta mo nlng ako sa drayber at butler nyo dyan, toinks!

Eto ang rule:

Magsabi ng sampung bagay bagay tungkol sa sarili mo. Syam na totoo at isang kwentong barbero o kathang isip.

Pergi!

1. Nung bata pa ako, mahilig akong manood sa black and white tv. Ang akala ko eh black and white talga ang kulay ng mga tao nung araw at nagkakulay nalang nung panahon ko, kaya lagi kong iniisip, ano kaya ang magiging kulay ng mga tao paglaki ko? hmm…

2. Nangyari na ito dito sa KL. Birthday ni Joey at Iris nun ng malasing ako ng bonggang bongga. Nalasing ako sa fruit salad na ginawa ni Nay Gigi, sa sobrang sarap kasi ang dami kong nakain at ginawa ko pang pulutan kaya ayun, suka ako ng suka. Nagpasundo ako kay Nick at habang nasa daan, nagsusuka ako, nde sa loob ng sasakyan ha. Binuksan ko nman ung bintana at dun ako nagsuka. 30minutes akong nagsusuka sa labas ng sasakyan habang umaandar. Pagdating namin sa condo unit, dumercho kami sa linisan ng sasakyan, tinutukan ako ni Nick ng hose ng tubig sa bibig at sa suka kong nakakalat sa pintuan ng sasakyan nya. At kinabukasan, may work ako ng 8am, hehehe.. 

Moral lesson: wag gawing pulutan ang fruit salad, ok?

3. {Yabang Mode}. Nung college kami peborit teacher namin aside Atty. Libay eh si Sir Tito. Terror kasi sya, as in may gulok na hawak sa kamay kapag nag eexams kami. Magaling magturo kahit mahirap ang subjects. Mahina kasi ako sa self study pero kapag magaling ang nagtuturo sa akin eh may utak utak naman ako kahit papaano. Magaling magpressure si Sir Tito kaya nakapag aral ang inyong lingkod ng todo todo at nag exceed sa limit at nagjump over to the maximum level ang review at pag-aaral ko kaya puro flat 1.0 ako sa lahat ng mga subjects nya at take note mga major subjects un. {*end of Yabang Mode*}

4. Takot ako sa heights. Bata pa ako nun ng paakyatin ako sa bubong ng mom ko para linisin ang alulod namin. Uulan na kasi nun at kapag nde ko nalinis ung bara, papasok sa loob ng bahay namin ang tubig. Ayun, 30mins, 1hour na ang nakalipas, nasa bubong parin ako, ang problema kasi nde ako makababa! Takot na takot ako eh ang bubong namin ay wala pa yatang 8ft! Umulan na’t lahat, nasa bubong parin ako hanggang sa sunduin pa ako ng ate ko sa bubong para alalayang bumaba. Magkahalong luha at sipon ang humulas sa mukha ko. Simula nun nde na ako umaakyat kahit sa mga puno.

5. Nde ako marunong kumanta. Kapag nagkakainuman at nagbibidyooke sila, ako taga pakinig at taga tawa lang ng mga wala sa tono pero never pa nila akong narinig na kumanta, eh kasi nmn kahit happy birthday song eh palyado pa!

6. Ayoko ng sugal, ayoko ding tumataya sa kung ano ano. Pero dahil ang uncle ko ang pinuno ng jueteng sa baryo namin, napilitan akong tumaya nung unang bakasyon ko. Tumaya lang ako ng 10pesos at mantakin nyong nanalo! Nagsisi pa tuloy ako kung bakit sampung piso lang ang tinaya ko.

Moral Lesson: Dapat magset ng minimum taya ang jueteng na 20pesos.

7. May nag email sa akin nagtatanong kung interesado daw ba akong maging subject nya sa isang photoshoot. Gagawin daw nya akong model sa kanyang ginagawang brochure para sa wedding edition ng kanilang shop. Nde ko sya personally kakilala pero friend daw sya ng friend ko. Nakita daw ung pics ko sa friendster. Nagdalawang isip ako kasi baka nde totoong photographer un, mahirap na. Pero nung nagmeet na kami, pinakita nya sa akin ung mga gamit nya at binigyan nya ako ng calling card at sample brochure na sya mismo ang kumuha ng mga pictures. Pagkatapos nun, nde na ako nagpakita sa kanya. Wag nyo ng itanong kung bakit. hehehe..

8. Madali akong mairita lalo na kapag gutom. Kung lagi nyo akong kasama dapat alam nyo na yan. Kaya ang mga kaibigan ko eh lagi akong dinadala sa mga kainan {nde nmn obvious}. Kumukulo ang dugo ko sa mga munting bagay kapag walang laman ang tyan ko pero parang switch on/off naman kapag nakakain na ako, para akong angel sa sobrang bait. *wink*

9. Computer teacher ako sa Canossa School Sta Rosa dati. Loves ko mga bata pero nde ako pedopelia no, good boi yata ito. *ahem* Nagturo ako sa 16 sections from grade 3 to grade 6. Dun talga ako nag enjoy sa work ko. Kahit mga makukulet at maiingay ang mga bata, ok sa alright parin para sakin. Kahit sobrang nakakastress ang maghapong trabaho ay sisiw parin dahil nawawala naman ang mga yon sa lambing ng mga estudyante ko. Kaya kung mapapansin nyo ang friendster account ko, ‘Sir Jorge” ang name ko dun kasi majority ng mga nasa friend’s list ko eh mga dati kong estudyante.

10. Lagi akong nagkakatonsillitis. Hanggang ngaun nga may sakit parin ako. Sabi ng mga doktor ipatanggal ko na daw. Pinag iisipan ko nga kung gagawin ko ang removal dito sa Malaysia o sa pinas. Covered naman daw ng insurance namin dito, kaso nga lang, wala nmng magttake over ng workload ko. hayz!

 

Oh ayan, sabihin nyo kung ano ang kwentong barbero dyan. Nde ko alam kung gaano ako kagaling magsinungaling eh. 

Wala akong itatag kasi nde nmn ako naitag ninoman. Enjoy enjoy lang.. hehehe..